Yolo, at ang mga kaibigan nya maisipang gumala sa isang park.

“Para remembrance try natin mag papicture Selfie o Groupie tayo!” ani ng isa niyang kaibigan.

“oo ba sige tara guys!” ani ni Yolo.

6 sila magkakasama.
At masaya naman ang naging bonding ng maghapong iyun.

Makalipas ng 3 araw na pa print naman ni yolo ang lahat ng litrato
at ipamimigay niya kase iyun sa mga kaibigan niya.

Halos mga 50 photos iyun at nagambagan sila para mapa print

Nang tumitingin sila sa kanilang mga litrato.

“Hoy! sigurado ka bang ito na ang lahat?” ani ng isa ang pangalan ay Valerie.

“OO naman Val, bakit?” ani ni Yolo.

“Weh patingin nga ng cam mo?”

“Oh ito ingatan mo, bahala ka ayaw mo maniwala ei ito na nga ang lahat!” sabay abot ni Yolo.
Na natatawa.

Inisa –isa ni Valerie ang mga picture sa cam ni Yolo, ng bigla siyang natigilan
at napasigaw --- muntik na nya mabagsak ang mamahaling camera ni Yolo- buti na lang nasambot niya.

“anu ka ba?! Magdahan dahan ka nga muntik mo na mabagsak ang cam ko! Anu bang problema mo
bakit ka ba sumigaw!” taka ni Yolo.

Samatalang si Valerie ay hinde halos makapag salita sa halip yumakap siya sa
isa pa nilang kaibigan na babae at humahagulgol sa iyak.

At lahat ay natahimik, pandalian tumigil ang kantsawan sa mga litrato nila.

“anu bang nangyayare sau Val?” ani ng isa.

Pero si Val ay hinde nag salita sa halip itinuro lang nya ang cam ni Yolo.
Ang lahat ay nangilabot sa natuklasan.

Isang part ng litrato nila. nag papicture sila sa inabandonang bahay na puti na kakarenovate palang
(at for sale) sa bintana nito may kung anung tao nang zoom nila.
Isang ulo ng babae ang nakadungaw at nakanganga(na tila sumisigaw) Lubog ang mga mata na halos hindi na makita.





Natulala ang lahat. nang tinignan nila sa pinaprint nilang litrato
(nakatulad nito) wala naman doon ang babae.


WAKAS.