Day 1

(Rui)

Hanggang Tanaw

 

Una kitang nakita sa labas ng bintana,

Ako’y natulala sa taglay mong ganda.

Parang ginamitan mo ako ng mahika,

Sino ka bang nagbigay sa akin ng kaba?

 

Ako’y nawindang sa iyong pagtingala,

Napansin mo kaya ang aking paghanga?

Gusto ko mang ibaling ang pansin sa iba,

Sa iyo na napako ang aking mga mata.

 

Ngumiti ka sa akin at ako’y nabigla,

Ramdam ko sa mukha ang pamumula.

Hanggang tanaw na nga lang ba kita?

O, may pag-asa pa bang makilala ka?

 

Mai Tsuki Creator