Isang gabing iyun

“Tara! GHOST HUNTING tayo!” yaya ni Pam.
kasama ang 3 kasama nya na kaklase 4th yr highschool.
dahil ang araw na iyun ay sembreak. at nag balak mag ghost hunting
dahil halloween naman ng gabing iyun.

“Parang hinde magandang idea yan a.” Tutol ni Enma.

“Bakit natatakot ka?” ani naman ni Cely.

“Oo nga tsaka dapat may memorable tayu nuh—yung bang may mangyari?” ani ni Pam.

“Nga naman tama si Enma, sa dami dami ng magandang gawin na memorable bakit ghost hunting pa?” ani ni Lyn.

“Sige na guys naman ohh! mag graduate na tayo at least may picture tayo?” pilit ni Pam.

“O siya sige papayag na kami , pero ito na talaga last...” ani ni Enma.
* ang dami na nga natin picture e* sa isip niya.

“YESSS!, so anu na tara na a”


May alam silang lugar kung saan talaga haunted.
Sa isang lugar kung saan walang katao- tao, mala-ghost town nga dahil ang kuwento doon sa mga dating nakatira,
ay maraming tao na namatay dahil sa pagtatanggol ng kanilang lugar mula sa mga pulis at demolisyon team noon matagal na panahon.
(squatters area) karamihan lahat ng masasamang loob o masamang impluwensyang tao ay nasa lugar na iyun na nasawi.
wala ngang subok pumunta sa nasabing lugar dahil pinaniniwalaang may multo doon.
matapos ang madugong gulo.


Ilang beses muli na sinubukan sirain ang mga barong barong doon na bahay
pero na sisira ang kanilang mga kagamitan sa pag demolish,
nagkakaaroon din ng mga ilang aksidente sa mga empleyado
at iba pa ay nababalitang nakakita daw ng hindi maipaliwanag na mga kakaibang nilalang.
Marami ding ilan sa kanila ay bigla nalang nawawala o di kaya nasisiraan ng bait (sa mga nakaligtas.)
Kaya mag mula noon wala nang sinu mang tao ang nagtutungo doon sa abandonadong lugar na iyon.


Samantala ang 4 na magkakaibigan ay pumunta sa naturang lugar.
gamit ang hi-tech na camera na naka night mode o flash na napakalinaw
at yung isa sa kanila ay nag dala nang flash light.
Dahil sa lugar na iyon ay na napaka dilim.


Ng biglang may kung anung gumalaw na tunog.


Nagmumula ito sa gilid nila sa isang sulok sa tabi ng basurahan.
Habang naglalakad sila ng tinutukan nila ng flashlight ito at gumulat sa kanila

ang isang pusa at dinaanan lang sila nito.


Napabuntong hininga sila.


“Waaah! w-wag na lang kaya tayo tumuloy?!” sabay yakap kay Pam si Enma.
“Anu ka ba? pusa lang yan! naniniwala ka ba talaga may multo dito?
'nu ka ba panahon pa ng mga lola natin yan kuwento na yan isa pa hindi pa tayo nakakalayo
nasa entrance pa lang tayo papasok, saglit lang tayo promise!”


Tumango lang si Enma na tila kinakabahan.
makalipas ng 30 mins na paglalakad, narating nila ang isang lumang mahabang underpass at may grills na bakod ito sa gilid
at mula sa likod nun ay isang napakadilim na bahagi ng tunnel. Gamit ang flashlight tinitignan ang paligid.
Mga dingding puro sulat at gamit tila uling iba ay sunog at iba ay tuyong dugo?

At nasa kalagitnaan na sila ng underpass.

“W-woww! Haunted nga !” kinakabahang hindi halata kay Pam.

“Dapat hindi na tayo pumunta dito,” ani Cely.

“Bakit?”

“H-hindi maganda kutob ko!”

“A-ako din.“ ani din ni Lyn.


At saglit sila nagkaroon ng katahimikan.


“ O-ohh siya sige na nga! hanggang dito na nga lang tayo tutal w-wala namang multo.
pero bago muna umuwi Groupie muna. Para palatandaan na nakarating tayo dito na matapang!” ani Pam.
“Sige na! one shot lang ahh!”

“Cheeezzz!!!”ani nila sabay flash ang camera.

Matapos nun ay tinignan nila ang camera.
At nagawa pa nilang mag asaran sa litrato.

“Ang daaya nakapikit ako dun e! Isa pa oy!” ani ni Lyn.

“Oo sandali lang ... ok naman ahh?!”ani ni Pam.

“Akin na nga yan! “ sabay hablot ni Cely ang cam.

“T-teka ingatan mo naman yan!” ani ni Pam sa kanya kase ang cam.


Habang nag tatawanan sila natigilan si Cely matapos mapansin ang ilan sa mga litratong nakuha.


“Ahh! g-guys? check nyo to! Tignan maige!” ani ni Cely.

Sa likod nila mula sa litrato sa grills ng madilim na bahagi.
May isang tilang lalaki na imahe sa di kalayuan na nakatalikod
at hindi makita ang kalahati ng katawan niyang hubad ang itaas niya ay napakapayat-- sa likuran ni Lyn.

“Ano ito?!” nginig ni Pam.

Lahat ay natahimik at nag katitigan sa isa't-isa.
At si Enma ay nanginginig na itinutok ang flashlight sa mga grills
sa madilim na bahagi—para malaman kung sinu iyon.


pero wala sila makita.


Pero si Cely ay may naisip kumuha siya ng litrato ulit
sa pwesto kung saan sila nagpose. At 2 shots agad. Habang nakatutok parin ang flashlight sa grills


Nakita nila sa unang pic.
Na tila dahan dahan lumalapit ang imahe at humaharap mula sa malayo.

Pangalawang pic malabo parin makita ng mukha pero
kita na nakaitim na pants ang lalaki at papalapit na.


“Cely aalis na tayo tama na yan!!!” panik ni enma.


Ng biglang nakarinig sila na tunong sa grills na gumalaw at rinig ito sa buong paligid (echo)
pero ng tutukan ng flashlight bigo pa rin makita kung sino ito.
Nang sinubukan ni Cely na kunan ng litrato ang lugar kung saan nila narinig ang tunog.


Matapos nila makita ang nasa litrato.
Bigla nalang sila nag takbuhan at nag sisigaw upang humingi ng tulong ngunit walang nakarinig sa kanila
at at malala pa namatay ang kaisang-isa nilang flashlight.


***


Kinabukasan ng umagang iyon.

Hindi na nakita pa ang 4 na magkakaibigan.

rumonda na ang mga pulis sa lugar na iyon.
At ang tanging nakita nila ang camera na nabahiran ng dugo.
At nang tinignan nila ang mga litrato(nagiimbestiga)
, mga masasayang pic nila. At ang isang imahe ng mysteryosong lalaki sa huling litrato.







Ang mukha nya’y payat na halos bakat na ang mga buto sa tagiliran
at mahahabang braso. walang buhok halos puti ang mata puro tahi ang mukha
at nakangiti ito--- in scary way tila napunit ang labi niya sa gilid na abot sa mga tenga nya at may hawak ito na kutsilyo.



WAKAS.