3am.


Kuwento ng isang babae na nag-OT (overtime) sa opisina.
at pauwi na rin siya sa mga oras na iyun.

Hindi niya na malayan ang oras na madaling araw na siya natapos,
at siya lang na empleyadong nagtratrabaho na naiwan sa opisina.

"Umaga na halos, hindi ko namalayan." ani niya sa sarili.
Habang nagunat siya sa likuran niya.

"Kailangan ko kasi humabol sa deadline, mabuti nalang sa wakas natapos din! hayyss!"

Tsaka niya niligpit lahat ang nasa desk at umalis siya sa kinauupuan niya.

Nakakaramdam ng antok at sobrang pagod ang dalaga, kaya bago siyang tuluyan umalis
naisipan niya muna magpunta sa restroom dahil ihing ihi na rin siya.
Hindi niya namalayan kung pambabae or panlalaki ang kanyang pinasok sa kamamadali niya.

"Hayys! bahala na ako lang naman tao dito e." ani sa sarili.

Pumasok siya sa isa sa cubicle bandang gitna,
at nang nakaraos na.

Bigla nalang siya nakaramdam na tila may kung anung pwersa na tumama sa kanyang noo.

"Agh! anu ba yun? ang sakit ah!"

Tumingin siya sa taas niya pero-- wala naman.

Natigilan siya saglit, at kasunod nun tila may malamig na hangin na dumampi sa batok niya.

Kaba at takot ang bigla niyang naramdaman na tila parang hindi siya nag-iisa-
na sa pagkakaalam niya na siya lang ang tao. Agad siyang inayos ang kanyang sarili tumayo at umalis sa cubicle, habang
nagmamadali palabas ng restroom, bigla niyang nabangga ang isang janitor.

"WAAAAHHH!"

"HUH?! Iha? okay ka lang?" ani ng Janitor. Sabay tingin sa paligid.
"May tao papala dito-- ka nga pala bakit ka nasa panlalaki?" dagdag pa niya.

"Ka-kayo lang pala manong." ani ng dalaga na nakahinga na nang maluwag.

"Buti na buhay ka pa..." ani ng Janitor.

"Huh? a-anung pinagsasabi ninyo?" ani ng dalaga.

"Bihira lang kase ako makakita ng tao na nag-O-OT dito..."

"?"

"Kase may namatay na isang dating masipag empleyado tulad mo dito na lalaki siya
nag bigti dahil hindi niya kinaya ang biglaang resignation niya dito."

"Doon, siya mismong namatay sa isa sa cubicle dyan."





WAKAS.