Isang manunulat si Riko... dahil sa nauuso ngaun ang wattpad, (pampalipas ng oras) pero ang totoo
trabaho nya na rin ito at nasapuso niya ang magsulat ng mga kuwentong katatakutan, action, SCI FY
at mystery.

At dahil sa walang mahanap na idea si Riko dahil wala pa siyang nagagawa na new story.
Namomoblema na ang binata dahil malapit na rin ang deadline na dapat
at least may nauumpisahan siya na bagong kuwento ayun sa boss niya.

Gabi gabi naiistress siya kaiisp ng mga bagong kuwento, na halos magovertime siya.
at isa sa katrabaho nya ang kasama niya at pauwi na rin ito.

“pare OT (overtime) ka na naman ba?”ani ni Thoper

“oo eh , puwede bang bigyan mo ako ng clue o inspired na kahit anu?” ani ni Riko.

“sorry ahh wala e,”

“sige na please...”

“o sige pero satin lang to ahh”

“oo geh anu...”

“ayun daw sa mga naririnig ko may isang weird na mysteryosang babae raw
na gusto raw ishare ang stories niya.
At sasabihin niya sayo dapat hindi mo iibahin at dapat perfect mo yung bang
magegets ang story niya na weird din na ipapasulat sayo kung hindi. puputulin niya ang mga kamay mo
para hindi muna isulat ang kuwento niya ulit.” ani nito.

“ahaha! (nervous laugh) ... adik ka talaga , nagawa mo pa ako takutin
at tsaka anu ka ba kuwentong barbero lang yan nuh hindi totoo
at paniwalang paniwala ka naman sa mga sabi sabi.” ani Ni Riko.

“ ‘to namn binigyan na nga kita ng idea, bahala ka na nga pero
ako naniniwala ako dun kasi kamakailan lang sa kakumpetensya natin sa ibang company din.
nalaman ko sa kuwento doon namatay ang isang lalaki na manunulat din nakita nila kalat ang dugo
at putol ang mga kamay. ikinamatay niya ang pagkaubos ng dugo niya.” salaysay Thoper.
"Hindi malaman nang mga pulisya kung paanong nangyari ayun sa
imbestigasyun walang sapat na ebidensya nang pagpatay-- kaya, pinalabas nalang nila na na suicidal siya."

“tsk!, or malay natin may galit lang sa kanya na gumawa sa kanya nun
hindi namn talaga natin alam ang totoong istorya, pwede naman kasi gawa gawa din nila.
O, kaya tinakpan nila yun para hindi masira ang kumpanya nila.” Paliwanag ni Riko.

*sighs* “ahh sigeh bahala ka... ingat ka nalang pre! Out na ko mauna na ako saiyo-- ingat!”

***





Palagi nag oovertime si Riko sa opisina pero, wala parin siyang maisip na kuwento.
sa ginagawa niyang action genre story.

Pero isang gabing iyon OT niya na naman (2 weeks before DEADLINE) mag isa siya.
Nagiging hopeless na si Riko.
(sabay nag hagis ng papel na sinusulatat hawak sa ulo niya ng dalawa niyang kamay)

Nang biglang nag ring telepono ng iniabot niya.

“H-Hello???”

“I-I-tto ba ang BR Publishing Inc?” ani ng isang mahina na boses tila isang babae.

“O-opo anu po bang ipaglilingkod namin?”

“gusto ko ikaw --kailangan ko, kase gusto ko na mapublish ang story ko.”

“ahh sige po, so kailan po ba kayo may time Miss? Anu pong name?”ani ni Riko.

“pupunta ako ....
...Ngaun.”

“ahh sandali lang po.
(habang nag susulat) Miss?, Miss?...”

Pero binaba na ang linya. Umuulan yung gabing iyun.

Maya maya lng hindi pa binababa ni Riko ang phone biglang may kumatok sa pinto.
Napatayo si Riko. At sinilip may payong na pula nakaharang sa peephole-
tuloy pa rin ang pagkatok. Ng binuksan niya bigla, nakita niya ang isang babae.

Payat na payat masyado ang babae may katangkaran, hanggang balikad ang buhok,
maputla, kulay violet ang labi,(parang may sakit o anu) lubog ang mga mata, madaming pimples,
nakagray na long sleeve,itim na mabahang palda, at naka bota pa siya.

Dahan dahan ito pumasok at tahimik na kumilos. matapos hubarin ang bota.

“ahh s-sige po tuloy at u-upo poh kay-oo” na weirdohan si Riko sa ayus ng mysteryosang babae.

Nang nakaupo na sila Iniabot ng babae ang isang folder.
At doon nakalagay ang mga documents na tungkol sa kanya na nagsasabing subok na siya.

Pangalan niya ay Melania S. Ferress, 24
At kilala siya sa pagbibigay ng kuwento, at dati na rin siyang manunulat
ayon sa nabasang dokyumento sakanya.

“may kuwento ako. at gawan mo ito ng magandang katapusan.” ani ni Melania.
sabay iniabot ang isang makapal na papeles mga sample ng mga kuwento niya.

“ahh anu po bang genre?”(sabay binubuklat ito isa-isa)

“Love story siya. kung anu ang pagkakasabi ko susundin mo ang bagong kong ikukuwento
sample lang yan pinakita ko at lahat yan ay natapos ko na-- the rest ikaw na bahala.”

“P-pero hindi ko po kase genre ang...”(matapos tignan ang papel)
Hindi bihasa sa love story genre si Riko.

Bumulaga kay Riko ang mukha ng dalaga mula sa taas nakatayo na yumuko sa harapan sa tapat niya.
pagkababa na pagkababa niya ng mga papeles.

“MAGAGAWA MO BA???!!!” titig pa nito kay Riko.

“O-oo naman syempre! J-just calm down.” ani ni Riko na kinakabahan
at pinapaatras niya ang babae.

*ang WEIRD niya...* sa isip pa nito.

“WEIRD BA AKO?!”” sabay lapit ulit ang mukha nya kay Riko.

“wa-wala po-- hindi po. sige sisimulan ko na ngaun na mismo kung gusto ninyo.”ani ni Riko
*gosh panu nga nalaman?* sa isip niya.

Habang sinusulat ni Riko ang sinasabi ng babae, hirap na hirap si Riko
dahil lovestory kasi yung tema. Kaya kahit korny na yun story (para sakanya)
ay isinulat niya parin ito- isa pa hindi na rin siya tumanggi dahil malapit na nga ang deadline
at wala pa siyang nauumpisahan.

*hayyss, bahala na nga si batman kung papatok ba itong kuwento! Wish ko lang My Gosh! some one help meee!!
* sa isip nito habang sinusulat ang mga kuwento at kasama niya pa rin
ang mysteryosang babae na gabi-gabi lang pumupunta para ikuwento sa kanya.