Kaya mo bang gawin ang lahat para sa iyong minamahal? Para kay Jury, ang sagot ay ‘Oo’. Dahil sa mahiwagang medalyon nagawa niyang maglakbay sa panahon at bumalik sa nakaraan. Ginawa niya ito para bigyang babala ang nakaraang sarili niya sa mangyayari sa hinaharap.
Mapigilan nga kaya ng past self niya ang napipintong pagkamatay ng kanyang minamahal?
Ito ang kwento ni Jury at Rui, isang kuwento ng pag-ibig at mahika na isinulat nang patula.
29days, 29Poems of love
#29Letters