Kwento ito nang dalawang magkababata na sina Shin at Ray.

Laging napunta si Ray sa bahay ni Shin kapag maglalaro sila ng Playstation or computer games.
Isang gabi nag pumilit na mag overnight stay si Ray sa bahay niya.

"Sige na pre! kailangan eh for research lang please!" ani ni Ray.

"Nako! ako tigilan mo mga dahilan mo na yan." sabi ni Shin.
"Alam ba ni tita na mag oovernight ka dito?"

*Maglalaro lang na naman yan ng games.* sa isip ni Shin.

"Alam naman ni mama paalam ko mga 1 week dito hahaha!,
kaya sige na at pakopya na rin ng assignment!" ani ni Ray.

"Hays! sige na nga!" ani ni Shin.

Si Shin ay matalino sa klase at introverted. At kabaligtaran niya naman si Ray
na extrovert, at athletic varsity siya ng school nila.
Ang bahay ni Shin ay may kalakihan may kaya ang pamilya niya.
Nagkataon din na wala ang mga magulang niya nag business trip kaya siya lang mag-isa sa bahay.

"Doon ka matulog sa kabilang bakanteng kwarto." ani ni Shin.
sabay bato ng unan kay Ray.

Sinalo naman ni Ray ang unan.
"Eh? bakit naman? di bang masyadong malaki ang kuwarto mo-- para sayo?"ani ni Ray "Gusto mo--"

"--Ang gusto ko dun ka sa kabila, dahil hindi ako makatulog sa mga hilik mo e!" putol ni Shin.
"Isa pa lahat na nang kailangan mo nandun na sa kuwarto, kaya wag mo kong istorbohin- Ah send ko nalang
saiyo email yun assignment." sabay sinara ang pinto ng kuwarto niya.

"Hays hindi pa rin nagbabago si Shin ang sungit pa rin hanggang ngaun!" ani ni Ray.
"Kaya nga sinabing overnight means walang tulugan dapat tayo!" habang naka nguso.

"As if matutulog siya nang maaga!"

"Oi naririnig kita dyan!"

"Ito na aalis na nga e, sabi ko salamat!"

***


Pumasok na si Ray sa nasabing kwarto ni Shin sa kanya.
Nilapag niya ang ilang gamit niya at nakita ang mga gadgets sa kwarto.

*Whistle* "This is Heaven! hahaha! hello again babe!" (sa PS4)

At nagsimulang maglaro si Ray.
nang nakaramdam ng boring umikot siya sa bahay ni Shin habang nag vivideo sa phone niya.
Nang napansin siya ni Shin na bumaba ng hagdan para kumuha ng maiinom.

"Anung trip mo na yan?" ani nito.

"Oh pre an dyan ka pala! tra isang smile ka naman dyan and say hi!"ani ni Ray
habang tinutukan niya ng phone si Shin.

"Wag ngayon baliw talaga!"ani ni Shin. habang tinatakpan niya
mukha niya mula sa phone ni Ray.

Patuloy lang pag video ni Ray dahil sa boring siya.

at nagsimula din mag gawa ng assignment si Ray, ngunit hindi pa niya natatapos ito
nakaramdam siya ulit na pagkaboring. At naisip niya si Shin.

"Ano kaya, napansin ko lang at naalala ko bigla wala palang naging girl friend si Shin ever since."
sa isip niya.

"HMMM! matry nga ang mga dating sites dito search natin..."

Chineck at nag search si Ray sa facebook, at ilan pa sa kilalang social media sites.
Pero wala siyang makuha sa kanyang interest. Kaya naman nakipag chat siya sa isang group
at nagtanong siya kung ano ang magandang link website para sa mga dating sites.
Marami nagsabi ng mga kilalang sites ang nag reply sa kanyang tanong.

"HAys! walang kuwenta anu bayan..."ani ni Ray na mawawalan na nang pagasa.
"Makatulog na nga lang that's it log out na--"

Pero hindi niya pa na cli-click ang log out button, biglang isang di kilalang pangalan ang nag pop out
message sa kanya wala naman ibang sinabi pero basta nalang nito binigay ang isang link address.

"Huh?! isang mysteryosong link sa isang msyteryosong netizen hmm."ani Ray.
sabay tiningin sa likod at harap ulit sa monitor."Naku baka anung site itong mabuksan ko hahaha!"
(naisip niya agad ang mga adult sites)

Chinat niya ang mysteryosong netizen na anung link ang binigay sa kanya.
ngunit ang sabi lang nito ay 'ito na ang hinahanap mo' then tsaka ito nag logout.

"Eh? bat ganun? ang weird naman." ani niya sasarili.

Balak na sana din na mag log out si Ray dahil isa sa isip niya na baka
niloloko or troll lamang iyon. At bahagya naman isip niya na i-try din. (curious)

"Wala namang mawawala kung tignan natin eh, kung adult site man yan edi goods!" bahagyang tawa ni Ray.

Nang Click niya ang link at biglang nangitim ang buong screen saglit.
nakita niya na isang di kilalang dating site at nakikita niya ang mga litrato
ng mga nagagandang babae. Mula pa ang iba sa ibang bansa.

"WHOA! JACKPOT! ayus ahh grabe!" ani ni Ray sasarili na bahagyang napasigaw sa tuwa.

Habang abala si Ray sa pag browse ng mga litrato ng mga babae sa site.
Biglang kumatok sa pinto niya si Shin.

"Oi! bat ang ingay mo diyan?" tanong ni Shin.
"Anung bang ginagawa mo?"

Nagulat si Ray at napatayo. Samantalang binuksan ni Shin ang pinto at pumasok.

"Ahh! ka-kase ah e anu pala kailangan mo pre?" nauutal na sambit ni Ray.

"May kukunin lang akong gamit dito--- teka? anung kalokohan ba ginagawa mo?" taka ni Shin.
"Bakit ang saya mo?" habang tinitignan niya ang PC sa likod ni Ray.

"Paano ka makakagawa ng assignment kung anu-ano pinapanood mo yaan!"ani ni Shin.
Dahil naisip niya na nanonood si Ray ng adult site.

"Hindi ah!"tutol ni Ray."Isa pa hindi kita nanay para sabihan ako nan noh."

"Hmm? Ano ba kasing..." habang lumapit pa si Shin sa PC.

"T-teka lang!"

Natigilan si Shin sa nakita niya.

"P-paano mo?"

"Ano?"

"Paano? at san mo nakuha yun site na to? really, may dating site sa DARK WEB?!" ani ni Shin
na hindi makapaniwala.

"H-Hindi ko alam basta may anonymous yun nag send sakin ng link tas dito ako nadala nung link."
paliwanag ni Ray.

. "Bakit dating site?" tanong ni Shin.

"Para sayo sana yan inaalala lang kita since di ka pa nagkaka girlfriend."

"Talaga bakit pa sa dark web? at tsaka wag ka nga makialam sa love life ko."

"Ito naman oh wala namang masama kung try natin kahit sino sa kanila chat mo Shin!"
kulit ni Ray."Sige na chat lang naman natin sila or isa sa kanila pili ka."

"Hindi mo talaga ako tatantanan." ani ni Shin

"Malay mo lang mag click tapos dyan mo makukuha poreber mo." tukso ni Ray.

"UGH! hayst! tigilan na nga nating ang kalokohan na 'to." ani ni Shin.

"Please last na 'to." pilit ni Ray.

"..."

Umupo si Shin at nag scroll sa site.

"YESSS! hahaha! ito pre yun chick na to... ok ba?"

"Hmm ayoko masyado siyang aggressive look..."

"Eh this one?"

"Nope."

"Ang choosy naman!"

"wag ka nang magulo pumipili na nga di ba?"

"okay, okay!" Napahinto sa pagkaka scroll si Shin nang makita ang isang inosenteng
maamong mukha ng babae na simple lang at naka dress.

"Hmm puwede na..."

"Pwede wat?"ani ni Ray."Itong girl? sus! babaw naman ng taste mo sa babae."

"Huwag mo nga ko kuwestyunin kung ano type ko."

"Okay sige na! Chat mo na ba?"

"Pumili lang ako, pero wag mo ko idamay diyan." Ani ni Shin."Makatulog na nga."

"Kill joy talaga tong si Shin."

Nang nakaalis na nang kuwarto niya si Shin. Pinagpatuloy niya parin ang pagamit ng dating site,
na kahit wala na si Shin. Chinat ito ni Ray pero gamit ang account ni Shin at nag panggap siya nito.


Liliana, 20

Hair Black
Eye Black
Skin Fair white

Loves a long conversation and
wants to be forever with you.

Nag usap sila ni Ray after that nagbigay ng phone number
at naging textmate nang hindi nalalaman ni Shin. 1 araw na nakalipas
hanggang sa nag kayayaan na makipagmeet in person ang dalagang
Nag ngangalang 'Liliana'.


-TO BE CONTINUED TO PART 2

JanenajlaArts Creator

2021