undefined

Day 20 

(Rui)
Ligaw 

Bigla na lang nawala si Jury kanina,

Kaya ngayon, hinahanap namin siya.

Dahil hindi talaga namin siya makita,

Bumalik kami at humingi ng tulong sa iba. 

 

Sana’y nasa maayos siya’t ligtas,

Kung sana’y pinigilan ko siyang umalis.

Lahat kami’y alalang-alala na,

Jury, nasaan ka na ba? 

 

Nang makilala namin ang isang lalaki,

Nakita raw niya ang isang babaeng naglalakad sa tabi.

Pumasok sa loob ng gubat nang nakatulala,

Maaaring tinangay ka raw ng nilalang na ‘di nakikita?
 

Mai Tsuki Creator

Keep on reading!