CHAPTER 19

" Diwata ng Kalikasan "

Isang buwan pagtapos ng pangyayari sa Urdaneta , Sa Isang maliit na baryo sa probinsya ng Ifugao kung saan naglalakad si Erik buhat buhat sa likod ang isang basket ng Carrot.

Tumitimbang ito ng higit sampung kilo at ang mga ito ay sinisubukan nyang ibenta sa ilang tindahan sa mga nayon at ibaba ng bundok.

Makikita sa paligid ang payapang lugar at tahimik na pamumuhay sa probinsya na ibang iba sa ibang syudad na maingay dahil sa mga sasakyan at maraming tao sa paligid.

" kailangan kong makarami ng benta " 

Habang naglalakad sa gitna ng kalsada sa kainitan ng umaga , binabagtas ang dalawang kilometrong daan patungo sa kabilang nayon ay bigla syang mapapahinto dahil sa makalasalubong sa daan.

Natulala sya at tila hindi inaasahan ang makikita sa kanyang harapan. Dito ay nakita nya sa gitna ng daan na lalakaran ang misteryosang babaeng nakasama nya sa Pangasinan na nagpakilalang Diwata ng kalikasan.

Tulad ng dati ay nakasuot ito ng puting bistida at nakayapak na tila di alintana ang init ng lupa at alinsangan ng lugar.

Hawak parin nito ang patpat at ngayon ay itinuturo sa harap ng binata upang patigilin sya . Natahimik ang lugar sa mga sandaling iyon at patuloy na walang kibo si Erik ng makita muli ang babaeng ito dahil wala sa isip nya na magagawa nitong makarating sa malayong lugar na iyon at mahanap sya .

Sa mga sandaling iyon ay biglang ngumiti ang diwata sa kanya at tinanong ito . " Kamusta batang Sugo, Namiss mo ba ako ? "

Hindi nagawang makasagot ni Erik sa tanong nito dahil sa magulong isipan at pangangamba narin na tila ba natatakot sya sa kaharap na babaeng ito.



~ Erik PoV .

 

Sa hindi inaasahang pag kakataon ay muli kong nakita ang misteryosang diwata na aking nakasama sa probinsya ng pangasinan .

Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako ng mga oras na iyon kahit na wala naman akong dapat ikatakot sa kanya . Sa pagkakataon na iyon ay muli nya akong tinanong kung naaalala ko sya pero hindi ko iyon nasagot siguro dahil ayoko narin maalala ang mga bagay na tungkol sa kanya .

Sino bang gustong umalala sa mga sandaling nanganganib ang buhay mo. Hindi biro ang ginawa nyang pag hulog saamin ng aking diwata mula sa ere na may ilang libong talampakan mula sa lupa .

Hindi ko rin nakakalimutan na nagawa nya akong ihagis habang naka ipit sa kotse. Dahil sa mga pag iisip ko ng mga nakakatakot na alaala na kasama ito ay napaalakad ako paatras mula sa kinatatayuan ko .

Nakita yun ng babaeng ito at nahalata na gusto kong pag layo sa kanya. " Pa-pase-pasensya na pero ngayon lang tayo nagkita , baka ibang tao ang tinutukoy nyo . " Pagsisinungaling ko dito .



" Ah , ganun ba ? " Sagot nito

Alam kong hindi kapanipaniwala ang mga pag arte ko pero nasabi ko lang naman ito dahil sa pagkataranta ko .

Kahit na halatang kasinungalingan iyon ay tinanggap iyon ng babae at humingi ng tawad saakin hindi ko alam na mahina rin ang kukute nito pero maganda yun para saakin .

" Alam mo kasi may hinahanap akong batang lalaki na may maiksing buhok at payatot na pangangatawan . Hindi ko alam kong saan magsisimula dahil malaki ang lugar na ito . "

Dahil sa mga narinig ko ay parang napaisip ako sa sarili na pagkakataon na ito para maisahan sya , ewan ko pero pinatulan ko ang mga sinasabi nya at muling itinanggi na may nakitang tao kagaya na may kaparehong katangian sa paglalarawan nya.

Bigla kong itinuro ang isang bundok at sinambit ang kabilang nayon kung saan maraming kabataan ang naninirahan .

Napakainusente ng mukha nya at parang walang kamuwang muwang sa mga bagay bagay habang ito nagsasalita . "kung ganun sa tingin mo nasa kabilang bundok na iyon ang hinahanap ko ? "

" Ah .. Eh .. Ewan ? Siguro , malay natin pero ako ng nagsasabi sayo na wala sa nayon namin ang tinutukoy mong tao " Aligaga kong tugon dito.

Bigla itong ngumiti at nagpasalamat saakin dahil sa mga sinabi ko . Medyo nakakaguilty na paniwalain sya sa kasinungalingan pero yun ang makakabuti para saakin . Tama, siguro naman hindi ito malaking bagay .

Nagpaalam sya saakin at nagsimulang bagtasin ang daan patungo sa itinuro kong bundok . Dahil sa nagtagumpay akong malinlang ito at tila lumuwag ang loob ko at napabuntong hininga.

Nag aalala ako sa magiging paglalakbay nya pero hindi ko naman sya responsibilidad at ayoko lang na muling mapahamak . Habang lumalayo ito saakin ay bigla itong tumigil sa paglalakad . Dito ay nagsimula akong mangamba . Itinaas nya ang hawak nyang patpat at biglang inihampas sa lupa .

Hindi ko maintindihan pero tila may malamig na hangin ang dumampi sa katawan ko dahilan pa magtayuan ang mga balahibo ko . Dahil sa nararamdaman kong kaba ay nagmadali akong humakbang palayo sa lugar na iyon .

Nagmadali ako at halos mapatakbo para lang makalayo agad hindi ko inalintana ang bigat ng basket sa likuran ko . Ilang minuto pa ang lumipas ay napagod ako sa pagtakbo at naisipang tumigil dahil malayo-layo na rin ang aking naitakbo .

Naging kampante ako na hindi nya ako makikita pero para makasiguro ay tumigin ako sa likod ko .



" Siguro naman nakalayo na ako sa kanya. "

Dahil nga sa walang sumusunod saakin ay inakala kong nakatakas na ako sa babaeng yun pero laking gulat ko ng may dumampi sa likuran ko na isang bagay .

" Talaga bang inaakala mong kaya mo akong linlangin at takasan na lang ? "

Hindi ako makapagsalita upang magpaliwanag sana sa diwata habang nararamdaman ang patpat na nakatusok sa likod ko . Hindi nya nagustuhan ang pagsisinungaling ko at ngayon ay tila pinagbabantaan ako sa paglilinlang sa isang diwata .

" Alam mo ba na tatlong daang ulit na pagkamatay sa magkakaibang paraan ang parusa sa paglapastangan sa isang kagaya kong diwata" 

Humarap ako dito at lumuhod sa lupa upang mag makaawa sa kanya para sa buhay ko. Para akong duwag na batang nakadikit ang ulo sa lupa dahil sa pagkakayuko.

Hindi ko intensyon na lokohin sya pero nadala lang siguro ako ng takot ko sa kanya Sinubukan kong kumilos at humingi ng tawad pero sa pagtaas ko ng ulo  para titignan sya ay hindi ko inasahan na bigla akong hahampasin sa ulo nito ng patpat dahilan para mapayuko akong muli at mapahawak sa ulo ko.

" Alam mo ba ang pinaka ayoko sa lahat ay ang nagsisinungaling saakin ? "

Humingi ako dito agad ng tawad para sa nagawa at inamin ang pagkakamali ko dahil lang sa pagkataranta ko ng mga oras na iyon pero muli nya akong hinampas ng patpat sa ulo at pinapatigil sa pagdadahilan na ginagawa ko.

" Hindi ko kailangan ng mga pagdadahilan mo dahil madaling magsinungaling ang mga tao gamit ang mga salita . "

Sa pagkakataon na iyon ay lumapit sya saakin at umupo saking harapan . Sa mga sandaling nakayuko ako ay iniangat nya ang ulo ko at lacking gulat ko nang dinikit nya ang mga noo nya sa aking noo kagaya ng ginawa nya noon.

Halos magdikit ang aming mga ilong sa ginagawa nya habang sya ay nakapikit at pinakikiramdaman ang aking presensya .

Muli kong naramdaman ang magaan na presensya na bumabalot sa kanya , napakagaan dalisay nito at napakasarap pakiramdaman .

Dumaan ang malakas na hangin saaming paligid at nag liparan ang mga dahon na tinatangay ng hangin paikot saamin .

Sa pagkakataon na iyon ay naglaho ang pagkataranta ko at kumalma habang pinagmamasdan ko ang napakaganda mukha ng diwatang iyon .

Sa katahimikan ng paligid ay bigla nya akong tinanong kung nararamdaman ko ba ang kasamaan sa kanya . Dito ay naalala ko ang mga sandaling nakaramdam ako ng negatibong enerhiya mula kay alfredo .

" Kasalukuyang nagsasanib ngayon ang ating enerhiya bilang pagkonekta natin sa isat isa , mararamdaman mo ang kalooban ko sayo at ganun din ako "

Sinambit nya na maaari namin malaman gamit ang pagkonekta sa isat isa ang galit, pagdududa, takot at iba pang emosyon na nararamdaman namin sa taong nakikipag konekta saamin.

Pagkatapos magpaliwanag saakin ay tumayo sya at nakapamewang na pinagsasabihan ako . " Nakakaramdam ako ng negatibong awra sa katawan mo dulot ng Takot at pagdududa saakin. "

Sa mga oras na iyon ay nasambit nya saakin ang mga nararamdaman ko tungkol sa kanya gamit ang pagkonekta namin sa isat isa ,

Hindi ko naman maitatangi iyon sa sarili ko pero mali naman na sabihin ko pa sa kanya na natatakot akong makasama sya dahil sa mga nangyari . Dito ay muli nya akong tinanong kung naramdaman ko ba sa presensya nya nung mga oras na nakakonekta kami sa isat isa at kung may negatibong bagay ba akong naramdaman .

Kung ibabase sa pakiramdam ko noon nang kasa-kasama ko si Alfredo eh malayong malayo ito kaya inamin ko sa kanya na wala akong naramdaman na kung ano mang negatibong enerhiya sa kanya.

" Kung ganun ibigsabihin lang nun na wala akong balak na masama laban sayo kaya anong kinatatakot mo saakin ? " tanong nya.

" H-hindi ko naman maiiwasang hindi matakot sayo dahil sa mga nangyari at ginawa nyo noon " Bulong ko.

" Huh ? "

Nagtataka sya saaking mga nasambit at nasabi na wala syang ibang ginawa kundi tumulong saakin . Ewan ko kung naiintindihan nya pero iba ang paraan nya ng pagtulong at halos ikamatay ko

 

" Masyado kang maarte , hindi naman ako gagawa ng aksyon na ikamamatay mo at nakalimutan mo na ba na protektado ka ng kapangyarihan ng diwata mo kaya naman hindi ka mamatay kahit ibato kita ? "

" Hindi naman yun tungkol doon, nakakatrauma sa kagaya ko ang maranasan na mahulog mula sa langit at ibalibag . Mamamatay ako dahil sa takot sa ginagawa mo " Bulong ko sa sarili.

" Kahit pabulong ay naririnig kita, masyado kang duwag para sa isang bayani. "

" Duwag ? May dahilan naman kaya ako para ma Takot! " Sigaw ko dahil na rin sa pag insulto nya saakin.

Bigla nya akong hinampas sa ulo ng patpat at pinatitigil sa pagtataas ng boses . Hindi nya pinansin ang mga sinasabi ko at tinatawag akong duwag na bayani .

" Paano ka makaka pagligtas ng tao kung napakaduwag mo at matatakutin ? " Sa pagkakataon na yun ay napailing ako sa diwata dahil parang hindi ko kayang marinig ang salitang bayani gayung isa akong bigong tao.

Hindi ako nakasagot dito at napayuko na lang dahil sa nararamdaman kong kalungkutan. Napansin ng diwata ang pag iwas ko na pag usapan ito pero imbis na huminto ay nagpatuloy syang banggitin ang tungkol sa nangyari .

Tinanong nya ako kung nawawalan na ako ng gana sa pagiging bayani dahil lang sa nangyari sa Pangasinan .

Kahit hindi ko yun sagutin ay alam kong alam nya ang nararamdaman ko . Hindi ko na alam sa sarili ko kong kaya ko pang magpatuloy at maranasan ang kabiguan .

" Napahina mo talaga , Susuko ka dahil lang sa ganun kasimpleng dahilan ? "

" Siguro nga.......... Hindi ko alam kong nauunawaan mo ako pero feeling ko hindi ako karapatdapat maging bayani dahil mahina akong tao .

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko kahit nabigo ako ay patuloy akong bumangon para magligtas , paulit ulit akong nagtiwala at naniwala na maililigtas ko sya , hindi ako nawalan ng pag asa hanggang sa nakakakilos pa ang katawan ko .

Ginawa ko ang sinabi mo na sumubok nang sumubok hanggang may pagkakataon pero sa huli ay bale wala rin ang lahat . "

" Nawala saakin ang mahalagang taong dapat kong iligtas "

Nakakapanlumong isipin at halos nakakadurog ng puso habang naisip mong wala kang na gawa na tila inutil, pilit mong hinahawakan ang mga kamay nila upang isalba pero sa huli ay naka wala parin sila sa higit nang pagkakakapit sa palad ko at tuluyang nagpaalam.

Hindi ko alam kong nakikinig ba saakin ang diwata sa mga sinasabi ko pero sa itsura nya parang hindi sya interesado making sa kadramahan ko at muli ay hinampas nya ako sa ulo upang patahimikin .

" Hindi mo kasalanan kung namatay ang Sugo ng Pangasinan, Sariling desisyon nya ang pagpili sa kamatayan at wala ka ng magagawa para doon . " sambit nya.

" Alam ko naman ito pero siguro natatakot lang ako na mabigo muli , Ang ibig kong sabihin eh baka hindi talaga ako nakatadhanang maging tagapagligtas ng sino man . " Matamlay na sambit ko.

Ewan ko kung ano ang gagawin ko ng mga oras na iyon gusto kong magdahilan nang magdahilan sa kanya para lang maiwasan ang pagiging bayani at ang tungkulin kong inatang saakin ng aking diwata.

duwag na ako kung duwag pero hindi ko na muli gustong maramdaman na mawalan ng mahahalagang tao . Napakasakit nito na tila dumudurog sa puso ko , ayoko na .

Nabuo ako ng kalungkutan at pagkadismaya sa sarili ng mga oras na yun at habang wala akong kabuhay buhay na umiiwas ng tingin sa diwatang kaharap ko ay bigla itong humawak sa ulo ko at hinimas ito .

" Ang mga tao ay likas na mahina , ang nararamdaman mong yan ay palatandaan na may puso kang tinagtaglay . Isang damdaming nasasaktan, napapagod at natatakot .

Kahit gaano mo pang piliting magpakatatag ay hindi mo maiiwasan na masaktan at mawalan ng lakas ng loob sa gitna ng mga pagsubok. "

" Likas na mahina ang mga tao dahil madalas na dumedepende ito sa kanyang saloobin at nararamdaman sa isang sitwasyon . Nagpapadikta sa niloloob, nagpapadala sa pagdududa at nilalamon ng takot. "

Ilang sandali pa ay inalis nya ang mga kamay nya sa ulo ko at hinawakan ang mga kamay ko . Sa pagkakataon na iyon ay pinalagay nya ito sa dibdib ko sa tapat ng puso ko .

" Ang puso ng tao ay napakapambihirang bagay dahil kaya nitong dumikta ng mga ikikilos ng isang tao kahit na labag ito sa katwiran na alam ng utak nila .

Maraming tao at kasama ka na saaking tinutukoy batang Sugo . "

Napayuko na lang ako habang naririnig ang mga bagay na iyon dahil kung tutuusin tama ang diwata sa mga nasambit na ayokong maging bayani dahil sa nararamdaman kong takot sa puso ko .

Sa pagkakataon na iyon ay humingi ako ng tawad dito habang tinatangap sa sarili ang kahinaan ko ng pusong tinataglay .

Gayumpaman ay tila nag iba ng tono ang pagsasalita ng diwata at sinambit na hindi ako pwedeng tumalikod saaking diwata .

" Pasensya na pero hindi ka pwedeng tumalikod sa iyong sinumpaang tungkulin sa isang diwata . Magiging bayani ka sa ayaw o gusto mo . "

" Pero kagaya ng sinabi ko hindi ko na ata kaya pang gampanan ito siguro naman mauunawaan ako ng diwata ko . " Pagdadahilan ko.

" Kailan man hindi mauunawaan ng isang diwata ang mga pagdadahilan at pangangatwiran ng mga tao dala ng kanilang takot upang talikuran ang tungkulin nila . " mabilis na sagot nya.

" Pero ... "

Alam ko na hindi nya tinatanggap ang mga paliwanag ko at nang subukan ko ulit magdahilan ay muli nya akong hinampas ng patpat sa ulo at inutusan na pumikit .

Wala akong ideya kung ano ang balak nya pero masyado syang mapilit at nakaamba nanaman ang pag hampas nya ng patpat kaya wala akong nagawa kundi ipikit ang mga mata ko para tumigil na sya.

Sa pagpikit ko ay naramdaman ko ang mahinang pagpitik nya sa aking noo. Dito ay bigla may mga larawan at alaala akong nakita at isa isa yung pumapasok sa isip ko .

Mga alaala ng mga trahedya at mga karumaldumal na krimen .

Nakakatakot na kaganapan na sinabayan pa ng mga sigawan at hiyawan ng mga taong nagmamakaawa para sa kanilang buhay .

Hindi ko alam kung totoo ang mga nakikita ko pero sobra itong nakakatakot , nakikita ko sa harapan ko ang mga taong pinarurusahan at walang awang pinapatay .

Hindi ko kinaya ang mga tagpo na iyon na tila nararamdanan ko ang pakiramdam ng mga taong ito at bago pa ako tuluyang mabaliw sa takot ay ginising ako ng diwata .

Dito ay bigla akong napaupo sa pagkakahiga ni hindi ko namalayan na napabagsak ako sa lupa at kasalukuyan akong hingal na hingal.

Isang bangungot ang nakita ko at bakas ang pagkanerbyos ko sa mga naranasan sa panaginip na iyon .

Sa mga oras na iyon ay umupo sa harap ko ang diwata at sinabi na ang mga alaala na iyon ay mula sa mga Sugo na minsan nyang nakakonekta at pinakita nya ito upang maging halimbawa para saakin .

" Ang ilan sa kanila ay labis na nagdusa at nag hinagpis sa mga napagdaanan nilang trahedya . Marami sa kanila ay gaya mong takot na muling makaranas ng parehong sakit . Mga taong nilamon ng takot at pagdududa kung kaya pa ba nilang bumangon sa gitna ng kanilang sitwasyon . "

" Erik , likas na mahihina ang tao pero hindi ibigsabihin na yun ay magpapatalo ka at susuko sa pagharap sa pag subok . "

habang sinasabi nya iyon ay hinawakan nya ang dibdib ko sa tapat ng puso ko at winika na

" Ang puso at damdamin na taglay mo ay gawin mong lakas upang magligtas ng mga taong napanghihinaan ng loob . "

Hindi ko naunawaan sa una ang mga nasambit nya tungkol sa tinataglay kong puso . Ano bang magagawa ng isang puso na pinanghihinaan ng tapang at lakas ng loob ?

" Maraming tao ang natatakot at nahihirapan sa kanilang sitwasyon. Mga taong kinakailangan ng tulong ng isang bayaning gaya mo . "

Unting unti ko ng naiintindihan ang gustong ipaunawa saakin ng diwata na tila gusto nya akong magpakatatag para sa kapakanan ng iba .

Mga taong walang kakayahan na ipagtanggol ang mga sarili nila laban sa iba . Tama , kasama ang pagliligtas sa kanila sa responsibilidad ko bilang bayani na ipinangako ko pero kaya ko ba ?

Sa pagkakataon na iyon ay pinagmasdan ko ang mga kamay ko at iniisip kong kaya ba talaga ng mga maliliit na kamay ko na magligtas ng sino man ? .

Kaya ko bang hawakan sila ng mahigpit?

Tumayo ang Diwata sa kinaroroonan namin at tumalikod saakin upang humakbang palayo . Habang nakatunganga lang ako at walang kibong pinagmamasdan ang paglayo nya ay bigla itong nagsalita .

" Erik , Kailangan mong maging lakas ng bawat tao. "Biglaang sambit ng Diwata saakin .

Sa mga sandaling iyon ay biglang itong humarap saakin at winika na kailangan may bayaning mangalaga sa mga mamamayan ng pilipinas .

Habang unti unting itininaas ng diwata ang mga kamay nya ay bigla may magulong larawan sa isip ko ang biglang nagflash back .

Sa pagkakataon na iyon ay inaabot saakin ng diwata ang mga kamay nya na tila ba inaalok ako na sumama sa kanya.

Humampas ang malakas na hangin saaming paligid na nagpapatangay sa mga dahon at lumugay sa mahabang buhok ng misteryosang dalaga .

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko at namamangha sa tila dejavu na nangyayari habang naaalala ang larawan ng isang diwata sa aking panaginip sa tagpo namin ng misteryosang babae .

" Tinatawag ka ng inang bayan upang pangalagaan ang kanyang tahanan , tutugunin mo ba ito ? "

" Munting Bayani ng Pilipinas. " Nakangiting sambit nya.

Sa mga sandaling iyon ay muli kong tinignan ang mga kamay ko at inisip kong kaya ko ba magligtas ng sino man gamit ang maliliit na kamay na ito ?

Hindi ko maiwasan na magduda sa sarili pero sa muli kong pagtingin sa mukha ng diwata habang ito ay nakangiti saakin at inaaya akong magligtas ng mga tao na tila ba hindi alintana ang taglay kong kahinaan .

Tama , sa simula palang ay nagtitiwala saakin ang misteryosang diwata na ito na magagawa ko at makakaya ko .

Ang totoo may kakayahan akong magligtas ng tao dahil sa pagiging Sugo ko ng Ifugao at tinanggap ko ito dahil sa kadahilanan na gusto kong magligtas ng iba , kagaya ng sabi nya ay nagdadahilan lang ako at nangangatwiran para lang takasan ang sinumpaan kong tungkulin dahil sa takot ko.

Sa pagkakataon na iyon ay tila nagkaroon ako ng lakas ng loob na magpatuloy na nabuo sa isipan ko na handa na akong sumugal alang alang sa mga taong umaasa sa gaya kong bayani .

Hindi na dapat ako nag aalinlangan pa dahil ito ang nakatakda kong gawin .

Ang dahilan kong bakit ako nabubuhay . " Paki usap , Tulungan mo ako maging dakilang bayani . " Sambit ko habang dahan dahang inaabot ang mga kamay ng diwata.



EnD of Chapter.

Alabngapoy Creator