CHAPTER ONE
" Carrot boy "
Sa pagdilat ng mata ng isang binata ay natagpuan nya ang sarili sa isang hindi pamilyar na lugar.
Sa lugar na napapaligiran ng maraming bulaklak at luntiang kapatagan. Isang itong tahimik at payapa na kapaligiran na ini-enjoy ng mga munting mga hayop na masayang naglalaro sa lugar .
Tanaw nya mula sa kinatatayuan ang mga malulusog na punong kahoy na punong puno ng mga bunga ng prutas. Sa pagtingala nya ay masisilayan ang asul na kalangitan at puting puti na mga ulap na tumatakip sa araw .
Naririnig nya sa paligid ang mga huni ng mga ibon at ang ingay nang pag daloy ng malinis na tubig na umaagos sa ilog at kasabay ng kanyang paghanga sa kanyang mga nakikita ay ang paghampas ng isang malakas na hangin sa kanyang katawan.
Naramdaman nya sa kanyang balat ang pagdampi ng malamig at sariwang hangin na umiihip sa paligid nya na kay sarap sa pakiramdam .
Sa tagpong iyon ay tila napaisip ang binata kung ang nangyayari ba sa kanya ay isa lamang panaginip o isang uri ng ilusyon. Natatanong nya sa sarili kung paano sya napunta sa lugar na iyon ng hindi nya namamalayan.
Habang pinagmamasdan ang mga kamay at dinadama ang masarap na pakiramdam dulot ng sariwang hangin ay biglang may boses ng babaeng nagtanong sa kanya.
Isang misteryosang babae na may itim na mahahabang buhok at nakasuot ng isang puting simpleng bistida ang biglang sumulpot sa kanyang likuran.
Sa kanyang pagtalikod ay may kung anong liwanag ang sumilaw sa kanyang paningin dahilan para mapatakip sya ng kanyang mata gamit ang kanang braso.
Hindi maaninag ng binata ang buong mukha ng babae siguro dahil sa sinag ng araw o baka dahil sa liwanag na nagmumula mismo sa misteryosang babae ngunit ang alam lang ng binata ay nakangiti sya nitong tinatanong .
" Anong masasabi mo sa aking tahanan ? " Tanong nito sa binata .
Nagtataka ang binata sa biglaang tanong nito at hindi nito nagawang makasagot ulit dahil narin sa pagkabighani sa babae at pagkabigla sa biglaang pagsulpot nito. Walang gusto ang binata kundi masilayan ang kabuoan ng mukha ng kanyang kaharap upang makilala ito pero hindi sya nabigyan ng pagkakataon.
Kasabay ng tagpong iyon humampas ang malakas na hangin sa paligid na syang nagpatangay sa mga taluyot ng mga bulaklak at tila pumapaligid sa misteryosang babae.
Tinatangay ang matingkad na buhok nito na tila nakikipagsayaw sa hangin habang sumasabay ang mga pag lipad ng mga puting taluyot ng bulaklak sa paligid nya.
Nagpapatuloy ang pagbuka nang bibig ng babae at tila may isinasambit pero hindi ito nagagawang mapakingan ng binata ,
Wala itong marinig kundi ang pag eko ng hangin sa paligid at mga huni ng ibon. Hindi nya mawari kung malakas lang ba ang tunog sa paligid na gawa ng kalikasan o sadyang walang boses ang mga pagbigkas ng misteryosang babae .
" Anong nangyayari ? Hindi ko sya marinig . Ano ang kanyang sinasabi? " Bulong nito sa sarili .
Umikot ikot ang babae at tila magiliw na nagku-kwento ng mga bagay bagay . Tinuturo ang mga bundok, ilog, langit at mga hayop sa paligid pero gayumpaman ay walang magawa ang binata kundi tumingin at pagmasdan lang ito sa ginagawa,
Sa patuloy na pag bukas ng bibig ng misteryosang babae na tila may sinasabi sa kanya ay sandali itong napayuko at humawak sa dibdib .
Nabakas ang pag aalala sa babae ,napalitan ang mga ngiti nito ng isang malungkot na ekspresyon na tila may inaalalang problema. Sa sandaling iyon ay bigla itong nanahimik at nabalot ng katahimikan ang lugar .
Sa isip ng binata ay tila may problema ang misteryosang babae at nais nya itong malaman para sana tulungan pero sa pagsubok nyang humakbang palapit dito ay bigla itong nagtaas ng ulo at tumingin sa binata .
Napatigil ang binata sa pagtatangkang gumalaw mula sa kinatatayuan nito nang makita na muling ngumiti sa kanya ang misteryosang babae habang Inaabot ang mga kamay sa kanya.
Isang pagtaas ng kamay na tila inaalok nya ito na sumama.
May ibinibigay ba ito o baka gusto nitong magpasama ay walang ideya ang binata dahil kahit gaano nya pa unawain ang mga pagbigkas ng bibig nito ay wala syang maintindihan sa gusto iparating nito. Ang tanging alam lang nya sa sarili ay may gusto itong ipahatid sa kanya maliban sa salita.
Isang tagpong labis na ikinagulat ng binata at lalong pinagtaka pero gayumpaman kahit na tila wala syang marinig na tanong o paki usap mula rito ay gusto nya itong tugunin subalit kahit ang mga boses nya ay hindi umaabot sa babaeng kaharap. Hindi nya malaman kung may lumalabas bang mga boses sa bibig nya sa tuwing nagsasalita sya o binubulong nya lang ito sa isip nya .
Hindi nya alam kung ano ang pwedeng gawin upang magawa nyang marinig ang mga tinig nito. Nais nya malaman ang lahat at marinig muli ito kahit sa isang pagkakataon.
Kahit na wala syang ideya sa mga tunay na nasambit ng misteryosang babaeng nagsasalita sa kanyang harapan ay unti unting inangat nya ang kanang braso na gustong abutin ang mga kamay ng dilag at umaasa na malaman ang lahat ng kasagutan sa tanong nya.
Sa paghakbang ng kanyang mga paa patungo sa misteryosang babae ay muli itong nagsalita.
" Tinatawag ka ng inang bayan at kinakailangan ang iyong tulong, tutugunin mo ba ito ? " Isang pagbigkas ng misteryosang babae na nagpatigil sa kanyang paghakbang palapit dito.
" Tutugunin ? " Isang pabulong na pagtatanong nito sa sarili habang pinagmamasdan ang mga ngiti ng misteryosang babae .
" Anong ibigmong sabihin ? "
Sa muling pag buka ng bibig ng misteryosang dalaga ay humampas ang malakas na hangin na syang nagpapikit sa binata .
Sa muli nitong pagdilat ay kaharap nya na ang isang bubong na walang kisame. Sa sandaling yun ay inaabot nya ito ng kamay at unti unting napagtanto na nagising sya mula sa pagkakatulog.
Napatunganga na lang sya habang nakahiga at basang basa ng pawis ang sandong suot dahil na rin sa init ng loob ng bahay na tinitiran nya.
Mula sa pagkakahiga sa isang banig sa lapag ay umupo sya at nagkusot ng mga mata upang tuluyang magising. Pinagmasdan nya ang paligid nya kung saan sya nakatira at kagaya ng dati ay nag iisa nanaman sya dito.
Isa itong maliit na bahay na gawa sa mga tagpi tagping kahoy at kawayan, ang ganitong uri ng bahay ay pangkaraniwang makikita sa kanilang nayon sa probinsya.
Sa mga oras na iyon ay napahawak sya sa kanyang ulo at iniisip ang wierdong panaginip. Malinaw nyang naaalala ang mga tagpo sa kanyang panaginip pero hindi ang itsura ng misteryosang babae .
" Ang weird ng panaginip ko " Bulong nito sa sarili .
Ilang saglit pa ay bumangon na ito mula sa pagkakaupo at tuluyan ng naglikpit ng higaan. Nagmamadali itong nagtungo sa kusina para maghilamos at naghanda para sa pag alis .
Ang binatang ito ay si Erik lumagbas, 13 yrs old isang normal na bata na may kaliitan ang pangangatawan at may matitingkad na itim na buhok, nakatira sya kasama ang pamilya nya sa isang maliit na mapayanan sa probinsya ng ifugao .
Bilang lang ang mga nayon sa probinsya dahil malaki sa mga lugar sa ifugao ay kabundukan at kagubatan kaya marami sa naninirahan dito ay sa pagtatanim ng gulay nabubuhay .
Ang maliit na lugar nila ay isa lang sa mga taniman sa bayan ng lingawin kung saan isa sila sa nag susupply sa mga katabing bayan .
Bilang maaga na nagtatrabaho ang kanyang ama't ina sa taniman ng gulay ay sya lagi ang naiiwan sa kanilang bahay at nasanay na mag asikaso ng sarili .
Ang kanyang pagmamadali at pag aayos ng sarili upang umalis ay hindi upang pumasok sa eskwelahan kagaya ng mga normal na teenager kundi para magtrabaho at maghanap buhay.
Suot ang kulay orange na hood at pantalon ay handa na syang magtungo sa kanyang destinasyon at gawin ang nakasanayan na trabaho bilang mag gugulay .
Sa murang edad ay nagbanat na ng buto si erik katulong ng kanyang pamilya upang matugunan ang pang araw araw na gastusin nilang pamilya.
Dali dali nyang nilock ang pinto at tumakbo paalis ng bahay. Dito ay nagtungo sya sa isang bodega na puno ng mga trabahador ng gulay na abalang nag aakyat ng mga sako sakong gulay sa isang truck .
" Tanghali na carrot boy! dalian mo ng mag akyat ng gulay kundi iiwan ka namin. " Sigaw ng isang Maskuladong lalaki na nasa driver seat .
Hindi sila ang pangunahing grupo na nag susupply ng gulay sa mga bayan kaya wala silang permanenteng babagsakan o bebentahan na tao. Ang grupo nila ay nagbabakasali lang na makaubos tuwing mag dedeliver.
Nagtatagal kadalasan ang pagbyahe nila ng apat hanggang anim na araw hanggang sa maubos ang kanilang mga paninda na itinanim ng mga pamilya nila.
Wala syang sinayang na oras at agad na hinawakan ang mga gulay na nakatipon sa isang basket at inakyat sa truck. Ang mga basket na ito ay naglalaman ng mga carrot na pananim ng kanilang pamilya na inani ng kanyang ama .
~
Sa paglipas ng ilang minuto pagkatapos nilang mag karga ng mga gulay ay umandar na ito at nilisan ang lugar upang magtungo sa mga malalaking palengke .
Habang nakaupo sa mga sako ng gulay ang binata ay kumakain sya ng mga nilagang carrot na baon bilang almusal. Sa sandaling iyon ay wala syang ibang pwedeng gawin sa loob ng umaandar na truck kundi tumingin sa labas para pagmasdan ang mga daan hanggang sa makarating sila sa destinasyon .
~Eric PoV ~
Kapag may itinanim ay may aanihin, ganyan ang mga salitang una mong malalaman at panghahawakan kapag nagmula ka sa isang pamilya ng mag gugulay .
Ang bawat piraso ng mga gulay na ito ay pinagpawisan at pinagpaguran ng aming mga kasama at pamilya na itanim. Babantayan at alagaan hanggang sa pwede na itong anihin para ibenta sa palengke sa syudad .
Ang pamilya ko ay nag aarkila ng pwesto ng lupa upang taniman ng mga carrot at paglipas ng buwan ay aanihin nila ama . Sa pagkakataon na iyon ay sumasama ako sa ibang mag gugulay para ibenta ito sa mga palengke sa ibat ibang lugar .
Medyo kumplikado dahil nung una ayaw ako pasamahin ng leader namin dahil sa napakabata ko pa raw para magbenta sa syudad. Hindi ko alam kung anong problema nya tungkol sa edad pero matagal ko ng trabaho ito kaya sanay na ako maki pag usap sa mga tao kaya maiiwasan ko ang mga manloloko.
Ilang araw din ako nawawala sa bahay at sa totoo lang mahirap ang nalalayo sa pamilya ko maliban sa nakakalungkot pero kahit papaano ay masaya rin ang trabahong ito dahil nakakapunta ako sa ibat ibang lugar at syudad.
Aaminin ko na medyo mahirap para sa maliit kong katawan na mag buhat ng mga malalaking basket at ilako ito pero kailangan ko itong gawin para kumita ng pera pang gastos sa susunod na buwan .
Hindi ako pwedeng umuwi saamin ng hindi ko naibebenta lahat ang mga carrot namin. Inutang lang kasi nila nanay ang mga pang punla nito pati ang pwesto sa lupa para itanim ito .
Sa totoo lang karampot lang ang natitira saaming pera sa trabahong ito pero kailangan namin itong gawin at ipagpatuloy dahil ito lang ang alam naming paraan para mabuhay .
Mahirap , nakakapagod at walang kasiguruhang pagkita ng pera.
Paulit ulit na mga bagay at problema aming hinaharap sa araw araw .
Wala kaming ideya kung hanggang kelan namin ito gagawin .
Hanggang kelan kami mabubuhay sa sitwasyon na isang kahig, isang tukang pamumuhay .
Nakakasawa ,talagang nakakasawa .....
Ang mabuhay bilang mahirap sa isang mahirap na pamayanan ay isang parusa at hindi magandang bagay .
Marahil masaya ako at kinatutuwa na naging anak nila mama at papa dahil kahit na mahirap kami ay masaya kaming nabubuhay ng sama sama pero hindi yun sapat para sabihin na maswerte ako sa buhay ko.
Mayroon akong dalawang kapatid, isang 5yrs old at 8yrs old na mga babae. Sila ang gusto kong makatapos ng pag aaral kaya naman nag presinta akong huminto na lang sa pag aaral at tumulong kanila papa at mama sa pag ta-trabaho bilang mag gugulay kagaya nila ng may pang gastos kami sa pag aaral ng mga kapatid ko .
Pangarap kong makapag aral sila ng high school sa syudad ng maynila at hindi lang sa maliit na pamayanan dito sa probinsya .
Ang sabi kasi nila napakaunlad ng maynila at lahat ng bagay doon ay maganda, bago at may class kaya naman pangarap namin makapanirahan doon ng pamilya ko.
Hindi ko alam kung gaano karaming pera ang magagastos para makatapos ang mga kapatid ko pero pagsusumikapan ko ito. Kahit anong mangyari .
Umaasa akong ang pagsisikap ko ay magresulta ng pag babago sa buhay namin .
Pero ....
Pero Posible bang makaranas ng maginhawang buhay ang mga tulad namin ?
May karapatan ba kaming magkaroon ng pangarap sa isang bansang tinanggalan ng sariling karapatan at ngayon ay nakakulong sa bakal na batas ng mga dayuhan .
~ end of Pov
Huminto ang Truck na Sinasakyan nila dahil sa checkpoint ng otoridad .
Ang checkpoint ay binabantayan ng mga kastilang pulis
Ang mga ito ay naka unipormeng kulay abo na minamando ang mga taong nagdadaan at sinusuri maigi ang mga kagamitan na tila may hinahanap .
Dito ay hinihingan nila ng ID ang mga tao at inililista sa isang booklet , ang paghaharang sa check point ay paraan ng gobyerno para pigilan na makapasok ang mga rebelde sa mga bayan at makapang gulo .
Ang mga rebelde sa mga panahon na iyon ay mga pilipinong ayaw tanggapin ang pamumuno ng mga kastila. Maraming mga grupo ang mga rebelde at ang ilan sa kanila ay mga grupo ng mga sangano na nang gugulo at naninira ng mga pagmamay ari ng mga kastila na nakatira sa syudad.
Kadalasan nanghaharang sila ng mga sasakyan para pagnakawan at isa na kanilang paboritong targetin ay ang mga truck ng gulay kagaya ng sinasakyan nila Erik .
~ Erik Pov
Malayo kami sa kabiyasnan kaya hindi ko alam ang mga nangyayari sa bansa basta ang alam lang namin ay hawak ito nang gobyerno ng espanya .
Tinuro noon sa eskwelahan na dating pinapasokan ko na halos 500years na mag mula ng sinakop ng mga kastila ang pilipinas at sumailalim ito sa pamumuno nito .
May ilang mga pilipino na hindi tanggap ang pamumuno ng mga ito kaya nag aaklas sila at naging mga rebelde. Sa totoo lang hindi ko alam kong anong saysay ng kanilang ginagawa dahil ang sabi nila ay milyon-milyong sundalo ang meron ang espanya kaya paano sila lalaban dito ?
May bulong bulungan din na may mga tinataglay na mahika at pambihirang kakayahan ang mga kastila kaya sila hindi natatalo sa mga laban.
Kasinungalinan man iyon o totoo eh sa tingin ko hindi na mahalaga iyon, wala naman kasing ginagawang kakaiba ang mga kastila sa lugar namin kaya ok lang para saakin na narito sila.
Ang totoo mas ok saakin na narito sila dahil nalalayo kami sa panganib dulot ng mga bandido na gusto kaming pagnakawan .
Hm...
Kalayaan ?
Pero ano bang halaga nun para sa simpleng mamamayan na kagaya ko ? May mababago ba sa estado ng buhay ko kung magtagumpay sila na mapalaya ang bansa ?
Kahit gaano ko pa isipin ito
Hm...
Sa tingin ko walang kwenta ...
Hindi ko kayang unawain kung bakit sila nag aaksaya ng buhay para sa kalayaan kung pwede naman sila mabuhay na lang at sumabay sa agos .
~ End of Pov
Habang dumadaan sila sa proseso sa check point ay napatingin sa labas si Erik para tignan ang nangyayari .
Sa pagkakataon na iyon ay nakita nya ang pag abot ng pera ng drayber ng truck sa mga kastilang pulis.
Ang perang ito ay panibagong kabayaran nila sa mga kastila sa pagdaan sa checkpoint maliban pa sa buwis na kinukuha ng gobyerno. Ang pagbabayad na ito ay sapilitan at wala silang magawa kundi mag bigay para payapang makadaan sa checkpoint.
Tinuruan sila ng mga nakakatanda na tumahimik at sumunod na lang sa bawat sasabihin sa kanila upang hindi mapahamak. Ito ang nakatatak sa bawat mag gugulay sa mga lumipas na taon at nagpasalin-salin na sa mga henerasyon .
Ang ginagawa nilang paniningil ay kabawasan sa kita ng mga mag gugulay lalo na sa may malilit na bilang ng ititinda gaya ni erik .
Ang bagay na ito ay hindi masyadong iniinda ni erik at kinasasama ng loob dahil na rin sa nasanay na syang magbigay ng porsyento nya para ibibigay sa mga kastila tuwing magdedeliver sila ng gulay .
Sa paniniwala nya ay maliit na bagay lang ito kung tutuusin dahil ang mga pulis na iyon ay nagbabantay sa kanila laban sa mga pag atake ng mga rebelde .
End of chapter 1