undefined

 Day 19

(Jury)

Field trip 

Araw ng field trip namin ngayon,

Nasa camping site kami at nagpapahinga.

Biglang nagkayayaan ang barkada,

Sa malapit na ilog kami ay nagpunta. 

 

Kasama ko si Rui at ang tatlo pa,

Sa sobrang ganda ng ilog ako’y natulala.

Naglakad ako na parang nahihipnotismo,

Nang malingat ako, nahiwalay na ako sa grupo. 

 

Napadpad ako sa isang masukal na gubat,

Nakakita ako ng ‘di pangkaraniwang bahay kubo.

Ako kaya’y namamalikmata o naeengkanto? 

Tunay ba ito? Baka nanaginip lang ako.  

Mai Tsuki Creator

Thank you for reading ^_^