"Kung minsan masyadong mapaglaro ang ating mga nakikita sa paligid.
hindi natin malaman kung ang ang totoo or hindi, kung minsan dahil lamang
sa pagod or isa lamang sa malikot na imahinasyon sa ating isipan."
***
Bilang isang pintor na tulad ko normal na sakin na tumingin nang mga bagay sa aking paligid gamit nang aking imahinasyon.
lagi lang ako sa studio ko madamag na gumagawa ng bagong obra.
Isang umagang iyon, habang umiinom ako nang kape almusal bago bumalik sa kuwarto. Biglang nag ring ang phone ko.
...
Si Shiloh.
Ang extroverted kong girlfriend. My complete opposite ko (introvert)
Nagaalangan ako sagutin pero na pilitan ako na sagutin na rin, kase naka 10 missed calls ba naman siya sa phone ko?!
"Shy? (nickname niya kabaligtaran sa ugali niya) Pasensya na dahi ka gigising ko lang at..."
"...My dear! GOOD MOOORNING!" putol nito sa kabilang linya.
"Uh! morning." sabi ko. "kamusta anung meron ngayun?"
"Grabe naman! nagising ba kita sorry naman! --- pero didiretsuhin ko na na matagal ko na tong pinaplano surprise!
gusto ko magtravel tayo!" ani niya.
"!!!" (long pause)
"My dear? andyan ka pa ba?"
"Hah?! travel? bat parang biglaan ata?"
"Don't worry, dahil pinaghandaan ko naman lahat to isa pa It's all my treat!... what do you say?"
"Pero teka san bang lugar mo ko balak dalhin? anung destinasyon ba?"
"Maganda kase lumabas ka sa kuweba mo pa minsan minsan kaya naisip ko na mas nakaka challenge na puntahan!"
"Ano ba yun?"
"Mag ghost hunting naman tayo!"
"Magandang idea yan ... este WHAT?! G-GHOST HUNTING?!"
"YES MY DEAR!"
"!!!"
***
Hindi na ako matanggi dahil na guilty ako one time na na missed ko yun aniversary namin last year, kaya pumayag na rin ako sa travel trip niya.
Isa pa naisip ko din tong once in a lifetime opportunity para makakuha ako ng idea nang horror theme sa next art project ko.
honestly kahit na malakas imagination ko hindi naman nawawala sa realidad na pag-iisip ko, and also I know na hindi totoo ang mga multo.
inisip ko na makikisali ako sa trip niya dahil sa horror ideal theme ambience ng lugar etc.
samantalang si Shy ay sobrang excited na sa trip na to at talagang pinag handaan niya lahat ang mga ito.
At dumating na din ang araw na aalis na kami papunta sa nasabing haunted building.
Sumakay nang eroplano tapos ilang oras na biyahe na commute. Hanggang sa nakarating kami, inabot din kami sakto nang gabi
nang nasa tapat kami ng gate ng abandonadong building. Nakalagay sa gate ang plaka na warning sign na nagsasabing 'NO TRESSPASING!'
Binuksan namin ang mga flashlight at camrecorder.
"WHOOO! spooky! tara pasok tayo me ibang bukas na daanan ata dito." ani ni Shiloh.
"Optimistic as always!... *sighs*"
"Hindi naman tayo magtatagal my dear, tamang explore lang naman to-- or malay natin may makuha tayo sa cam hehe!" panakot niya.
"Mukhang dapat yung multo matatakot sayo." ani ko "Dahil nabubulabog mo sila."
"W-what do you mean?!"
"Wala *Chuckles*"
"Tumatawa ka ba?"
"PFFT* h-hindi seryoso ako."
***
Nakakita kami ng butas na part nang gate natila may nag tangkang pumasok din dito. kaya dumaan din kami dito.
at sa isang bukas na bintana na basag lumusot kami papasok inalalayan ko siya papasok. At nang tutukuan namin ng ilaw ang bawat paligid,
madaming mga sulat na graffiti sa bawat ding-ding na marahil galing ito sa mga drug adik na tumatambay or maaring mga pulubi.
And the rest mga nagkalat na medical equipments machinery at utensils.
"Abandon mental hospital." biglang sabi ni Shiloh. habang tinutok ko yun cam sakanya habang nag lalakad kami sa isang hallway at
kukuwento siya sa history nito. Hindi ko pinakinggan masyado ang mga lore na history tungkol sa building na sinabi niya, dahil mas alerto ako sa paligid--
hindi sa multo, na maaring may tao pang ibang naninirahan sa building na ito. Na hindi ko sinabi sa kanya dahil ayaw ko siyang mag panik sa pagkabahala.
Dahil para sakin mas nakakatakot pa rin mga adik or mga taong maaring manakit samin anytime, kaya palingon lingon ako sa paligid.
Dalawang kambal building ang aming napuntahan ngunit sa isang building pa lang ang kalahati nalibot namin. Kaya hanggang tanaw lang
namin ang kabilang building. Kinukulit ako ng gf ko na mag explore sa kabilang building ngunit nag pumilit ako na delikado na mag patuloy pa.
Mabuti nalang pumayag siya na hanggang dito nalang ang pag eexplore namin, at hindi na tumuloy sa kabilang building. Sa ilang oras na pag libot namin wala naman kaming nadiskubreng kakaiba, kaya nag decide na kami na bumalik pauwi.
Pero sa kasamaang palad nangyari ang hindi inaasahan na nagsilbing bangungot sa aking karanasan.
Natigilan ako na nakita ng sa gilid ng mata ko isang bahagyang nakabukas na pinto ng isang kuwarto tila parang may tao sa loob na nakaupo patalikod sakin, nang binuksan ko wala namang tao sa loob. Pumasok pa rin ako, at napansin din na ito lang bukod tanging kuwarto na kumpleto pa ang gamit sa loob kahit makalat. May kama, bintana ay may kurtina. Sumunod yung GF ko sakin sa likuran ko na may pagtataka sa kanyang mukha.
*Na mamalik mata ba ako? I swear may nakita akong tao dito kanina?* ani sa isip ko.
"M-may problema ba, dear?" taka ni Shiloh.
Habang lumapit ako papunta sa bintana, natanaw ko ang labas nito at kita ko din ang kabilang bintana sa katapat na building sa labas.
Sa di kalayuan nakita ko katapat na bintana. Napansin ko habang pinagmasdan mabuti nakikita ko tila may imahe nang tao sa kabilang buiding nakatayo lang ito, patalikod mula samin. Sa una inisip ko na baka manikin lang ito pero napansin ko habang matagal ko pinagmamasdan sila parang unting-unti itong gumagalaw na tila parang robot. Habang paalis ito sa akin paningin kasunod nun biglang panlamig ng aking pakiramdam, at bigla akong nasagi ng kurtina sa tabi ko na nag silbing hadlang sa aking paningin pero nang hawiin ko. Na andun pa rin yun imahe ngunit hindi naman gumagalaw nakatayo pa rin ito sa bintana, kasunod nun tinanong ko ang GF ko.
"Shy! n-nakita mo yun sa kabilang building?"
"Hah?! anung meron?" tingin din siya sa bintana.
"Sa katapat lang ng bintana! yun p-parang may tao dun." turo ko.
"Saan? wala naman akong nakikitang tao?" paliwanag ni Shiloh. "Isa pa yun imahe na nakikita mo nga sa kabila manikin lang yun ano ka ba?"
"AH! hahahaha! parang namamalik mata lang siguro ako." sabi ko. "Pasensya na, tara na uwi na nga tayo."
***
At nang nakalabas na kami ng ligtas sa building, nakahinga na ako ng maluwag.
"So anung masasabi mo sa tour natin hahaha!" ani ni Shiloh. "Kakaibang experience di ba?"
"OO grabeng extreme nga, dahil dyan hindi pa rin maalis sa utak ko nangyari kanina, inaatake lang ako ng Pareidolia. manikin nga lang yun." sabi ko na me papilit na tawa.
"At lalo na dun sa isang kuwarto, yun kanina lang? yung sa kuwarto, na yun lang na bintana na may kurtina?" dagdag ko.
Natigilan saglit si Shiloh.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Hah bakit?"
"Wala naman talagang mga kurtina ang lahat ng bintana sa building na iyon?"
-WAKAS.
2nd story of 2022