Day 7

(Rui)

Tayong dalawa

 

Isa lamang ba itong panaginip?

Nasa tabi kita at aking yakap.

Pag-ibig ko iyong tinanggap,

Bukas, ngayon ikaw ang hanap.

 

Kasama ka sa aking pangarap,

Sana nga ay tayo sa hinaharap.

Salamat sa pagtanggap mo,

Mahal talaga kitang totoo.

 

Pangakong ikaw lang sa puso,

Nag-iisang babaeng iibigin ko.

Huwag mo sana akong iiwan,

Baka ako’y lamunin ng kadiliman.

Mai Tsuki Creator