Day 3

(Rui)

Ulan

 

Napasilong ako sa may tindahan,

Nang biglang bumuhos ang ulan.

Huminto ang oras nang makita kita,

Agad nagtama ang ating mga mata.

 

Hindi ko maitago ang sobrang kaba,

Sadyang mapaglaro ang tadhana.

Akalain ko bang makakatabi kita?

Lalo kong nakita ang iyong ganda.

 

Huwag muna huminto ang ulan,

Nang hindi ka muna lumisan.

Kung maglakas loob na kaya ako,

Itanong sa ‘yo ang pangalan mo?

 

Mai Tsuki Creator