"A GOOD,GOODNIGHT SLEEP PLEASE?"
Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Jet,
workaholic ang tulad ko at simple lang ordinaryong buhay,
ngunit sa bangungot ang aking naranasan.
galing probinsya ako dahil kailangan ko makipagsaparalan.
at magtrabaho sa manila, kaya maswerte na rin nakahanap din
ng maayus na trabaho kahit isang sekyu sa isang pharmacy.
Syempre ganun lalo ka swerte nang nakahanap ako ng isang murang paupahan
isang 2 flr storey na munting bahay na may 15 rooms at yung akin ang pang 15 sa taas bandang dulo.
kasya naman ang pang isang tao kaya ok nasakin ito kahit pansamantala na boarding house. (all boys)
meron itong isang bintana kahit medjo maliit ng kwarto malinis naman
at bagong bago ang pagkakapintura ng dingding, may mga ilang kagamitan na rin at maayus na higaan,
kaya kinuha ko na rin ito agad. ang ayus ng higaan ay ang paanan ko ay nakatapat sa bintana
na ilang metro lang ang layo sa kama ko.
sa bintana natatanaw ko ang ilang kabahayan mga 5 na hiwahiwalay sila
at may ilang mga street light sa isang maluwag na daanan. Nagustuhan ko din itong bagong tinitirhan ko
kase parang nasa probinsya pa rin ako kase tanaw ko ang isang malawak na bukirin
o palayan sa likod ng tinitirhan ko ngayun.
"AHHH!!! nakakames den pla ey, ang hang-en ere!" (batangueno accent)
Ngunit ang tanging problema ko lang ay ang insomia ko.
hirap talaga ako matulog. pero sa trabaho madalas ako antukin
kahit day shift naman ang trabaho ko hirap pa rin ako matulog sa gabi.
nang nakauwi ako bumili ako ng sleeping pills at ininum ko.
Nang biglang tumawag ang nanay ko.
"Oh Junior! kamusta ka na anak!
"okey naman po inang."
"baket ganyon ang boses mo iho?, may sakit ka ba?"
"ahh okey lang po pagod lang pero masaya naman mo ako ey."
"o sigeh inaalala lang kita , namemess na na namen ni amang mo."ani ng nanay niya.
"matulog ka ng mabuti hah , 'wag din mag palipas ng gutom hah!"
"Opo! inang gandang gabi..."
[beep]
Kahit ang sleeping pills hindi nakatulong. hirap pa rin ako makatulog.
paiba iba ng ayus ng pusisyon napaghiga hindi ako talaga makatulog.
hanggang sa nakatingin ako sa bintana.
nakita ko ang dalawang maliit na ilaw sa kalayuan.sa kabila ng kadiliman,
naisip ko na ilaw ng street light na nag rereflect mula sa bintana ko
hindi naman kalakasan ang maliit na liwanag pero malinaw na nakikita ko ito.
Napansin ko na tila kumukutikutitap, na tila parang bituin.
tulala at pinagmamasdan ko mabuti, hanggang sa hindi ko na namalayan nakatulog na ako ng mahimbing.
At tuwing gabi gabi nakikita ko ang maliliit na ilaw.
kaya mag mula ngayun naging maayus na rin sa wakas ang aking pagtulog for the first time!
hindi ko na kailangan ng sleeping pills. kailangan ko lang tumingin sa mysteryosong mga ilaw.
Mga iilang araw na rin na naging maayos ang akin pagtulog tinitignan ko
lang sa tapat ng paanan ng kama ko ang maliit na 2 ilaw. (parang nanonood lang ng TV ang ayos ko)
Pero isang gabi napansin ko na parang nag iba ng pwesto ang 2 maliit na ilaw
nakapwesto na ito sa baba ng bahagi ng bintana mula sa taas.
nasa bandang ibaba na sulok ito, pero hindi ko nalang ito pinansin.
Sa antok ko nakatulog agad ako ng mabilis.
kinabukasan ng umaga, isang bangungut ang natuklasan out of curiosity sa 2 ilaw na iyon.
tinanong ko sa may ari ng paupahan ang ilaw sa kwarto ko sa bintana sabi niya.
Matagal na hindi naman daw gumagana ang mga streetlights sa likod.
At agad ko sinuri ang bintana.
nung umagang iyun napansin ko na tila may mga
kalmot sa kahoy sa bandang bukasan ng bintana/ (baba)
Isang uri ng hayop o anumang hindi kilalang nilalang,
na tila nagmamasid sakin tuwing gabi sa pagtulog ko...
...na gusto akong pasukin nung gabing iyun.
kaya wala sa oras din nagisip agad ng malilipatan, hindi ko na kinuwento kahit kanino ang aking bangungot...
ang gusto ko ang matapos ang lalong lumalalang insomia ko ulit.
WAKAS.