Kamatayan
Kaming dalawa ni Inay sinasaktan ni Itay,
Dahil si Inay gusto nang makipaghiwalay.
Si Itay, wala siyang kwentang asawa’t ama,
Alak, sugal at babae ang kanyang kasakasama.
Nagtiis na si Inay nang matagal na panahon,
Oras na para kaming dalawa ay umahaon.
Ang hawak ni Itay na patalim na dapat sa akin,
Mabilis humarang si Inay upang ako’y sagipin.
Dumanak ang dugo sa kanyang katawan,
Binawian ng buhay si Inay sa aking harapan.
Gusto kong sumigaw nang napakalakas,
Ngunit sa bibig ko’y walang tinig na lumalabas.