Day 10

(Jury)

Trahedya

 

Lalo na akong kinutuban sa iyong pagliban,

Balewala kahit ilang beses pa kitang tawagan.

Mga text at chat ko hindi mo nire-reply-an,

Tumitindi ang pangambang nararamdaman.

 

Isang balita ang mabilis kumalat sa klase,

May trahedyang nangyari sa isang estudyante.

Isang lalaki ang pumatay sa sarili niyang asawa,

Nanginig ako nang malamang ito’y iyong pamilya.

 

Nabigla ako sa aking narinig mula sa kanila,

Luha sa mga mata ko’y biglang kumawala.

Iniisip ko pa lang ang sakit na iyong pasan,

Gusto kong tumakbo para ika’y puntahan.

 
Mai Tsuki Creator