CHAPTER THIRTEEN

" Tulong ng Kalikasan "

  Sa pagpapatuloy, Habang nakikipaglaban si Tayog kay Slasher sa gitna ng hardin ng mga toreng talim ng Espada .

Nagagawang makipagsabayan kahit papaano ni Tayog sa isang mano manong laban pero kahit anong gawin nito ay maraming pagkakataon na tinatamaan at napapa atras parin sya sa bawat sipa at suntok nito dahil sa lakas ng mga pag atake ng kanyang kalaban.

Makikita sa banggaan ng kanilang mga atake na mas nakaka lamang sa lakas at bilis ang heneral. Hindi ugali ni Slasher na makipaglaban gamit ang mga kamao at binti pero dahil kampante sya na walang magagawa ang kalaban nya sa mga oras na iyon ay nakikipaglaro ito dito .

Dahil sa enerhiya nilang tinataglay ay napapanatili nila ang lakas nila bilang Sugo pero dahil nga sa unti unting pagkaubos ng enerhiya ni Tayog ay humihina na ang kanyang bawat pag atake at nakakaramdam na ng pagod .

Patuloy na humahanap si Tayog ng pagkakataon para magawang matamaan ang mailap na si Slasher kahit isang beses pero nasasalag lang nito ang bawat sipa nya na tila hindi natitinag sa bawat atake nya .

Nasalag nito ang huling sipa ni Tayog at nahawakan ang mga paa, dito ay ibinalibag sya sa isang kotse na nakaparada na yumupi sa harapan nito. Alam nya na hindi na sapat ang enerhiya nya sa katawan at maaaring maubusan ano mang oras kaya umaatake na lang sya ng umaatake hanggat kaya nya pang kumilos .



~ Tayog PoV

  Hindi maaari ito kahit anong gawin kong pag atake ay bale wala sa kanya . Ganun ba kalakas ang taong ito o baka dahil nanghihina na rin ako ?

Muli akong umatake sa kanya pero sa muling pag kakataon ay nasalag nya ang suntok ko gamit ang mga palad nya. Hindi ko na magawa pang umatake ng malakas dahil sa pagkaubos ng enerhiya ko at alam kong napansin yun ng kalaban ko na ngayon ay nawawalan na ng interes sa pakikipaglaban saakin .

" Nakakawalang gana ka kalaro, mabuti pa tapusin ko na ito " Sambit ni Slasher.

Bigla nyang hinawakan ang mga braso ko ay ibinalibag na parang laruan. Dito ay gumulong gulong ako sa kalye at tumama sa isang tore ng espada dahilan para mapatigil ang pagtalsik ko .

Nakakaramdam na ako ng pagkahilo at nag hahabol na ng hininga dahil sa sobrang pagod. Kung tutuusin inubos na ng pag gamit ko sa higanteng halimaw ang enerhiya ko at lakas na lang ng loob ang nagpapatayo saakin para lumaban sa halimaw na ito.

Pero kahit na anong pagod ko at kawalan ng pag asa sa laban ay muli akong tumatayo at nagpupumilit kumilos upang ipagpatuloy ang laban dahil wala akong pwedeng pag pilian pang ibang bagay na gagawin kundi mamatay para sa aming adhikain .

~ End of PoV .

Naglabas ng Espada sa kamay si Slasher at muling umatake. Dahil sa mga natamong pinsala ay nakakaramdam na ng pagkahilo si Tayog at mahahalata sa mga pag hingal nito na pagod na pagod at nanghihina na ang katawan nya.

Wala syang maisip na paraan para masira ang malakas na depensa ng heneral na kinakayang salagin ang bawat atake nya kaya wala syang pagpipilian kundi magpatuloy sa pag iwas at pag salag sa mga wasiwas ng espada ni Slasher .

Patuloy ang pag atake ni General Slasher hawak ang dalawang espada sa mga kamay na patuloy naman na nasasalag ni Tayog ng mga Pananga na nakadikit sa mga braso nito.

Ang kalasag nyang ito ay gawa sa matibay na kahoy pero gayumpaman ay nagkakaroon ito ng pinsala sa patuloy na pagsalag .

" Hahahaha, Anong problema indyo? Wala ka bang ibang gagawin kundi sumalag sa mga atake ko? " Pang aasar nito .

Nagliwanag ang mga paa ni Slasher at biglang sumipa padabog sa lupa at muling nag angatan ang mga nagkumpol kumpolang mga espada patama kay Tayog .

Alam ni Tayog na hindi nya kayang sabayan ang mga bagay na yun kaya wala syang ibang magagawa kundi ilagan ito .

Sa kasamaang palad ay nababasa na ni Slasher ang mga ginagawa ng kalaban nya at hinihintay na lang ang kanyang pag iwas .

Kagaya ng inaasahan nya ay tumalon si Tayog para iwasan ito kaya naman hindi na sya nag aksaya ng pagkakataon na muling umatake dito. Nagawang makita ni Tayog ang susunod na pag atake ni Slasher pero hindi nya kayang muling umiwas sa pagkakataon na iyon.

" bwisit, Tatamaan nya ako . " Sa isip nya.

Wala syang magawa kundi ibalot ng sarili ng Kahoy na pananga. Para itong mga banging na unti unting humahaba at nagdikitdikit para lumaki ang pananga sa braso nya .

Pero bago pa ito makumpleto at mabuo bilang makapal na shield ay tumagos na ang espada ni Slasher sa pananga . Ganunpaman dahil sa tigas ng bagay na iyon ay nagawa nya maiwasan na masaksak ng derekta ng heneral . Napahinto ang espada bago pa ito tumama sa dibdib ni Tayog .

" Mabilis kang kumilos bata " Sambit ni slasher .

" Subalit hindi mo ako kayang pigilan " Dagdag nito .

Biglang lumabas mula sa dulo ng espada ang daan daang talim ng espada at tumama kay Tayog . Isang Lejanti strike ang pinakawalan nito mula sa dulo ng espadang nakalusot sa pananga at tumusok sa katawan ni Tayog. Nagkaroon ito ng malakas na impact na syang dahilan upang Bumulusok si Tayog at tumama sa isang truck na nakaparada sa gilid , Wala syang nagawa para pigilan ito at ngayon ay naiipit sa gitna ng mga espada at sa truck .

Matibay ang balat ng mga Sugo na tila may mga bakal na baluti dahil sa enerhiya na nangangalaga sa kanila kaya hindi tumagos sa katawan ni Tayog ang mga espada na kanina pa tumatama sa kanya pero dahil sa pang hihina ng enerhiya na taglay nito ay unting unti nya nang nararamdaman ang mga sakit sa bawat pagsalpok at mga atake ng kalaban nya .

Naramdaman nya ang pagsugat ng ilang espada sa dibdib nya na palatandaan na humihina na ang enerhiya na inilaan para sa proteksyon.

Nakaipit din sya sa bakal na katawan ng truck kaya naman nahihirapan syang alisin ang mga nakatarak sa katawan nya

. " Ang isa sa abilidad ko ay maglabas ng mga talim ng espada sa paligid at bagay na mahawakan o madikitan ng katawan ko. Sa sitwasyon mo ngayon ay kayang kaya na kitang tapusin mula sa kinatatayuan ko " Sambit ni Slasher Hawak parin ang espada na nagdudugtong sa lejante strike na nakatarak sa dibdib ni Tayog .

" Hindi pa ito tapos " Hingal na hingal na sambit ni Tayog .

  Pinagtawanan lang sya ng heneral at minamaliit ang katapangan nito . " May sasabihin ako sayong isang bagay kung bakit hindi mo kayang manalo sa tulad ko , Yun ay dahil wala kang kaalaman sa tamang pakikipaglaban " Sambit nito.

Nagliwanag ang kumpol ng espadang iyon at muling humaba at nagpabaon kay Tayog hanggang tuluyan syang tumagos sa truck na kinaiipitan.

Kahit na may kakapalan ang katawan ng truck ay nagawa nitong mabutas. Tumalsik at gumulong na lang sya sa kalye dahil narin sa pwersa .

Makikita na rin ang nagkalat na ang dugo nya sa daan dulot ng mga sugat dahil sa pag tusok ng mga espada sa katawan nya.

Ngunit kahit na hinang hina at puno ng pinsala sa katawan ay pinilit nya parin ikilos ang mga braso upang bumangon . Hindi na sya nakakakilos ng maayos at parang wala na tamang pag iisip na ginugusto na lang tumayo.

Umagos ang dugo mula sa kanyang ulo at dumadaan sa kanyang pisngi . " Ang isa sa problema sa mga gaya mo na maliit lang ang enerhiyang taglay sa katawan ay madali na kayong mapinsalaan sa ilang minutong labanan , nakakabagot kayong kalaban . "

Alam ni Tayog na hindi ganun kadami ang enerhiya nya dahil kulang sya sa pag sasanay . Kaya naman galit na galit nyang hinampas ang kamay sa lupa dahil sa pagkadismaya sa sariling kakayahan dahil alam nya na hindi nya kayang makipagsabayan dito sa isang laban .

" Ano nang gagawin mo ngayon ,Indyo ? " Pag mamayabang ni Slasher .

" Ayokong gawin ang huling paraan na meron ako ngunit sa puntong ito ." Bulong nya sa sarili.

Bumuntong hininga lang si Tayog at pumikit . Dito ay mahinahon syang tumayo kahit na nanginginig na ang kanyang katawan at nagpapakalma ng sarili para sa binabalak na pag atake.

  Walang ideya si Slasher kung bakit nananahimik lang itong nakatayo at kung anong iniisip ng kanyang kalaban pero hindi na sa kanya mahalaga iyon dahil para sa kanya ay naglalaro na lang sya at wala nang magagawa ang kalaban nya para manalo pa laban sa kanya .

" Hindi mo ako magagawang matalo kung tatayo ka lang dyan . " Sambit nito . Sa mga sandaling iyon ay biglang ngumiti si Tayog at tumawa ng malakas. Hindi malaman ni Slasher ang dahilan ng pagtawa nito pero nakakaramdam sya ng pagkainsulto sa ngisi nito sa kanya na tila ba naiisahan sya .

Iniisip na lang nya na tuluyan na itong nasiraan ng bait dahil sa pagkabigo sa pag aaklas at pagkadismaya sa sariling kakayahan . " Kaawa awang nilalang, Mabuti pa tapusin na natin ito "

Inangat ng heneral ang dalawang kamay nya , Dito ay muling nagliwanag ang armor nya na napupuno ng enerhiya na ngayon ay gumagapang papunta sa mga braso hanggang umabot sa mga kamay.

Parehong gumawa ito ng higanteng Shuriken na gawa sa kumpol ng Espada . Hawak nya sa magkabilang kamay ang dalawang Lejanti Shuriken na may taas na 15 feet bawat isa .

Ang mga ito rin ang pinang hiwa nya kanina sa mga braso ng higanteng halimaw na puno. Dahil sa umiikot ito kaya nitong hiwain ang kahit anong madaanan nya .

" Magpaalam ka na Indyo !! " sigaw nito.

Boung pwersa nyang ibinato ang Isang Shuriken na hawak nya na halos humiwa sa bawat madaanan nito . Wala itong prenong dumederetso pasulong at patama ngayon sa kinalalagyan ni Tayog .

Dumilat bigla si Tayog at galit na galit na sinuntok ang lapag . Sa pagkakataon na iyon ay biglang gumalaw ang higanteng Kamay at pinigilan ang shuriken mula sa gilid.

Ang kamay na ito ay ang brasong natangal sa higanteng halimaw na si Siklaon na ngayon ay isa ng normal na puno .

Nagulat ang heneral sa nangyari at nagtataka kung paano nya nagawang makuntrol ito gayung paubos na ang enerhiya nito sa katawan . " Aba may natitira ka pa palang enerhiya , pero kahit anong gawin mo hindi ka na magtatagal pa " Sambit nito

Hingal na hingal si Tayog at hawak hawak ang dibdib na patuloy na nagdurugo dahil sa mga sugat . Sa mga oras na iyon ay tuluyan ng nauubos ang enerhiya nya sa katawan . Naglaho ang awra na bumabalot sa kanya at proteksyon ng kapangyarihan sa katawan ni Tayog . Nakaramdam sya ng panghihina at biglang bumagsak sa kinatatayuan nya .

Lalong nagdurugo ang kanyang mga sugat na kanina pinipigilan magdugo ng kanyang enerhiya sa katawan. Mababakas sa mukha nito ang sakit at kirot na nararamdaman dulot ng mga pinsala at tila naghihingalo .

" Kaawa awang nilalang tignan mo ang sarili mo ngayon? Isang bigong tao, talunan na mandirigma at ngayon ay naghihingalo sa lupa. "

" Hahaha yan ang napapala ng mga basurang Indyo na lumalaban sa Dakilang Espanya " Sigaw nito .

Lalong nakaramdam ng galit sa sarili si Tayog sa mga narinig aa heneral at unti unting naalala ang mga magulang nya sa Siklaon.

Dahil doon ay kahit na pagod na pagod ay pinipilit nya parin kumilos at makaupo man lang sa kinalalagyan nya . Patuloy na pinagtatawanan ni Slasher ang kaawa awang kalagayan ni Tayog at sa pagpupumilit nitong magpatuloy sa laban .

Inilarawan nya ito sa isang dagang gustong mangagat ng isang leon .

Nagawang maka upo nito kahit na nanginginig ang mga braso at tuhod. " Mukhang wala na akong magagawa kundi gawin ang huli kong baraha " Sambit ni Tayog habang nang hihina .

  Biglang tumawa si Slasher sa mga narinig nito sa kalaban dahil tila nagbabanta ito na may ilalabas pang paraan para manalo laban sa kanya, Wala na itong maramdamang awra sa katawan ni Tayog at nangangatog na ang mga tuhod para magawa pang makatayo .

  " Alam mo ayokong gawin ito pero hindi ko kayang tangapin na matalo sa laban na ito " Sambit ni Tayog . Biglang may lumipad na patalim na kahoy mula sa malayo at nasalo ito ni Tayog mula sa kina uupuan. Ang mga patalim na ito ay mula sa mga kasamahan nya sa Siklaon na pinahiram nya bago ang pag aaklas .

Walang ideya si Slasher sa binabalak ni Tayog sa pag kuha ng mga ito. Nagulat na lang sya ng naglaho ito na tila nadudurog na kahoy papunta sa isang usok na tinatangay naman ng hangin habang sumasanib sa katawan ni Tayog .

Patuloy na lumilipad ang mga ito at nagiging enerhiya na sumasanib sa katawan ni Tayog. Dito ay unting unti nararamdaman ni Slasher ang pagtaas ng presensya ni Tayog .

" Anong ginagawa mo? "

" Ipapaliwanag ko sayo , Ang mga ito ay bahagi ng kapangyarihan ko na ipinahiram ko sa mga kasama ko upang makasanib sila sa kalikasan . Ito ay naging power core na kumuha sa mga enerhiya ng mga taong nasa loob at ipasa ito sa mga halimaw na puno , ibigsabihin. "

" Tsk, Kung ganun kinukuha mo ang mga naipong enerhiya ng mga tao sa sandatang yan para maging dagdag na enerhiya sa katawan mo . " Sambit ni Slasher .

Ang paraan na ito ay kasama sa mga plano ni Tayog pero hindi nya ito kayang gawin agad ng hindi kinakailangan ng kanyang katawan .

" Isa sa kakayahan ko ay kumuha ng enerhiya mula sa kalikasan na magagawa ko lang sa oras na maubusan ang katawan ko ng enerhiya kaya salamat sayo dahil nagawa kong paganahin ito ng ubusin ko ang enerhiya ko sa pagpapagalaw sa halimaw na braso. "

Umaapaw muli ang enerhiya nya sa katawan dahil sa mga power core . Unti unting nanunumbalik ang lakas ng katawan nya na kanina lang ay pagod na pagod at nangangatog .

Dahil din enerhiya na ito nanumbalik ang proteksyon ng katawan nya at napatigil ang pagdurugo ng sugat pansamantala .

Tumayo sya sa kinatatayuan at muling humakbang pasulong . Nanlilisik ang mga mata nya at tila handa na muling lumaban sa heneral at makipagsabayan .

" Hahahaha , napakahusay, nakakabilib ang kakayahan mo para sa isang indyo . " Sambit ni Slasher

" Wag mo akong tawagin sa katawagan na yan o ang kahit na sino sa mga kasama ko dahil hindi kami mga indyo na alipin ng mga kastila . " Itinaas nya ang kamay nya at biglang gumalaw ang mga parte ng higanteng braso ng halimaw .

Makikita dito ang nakabalot na berdeng enerhiya na nagmunukay kay Tayog . Dito ay nagbago ang hugis nito na tila clay na sumanib sa kanyang katawan at humuhubog sa ibang anyo .

" Dahil kami ay mga pilipino "

Sigaw nito . Napakunot na lang ng noo at napangisi sa galit si Slasher ng makita ang unti unting pagbabagong anyo ulit ni Tayog papunta sa isang halimaw na puno .

Nararamdaman nya rito ang nag uumapaw na enerhiya dahil sa pag kuha nito sa mga energy core na nasa mga punyal na kahoy. Pumapalibot dito ang mala buhawing awra na nagpapatalsik sa ilang bagay palayo kay Tayog.

Nagbago ang Anyo ni Tayog papunta sa nakakatakot na higanteng tao. Tila nagkaroon ng baluti ang katawan nya na gawa sa puno.

Ang 10 feet na halimaw na anyong iyon ni Tayog ay ang final form nito at pinaka matibay nyang sandata ngunit ito ay nangangailangan ng napakaraming enerhiya kaya limitado lang sa isang minuto ang oras na pwede nya itong magamit.

Binabalak ni Tayog na gawing power source ang mga punyal na mula sa mga kasama nya na nakakalat sa paligid nila para mapanatili ang kanyang final form ng matagal na oras at gamitin ang lahat ng ito para matalo ang heneral .

Alam nya sa sarili na ang enerhiyang ginagamit nya ngayon ay mga enerhiya ng buhay ng mga kasama nyang isinakripisyo para sa pag aaklas .

Batid nya na katumbas ng buhay ng bawat kasamahan nya ang enerhiyang sinusubukan nyang gamitin ngayon para lang makapag Patuloy. " Mga kasama, isinusumpa ko na gagawin ko ang lahat upang mapatay ang diablong heneral na pumatay sa inyo, ipaghihiganti ko kayo at ang boung Siklaon !! "

Tumakbo ang halimaw na ito at bumulusok palusob kay Slasher upang umatake. Alam ng heneral na hindi pangkaraniwan ang enerhiya na tinataglay nito at kailangan nyang gumawa ng paraan para pigilan ito.

Bakas sa mukha ng heneral ang pagkaseryuso nito dahil maging sya ay kinukutuban ng masama sa ipinapakita nito ng kakaibang bagay.

Dito ay muling nagliwanag ang armor nya dahil sa enerhiya at gumapang papunta sa kaliwang kamay.

Agad syang bumwelo at boung pwersang inihagis ang isa pang higanteng Shuriken na hawak . Kagaya ng nauna ay bumulusok ito at hinihiwa ang bawat madaanan hanggang sa pasalpok sa umaatakeng halimaw .

Dito ay nagawang masalag ni Tayog ng kanang kamay ang shuriken at sinubukang mapigilan pero masyado itong malakas at dahil nga umiikot ito ay nagawa nitong mahiwa ang kahoy na braso ni Tayog .

Pero kahit na nahiwa ang kanyang braso ay nagpatuloy ito sa paglusob sa heneral na tila hindi naramdaman ang pinsalang natanggap .

Hindi ito inaasahan ni Slasher at napahawak sa lapag para muling umatake at pigilan ang paglapit ni Tayog .

" Lejanti Strike "

Nag angatan ang mga kumpol kumpol na espada para atakehin si Tayog ng derekta pero napahinto agad ito sa pag lusob para umiwas sa mga espada .

Sa pagkakataon na iyon nagawa nya makaiwas sa atake ng heneral at biglang humaba ang kaliwang braso na parang baging para makaatake mula sa malayo.

Dahil sa nakaharang ang mga tore ng espada ay hindi napansin ni Slasher ang biglaang pagsulpot ng kamao ni Tayog sa gilid ng mga ito . Tumama ang suntok nito sa heneral at sa sobrang lakas nito ay napatalsik ito hanggang sa sumalpok ito sa loob ng gusali ng munisipyo.

Dahil sa biglaang pag atake ay nagawa nyang maisahan ang heneral at matamaan ito ng todo. Agad naman na bumalik ang braso nya sa dating haba nito na parang baging na bumabalik sa puno.

" Anong problema heneral? Tumayo ka at ipagpatuloy ang laban. " Tanong nito .

Biglang may mga tumamang punyal na kahoy sa katawan ni Tayog at Unting unti ito naglalaho bilang enerhiya .

Dito ay hinigop ng katawan nya ang enerhiya na mula sa mga punyal at unti unting bumalik sa braso nito . Ilang sandali pa ay biglang tumutubo ang naputol nyang mga braso na parang halaman .

Nagiging power source nya ang mga punyal na puno ng enerhiya na nagmula sa life energy upang mapagaling ang bagong anyo nito sa bawat pinsalang matatamo.

" Sinabi ko na sayo , Hindi pa tapos ang laban na ito "

Sambit nya habang tila nilalasap at pinagmamalaki ang nag uumapaw na enerhiya na makikitang lumalabas sa katawan nya .

Sa sandaling yun ay naglalakad palabas ng gusali si Slasher at galit na galit na nakatitig kay Tayog.

Hindi nya matanggap na nakatikim sya ng isang malakas na atake mula sa isang kalaban sa full power form nya . Nanlilisik ang mga mata nito habang napapalibutan ng dilaw na awra na tila nagliliyab na apoy.

Hindi nya alintana sa sarili ang bagong kakayahan ni Tayog na magpagaling ng pinsala na tila imortal at walang ibang nais kundi ang mabilis na tapusin ang buhay nito.

" Hindi na ko magpipigil simula ngayon , Kailangan ko ng tapusin ang pakikipaglaro sa dagang gaya mo " Sambit nito habang naglalakad palabas ng gusali .

" Sinabi ko na , Hindi ako makakapayag na matalo sa labang ito , Ngayong araw na ito ay kukunin ko ang buhay mo Slasher !! " Matapang na sambit ni Tayog .

Parehong naglalabas sila ng mataas na antas na presensya na tila mga nagbabangaang buhawi at naghahanda ng umatake upang tapusin hangang kamatayan ang laban .

Sa gitna ng mainit na tagpong iyon at nakakatindig balahibong eksena ay biglang may isang boses ang biglang umeko sa paligid. Isang matining na sigaw ng isang babae na tila humihingi ng tulong .

Ang boses na iyon ay nag mumula sa itaas nila at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may biglang bumagsak mula sa langit at sumadsad sa lupa.

Dito ay dumeretso iyon sa harapan ng dalawa at pumagitna sa pagitan nila Tayog at Slasher .

Nakadapa ang babaeng ito sa lapag mismo at walang pag galaw na tila bangkay .

Hindi makapag react ang dalawa sa biglaang pagsingit ng isang babae sa harapan nila at tahimik na hinihintay ang susunod na mangyayari.

Ang bumagsak na babaeng iyon ay si Erik na sa hindi maipaliwanag na bagay ay nasa katawan ng diwata ng Ifugao.

Umupo ito bigla at tila nagulat sa nalamang nabuhay sya at humihinga sa kabila ng pagbagsak nya sa lupa.

Sa tagpong iyon ay hindi parin nya namamalayan na nasa anyo sya bilang magandang babae . " Buhay ako , hindi ako makapaniwalang buhay ako ,tama nga, Buhay ako !!! " Sigaw nito habang itinataas ang mga kamay na tila natutuwa.

Sa sandaling tila pagkamangha at pagsasaya ni Erik sa pananatiling buhay ay napansin nya ang magulong paligid dulot ng bakbakan at napalingon sa kanyang gilid nya kung saan nakita nya si Tayog na nababalutan ng berdeng enerhiya ang nakakatakot na anyo nito bilang halimaw at sa kabila namang parte ay ang galit na galit na heneral na nanlilisik ang mga mata sa kanya .

Maging ang dalawa ay hindi alam ang gagawin at magiging reaksyon sa mga oras na iyon dahil nga sa hindi nila kilala ang taong bumagsak sa harap nila ay wala silang ideya kung isa ba itong kalaban o kakampi .

Hindi inaasahan ng binatang si Erik na sa mismong battlefield sya babagsak na kung saan kasalukuyang naghaharap ang dalawa. Napalunok na lang sya at nagsimulang matakot sa kanyang sitwasyon na alam nya na maaari nyang ikapahamak .

" Patay ako . " Sambit nito habang nakangiti .

" Hehehe, kmusta kayo? "



~End of Chapter .
Alabngapoy Creator