Sabi ng mga lola at lolo natin huwag daw 3 tao ang magkasama sa litrato pagkukuhanan,
dahil mamatay daw ang nasa gitna...

Well kahit hindi naman kapanipaniwala ...
wala namang masama kung sundin...

Una sa kahit sino naman hindi naniniwala kasi..
nasa makabagong panahon na tayo.

Pero ako nagbago iyun matapos malaman ko ang nangyari sa 3 mga babae na istudyante sa nasabing
school namin na namatay nalang bigla ang babae sa gitna matapos mag groupie
sa isang inabandonang classroom ...

Ang kuwento raw noon merong isang babaing istudyante na tumalon sa bintana sa kuwartong iyon.
isang biktima ng pambubully at dahil sa matinding depression nagpakamatay ito.
Kaya mag mula ngayun ginawan nalang na parang mala bodega na lang ang dating classroom.

At ng suriin ang litrato tila may ulo ng babae sa ulo ng biktima sa likuran nya na nakadikit.

Yun ang huling nakita ko kaya naman agad din nila sinunog ang litrato sa takot.

Kayanaman mas gugustuhin ko pa mag SELF-IE .