Ligtas
Nang magising si Rui, hindi ko siya iniwan,
Buong araw siiya ay aking binantayan.
Marami siyang sinabi tungkol sa nangyari,
Alam niyang mali at siya’y nagsisisi.
Batid kong naguguluhan ang kanyang isipan,
Masakit ang kanyang pinagdadaanan.
Niyakap ko siya, pinaramdam na hindi siya nag-iisa,
Maramin tao ang gustong tumulong sa kanya.
Tangka niyang pagpapakamatay ay napigilan,
Salamat sa taong tumawag sa kanyang likuran.
Ako’y nagtataka ang sabi niya kaboses ko siya?
Hindi kaya sa kanya rin galing ang sulat na babala?
^_^