Day 6

(Jury)

Film Showing

 

May film showing sa eskwelahan,

Magkalayo ang ating upuan.

Malayo ka man, natatanaw kita,

Ikaw ang hanap ng aking mga mata.

 

Maganda ang palabas na pelikula,

Historical na may drama ang tema.

Parang ikaw iyong bidang lalaki,

Ako naman iyong bidang babae.

 

Magiging tulad kaya tayo sa kanila?

Ikaw at ako, magkatuluyan kaya?

Bigla akong nakaramdam ng kaba,

Ano’ng mangyayari sa ating dalawa?

Mai Tsuki Creator