Sa buhay natin, sa araw araw.
May mga ilang lugar na hindi natin alam na mapapadpad ka nalang sa...
...Isang tahimik at madilim na lugar.
Nagsimula ito noong kabataan ko. (salaysay ng isang Lalaki)
Si Ruel Lopez, ang kababatang kapatid ng bestfriend ko na si Josh.
Bata pa ako nun at wala akong paki kay Ruel. Dahil mas pinapapansin ko ang kuya niya.
At baby pa siya noon, nang naging kaibigan ko ang kuya niya.
Dahil madalas ako sa kanila, mangapitbahay at ang ina nila ay parang pangalawang magulang ko na rin.
Dahil ang mga magulang namin ay magkaibigan din.
Nakatira ako noon sa isang barrio at ang bahay namin ay may ilang distansya sa ibang kapitbahay
at ang bahay naman nila ay may kalayuan pero walking distance naman,
bandang bayan na sila nakatira. Pero bago ka makarating sa bahay nila,
madadaanan mo muna ang Isang malagubat na daanan.
Sa umaga ay masarap at maganda maglakad lakad dito.
Pero pag sapit ng gabi ay pinaka ayaw ko maglakad sa gubat.
Walang kang makikitang ilaw.
At ang mga puno malalaki, malalago ang mga sanga at dahon nito
na
nakaharang sa liwanag ng buwan kaya naman lalo itong nagpadilim.
Bata pa ako noon. Hindi ko maiwasan matakot,
lalo na sa ganun edad ay masyadong malawak ang imahinasyon.
Ni hindi mo alam kung ano o kung sino ang nilalang na maari mong makita sa kabila ng kadiliman.
Ang mga sabi ni Ina sakin. Maaring ma-kidnap ako sa daanan.
Lalo na talamak sa mga masasamang tao ang kadiliman, upang gumawa ng perpektong krimen,
lalo na ang madalas pang mabiktima ang mga batang tulad ko...
... di kaya ang ilang mabangis na hayop na maaring lumapa sakin.
O kaya mas malala pa doon ang iniisip ko.
...
isang araw inutusan ako ni Ina na bumili ng pagkain.
Syempre dumaanan na din ako kila Josh,
konting tambay tapos tsaka na ako umalis.
Kailangan kong bumili sa bayan. Sa kasamang palad
Nang nakabili na ako inabot na ako ng dilim. Gabi na.
Napalunok ako na habang may kaba sa dibdib.
matapos ako napahinto at nakaharap sa isang
pinakakinatatakutan ko na daan ang madilim na gubat.
Sa sobrang dilim, as in ni konting ilaw wala kang makikita.
At halos hindi mo maaninag
Dulo nito.
At kasabay sa mga oras ding iyon.
Mararamdaman mo din na kung ano ano na pumapasok sa utak mo.
Kasabay pa ang malamig na pakiramdaman,
kahit na nakajacket na ako.
Iniisip ko sa mga sandaling iyon hindi rin tao o hayop...
Ang naglalaro sa utak ko ay isang kakaibang nilalang na hindi matukoy.
Meron itong mahahabang kuko at pangil mapulang nanlilisik na mga mata nito.
At nag tatago ito sa kadiliman,
palihim at tahimik nitong nagmamasid saiyo.
At maari biglang ka nalang dakmain na hindi mo mamalayan.
Habang iyon ay nasa isip ko tumingin muna ako sa likuran ko.
Nakikita ko ang mga ilang mga streetlight, ilang sasakyan at mga tao na naglalakad.
At pag harap ko isang madilim lang na lugar.
Iniisip ko na sana may kasama akong ibang tao sa paglalakad sa madilim na daanan na ito.
Ngunit wala ni isa.
Wala na akong maasahan at kailangan ko na talagang umuwi.
At huminga ako ng malalim at nagtungo sa aking bangungot.
Habang naglalakad ako lalong dumidilim ang paligid
at nakakabinging katahimikan tila parang nasa tunnel ka,
sa kaba ko pabagal ng pabagal ang aking pag lakad.
Dahil pinapakiramdam ko ang bawat paligid ko habang naglalaro sa utak ko
na anytime maaring may biglang tatalon nilalang sa harapan ko.
Maya maya lang nakarinig ako ng kaluskos sa likuran ko.
Tapos nakarinig ako na tila papalapit ito saakin,
sa sobrang takot ko hindi na ako tumingin sa likuran ko agad na ako tumakbo.
Tumakbo ako ng sa bilis ng makakaya ko.
Habang tanging nararamdaman ko na tila may humihinga sa
likuran ko hinahabol niya pa rin ako.
Sa kabila ng kadiliman at halos wala ako makita sa daanan ko.
pero nagpatuloy pa rin ako sa pagkatbo hanggang sa parang sasabog na ang puso ko sa hingal.
At nang naaninang ko na ang konting liwanag sa dulo nakikita ko na ang bahay namin
sa di kalayuan at nang nailawan na ako. Naramdaman ko na tila hindi na ako hinahabol ng nilalang na iyon.
Pero nang nakarating ako ng ligtas sa bahay napagsabihan pa ako ni ina na bakit ang tagal ko.
Kahit na hinahabol ko pa hininga ko nagpaliwanag ako sa nangyari sakin.
Pero syempre sino ba maniniwala sa bata?
Ang tanging hindi ko makalimutan na tumatak sa alala ko ay nakita ko ang jacket ko
sa bandang likuran na m tila may kalmot ito,(muntik na ako makuha) na tila ibang klaseng hayop
O nilalang na hindi ko matukoy.
Ngunit sabi ni ina. Gawa lang daw ito na pagkagaslaw ko dahil nga nasa gubat ako
maaring sumabit lang daw ako sa ilang kakahuyan at iyon ang naging sanhi ng pagkasira ng jacket ko.
Anu bang alam nila hindi nila alam ang talagang nangyari sakin?
Palibhasa Kase kapag matanda ka na feeLing na alam na lahat.
...
Makalipas ng ilang taon lumalaki na rin ako at pati ang magkapatid.
pero hindi ko pa rin pinapansin si Ruel.
Tumira muna ako sa manila nag pakasaya inenjoy ang college life ko,
barkada at love life. At ang mga alaala ko ng kabataan ko noon ay halos nakalimutan ko na.
Matapos ang ilang taon marami na nangyari sa buhay ko.
Nang nag bakasyon ako at umuwi.
nabalitaan Ko nalang ang isang karumaldumal na insidente.
At tsaka ko nalang napansin na...
Nawawala ang batang si Ruel.
Hinanap ng mga pulis siya sa kagubatan dahil ayon sa iyon sa mga residente
na ang huli nilang nakita si Ruel.
Kinaumagahang iyon natagpuan nalang ang bangkay ni Ruel na nakasabit sa isang malaking puno.
Nakita nila na wak wak at lasog lasog na katawan walarin ang ilang lamang loob nito.
At ang sabi ng mga pulis maaring isang uri ng di kilalang hayop ang may kagagawan nito sa kanya.
Naiisip ko sa mga sandaling iyon habang nakikiramay ako sa burol
at hanggang sa libing ni Ruel. Na ang nilalang na naalala ko noong kabataan ko ang may gawa nito
sakanya.
At sa kasamaang palad maaring hindi siya tumakbo ng tulad ng kasing bilis ko noon,
kaya siya naabutan nito.
Kaya matapos ang insidenteng iyon. Pinutol ng mga residente ang ilang malalaking puno
at tsaka nilagyan ng ilang ilaw, upang mag silbing liwanag kahit paano sa daanan.
Kaya naman dahil Simula Noon nawala na ang balita sa kakaibang nilalang na iyon na nagtatago sa dilim.
Dahil Marahil ngayon ay naghahanap na siya muli ng mabibiktima
sa mga madidilim na bahagi ng lugar.
At maaring ding sa lugar ninyo siya.
SA MADILIM...GUBAT NA MAPANGLAW.
WAKAS.