Gabing iyon late na akong (around 3am) Madaling araw umuwi.
Galing ako sa bahay ng kaklase ko na gumawa ng thesis sa kanila.

Habang nagaantay ng masasakyan pauwi sa isang waiting shed ako nagantay para sa jeep
sana (bihira kana kase makasakay sa ganung oras).
magisa lang ako sa isang madilim na daanan. habang nag so-sound trip sa phone ko.

ilang minuto lang may isang jeep na dumaan at sumakay ako.

Napansin ko na may isang pasahero - isang matandang lalaki na napakapayat at madumi ang ayus.
At ang driver na kasama ang kasintahan niya sa tabi niya.

Nasabi ko na kasintahan niya kase kung makadikit yun babae sa kanya panay sandal ito sakanya ang landian nila.
Samatalang ang matanda na katapat ko na upuan ay tumingin sakin tapos umiwas din.

Hindi nalang ako nagbigay pansin sa kanila at tumutok lang ako sa phone ko.

Ilang minuto lang napansin ko na pakiramdam ko na tila nakatingin sakin yun matanda kahit hindi ko siya
tignan alam mo yung ganung feeling? Kaya nag patay malisya ako at nag panggap na busy ako sa phone ko.

Maya maya lang pumara din ang matanda at pabulong niya sinabi sakin na bumaba daw ako.

Syempre natural na papasok bigla sa isip mo agad na maaring may masamang intensyon siya sakin na
isa siyang holdaper. Kinakaban pero nagawa ko parin mag lakas loob na mag-sabing 'bakit?'

Hindi siya nagsabi kung bakit, paulit-ulit na papilit sa boses niya na sabing bumaba daw ako.
Habang nakatingin mabuti sakin ang matanda.

Tsaka dun na pumasok ang takot.

Sa takot ko sumunod ako sa sinabi niya dahil paano kung may dala siyang patalim o anung armas kapag di
ko binigay ang gusto niya. Iyon ang naglalaro sa isip ko pero ang mas nagbigay pansin sakin ang
biglang sakit ng tiyan ko sa walang dahilan.

Kaya nang nakababa kami ng jeep at ng nakalayo na ito. Biglang humarap sakin ang matanda
at huminga ito ng maluwag tsaka niya sinabi sakin ang dahilan.

Sinabi niya na pababa nasana siya nang mapansin niya ang babae na nakasandal sakanya ay patay na!
bahagya niya naaninagan ang isang ice pick na nakasaksak sa tadyang ng kawawang biktima.
Kung hindi niya ako pinilit bumaba marahil ganun din ang aking sinapit.




Laking pasasalamat ko sa matanda ng gabing iyun, mula noon hindi ako umuuwi ng gabi.


WAKAS.