Nakita ko siya malinaw.
May kapayatan, mahaba ang braso at daliri (o kuko ba iyun?) punit punit ang damit kita ang
kanyang ribs (sa tagiliran niya) sa payat niya at ang binti niya parang binti na ayus ng isang palaka.
At ang itsura niya ay may kalakihan ang ulo walang buhok lubog masyado ang mga mata na may itim na
bilog sa lalim nito , kulubot ang balat sa buong mukha , wala siyang ilong tanging dalawang butas
na maliit.

At may ngiti niya na abot hanggang tenga na halos sinakop na ang kalahati ng mukha niya,
at parang na laslas kaya parang siyang nakangiti.

***

Habang nagtatago ako sa mga oras na iyun. Hindi parin mabura sa isip ko ang nakita ko na nilalang.
Maya maya lang nakarinig ako ng yapak ng paa. Kasabay nun ang masakit at nakakabasag tenga na
ingay ng tila kiskis ng matalas na bagay na tumunog sa dingding mula sa labas ng bahay ko.




Nang napasilip ako ng bahagya nakita ko ang anino nito mula sa bintana kong nakasara, na naglalakad
papunta sa pintuan ko sabay ang masakit sa tenga na tunog. Nang nakarating na siya sa pintuan ko
(main door) kinalampag niya ng kinalampag, tila nag pupumilit buksan.
Sinara ko lang ang mga tenga ko habang hawak ko ang isang baseball bat ko. Habang iniisip ko sana
matapos na itong bangungot ko.

Sa buong buhay ko ngayun lang ako nakaramdam ng sobrang takot, dahil kahit kailan hindi ako naniniwala
sa mga paranormal acts… until now, isang kagimbalgimbal na pangyayari na pinapalangin ko
na mawala.

Inaabangan ko nalang na tumigil siya at antayin ang liwanag,
5am ng bigla nawala ang ingay , at kasama na rin pagkawala ng prisinsya niya sa paligid.
Kasunod nun ang unti-unti lumiwanag ang paligid ng umagang iyun.

Matapos nun napabuntong hininga ako at ng nahimasmasan na ako. Nang lumabas ako ng bahay sumlip muna at
habang sinusuri ang buong paligid --- ng makaramdam ako na safe, nagulat ako sa nakita ko sa
dingding ng labas ng bahay ko puro dugo at may mga tila kalmot na mahahabang linya.
Kaya kahit 4 na araw lang ako sa bahay bakasyunan ko sa aking pananatili, nadesisyun na rin ako umalis
, dahil hindi ko na kakayanin ang mga pangyayare na ito. Hindi ko na kayang tagalan pa lalo
na nakasalalay na ang buhay ko sa susunod , kaya ito nalang ang paraan para matapos na.

Umuwi na ako sa(sa talagang) bahay namin sa siyudad, at kalimutan na ang masalimuot
na pangyayari ng nagkauwi ako nakahinga ako ng maluwag sa wakas, im safe.

Pero nadatnan ko na wala pa ang mga parents ko sa bahay , dahil muntik ko na makalimutan
na nag out of town din pala sila (nagbakasyun grande) matapos sa mga nangyari.

Tumawag ako sakanila na umuwi na ako ,hindi ko na rin sinabi ang mga bangungot ko
sa probinsya, dahil ayaw ko sila mag alala ng husto kaya nagsinungaling ako.
Sinabi ko na nakakaboring lang sa probinsya. At sabi nila next week pa sila makakauwi.

Kaya ito nanaman ako …mag isa nanaman.

Pero bakit parin ako nakakaramdam ng pagkabahala?, bahay ko na ito.
Imposible na iyun dahil malayo na ako sa kanya tama?

2 araw nagging normal ang pamumuhay ko sa bahay ko ngunit isang gabi…
Habang nanonood ako ng TV ,12am nakarinig ako ng doorbell sa main door.
Tinatamad ako umalis sa kinauupuan ko.

“anu bay an sinu naman kaya ito? Gabing gabi na…”(actually umaga na)

Nang nakalapit ako sa pintuan at agad ko binuksan pero – wala namang tao.




“anu nanamang ito?...” sabay lingon ko sa paligid pero walang tao talaga, nakakairita,
kaya ng isasara ko na ang pintuan may naramdaman ako natapakan nakita ko kapirasong papel
sa paanan ko sa may doormat ko.

At pinulot ko isang blankong sobre envelop at walang return address, pero malinaw na nakasulat ang
aking address. Binuksan ko at nang nakita ko nabitawan ko ang sulat sa
sobrang takot ko nag taasan ang balahibo ko.

“BAKIT HINDI MO GUSTO?, BAKIT MO TO GINAGAWA SAKIN? … GINALIT MO AKO!” Kasama pa nun
ang drawing na sad face na balibaliko ang linya tila galit at nakaprint na tila dugo.

Sinara ko agad ang maindoor at nilock sa sobrang kaba at takot.
Pero ng lumingon ako at susbukan ko kumalma ,huminahon at isipin ang gagawin …
siya namang biglang patay ng lahat ng ilaw sa buong kabahayan ko.

Nagsisimula na ako magpanik , pero iniisip ko na maghanap ng liwanag
– mabuti nalang naibulsa ko ang phone ko… kaya ito ang nag silbing flashlight.

Kapakapa ang maaninag ng ilaw ng phone ko ang madadaanan, (medyo malaki ang bahay ko talaga) at
papunta ako sa sofa ko. Habang ang dingding ang nag silbing alalay sakin papunta doon . pero ng
nakarating ako naramdaman ko na tila nagging magaspang ang dingding (partition ng living room ko sa
hallway) napansin ko na kaya pala magaspang dahil na
gasgasan na ito ng tila matalas na bagay kaya gumuhit ito ng linya sa dingding parang kalmot.

Kaya ng nasa pintuan ako ng living room hindi pa ako nakakapasok, sinubukan ko ang switch ng ilaw
pero hindi talaga nagana, pero naaninag ko na tila may isang bagay na nakaupo sa sofa ko.
Ng inilawan ko nagimbal ako sa nakita ko sabay nagtakip ako ng ilong ko at bibig -nakakasuka.

Nakita ko ang mga kalunos-lunos na bangkay ng aso at pusa sa sofa ko na parang tao pinaupo ang ayos ,
at nagkalat sa paligid ang dugo sa ding ding at pari ang mga lamang loob nila. Labas at kalat.
Habang iniilawan ko ang buong kuwarto, gumulat saakin sa gilid ko ang nilalang iyon na nakangiti
tumingin sakin, at hawak ang bangkay ng isang hayop. Napaatras ako at tumakbo.

Paakyat sa hagdan namin, at papunta sa kuwarto ko, wala na ako matatakasan pero naisip ko lang isang
paraan. Binasag ko ang bintana . habang tumingin ako sa baba narinig ko na papalapit na siya
sakin kaya tumalon ako sa bintana, at bahagya na sugatan ang braso ko mula sa
aking pagbagsak sa halamanan.

Sabay dumaan sa likod bahay – sa may garahe at dalidali sumakay sa kotse ko at agad inistart ang
makina. Binanga ko ang harang pati ang gate , matapos humarurot, nakita ko sa di kalayuan (nang
nakalayo ako sakanya) nakita ko siya na hinahabol ako.

Binilisan ko ang pagmamaneho.




Pero naabutan niya ako sa bilis niya, pumaibabaw siya sa kotse ko kumakalampag nakita ko mukha niya sa
likod ng salamin . sabay umakyat pataas , pinaliko liko ang pagmamaneho sinusubukan na paalisin siya.
Pero matigas siya kumapit siya mabuti matapos niya tinusok ang mahabang niyang kuko sa
bubungan ng kotse ko na muntik na ako matamaan – buti nakailag ako.

Habang nag lumalaban ako, nakakita ako ng pagasa may isang maliit na sub way na madadaanan ko iniisip
ko na matatamaan siya, at sa wakas umubra ang plano ko na bungo siya ng pader sa subway
dahil halos sakto at ikinasya lang ito sa mga dumadaang sasakyan.

Nakita ko siya sa likuran ko (gamit ang salamin side mirror) nabulagta ang nilalang.
Pero hindi na ako huminto tuloy parin ang pagabante ko. At nahimasmasan na matapos muli lumiwanag
at hindi ko na natatanaw sa malayo ang nilalang na iyun.

***

Naospital din ako matapos nun dahil naagkaalaman na na dislocate ang kanang braso ko.
Habang iniimbestiga ang mga pangyayari na hindi maipaliwanag, sa bahay ko. At nabalitaan din ng mga
magulang ko ang nangyari kaya sa susunod na araw agad sila makakauwi sa sobrang pagaalala,
saakin matapos ako tawagan na nasa ospital ako.

“ok na po ako magaling na ako po ,.. malayo po ito msa bituka,… kalalabas ko lang po. …
Sa hotel na muna ako tutuloy, habang inaayos pa ang gulo sa bahay po”
ani ko na nagmamatigas para hindi na sila masyado mag alala.

Sa phone booth ng ospital ako nakitawag.dahil nalowbat ang phone ko.
Kaya ng papunta na ako sa hotel na tutuluyan ko pansamantala. Nakahinga rin ako ng maluwag.

“sa wakas tapos na ang bangungot.”

Sabay inihiga ko ang pagod kong likod sa malambot na kama, biglang may nag doorbell,
“anu bayan hindi pa ako nakakarelax…” sabay nag pumilit bumangon at tumayo habang
iniinda ang sakit sa braso na nakabenda.

“sinu yan?”

“house keeping po…”

Pinapasok ko siya at nag simula naglinis at chineck kung anu kulang at kailangan ko ,
kahit matapos niya ibigay ang pagkain inihanda. Pero bago siya umalis ng kuwarto ko matapos ng kanyang Gawain.
“ahh sir may tila sulat po kayo ?”

“ahh sulat?”




“opo nakita ko po sa harap ng pintuan ninyo…” ani nito
“sige po aalis na ako sir, kung wala na po kayung kailangan” sabay yuko,
at umalis ,sinara ko ang pintuan ng kuwarto.

At naalala ko ang pamilyar na sulat, walang return address malinis
at tanging address ng hotel na tinutuluyan ko. Nanginginig at kaba ang namuo saakin.
Agad ko binuksan kahit may takot na dumarating saakin…

Sa sulat may smiley face na nakaprint na dugo ang kapirasong papel sa loob nito at nababasa ay:

“SINUSUNDAN PA RIN KITA...”




-WAKAS.