CHAPTER THREE
" Katatagan sa buhay "
~ Erik PoV
Ano bang nangyari? Teka bakit ang dilim. Hindi ko alam kung nasa isa akong kwartong walang ilaw o baka nakapikit lang ako kaya wala akong makita.
Lumalamig ang paligid. Nararamdaman ko ang paghampas ng hangin sa aking katawan. Sandali ? Pamilyar ang pakiramdam na ito.
Ang bango ng paligid at nararamdaman ko ang init ng araw sa balat ko pero gayumpaman ay wala akong makita kundi kadiliman.
Nararamdaman ko na naigagalaw ko ang katawan ko pero hindi ko ito makita. Pati ang pagsasalita ko ay hindi ko rin malaman kung lumalabas sa bibig ko o sa isip ko lang sinasabi.
Sa sandaling yun ay may boses akong naririnig. Isang malambing na pagtawa ng isang babae. Hindi ko sya makilala pero parang pamilyar ito sa pandinig ko.
" Nakikita mo ba ang ganda ng paligid? " Sambit ng misteryosang boses
Tinatanong ako ng boses pero kahit gusto ko itong tugunin ay parang hindi ko kaya. Hindi ko alam kung bakit tila hindi bumubuka ang bibig ko para tugunin ito o baka wala lang talaga akong pwedeng isagot dahil sa wala akong makita sa paligid ko.
" Maaliwalas na kalangitan , malinaw na tubig , Saganang mga puno, luntiang lupain at payapang kapaligiran na pinaglalaruan ng mga hayop, diba napakaganda ng lugar na ito? ." Sambit ng misteryosang boses.
Sandali , Ano bang sinasabi nya ?
Hindi ko alam kung ano ang dapat maging reaksyon ko, kung iisipin ko may gusto syang ipakita saakin na lugar pero hindi ko alam kung paano ito makikita .
" Nakikita mo ba? Hindi ba talagang nakakamangha ang lugar na ito ?"
Kasabay ng pagsambit ng mga salitang yun ay tila may isang malakas na hangin na humampas sa katawan ko. Sa pagkakataon na yun ay parang napapikit ako at naiharang ang aking mga braso sa mukha ko para salagin ang hangin .
Unti unting kong idinilat muli ang mga mata ko at napagtanto na nasa isa akong kapatagan na napapaligiran ng mga tanim na bulaklak at halaman .
Tumingin ako sa paligid at namasdan ang maaliwalas na kapaligiran napansin ko rito ang mga naglalarong mga hayop at ibon na ine-enjoy ang kapayapaan ng lugar .
Sobrang ganda nito at napakasarap sa pakiramdam ng hangin. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko na tila nasasabik ito. Sa sobrang perpekto ng lugar na nakikita ko ay mahahalintulad ito sa isang paraiso .
Sa gitna ng aking pagkamangha sa aking nakikita ay muling nagsalita ang misteryosang boses.
" Anong Masasabi mo saaking Tahanan? " Sambit nito .
Alam ko sa sarili ko na pamilyar saakin ang boses nya. Tama , minsan ko ng narinig ito .
Nagmula ang boses mula saakin likuran. Isang boses ng babae na nakatayo malapit saakin pero ng subukan ko ito lingunin ay biglang humampas ang isang malakas na hangin na muling nakapagpapikit saaking mga mata .
Hindi ko alam kung nagkakataon lang o tila sinasadya pero sa pangalawang pag kakataon ay hindi ko nakita ang kabuo-an ng mukha nito .
Pagdilat ko ay kaharap ko na ang isang salamin kung saan matatanaw ang labas. Nararamdaman ko ang pag alog ng kinalalagyan ko at ang ingay ng makina . Tama,
Unti unti kong napagtanto na nakaupo ako sa tabi ng driver seat at nakasandal sa pintuan ng truck habang natutulog .
~End of PoV
Ang lalaking nagmamaneho ay ang Drayber na si Kardo malasi , 40 yrs old , may maikli at maitim na buhok, maskuladong pangangatawan at medyo maitim na kulay ng balat dahil narin sa pagbibilad sa araw.
Mula pagkabata ay naging mag gugulay na ang naging trabaho nya kaya sanay na sya at maraming alam tungkol sa sistema sa trabaho nila .
Lalo na ang sitwasyon nila tungkol sa mga rebelde at mga opisyal na kastilang humaharang sa kanila. Alam nya na kailangan sa bawat pagkakataon para iwasan ang gulo at ano mang ikakapahamak nila.
Nagpatuloy ang pagpunta ng truck sa pangatlong destinasyon sa kabila ng insidente na nangyaring pag atake kay Erik .
Nakabandage ang ulo nito at may galos ang mga braso dulot ng pagkakabagsak sa kalye. Sa mga sandaling iyon ay hindi pa masyadong naiisip ng binata ang mga naganap nitong gabi.
Binati sya ni Kardo at kinamusta ang pakiramdam nito. Hindi malinaw sa alaala ni Erik kung paano sya napunta sa drayber seat at bakit sya may benda sa ulo.
" Teka , wag mong sabihin nagka amnesia ka pag katapos ka atakehin ng mga bandido ? " Sambit ni Kardo .
Ilang sandali pa ay nasambit ni Kardo ang mga nangyari na kinabigla ng bata at muling nagtanong dito sa mga sumunod na nangyari hanggang sa makarating sa kinauupuan nya.
Hindi inaasahan ng bata na mabibiktima sya ng mga masasamang loob at pagnakawan ng mga ito .
Marahas ang mga rebelde at mapangahas dahil sa uri ng buhay na meron sila. Agad silang pinapatay at binabaril ng mga kastila sa oras na makita sila kaya kailangan nilang kumilos ng mabilis sa pag gawa ng krimen.
Alam ng binata ang tungkol doon at iniisip nya kasalanan nya rin naman kaya nauwi ang lahat sa ganun dahil hindi sya nakinig sa paalala ni Kardo nitong gabi.
Wala syang sinisisi kundi ang sarili dahil sa pag gawa ng aksyon na taliwas sa nakasanayan ng grupo nila at mga bilin ng mga nakakatanda na wag lumabas ng mag isa lalo na sa gabi .
Nayuko ito kasabay ng pag singhot. Pumatak bigla ang luha sa kanyang mga mata habang naaalala ang mga nangyari .
" Hoy teka bata , Umiiyak ka ba? Oo, nakakatakot ang nangyari pero tapos na iyon bata . ligtas ka na. " Sambit ni Kardo
Pinipigilan nya man ang sarili na umiyak ay tila hindi ito maihinto ng bata at patuloy na nagkukusot ng mga mata gamit ang braso nya.
~Kardo PoV
Miserableng bata. Hindi ko alam kung bakit tila naninikip ang dibdib ko ngayong nakikita ko at naririnig ang pag iyak nya. Marahil dahil naaawa ako sa kanya .
Napakabata nya pa para sa ganitong gawain. Hindi ko gustong makakita ng mga batang nagtatrabaho bilang mag gugulay. Napakabigat ng mga gulay na dinadala namin talagang nakakagulat at hindi sya nagrereklamo .
Ang buhay namin dito ay talagang nakakapagod. Magmula sa umaga hanggang gabi ay kailangan namin magbuhat at magbenta . Wala kaming oras para sa ibang bagay kagaya nang pagsasaya na dapat nararanasan pa ng batang ito .
Sa ginagawa nya eh sinasayang nya ang kabataan nya. dapat sa kanya humanap muna ng mga kaibigan para makapaglibang man lang sa buhay bago maranasan ang magbanat ng buto .
Tama , Sa edad nya dapat nag aaral pa sya sa eskwelahan at ang dapat hawak nya ngayon ay mga papel at ballpen hindi ang mga gulay na ito.
Habang iniisip ko ang mga bagay na iyon ay napapakunot ang noo ko at napapakapit ng mahigpit sa manibelang hawak ko kasabay ng pag galaw ng mga tuhod ko na tila naiirita.
Hindi ko alam kung bakit naiirita ako. Nakakaramdam ako ng pagkaasar sa patuloy na pakikinig sa pag iyak ng binatang ito.
Teka , ano ba ang ikinagagalit ko?
Ano bang nangyayari saakin ?
Siguro kaya ko ito nararamdaman dahil may mga anak din ako na kasing edad nya, mga anak ko na pinag aaral pa .
Tama, ang mga anak ko ang dahilan kung bakit ako nagtatrabaho bilang mag gugulay. Ayokong maranasan nila ang pagiging mag gugulay lang kaya hangat maaari ay gusto kong maging maayos ang buhay nila .
Hindi ko siguro maiwasan na maihambing ang mga anak ko sa batang ito. Pakiramdam ko kung magiging mag gugulay ang mga anak ko sa edad nila eh pagdadaanan din nila ang mga nararanasan nitong binatang ito.
Hindi ko yun kayang makita, bilang ama nila eh hindi ko hahayaan na mangyari iyon sa kanila. Hindi kahit kailan .
Sa pagkakataon na yun ay napatingin ako sa binata at naimagin ang mga itsura ng mga anak ko sa katauhan nito habang umiiyak .
Napabuntong hininga ako at walang nagawa kundi hawakan ang ulo ng binata upang aluin ito at patahanin .
Pero bigla akong nagulat ng masambit nya bigla habang umiiyak ang mga katagang .
" Nawala ko ang pera na kinita ko sa gulay, kailangan kong mabawi ang kita ko para may maiuwi kanila mama " Sambit ni Erik ng pahagulgol .
" Pinagpaguran nila mama at papa ang pagtatanim ng mga iyon at inaasahan nila na may maiuuwi akong pera. " Dagdag nito .
Nabigla ako sa nasambit nya hindi dahil sa takot sa mga nangyari o sa pananakit ng katawan kung bakit sya umiiyak ngayon .
Hanggang sa huli ang pagkita ng pera para may mauwi sa pamilya ang inaalala nya.
Gusto kong sigawan ang batang ito at batukan para maliwanagan sa sinasabi nya.
Hangal sya. Muntik na syang mamatay at hindi biro ang makaranas ng ganung sitwasyon ,
Nakakatrauma ang bagay na yun lalo na sa batang kagaya nya.
Nagflashback bigla sa isipan ko ang mga sandaling mahuli ako ng mga rebelde noon at gulpihin para makuha ang pera ko na pilit kong itinatago.
Hindi ko alam kung bakit tila hindi iniintindi ng batang ito ang sarili nya. Nanginginig ang mga braso nya dahil sa panghihina ng katawan at wala syang pakielam man lang doon.
Halatang inaabuso nya ang katawan nya hanggang sa kaya nya para lang kumita. Ano bang klaseng pag iisip meron sya ?
Hindi ko na ito matitiis .
Naiirita ako .....
Pero ......
Pero dapat ko ba syang pagsabihan ?
May karapatan ba akong patigilin sya sa kanyang ginagawa?
Hindi ko naman sya anak o kahit kamag anak kaya wala dapat akong paki elam kung ano ang mangyari sa batang ito .
Ano naman kung abusuhin sya ng mga kastila o pagnakawan ng mga rebelde ?
Matigas ang ulo ng binatang ito,
Ginusto nya ito kaya dapat harapin nya ang mga kondisyon ng trabahong ito.
Habang iniisip ko ang mga iyon ay napatingin ako sa salamin at doon napagmamasdan ko ang bata sa patuloy na pag iyak nito. Hindi ko mawari pero sa hindi maipaliwanag na pagkakataon ay tila nakita ko ang dating sarili ko sa katauhan ng batang ito.
Isang batang inilaan ang boung kabataan sa pagtatrabaho para kumita ng pera.
Sinayang ang kabataan at hindi inenjoy ang pagiging bata kasama ang iba .
Napapagod , nagugutom, nauulanan, nabibilad sa araw , inaabuso ng mga kastila at napapahamak sa mga rebelde .
Nakakasawa. Napakahirap,
Ayoko ng maalala ang mga araw na iyon. Ito ang dahilan kung bakit ayokong maranasan ng mga anak ko ang maging kagaya ko .
Pero dahil sa kanya lahat ng pakiramdam na gusto kong makalimutan ay naaalala ko. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ako nagagalit ngayon.
Bakit kailangan na magtrabaho ang isang batang wala pa sa hustong edad. Bakit ba kailangan ipinanganak kaming mahirap?
Tama lang ba ang nangyayari ?
Hindi kasalanan ng batang ito na isilang bilang mahirap pero kailangan nya magtrabaho at magsumikap para mabuhay .
Hm... Oo, tama,
Kagaya ko noon .....
Pero kahit gaano pa ako magalit at kahit mabaliw ako kakaisip ay walang makakasagot sa mga tanong ko. Nabubuhay kami bilang mga mahihirap na mamamayan at wala kaming magagawa kundi patuloy na magtrabaho upang mabuhay.
Kailangan bumalanse ng mundo, may mayayaman at mahihirap. May sagana at may tigang .
May nasa tutok at may nasa ibaba .
Ganun ang mundo .
Malas lang natin bata at napunta tayo sa pinakaibaba .
Binitiwan ko ang ulo nya at napabuntong hininga na lang .
" Wag kang mag alala, mababawi mo rin iyon. Ang mahalaga buhay ka at may pagkakataon ka pang kumita " Sambit ni Kardo sa binata.
Wala akong nasabi kundi ang mga katagang iyon. Ewan ang dapat ay pinapagalitan ko sya ngayon pero marahil dahil hindi ko alam talaga ang pwedeng sabihin sa mga oras na iyon o baka dahil iyon ang mga salitang sinasabi ko sa sarili ko noon para mapatahan ako at mapakalma.
~End of PoV
Ilang sandaling nanahimik ang loob habang patuloy na nagmamaneho ni Kardo. Sa pagkakataon na iyon ay kinuha ni kardo ang bag nya at inabot kay erik .
Pinapakuha nito ang isang supot ng tinapay sa loob ng bag at ipinapakain sa binata .
Agad na tinangihan ni erik ang mga ito. Alam ng binata na kailangan ni Kardo ang pagkain dahil kagaya nya ay nagtitipid din ang bawat isa sa kanila upang may maiuwi sa pamilya .
" Wag ka ng makulit dyan, kunin mo na."
Nagtataka ang bata kung bakit pinipilit ni Kardo na tangapin nya ito. Kung naawa ba ito sa kanyang sitwasyon kaya sya nagbibigay o baka kailangan nya itong bayaran kay Kardo .
" Tangapin mo na yan . Sa oras na hindi mo tanggapin yan ay patuloy akong makokonsensya " Sambit ni Kardo .
Lalong nagtaka si Erik sa nasambit nito gayung wala naman kinalaman si Kardo sa mga nangyari sa kanya nitong gabi ng pag atake.
Biglang kumalam ang tyan ni Erik at napahawak dito. Naalala nya na hindi nya nagawang makakain kagabi kaya naman kahit nag dududa sa intensyon ni Kardo sa pag alok ng libreng tinapay ay wala na syang nagawa kundi kunin ito sa loob ng bag at kainin .
Napabuntong hininga si Kardo ng makita na kinakain ni Erik ang mga tinapay. Sa pagmamadali pa ng bata sa pagkain ay nabulunan ito bigla kaya naman dali dali nyang inabutan ito ng tubig na maiinom.
" Hinay hinay lang carrot boy. Wag kang mag madaling kumain, walang aagaw sayo nyan . " Sambit ni Kardo .
Sinungapan ni Erik ang bote ng tubig at nagmadaling ininom para maibsan ang pag bara ng pagkain sa lalamunan nya. Pagkatapos nya uminom ay nanumbalik ang sigla sa mukha nya at napangiti .
" Maraming salamat kuya Kardo " Sagot nito habang nakangiti sa kanya .
" Hindi mo kailangan magpasalamat, babayaran mo yan. " Biglang sambit nito .
Nagulat ang binata at nanlaki ang mga mata sa narinig. Natataranta ito at sinasabi na wala syang natirang pera kahit kusing .
" Ugh , Sumasakit bigla ang ulo ko. " Daing ni Erik habang nakahawak sa ulo .
Pero binawi agad ito ni Kardo at sinabing binibiro lang sya nito. Napatawa ito habang patuloy na nagmamaneho at kinakantyawan si Erik dahil sa naging itsura nito at reaksyon ng mabanggit ang tungkol sa pera.
" Doble ang sakit na nararamdaman mo kapag pera na ang pinag uusapan."
Hindi alam ni Erik kung bakit tila naging mabait ang dating masungit na si Kardo at ngayon nakikipagtawanan pa sa kanya pero ganun pa man ay nagpapasalamat sya rito hindi lang dahil sa tinapay na ibinigay nito kundi sa pagbibigay ng lakas ng loob sa kanya kanina na muling mag umpisa at mabawi ang kita .
" Pero balang araw mababayaran ko rin kayo kuya Kardo ng triple sa ibinigay nyo , kaso medyo matatagalan pa. " Sambit ni Erik .
" Triple ? Kelan naman yun? " Tanong nito .
" Oo , pag yumaman na ako. " Deretsong Sagot ni Erik .
Tumawa bigla si Kardo at hinahawakan ang ulo ni Erik at ginugulo ang mga buhok nito.
" Aba , kung ganun Aasahan ko yan. Basta siguruhin mo lang na buhay pa ako ng mga panahon na yun. " Pabirong Sambit nito .
Napapa aray si Erik sa ginagawa ni Kardo sa ulo nya dahil sa natamong sugat nito sa ulo. Patuloy silang nag uusap at nagtatawanan habang binabagtas ang daan patungo sa susunod na palengke.
Sa gitna ng kanilang pag uusap sa mga oras na iyon ay biglang humingi ng tawad si Kardo sa kanya .
" Pasensya ka na bata, Hindi ko inaasahan na ganun ang mangyayari " Deretsong Sambit ni Kardo.
Seryoso itong nasambit ni Kardo kaya naman labis itong ipinagtaka ni Erik. Inisip nya na lang ay para ito sa ginawang paghawak ni Kardo sa ulo nya kahit na alam nitong may sugat ito.
Alam ni Kardo na wala syang kinalaman at dapat alalahanin sa nangyaring pag atake kay Erik pero patuloy syang nakokonsensya dahil sa hindi pagtulong kay Erik noong may pagkakataon sya .
Napagtanto nya na naging makasarili sya at inuna ang sarili kaya naman nangyari ito sa bata. Sa lahat ng tao ay alam nya ang hirap ng pagiging mag gugulay sa murang edad at alam nya ang pakiramdam ng walang tumutulong sa gitna ng paghihirap.
Gaya ng naranasan nya noon sa hindi pagmamalasakit ng ibang tao sa panahong naghihirap sya at tila ba nangyayari ngayon sa binatang katabi nya.
Kaya buo na sa isipan nya na sa abot ng makakaya nya ay tutulungan ang binatang si erik at ituring bilang anak nito .
~ End of chapter ~