"Sa wakas, tumila na ang malakas na ulan" Bulong ni sheryl sa sarili,walang inaksayang panahon ang dalaga,
agad nitong nilisan ang waiting shed sa tabi ng pinapasukan nyang paaralan.

" Napakaraming oras na pipiliin ng ulan ay talagang sa oras pa ng paguwi ko! "

paninisi ni sheryl sa kalangitan na noon ay makulimlim pa at nagpakulog para bang sumasagot ito sa
sinasabe ni sheryl na noo'y naalarma at natakot na baka muling abutan siya ng ikalawang yugto ng
ulan habang nasa daan. kaya naman binilisan ng dalaga ang pagtakbo.

Walang pakealam ang dalaga kung mabalutan ng makapal at malagkit na putik ang kanyang sapatos at
puting medyas dahil limang minuto na lang at maguumpisa na sa telebisyon ang programang kanyang
inaabangan.

Sa bayan na iyon ng masinlok ay hindi pa naaabot ng wifi o telecom companies kaya maski data connection
ay wala, ang pinaka advance na appliances lang na makikita sa lugar ay t.v at landline at
iilan lang ang meron ng mga nabanggit at isa na doon ang pamilya ni sheryl. Walang pag asang maireplay ang programa dahil nga sa nasabing mga dahilan kaya nagkukumahog sya upang mapanood ang
huling yugto ng "kdrama" na sinubaybayan nito sa mahabang panahon.

"Bwisit! Sa dami kasi ng pwede ko makalimutan e yung pesteng payong na yun pa ang nakalimutan ko! "

Hingal na sabi ni sheryl, maya maya pay narating ng dalaga ang pababang kalsada, hindi niya binagalan
ang pagtakbo bagkus inisip niya na makakadagdag sa bilis niya ang dulas at pababang daan,
bagay na pagsisisihan nya sa huli.

biglang nadulas ang dalaga,nais man nyang balansehin ang katawan upang
manatiling nakatayo ay hindi na niya nagawa.

Pumalo ang ulo nya sa isang nakausling bato sa kalsada, isang matining na tunog
ang narinig pagkatapos ay nawalan na ito ng malay.

" Hindi maaari ito, kailangan kong makauwi! Kailangan kong magising! "

Nalulunod sa kadiliman ang dalaga kaya naman pinilit nyang dumilat at ilang minuto pa'y nagtagumpay na
siya . Sa una'y nanlalabo ang paningin niya hanggang sa pagtagal ay
bumalik na ang mga senses niya sa ayos.

May nakita syang maliit na uka sa kanyang harapan,may tubig na naipon doon. Malinaw, maaaring maging salamin at
iyon sana ang gagamitin ni sheryl upang makita ang natamong pinsala mula sa pagkakadupilas subalit
bago niya pa makita ang kanyang mukha may bagay siyang nakita sa repleksyon ng tubig. Payong…

Lumulutang na mga payong…

Labis siyang nagulat, napako ang tingin ni sheryl sa mga payong, habang tumatagal may mga pigurang
nabubuo sa ilalim ng mga payong, hindi sya pwedeng magkamali bawat payong ay may mga nakahawak

Nanlaki at namilog ang mga mata ng babae matapos maging malinaw ang mga imahe,
mga lumulutang na mga taong nakapayong, hindi! MGA BANGKAY NA NAKAPAYONG!

Nagkaroon ng lakas ang kamay ni sheryl agad niyang binusalan ang sarilo upang
pigilin ang napipintong pagsuka dahil sa nakikita.

Ang karamihan sa mga bangkay na lumulutang ay tila nagtamo ng grabeng pinsala sa katawan, may mga putol
ang paa kung hindi man ay mga braso, may mga kalahati na lang ang katawan, may pugot ang ulo
at ang iba ay kamay na lang ang natirang nakakapit sa mga payong

Hindi makapaniwala ang babae sa nakikita, nais niyang pumikit tumayo at
tumakbo palayo pero para bang hindi na niya kontrol ang katawan

Lingid sa kaalaman ng dalaga, noong umaga, kasagsagan ng ulan isang malagim na aksidente ang naganap sa
lugar na iyon, isang grupo ng mga magulang na naghatid sa kanilang mga anak sa paaralan ang inararo
ng walang kontrol na dump truck, gawa ng malakas na ulan at dulas ng daan. Sa lake ng nasabing sasakyan
nagawa nitong lasug lasugin ang katawan ng mga nabangga ang ilan ay dinurog at pinisa
ng pinong pino, karamihan ay hindi na makilala at kulang kulang nang narecover ng mga
rumespondeng ambulansya.

Samantala, naimpound ang dumptruck na naligo sa dugo ng mga niragasa at
ikinulong ang kaskaserong driver.

Ilang oras lang ang binilang, binura ng malakas ng ulan ang lahat ng ebidensya na may naganap na
karumaldumal na aksidente sa lugar, tanging ang mga matutulis na bato na mula sa quarry ang naiwang
pipeng saksi sa naganap.

" kailangan kong makaalis sa lugar na ito! Kailangan! "

Malakas na loob na sabi ni sheryl sa sarili at pinilit niyang tumayo at pinagana ang mga binti,
tumalikod sya mula sa mga kaluluwang nakapayong pero bago pa man siya makahakbang ay natigilan siya…

Hindi dahil sa mga bangkay na nakapayong kundi sa isang katawang nakahandusay sa kanyang harapan,
nakadilat ito at nakatitig sa kanya nababalot ng dugo ang mukha may nakabaong napakatulis na bato
sa ulo nito na kinadurog ng utak na noon ay lumabas na sa butas na ulo at ang mga piraso ay
nagkalat sa daan.

" HINDI… HINDI MAAARI ITO! "

iyon na lamang ang nasabi ni sheryl matapos mapagtantong ang babaeng nasa harapan niya na
walang buhay ay ang kanyang katawang lupa… at ngayon isa na syang kaluluwa…
tulad ng mga bangkay na hindi nakalimutan ang kanilang mga-