THE TRESSPASSER
 

***

Uwian na nang hapong iyong habang naglalakad ang mag ka-tropa. Samantalang si Pete ay nanahimik at malalim ang iniisip.

"Hoy! Pete. Anu na san ka pupunta? di ba dito yun daan mo?" Ani ni Gale.

"Naku ayan nanaman siya, kanina pa yan ganyan." Ani ni Joe. "Wag mo kasing isipin yun, iniisip ka din nun! hahaha!" Pang asar pa nito.

"A-ah oo..." sambit lang nito na mahina at bahagyang ngumiti pero tila wala parin sasarili si Pete.

Sabay nagkatinginan ang dalawa niyang kaibigan sa isa't- isa.

Kumaway na sila para mag paalam at nang nagkahiwalay na nang inabot na din nang dilim si Pete sa paguwi.

***

Nang nakababa siya nang jeep at nag lakad muli, (walking distance naman)

Natigilan siya at napalunok sa hindi kalayuan ay natatanaw niya nanaman --- ang mysteryosang babae muli. 

*C-chill ka lang Pete.* ani sa isip niya na naghahalong kaba at inis. *Kapag hindi niya pa ako tinantanan mauubos na talaga pasensya ko mananagot na talaga siya sakin!* patuloy nito. 

Huminga nang malalim si Pete at naghugot ng lakas ng loob , na daanan lang ito at hindi nalang ito pansinin. Habang naglalakad ito nang normal. Nakita niya sa gilid ng paningin niya na nilalaro ng babae ang maduming teddy bear niya. At nang nakalagpas na siya nang bahagya biglang nag salita ang babae.

"SALAMAT PALA SA PAGTULONG SA RUEBEN KO..." ani nito. "ANG SAYA SAYA NIYA NA OH! HEHEHE!"

Balak na sana hindi pansinin at magpatuloy parin sa paghakbang, ngunit natigilan siya nang tuluyan- nagimbal at na napalingon patalikod na habang nanlalaki ang mga mata ni Pete matapos marinig nang malinaw ang mga sunud-sunod na sinabi nang mysteryosang babae.

"4TH HUNYO:
UMAGANG IYON NAG JOJOGING KA, TAPOS NADAANAN MO ANG ISANG BATANG UMIIYAK AT BINIGYAN MO NANG KENDI.
PUMUNTA KA NANG COMPUTER SHOP PARA MAGPAPRINT PARA SA THESIS.
GUMAWA NANG HOMEWORK AT MATAPOS MALIGO AY NANOOD SA CLICKFLIX."


"5TH HUNYO:
UMAGANG IYON AY NAGLALAKAD KA HABANG HAWAK ANG IYONG PHONE.
MATAPOS AY PUMUNTA KA SA KARINDERYA PARA KUMAIN NANG LUGAW. BINALIK MO ANG LIBRO NA HINIRAM MO
SA KAKAKLASE MO. BUMILI KA NANG SKETCHPAD PATI NANG MAIINOM--"

"--TAMA NAA!!!" sigaw at putol ni Pete sa kanya.

Tumigil din saglit sa pagsasalita ang babae habang may kinakalkal ito isa sa malaking supot nang basura sa tabi niya at nakuha ang isang piraso na gusot na papel, tapos lumapit ito kay Pete.

Nagulat si Pete sa pinakita nito.

Nakaguhit ang isang larawan nang babae... 

"NAALALA MO BA AKO... SA IGINUHIT MO?" hagikgik nang babae habang bahagyang nakatabingi ang ulo nito.

Kahit nanginginig si Pete, naitulak niya na palayo sa kanya ang babae. At natumba ito, sabay nabitawan nang babae ang hawak nitong papel.

"LUMAYO KA SAKIN!!!" sigaw nito. "P-PINAKIALAMAN MO ANG BASURA KO?! BAKIT MO 'TO GINAGAWA ANUNG BANG KAILANGAN MO SAKIN! TIGILAN MO NA AKO!"

" HUWAG NA HUWAG KA NANG MAG PAPAKITA SAKIN!" Dugtong pa nito, sabay umalis agad na nagmamadali na paglakad. 

***

Nang nasa bahay na siya, nilock niya agad ang pinto at nagtungo sa kuwarto niya.

Matapos na makahinga nang maluwag, agad niyang naisip ang mga kaganapan kanina lang.

*Sino ba yung baliw na pulubing iyon? Napaka weirdo! nakatakas ata yun sa mental.* nasa isip niya. "Kadiri talaga siya! mabuti nalang at nakaharap ko yun nang masinsinan. Kaya subukan niya ulitin yun ginawa niya at baka makalimutan ko na babae siya." inis niya. *Exhales*

Matapos nun ay hinagis niya ang bag niya sa kama. At agad napalitan ang attensyon niya nang na napansin niya ang kanyang buong kuwarto.

"Whoa!" ani niya. "Ang linis nang kuwarto ko bigla. Hmm... Hindi ata ako na-inform ni Lara na pupunta siya ngayun." (Senior high 14)

*Shoulder shrug* "Anyways, bukas ko nalang siya kakausapin.... pagod na pagod na ako ang dami nang nangyayari, gusto ko nang magpahinga..." *Yawns*

Sabay higa na padapa si Pete sa kama niya at agad na itong nakatulog.

Maya maya lang ay dumating ang kanyang nakababatang kapatid.

"Hays, si kuya talaga ang kalat kalilinis ko pa naman." ani nito. 

"KUYA..." ani nito nang biglang lumalim ang boses. "...IKAW NA ANG BAGO KONG KUYA."

***

SCENE

Kinaumagahan.

"MAGANDANG UMAGA!!!" sigaw ni Lara. Sabay binuksan ang kurtina at bintana. At nasilaw si Pete sabay nag takip ng unan sa kanyang tenga dahil sa ingay ng kanyang kapatid.

"WOW! IKAW BA YAN KUYA! NAPAKALINIS NAMAN NANG KUWARTO MO! HIMALA! BAT PARANG BIGLA KA ATANG SINAPIAN NANG KASIPAGAN!" ani ni Lara habang tininigan ang buong paligid.

*Grunts*

"Tsk! Hayst!" sabay bangon si Pete na padabog na naiinis.*Yawns* "Ang ingay naman! ugh! nga pala kung pupunta ka pala bakit hindi ka man lang nag call or text man lang?" tanong niya habang kinukusot ang kanyang mga mata.

"Tapos bigla bigla ka nalang papasok at mambubulabog ang aga aga eh!" habang nag kakamot ng ulo si Pete."Isa pa anung makalat? eh naglilinis din naman ako noh!" sumbat pa niya.

"SUS! ngayun lang yan babalik din yan sa normal na kalat mo!" asar ni Lara. *Minsan na nga lang bisitahin ka.*

"tsk! talagang batang ito..." ani ni Pete. "So anung dala mo na yan? Almusal ba yan?"

"Hindi noh!" ani ni Lara. " Binili ko to bagong labas na make up!"

Pinakita ang isang pulang lipstick, foundation, face powder at iba pa.

"Ang dami naman! isa pa sino bang kalandian mo para kailangan mong mag make-up?" ani ni Pete. "Tsaka sabi ko na di ba saiyo tigil-tigilan mo na kakabili sa mga online shops..."

"... Whoa! whoa! CHILL! bago ka sumabog sakin. May sasabihin ako na binigyan ka pala ni mama nang pang allowance." ani ni Lara. "Napansin ko na short ka ngayun kaya sinabi ko na ke mama na need mo yan." sabay iniabot ang pera kay Pete.

"WOOOOHH!" biglang agad napalitan ang mood ni Pete nang tuwa at gising na gising. "The best ka talaga sis!"

"So samahan mo na ako pala ngayun mamili nang mga kailangan ko." yaya ni Pete sa kapatid.

"Sige!"

Nang nasa labas sila nadaanan ang isang poste na may mga basura na kung saan nakaupo ang mysteryosang babae na agad na naalala niya. At nakahinga nang maluwag dahil wala na ito.

"UY! kuya anung tinutulala mo dyan?" tanong ni Lara habang sinundan din ang tinigin ng kuya niya na nasa tambakan.

"W-wala tara na." ani ni Pete.

***

Samantala sa apartment na tinutuluyan ni Pete. 

Ang may-ari na nag ngangalan na Aling Nena. Isang 60 na matanda at may alaga itong maliit na aso na kulay brown.

"Brownie!" ani ni Aling Nena. "Anung problema bakit tahol ng tahol?"

*Mukhang nagugutom na ata ang alaga ko.* sa isip nang matanda. *Ngunit napapakain naman nang ayos ito, isa pa napapansin ko na madalas na ang tahol nang tahol. Anu kayang problema nito?* At naisipan lumabas para makita kung sino ang tinatahulan nito. Ngunit wala naman ni isang tao o ibang hayop sa labas at napakatahimik ng paligid.

"Nakakapagtaka naman..." ani ng matanda sabay iniabot ang pagkain sa aso niya. Habang patuloy parin ang walang tigil na tahol at nakatingin lang sa iisang direksyon sa labas na wala namang tao. Napakamot ulo nalang na bumalik sa loob si Aling Nena.

Habang nagluluto ang matanda ng hapunang iyon. Napansin ng matanda na tumahimik ang paligid at tila na tumigil na din ang pagtahol ng kanyang alaga.

"Sa wakas nanahimik din." ani nito sasarili.

Ngunit nang I-check niya muli ang aso niya dahil sa biglaang pananahimik nito. Laking gulat niya na tila nakawala ito sa pagkakatali.

"Naku! Si Brownie ko! n-nawawala!" pagalala ng matanda habang palinga-linga sa paligid at sawi na mahanap. "Kailangan ko sabihan si 'Iho' (Pete) Na hanapin ang alaga ko."

 

***

 SCHOOL SCENE 

***

Lunch break habang nag iisa si Pete na nakaupo sa bench habang naka silong sa ilalim ng malaking puno at nag dradrawing sa kanyang sketch pad.

Nagdahan na dahan na lumalapit si Joe sa likod ni Pete para gulatin ito.

"Anu naman yung trip mo...Joe!" ani ni Pete habang nakatalikod parin ito kay Joe. "Ako'y tigilan mo nga!"

"LUH! pano mo nalaman?" ani ni Joe na gulat na nabisto siya.

*Sighs*

Tinignan siya ni Pete at tinuro niya gamit ng lapis ang tumbler niya na stainless sa tabi niya. Dahil nakikita ito ang repleksyon ni Joe.

"Galingan mo pa." ani ni Pete habang patuloy parin sa paguhit. *Roll eyes*

"HAHA! hindi ka talaga uubra kay Pete." bahagyang tawa ni Gale."Anyway... Good thing na medyo okay okay ka na tignan ngayun." dagdag pa nito.

"So... anu na palang nangyari sa babaing sinasabi mo kamakailan lang?" biglang tanong ni Joe.

Biglang natigilan ang kamay ni Pete sa paguhit.

"A-ahh! yun ba! hinarap ko nga yun loka-lokang iyon na tantanan na ako." ani ni Pete. "At mga napansin ko na wala na nga siya. Ayun so marahil nagtatanda na din yun."

"Buti naman. magandang balita din." ani ni Gale.

"Siguro... nakatulong yun manga na pinahiram ko mehehehe!" ani ni Joe. "Anu masasabi mo maganda ba pre?"

"Well, tinapon ko na yun." ani ni Pete.

"Bakit mo ginawa yun! ang sama mo!" ani ni Joe. "Sinira mo na pagkakaibigan natin!" (Dramatic)

"Tinapon ko sa bag mo." patuloy ni Pete.

"Biro lang Tol prends parin tayo ikaw naman." biglang bawi ni Joe. "Lab u pre!"

"Lumayo ka sakin, at baka isa saksak ko tong lapis sayo."

Habang napailing lang si Gale na bahagyang natawa.

***

Kinagabihan

Kasalukuyan na tulog si Pete. Nang bigla siyang naalimpungatan matapos makarinig nang mga yapak na mga paa.

"Uhh! L-Lara? 'kaw ba yan?" ani nito na nasa kama parin at nakapikit ang mga mata.

"Ginabi ka na ata, at naiwan ka na naman ba last bus na sinakyan mo?" patuloy ni Pete. 

Ngunit hindi sumagot ito.

"...."

"Sige, kunin mo nalang yun bedsheet sa sulok at matulog ka na." ani ni Pete. *Yawns*

Makailang minuto lang nagising muli si Pete habang naririnig ang mga kakaibang ingay. Ngunit tinatamad naman siya na tuluyang bumangon sa mga oras na iyon, para malaman ang ginagawa ng kanyang kapatid.

*SLURP...SLURP...SLURP...*

*MUNCH...MUNCH...MUNCH*

*...?*

*Galing ba siya sa tindahan?* sa isip ni Pete habang nakapikit parin at pinapakinggan parin ang ingay. *Grabehan naman sa ingay kakain nalang nang ayos. Kailangan ba talaga may ingay?* dagdag sa isip niya.

Ngunit ayaw parin tumigil ang ingay.

*SLURP...SLURP...SLURP...*

*...MUNCH...MUNCH...MUNCH*

"Pwede bang kumain ka nang tahimik? hindi ba kayang gawin yun?" ani ni Pete na naiinis nang bahagya."Magpatulog ka naman." Sabay takop ng unan at kumot.

Ngunit lalo lang umingay, kasabay ng mga pabalik-balik na mga yapak ding iyon. Sa sobrang inis ay napilitang bumangon si Pete.

*Scoffs*

"HOY! ANU BA NATUTULOG AKO--"

Bago pa siyang tuluyang umalis sa higaan ay biglang nag ring ang kanyang phone. At napabaling ang kanyang attensyun ni Pete sa phone niya.

Napakamot ang ulo na inaabot at kinakapa sa dilim ang phone sa ilalim unan niya.

"Sino namang baliw, tong natawag na gantong oras?" ani ni Pete na bahagyang tulog parin.

Ngunit sa mga sandaling iyon na bigla siyang agad na nagising at bumalik sa ulirat nang marinig niya ang tinig ng kanyang kapatid sa kabilang linya.

"UY KUYAAA!" ani Lara. "KUYAA! NARIRINIG MO BA 'KO?"

Tila nagtaasan lahat ng kanyang balahibo sa balat at kakaibang lamig ang saglit niyang naramdaman. Nang matanto niya nang malinaw ang kanyang sitwasyon ngayon.

"..."

Napatingin siya paligid matapos buksan ang ilaw. At dahan dahan na umalis sa kanyang higaan nang mapansin niya na wala namang tao sa kuwarto niya. Ilang minuto din ang pagtahimik ni Pete at tulala sa hindi maipaliwanag na nangyayari.

*P-pero narinig ko iyon... kung ganun sino iyon?* sa isip ni Pete.

"HELLO? KUYAA!?" sigaw ni Lara. "NAANDYAN KA PA BA?!"

"H-hah! ah, oo bakit?" ani ni Pete na bumalik ulit sa ulirat.

"Wala lang gusto ko lang sabihin na nakauwi na ko sa bahay." (Sa bahay ng magulang nila) ani ni Lara.

Patuloy lang ang paguusap nila sa phone. Pero hindi na sinabi ni Pete ang kakaibang nangyari sakanya ng gabing ding iyon. Sa kadahilanan na ayaw niya na mag alala pa ang kanyang pamilya.

***

Ngunit sumunod ding iyon ay hindi pa rin natatapos ang kalbaryo ni Pete sa kanyang buhay. At isa pang gabing iyon.

"Buwiset! hindi nanaman ako makatulog!" ani nito sa sarili habang nagingitim na ang eyebags sa ilalim nang kanyang mga mata.

"Makabili na nga muna nang makakain sa labas."

Bumangon siya at nagmamadaling umalis nang may bigla siyang natapakan na kung anung bagay.

"AHHH! anu ba yun natapakan ko."

Nakita niya ang lipstick na binili ni Lara. At dinampot niya ito habang nagtataka.

"Grabe ah? Isang gamitan lang ba ang pagamit nang lipstick ngayun? parang kinain lang e." ani ni Pete sa sarili. "Hays! hindi ko talaga maintindihan ang mga babae."

Sabay tinapon ang ubos na lipstick sa trash bin.

Naisip ni Pete na kailangan niya na ding mag tipid kaya sa isang palengke siya napadpad. Madilim ngunit madaling araw na din sa mga oras na iyon kaya fresh ang mga baksakan ng mga gulay at karne.

Sa palengke. Hindi inaasahang nakasalubong ni Pete si Aling Nena na namimili din.

"M-magandang umaga ho." ani ni Pete na tumango at napakamot ulo sa hiya. Pero sa loob niya na dapat niya sanang iwasan ang matanda.

"Hmm! Ikaw pala iho!" ani ng matanda. "Itong batang to, pag manghihiram ka matutong ka namang magsoli!" pamewang na sambit nito.

*Ang aga aga naman bakit siya pa nakasalubong ko! At anu na naman ba ginawa ko?* sa isip ni Pete habang papilit na ngiti naman ang mukha niya sa harap ng matanda.

"Akin na." ani ni Aling Nena habang naka abot ang kamay niya sa harap ni Pete.

"Huh?! a-ang alin ho?" *At ang aga din maningil nang upa* sa isip din ni Pete.

"Yung susi!" ani ng matanda (susi na duplicate sa kuwarto ni Pete.)

"Ano? Anung pong susi?"

"Anu ka ba? makakalimutin ka pa sakin. Yung susi!" demand nang matanda. "Hiniram kase sakin nang kapatid mo yun. 4 na araw na nakalipas at hindi pa naiisosoli, hindi ba niya sinabi saiyo?"

Naguguluhan si Pete kaya para ma kasiguro tinawagan niya ang kanyang kapatid.

"Hindi ko po kase ala... Sandali lang tatawagan ko kapatid ko po." Sabay dali na kinontak ang kapatid.

"Hello? Oh kuya."

"Matanong lang kita. humiram ka ba nang susi kay Aling Nena?"

"Anung pinagsasabi mo? anung susi? wala akong hiniram na susi."

Napatingin si Pete na pataka sa harap ni Aling Nena habang hawak parin ang yawag sa phone niya.

"T-talaga lang?"

"Oo nga!" ani ni Lara. "Isa pa hindi ako naglinis nang kuwarto mo nung nakaraang araw." dagdag niya pa.

"Imposible!" ani ni Pete. "Kase nga 3 araw na ang malinis ang kuwarto ko. at--"

"--Ang alam ko last 2 weeks pa ako huling nag linis sa kuwarto mo ang natatandaan ko." putol ni Lara."Bakit kuya ano bang problema? okay ka lang?"

 Pansamatalang natigilan si Pete ang inisip ang buong senario na pangyayari sa buhay niya at natanto niya na may ibang tao na naghihimasok sa kanyang kuwarto na hindi niya alam.*Hindi kaya siya yun... hindi maari.* sa isip ni Pete.

"Hello? Kuya?" taka ni Lara."Kuya?"

"Oh asan na yun susi? nasa kanya nga ba?" ani ng matanda na biglang sumingit sa usapan.

"Ahh teka lang po baka naiwan ko sa kuwarto ko po ibabalik ko po iyon." Pagsisinungaling ni Pete. "Mag kita nalang po tayo sa apartment."

"P-pero iho--"

"--Sige po mauuna na po ako." Habang nagmadali umalis si Pete pauwi dahil sa masamang kutob na kanyang nararamdaman habang katawagan pa rin ang kapatid.
 

"T-teka! iho! pakihanap na rin pala si Brownie ah!" sigaw nang matanda mula sa malayo, habang nakalayo na si Pete sa kanya na yumuko siya saglit na nagsasabing 'Oo'.

"Lara, san ka ngaun?" ani nito.

"Anyways, so papunta na nga ako sa apartment mo pala."Ani ni Lara. "Bumalik lang kase ako dahil naalala ko pala na naiwan ko pala yun nabili kong make-up."

"Huh? make-up?" taka ni Pete. "Hindi bat inubos mo na yun? At ang burara naman matapos hindi mo pa tinapon nang ayos."

"Anung ubos pinagsasabi mo?" taka ni Lara. "Ni hindi ko pa nga nagagalaw ang mga iyon. At bakit ko itatapon eh napaka mahal nang bili ko sa mga yun?" Dagdag pa niya.

At sa mga oras na iyon unting-unti nang na bubuo ang mga kasagutan sa mga tanong na nasa isip niya. Habang natigilan siya saglit.

*Ang make-up niya...* sa isip nito. *Hindi ako nagkakamali may ibang tao na pumasok nalang sa kuwarto ko!*

*Hindi kaya...*

"HELLO?! LARA?" sigaw ni Pete. "NAANDYAN KA PA BA?... LARA?!"

Halos patakbo na si Pete para bilisan ang paguwi habang nanatiling nakahawak pa rin sa phone niya.

"O-Oo kuya? bakit parang nagpapanik ang boses mo?" taka ni Lara. "Anu bang problema?"

"BASTA LARA! PAKINGGAN MO KO MABUTI!" ani ni Pete. "KAHIT ANUNG MANGYARI HUWAG NA HUWAG KA PUPUNTA SA APARTMENT KO!" babala niya.

"Huh? anu bang pinagsasabi mo?" ani ni Lara.

"M-may babaing--"

"---Anung B-babae?!" gulat ni Lara. "Wow! bago yun ah! hindi mo sinasabi sakin na may girlfriend ka na pala!"

"Dahil sa sinabi mo na yan, dapat ko lalo siya mas makilala! himala nagka girlfriend ka hahaha!" asar pa ni Lara.

"HINDI! MAPANGANIB SIYA!" Babala ni Pete. "HUWAG KANG PAPASOK!"

"Asus! grabe! ganun ba siya kadelikado? (wild girl)." patuloy na biro ni Lara. "Huwag kang mag alala! hindi rin naman ako matatagal. Kukunin ko lang naman yun mga gamit ko then gora na ako agad."

"LARA! HUWAG KANG PASAWAY! MAKINIG KA NALANG SAKIN!"

"Sheesh! Over acting naman! kung makataboy 'to! Isa pa nandito na nga ako sa pinto ng kuwarto mo." ani ni Lara. "H-huh? nu yun?"

Natigilan silang dalawa sa paguusap nang mga ilang segundo.

"A-anung nangyayari na diyan?" panik ni Pete. "LARA?!"

"Parang may ingay sa loob." ani ni Lara "May bisita ka ba ngayon?"

"Papasok na ako--"

"--HUWAGG KA SABING!--"

(Disconnected) Hindi na ito sumagot sa kabilang linya at biglang naputol nalang ang tawag. 

"--LARA?"

"L-LARA! H-HELLO?! LARAAAAHH!!!"

"Please! SUMAGOT KA LARA!"

[The number you dial is currently not available.]

At sinubukan niya ulit i-dial para kontakin.

[The number you dial is currently not avail..The number you dial is currently not available..]

*BAKIT NGAYON PA!* sa isip ni Pete. *Kailangan ko nang mamadali! nanganganib si Lara!* Sabay binaba ang phone at binulsa tsaka tumakbo.

***

Sa kabilang dako naman si Lara.

                                                                                                                                   *Sighs*                                     

"Bigla nalang nawalan nang signal?" taka ni Lara. "Si kuya talaga anung problema nun?"

"Anyways... Hello po? may tao ba diyan?" tawag niya. Nang binuksan na niya ang pinto biglang nalang tumahimik ang paligid. Kasabay ding iyon ang pag salubong sa kanya nang dilim sa loob.

"Napakadilim naman!" reklamo niya habang kinakapa sa dingding ang switch nang ilaw.

*Bat ganun?* sa isip ni Lara.*Kanina lang talaga may ingay eh.*

"Hello?"

- To be continued to part 3

undefined

JanenajlaArts Creator

2nd story of 2023