Isang lalaki ay nakatira sa bago niyang apartment…
At dahil sa galing sa trabaho, at overtime 2:30am na siya nakauwi..
pagod na pagod ang lalaki.

At nang nakarating na siya sa kuwarto niya… na halos mapapikit siya sa pagod iniabot niya na ang kanyang susi
para buksan ang pinto ngunit napansin niya na , bukas na ang pinto. Pero hindi niya na inisip iyun.
Dahil gusto niya na humiga.

Pero ng nakapasok siya nakalimutan niya buksan ang ilaw. Kaya pakapa kapa siya.
Habang dahan dahan inaaninag mabuti ang paligid , pero bigla siyang nauntog sa anu mang bagay kaya
naman kahit inaantok bahagya bumalik ang gising na diwa niya.

At napansin niya na mali ang kuwartong kanyang pinasukan nang nakarating siya sa isang higaan,
Ng palakad na siya umalis , sa bandang kusina ay naaninagan niya tila may tao… at abalang abala sa kanyang
ginagawa… tila kumakain ng isang uri na karne… naaninag niya kulay pula ito—DUGO?!

Isang malaking lalaki ang kumakain… na tila parang nag aastang hayop. At walang tigil na nilamutak.
At duguan ang mukha.

Sa takot ng binata habang sinisilip niya ang karumadumal na kaganapan. Pasimple siya para tumakas patago
sa sobrang takot. Ngunit habang paalis siya may natapakan siya ng kung anung bagay kaya lumikha ito ng ingay.
Agad natigilan ang lalaki sa kinakain niya at agad nagtungo kung saan nagmula ang ingay.

Papalapit ito sakanya, pero nang malapit na siya sa pintuan palabas… tsaka siya nag tatakbo na halos
madapa dapa… na tila nagaagaw buhay , sobrang takot pero nakatakas siya.

***

Hinde siya hinabol ng lalaki. Sa halip bumalik lang ito sa kuwarto niya , sabay binuksan ang ilaw
at ni lock ang pinto. Sabay kinuha ang kanyang kinakain na “Pizza” at umupo sa sofa tsaka binuksan ang TV.


“tsk tsk! MGA TAO NGAUN!...ANG TANGA!”

-WAKAS