"ANG TANGA KO....
... ANG TANGA, TANGA KO TALAGA!"
na sinisisi ko ang aking sarili...
***
Nag simula ang isang araw na iyun, tamang bonding ko kasama ang kaiisang
- isa kong anak na babae na edad niya ay 6 taong gulang.
pero sa kabila ng kanyang edad, ay isa siyang magandang at matalinong bata.
habang naglalakad at namamasyal sa isang maliit na kagubatan.
nagkuwentuhan kami ng aking anak.
"mama? di ba pupunta tayo sa balon?" sabi niya.
"oo naman." sabi ko.
"sabi mo di ba mama, kapag na wish ka dun natutupad lahat ng kahilingan natin?"
"oo naman, totoo yun." sabi ko.
pero hindi ako nagsisinungaling , dahil may kakaiba sa balong iyon.
makikita lang ang balon sa kalagitnaan ng kagubatan.
walang masyadong napunta doon at ang balon ay napakalalim
at hindi mo makita ang dulo nito sa sobrang dilim.
at higit sa lahat natutupad nito ang aking kahilingan.
dahil nung una ay nakunan ako sa magiging unang anak ko sana.
at ang anak ko ngayun ay ang pangalawa ngunit sa pagkakataon nun
ay nagkasakit siya at kiritikal siya noon pero ngayun...
"...totoo yun anak nang nag wish ako sa balon. ni-wish ko na gumaling ka di ba?
at nagkatotoo ngayun magkasama na tayo." paliwanag ko sa kanya.
"wow ang galing naman mama! gusto ko rin mag wish." sabi niya na sobrang natutuwa.
Pero sa kasamaang palad,mga panahong iyon na nangangailangan ako ng himala.
hindi ko akalain na may mas malaking kapalit ang gusto ng balon.
matapos ko ihulog ang isang barya, agad itong bumalik sakin-
na tila may nagtapon pabalik nito sakin tila ayaw tanggapin.
at nang silipin ko ang loob ng balon.
wala akong nakita o narinig, sa sobrang dilim ni wala ako maaninag.
"MAMA PENGE PISO PLEASE! MAGWIWISH DIN AKO!" sigaw niya.
nang makarating kami sa balon, binigyan ko siyang ng piso.
"anung ni wish mo anak?" sabi ko. matapos ko makita na hinulog niya
ang piso sa balon at pumikit saglit.
"secret mama hehehe!" tawa niya.
at doon ko nalaman ang aking pagkakamali...
***
isang gabi nang nakauwi na kami.
bigla ako nakarinig ng tila kalmot sa may pintuan ng bahay
inisip ko na kung anung klaseng hayop iyon at nagpatuloy ito sa ingay.
kasunod ng kakaibang ingay ay ang nangangamoy bulok o
tila amoy patay na bangkay na amoy lumot na halo.
nang sinubukan ko silipin sa bintana gumulat sakin
ang isang naagnas na kalansay! na halos at patuloy na kumakalmot sa pintuan.
"ANG TANGA KO....
... ANG TANGA, TANGA KO TALAGA!"
na sinisisi ko ang aking sarili...
bakit ko siya binigyan ng piso, ganun na lang ba niya gusto bumalik ang ama niya?
WAKAS.