CHAPTER TWO
" Pagtitiis Para Sa Pangarap "
~ Eric PoV
Sa paglipas ng magdamag ay malapit na naming marating ang aming unang destinasyon .
Hindi kami pwedeng magdeliver sa mga malalaking palengke na pinagbabagsakan ng mga pangunahing suplayer ng gulay na may ari ng mga malalaking taniman sa probinsya kaya wala kaming nagagawa kundi iwasan ito at pumunta sa iba kahit na malayo ito para lang kumita at makaubos .
Sa higit na anim na oras ay nakarating kami sa wakas sa unang bayan na aming babagsakan ng gulay. Dito ay may isang oras kami para mag ikot at maglako sa mga tindera sa palengke nito .
Dito ay buong sigla kong inikot ang lugar habang buhat sa likod ang isang basket ng karot. Higit 15 kilos ito at kahit na mabigat ito at masakit sa likod dalhin ay kailangan ko itong tiisin.
" Ate , Bili na kayo ng carrot na pang tinda galing lingawin !! " Alok nito sa tindera.
May isang oras lang sila para maglibot sa boung lugar. Nilalakad ang higit 4 na kilometrong daan paikot sa mga lugar na may tindahan sa syudad.
Lumipas pa ang ilang oras ay nagpatuloy ang aming pagbyahe sakay ng truck patungo ulit sa susunod na bayan.
Hindi ko napansin ang oras dahil saaking pag iglip nagising na lang ako ng kalampagin ng drayber ang likod ng truck. Nakahinto na ito kaya ibigsabihin ay nakarating na kami sa pangalawang destinasyon. Maingay sa labas ng truck at maliwanag dahil sa mga ilaw sa loob ng pamilihan
Isang malaking palengke na may napakataas na bubong. Ito ang isa sa malaking palengke sa lungsod na ito kaya marami ang dumadayo rito para sa murang gulay.
Ang lugar na iyon ay bagsakan ng mga gulay kung saan kumukuha ang mga tindero sa palengke sa syudad para itinda sa ibat ibang lugar sa bayan. Magandang bagay para saamin na magkaroon ng bagsakan dahil nabibili ang aming gulay ng hindi na namin kailangan ilako pa sa daan at palengke .
Dahil gabi na rin kami nakarating sa bagsakan ay balak ng grupo na magpalipas ng magdamag doon at ipagpabukas ang pag byahe. Ok na rin dito dahil kahit na pumwesto kami sa gilid ay may lalapit saamin para bumili ng gulay .
Kahit isang kilo lang ang kadalasan binibili ng mga lumalapit ay makakaubos din kami kahit papaano kesa naman manganib kami kung pupunta pa kami sa ikatlong destinasyon.
Delikado sa mga rebelde ang truck namin kahit pa nasa syudad na kami. Para sa kanila isa silang mga mangangaso at ang truck ng mga gulay ay tila isang malusog na hayop na kailangan mahuli at makuha para tustusan ang mga pang araw araw nilang pagkain.
Masigla kong pinagbebentahan ang mga tao ng paninda ko. Ang dami nila rito kesa saaming lugar at talagang nakakatuwa sa syudad.
Naubos ang isang basket ng karot na dala ko sa loob lang ng isang oras. Nakakasiguro akong marami pang gustong bumili kaya dali dali akong kumuha ulit ng basket ng karot sa truck namin.
Sa pagkaabala ko ay hindi ko inaasahan na bigla akong mapapaluhod sa lupa ng subukan kung humakbang pabalik sa pwesto ko.
" Huh ? "
Hindi ko alam kong nadapa ako o may tumulak saakin para mapabagsak ng ganun. Hindi ko malaman kung bakit tila nanghihina ang tuhod ko.
Nakita iyon ng aming drayber ng truck na si kuya Kardo na syang leader ng grupo namin at tiyak pagagalitan nanaman nya ako dahil mainit ang mata saakin ni kuya Kardo. Nakakunot ang mga noo nitong biglang sinabi na .
" Hindi mo dapat pinepwersa ang katawan mo, masyado ka pang bata para mabaldado." Sambit ni Kardo sa binata.
Masungit si Kuya Kardo saakin at ayaw ako pasamahin sa pagbebenta nila. Pumayag lang sya dahil sa paki usap nila papa at mama sa kanya. Ayaw nya kasi na may bata sa grupo dahil daw mabagal ito at dagdag alalahanin kaya naman bawal akong magpakita ng pagkalampa sa harapan nya dahil baka hindi nya na ako isama ulit.
Hindi ko masyadong pinansin ang mga sinabi ni kuya Kardo at sinagot lang ito ng pag ngiti. Marami pang gustong bumili ng tinda ko kaya wala akong oras na magpahinga.
Maikli lang ang gabi dahil bukas ay magtutungo na kami sa ibang palengke kaya hindi ko dapat sayangin ang bawat sandali .
Nagpatuloy ako sa pagbenta hanggang sa tuluyan ng umunti ang mga tao na nagpupunta at bumibili sa bagsakan ngayong gabi. Pagkatapos ko maibenta ang higit sa apat na basket ng carrot na paninda ko ay naglikpit na ako at umakyat sa truck kasabay ng mga kasama ko upang matulog.
Pag akyat ko ay dali dali akong pumwesto at kinuha ang plastik kung saan ko inilagay ang pera ko. Abot tainga ang ngiti ko habang binibilang ko ang mga kinita ko sa mga carrot na inani nila mama. Sa wakas kumita na ako at may pang gastos na ulit kami.
Pagkatapos ko mabilang ito lahat ay inilagay ko ito sa isang Wallet na may disenyong kuneho na ibinigay ng kapatid ko saakin. Dito ko pinagsasama sama ang mga benta ko.
Tiyak matutuwa ang aking pamilya sa oras na makabalik ako saamin. Habang iniisip ko ang mga masasayang ngiti at papuri ng mama at papa ko na nag aantay saakin ay biglang kumalam ang sikmura ko .
" Nagugutom na ako " Sambit ko.
Napagtanto ko na hindi pa pala ako kumakain buong maghapon. Hindi ko na naisip na kumain o baka dahil hindi ko nakasanayan na kumain. Wala rin kasi akong dalang pagkain maliban sa mga nilagang karot.
Isang puting supot ang kinuha ko sa isang basket at agad itong binuksan upang kunin ang mga baon ko inihahanda ng mama ko para saakin bago sila umalis ng bahay.
Kumuha ako rito ng isa at binudburan ng asin na kasamang nakasupot. Ito lang ang kinain ko mula almusal hanggang tanghalian at sa kasamaang palad ay pati sa hapunan .
Napapangiwi ang mga kasama ko sa itaas ng truck ng makita nila ang pagkain ko sa mga ito. Hindi sanay ang ilang tao na makakain ng nilagang carrot at kakaiba ito para sa kanila pero dahil mula pagkabata ay nasanay na akong kainin ito ay hindi na mahalaga saakin ang klase nito at kahit ang lasa .
Ang totoo masarap ito para saakin.
Pero kahit na masustansya ang carrot sa katawan ay hindi nito kayang punan ang kailangan ng katawan ko. Nakakaramdam ako ng panghihina dahil sa gutom pero wala akong extrang pera para pambili ng ibang pagkain.
Wala akong kakayahan na bumili ng makakain ko para sa araw na iyon dahil tiyak mababawasan ang aking kinita na hindi pa umaabot sa kota na dapat kung kitain para mabayaran ang inutang na punla ni mama.
Ilang oras lang nakalipas pagkatapos kong kumain ay palagi akong nakakaranas nang pagkagutom.
Nakakaramdam ako ng pananakit ng tyan at tila naghahanap ito ng mas mabigat pang laman tyan kagaya ng kanin o karne.
" Pambihira, nagugutom ulit ako " Sambit ki habang kumakalam ang tyan.
Kahit anong gawin ko nararamdaman ko ang gutom na tila binubutas ang tyan ko. Ipikit ko man ang mata ko at pilitin makatulog ay balewala parin.
Masakit .... Napapangiwi ako sa sobrang sakit. Parang kinakain ng sikmura ko ang mga laman ko sa tyan habang nararamdaman ko naman ang malamig na pawis na dumadaloy sa aking pisngi.
Sumasakit ang ulo ko at nakakaramdam ng pagkahilo dahil sa gutom na nararanasan ko. Hindi ko na ito kaya pa, kung pwede lang na ...
~ End of Pov
" Mama , papa Hindi ko na kaya "
Bulong nito sa sarili habang namimilipit sa sakit.
Agad na tumayo si Erik at naghahanap pa ng supot sa loob ng basket. Alam nya na wala na syang natitirang baon na nilaga pero dahil sa pagkatuliro ay tila ba umaasa na lang sya na baka meron nakaligtaan o naiwan sa supot na pwedeng makain.
Alam ng binata na nasa limitasyon na sya at tila lutang na ang kaisipan. Hindi nya matiis ang nararamdaman at handang gawin ang lahat para maibsan lang ang sakit na nararamdaman .
" Hindi ko na kaya, sobrang sakit na talaga. " Daing ni Erik.
Sa pagkakataon na iyon ay kinuha nya ang wallet nya at bumaba ng truck. Wala syang tanging iniisip ngayon kundi ang makabili ng pagkain o gamot para sa sakit ng tyan.
Mababakas sa mukha nya ang pagtitiis nya ng sakit habang humahakbang palayo sa truck.
Ilang hakbang pa palayo ay agad syang napansin ng drayber nila at tinatawag mula sa kina-uupuan nito sa driver seat.
" Hoy carrot boy ! Saan ka pupunta? " Sigaw ni Kardo.
Nilingon nya ito at dinaing ang sakit ng tyan. Naiintindihan man ng leader nila ang nararanasan ng binata ay wala syang magawa para tulungan ito. Sa sandaling yun ay nahawakan nya ang kanyang bag sa tabi nya at bubuksan sana pero hindi nya ito naituloy dahil sa pagdadalawang isip .
Pumapasok sa isipan ni Kardo ang miserableng kalagayan ng binata at kung gaano ito katibay para makayanan ang trabaho bilang mag gugulay sa mura nitong edad.
Alam nya na pagkain at gamot ang kailangan ni Erik at kahit sya ay kailangan nya ito kaya hindi nya kayang ibigay ay tinapay na meron sya sa loob ng bag na kanyang hawak.
Nagpaalam sa kanya si Erik na lalabas ng saglit sa bodegang kanilang sinilungan para bumili ng makakain kaya pinayagan nya ito at pinaalalahanan na lang tungkol sa mga rebelde o masasamang tao na gumagala tuwing gabi.
Alam ng binata ang tungkol doon at kahit sya ay natatakot na makasalubong ito pero sa kabila nun ay nagpatuloy parin sya sa paglabas.
Lutang sya habang naglalakad at hirap na hirap na iniinda ang pananakit ng tyan.
Ilang minutong paglalakad ay narating nya na ang ilang tindahan.
Pumasok agad sya sa isang gusali at tyempo naman na isang karinderya ang napasukan nya. May iilang tao parin ang kumakain sa kainan kahit halos alas onse na ng gabi.
Naglalaway ang binata nang maamoy ang mabangong amoy ng masarap na pagkain itinitinda ng ale. Para bang may mahika itong nang-aakit sa binata para mapabili at makain ang mga ito.
Naiimagin nya sa kanyang paningin ang kumikislap na bagay sa mga pagkain na iyon, wala na syang kontrol sa sarili at uhaw na gustong malamanan ang sikmura.
Hindi nya na kinaya pa ang temtasyon na makakain at tuluyang napahawak sa salamin ng estante ng tindahan .
~ Eric PoV
Ang bango nang amoy ng kanilang tinda, itsura palang tila masarap na . Ito ang kailangan ko para mawala ang pananakit ng tyan ko.
Alam ko na parang may mali sa nangyayari pero wala na akong paki. Gusto ko na silang kainin kahit na tila may bumabagabag saakin .
Sa kanyang pagka takam sa mga ito ay may biglang may boses syang naririnig na sandaling dumadaan sa kanyang tainga .
Isang paulit ulit na boses ng pagtawag sa aking pangalan at pagpapahinto sa aking balak gawin. Guni guni ko lang ba ang tila may boses na nagpapahinto saakin. hindi ko alam pero ang alam ko ay may tila nakakalimutan ako .
Sa bawat pag aalinlangan ko na magturo ng bibilin dahil na rin sa misteryosong boses na naririnig ko sa utak ko ay bigla akong napapahawak sa nananakit na tyan ko na hindi mahinto sa pagkalam.
Naguguluhan ang utak ko at siguro dahil sa gutom ako. Tama , Marahil ganun nga .
Mas mahalaga na maibsan ang gutom ko upang makapag isip ako ng tama.
Hindi na ako dapat magdalawang isip. Mamamatay na ako sa gutom kaya bakit ako magpipigil na kumain ?
Pero bago ko pa maituro sa ale ang bibilin ko ay napansin ko na sa gilid nito ang mga numero .
Hindi ko kayang basahin ang ibang nakalagay dito dahil nakasulat ito sa ibang lengwahe pero alam ko ang nakalagay sa gilid ng mga ito ang presyo ng pagkain .
Nagulat ako at napahakbang patalikod dahil sa pagkabigla sa presyo ng kanin at ulam na tinda nila. Umabot ang mga ito sa 60 pesos gayung kanin at ulam lang ito. Hindi ito makatarungan, Isang kalokohan .
Hindi ko maunawaan kong bakit tila may pagmamalabis sa presyo ng bilihin nila dahil saamin ay limang piso lang ang takal ng kanin at sampu ang ulam sa karinderya .
Nagtanong ako kung bakit napakamahal ng kanilang tinda para sa isang order pero tila ba nagtataka ang mga ito sa pagtatanong ko at nasabi na lang na .
" Wala ka sa bundok boy, ganito ang buhay sa syudad " Wika nito
Sa pagkakataon na iyon ay napagtanto ko ang pagkakaiba ng lugar namin sa maliit na syudad na iyon .
Napatingin ako sa paligid ko at talagang ibang iba ito sa masikip na karinderya sa probinsya. Marami itong ilaw at mga elektrik fan, kumpleto sa serbisyo at malilinis ang mga gamit. Makikita mo rin ang isang television na pinapanuoran ng mga tao at mga gadget na hawak hawak ng ilang costumer.
Maraming bagay ang meron doon na wala sa lugar namin gaya ng mga sementadong kalye at gusali. Mga maliliwanag na daan tuwing gabi dahil sa mga ilaw ng poste.
Siguro nga ibang iba ang syudad sa nakasanayan ko at hindi ako pwedeng magreklamo sa mga bagay at pagkakaiba nito .
Habang iniisip ko ang mga pambihirang bagay sa syudad ay sumagi sa isip ko ang mga kapatid ko na gusto kong makapag aral sa maynila.
Tama, Kung makakapag aral sila sa maynila ay tiyak hindi sila kagaya ko na namamangha sa mga bagay bagay dito sa syudad na parang timang. Nakakahiya kung iisipin .
Maynila. Ang sabi nila isang maunlad na bayan ang maynila na syang kabisera ng bansa. Kung ganun sigurado akong mas mahal pa dito ang mga bilihin doon.
Pinagmasdan ko ang wallet ko at napagtanto na kung mag aaral ang mga kapatid ko sa maynila ay tiyak malaki ang pangangailangan nila para sa pag kain nila sa araw araw .
Masyadong mahal ang bilihin sa syudad. Paano pa kaya sa maynila ? Teka ano kaya ang buhay sa maynila ng mga batang kasing edad ko ?
Nakakaingit sila dahil isinilang sila sa syudad. Hindi na nila kailangan pagdaanan ang mga hirap ng maging probinsyano. Kung may pagkakataon lang nais ko rin mamuhay sa syudad.
Masaya sigurong isipin na kung isinilang ako bilang taga syudad ay nakakapag aral ako sa maayos na silid aralan. May malinis na pagkukunan ng tubig, magagamit na ilaw sa gabi at mga masasarap na pagkain .
Magagandang gusali, may ilaw na poste, sementadong kalsada, sibilisadong pamayanan at ang maunlad na teknolohiya.
Gusto ko rin maranasan yung mamasyal kasama ang mga kaibigan na hindi mo kailangan alalahanin kung may kakainin ba kayo sa susunod na araw. Gusto ko rin maranasan makatapak sa mga nagtataasang gusali at tignan ang mundo mula sa itaas ng mga ito.
Nakakatuwa sigurong isipin na natatamo ko rin ang mga tinatamo ng mga batang taga syudad. Kung may pagkakataon lang .
Pero alam ko sa sarili ko na imposible ang mga bagay na iyon para sa akin. Grade 6 lang ang natapos ko at dahil sa hirap ng buhay ay hindi na ako nakapag aral pa. Pinagsisihan ko na hindi ako nag aral ng mabuti noong panahong pumapasok pa ako sa paaralan, hindi ko alam na iyon na pala ang huling pagkakataon na makakatungtong ako sa paaralan .
Pero gayumpaman ...
Kahit na huli na ang lahat para saakin eh hindi para sa mga nakakabata kong kapatid. Sila ang nag iisa kong pag asa at kayamanan .
Habang iniisip ko ang mga bagay na yun ay napapikit ako sandali.
Agad kung sinara ang wallet ko at naglakad paalis ng tindahan. Ewan ko pero parang nawala ang sakit ng tyan ko.
Siguro dahil sa pag iisip ko sa kinabukasan ng mga kapatid ko o baka mas napigilan ako gumastos dahil sa panghihinayang sa perang mababawas saakin .
Pero kahit nawala ang pananakit ng tyan ko ay hindi nito naalis ang panghihina ng braso ko at tuhod na tila nag hahanap ng pag kukuhaan ng enerhiya.
Pero para saan pa ba ang pag sisikap ko kung magpapatalo ako sa gutom ko? Tama , hindi naman siguro ako mamamatay dahil lang sa hindi ako nakakain ng isang gabi .
" Hindi ako magpapatalo !! " Sigaw nito habang itinataas ang mga kamay at inaabot ang langit .
Isang pag sambit na nagpapalakas ng loob kong harapin ang hirap ng buhay.
Alam ko na ang pagtitiis na aking pinagdadaanan hirap ay parte ng pagsubok na kailangan kong lagpasan para matupad ang mga pangarap.
~ End of POV
Minamasdan nya ang mga bituwin sa langit na tila nagniningning sa kalangitan. Puno sya ng kumpyansa na matupad ang pangarap para sa mga kapatid .
Isang batang nag aasam ng pagbabago sa kanilang katayuan sa buhay. Wala man sya ideya kung gaano kataas at ka posible na makuha ito at handa na syang sumugal dito.
" Ok , dapat maka benta ako bukas ng mas marami " Sambit ni Erik sa sarili .
Sa pag hakbang muli ng kanyang mga paa paalis sa kinatatayuan ay bigla may kung anong bagay ang tumama sa ulo nya .
Isang matigas na bagay ang inihampas sa ulo ng binata ng kung sino na naging dahilan para dumaosdos ito sa kalye .
Sa isang iglap lang ay tila nagdilim ang paningin nya at unti unting nawalan ng malay.
Makikita na umaagos ang dugo sa kanyang ulo dahil sa sugat na natamo at dahil nga sa malalim na ang gabi ay walang ibang nakakita sa pag atake sa kanya.
Matagumpay na napagnakawan ang binata at mabilis na nakatakas ang mga hindi nakilalang mga tao.
Bumulagta sya sa daan ng hindi nya inaasahan at walang nagawa sa mga nangyari.
End of chapter .