Sa bagong taon,
sa bagong tinutuluyan kong maliit bahay na nirerentahan ko.
lahat naman ay normal na araw sakin, bilang isang
istudyante at part time na nagtratrabaho sa isang
fastfood resto.

Ngunit sa kasamaang palad,
Isang inisidente na hinding -hindi ko
malilimutan ang aking nakakakilabot na karananasan nang gabing iyon.
na nagsilbing trauma sakin.

Makalipas nang 1 buwan na pananatili ko na normal sa bahay na iyun.

Isang gabi habang katawagan ko ang kang bff (bestfriend) na si Sasha.
college friend ko din siya at dahil sa malayo ako sa kanila kaya hanggang vid
calls lang kami.

10:00 pm na kausap ko sa vid call si Sasha mag isa ako sa bahay. at
katatapos ko lang maligo at nag uusap lang kami nang bff ko nang biglang makita ko ang pagka seryoso na
reaksyun nang mukha niya.

"Uy napano ka anung nang yari saiyo?" ani ko.

"...."

Mga ilang minuto lang siyang nakatitig sakin na hindi kumikibo,
habang nanlalaki ang mga mata niya.

"Hoy babae! wag ka ngang ganyan ang creepy mo tama na yang joke mo, anung trip na yan?!"
ani ko na bahagyang ninyernyerbyus at nakatawa na bahagya.
Hindi siya nag salita sa halip nag chat siya sakin sa messenger.

"May ibang kasama ka ba dyan beshie?" ang tanong niya sakin sa chat.
"I text mo lang yun sagot mo." dagdag niya pa.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya, natigilan ako sa pagpunas ng tuwalya sa ulo ko
at sabay umupo sa aking kama tsaka nagreply nang text sa kanya.

"Wala, bakit mo natanong? tsaka anung oras na para tumanggap pa ako nang bisita."

"G-ganon ba?!" ani ni Sasha. "K-kung ganun sino yun nasa may ilalim nang kama mo?"

"Hah hah! nice try galingan mo pa manakot!" ani ko na iniisip ko na nagbibiro lang siya,
dahil kilala ko si Sasha na magaling mang asar.
"kilala na kita hindi mo ko makukuha sa trip mo!" bahagyang tawa ko.

"HINDI TOTOO SINASABI KO HUWAG KANG KIKILOS NANG ALANGANIN! TUMAWAG KA NA NANG PULIS!"
Biglang panik ni Sasha.

Kasabay nang reply niya,
nagngilabot ako sa aking nakita matapos sinend ni Sasha ang screenshot nang vid call namin.




Halos mapasigaw ako sa pagkabigla at takot, pero tinakpan ko agad ang aking
bibig upang hindi matuloy ang ingay. napatingin ako nang dahan dahan sa aking paanan habang nd ko mapigilang manginig
ang aking mga kamay at ang aking mga paa tila'y naninigas.

*Hindi maari kailangan ko mag-ingat kumilos!*ani sa isip ko.
habang sinubukan ko na umasta na normal.

Makalipas nang ilang segundo, tumayo ako sa aking kama at naglakad na normal at
tumatawag pa rin ako sa bff ko na natatawa kunwari. Sabay nag tungo ako sa banyo at nilock ko ang aking sarili doon.
Napatingin ako sa may bintana, pero bago ko iyun buksan at tanggalin ang jelosi binuksan ko muna ang
gripo na malakas para mag silbing ingay ang pwersa nang tubig at hindi nito marinig ang aking ginagawa.

Nang matapos ko matanggal ang mga jelosi, agad ako umakyat habang tumutungtong sa toilet
at nakalabas ako nang ligtas-- ka sunod nun ay tumakbo ako palayo sa bahay at humingi nang tulong sa mga kapitbahay,
tumawag din ako agad nang pulis.

At sa kabutihang palad ay nahuli din ng mga pulis ang suspect na nag trespass sa bahay ko.
ayon sa mga pulis, Na tama lang ang ginawa kong aksyon na tumakas, dahil nang pinasok nila ang bahay.
Naabutan nila ang suspect na nakatayo sa tapat nang pinto nang banyo habang
may hawak na patalim.



Marahil inaabangan nalang ako lumabas nang banyo at biglang patayin.
Kaya malaki ang pasasalamat ko sa bff ko kung hindi dahil sa kanya ay wala na ako ngayun.


WAKAS.
JanenajlaArts Creator

First story of 2022