CHAPTER FIFTEEN

" Patas na kabayaran "

  Sa pagpapatuloy , Sa gitna ng matinding sagupaan nila Tayog at General Slasher kung saan halos mapuno na ang paligid ng mga tore ng espada .

Nagagawa namang maputol at madurog ito ng mga kamao ni Tayog at ma alis ang mga humaharang sa kanyang paligid.

Dahil sa umaapaw na enerhiya ay mas tumitibay at lumalakas pa ang mga pag atakeng nagagawa ng kanyang mga braso. Gayumpaman ay nagagawang umatake ni Slasher sa malayo at dumistansya nang mabuti kay Tayog ng higit 20 metro. Alam ng heneral na malaki ang advantage nya sa pag atake sa malayo .

Napansin naman ito ni Tayog na tila walang ginagawa ang kalaban nya kundi harangan sya ng mga toreng espada at bumato ng mga higanteng shuriken .

Napagtanto nya na masyado na nakokontrol nito ang laban sa mga sandaling iyon dahil sa pag uubos ng heneral ng oras, Mabagal ang kilos ng katawan nya kaya hindi sya makasabay sa pag kilos ng heneral sa paglayo nito at patuloy na lang na tinatamaan ng mga Shuriken na pinakakawalan nito .

Naunawaan nya kung gaano katalino sa pakikipaglaban si Slasher dahil nagiging matagumpay na strategy nito pakikipaglaban sa kanya ng walang problema .

Napagtanto ni Tayog na kailangan nya ng matalo si Slasher sa lalong madaling panahon dahil sa kakaunting bilang ng mga power core na natitira sa paligid na pinagkukunan nya ng enerhiya para mabuo ang katawan nya sa mga pinsalang natatanggap.

" Matalino sya, Alam nya ang mga gagawin at napaghahandaan ang mga kilos ko, Hindi ko sya matatalo kapag hindi ko sya nagawang malapitan ." Sa isip ni Tayog .

Patuloy na lumilipad ang mga punyal na kahoy at tumatarak sa katawan ni Tayog dahilan para mas makakuha sya ng panibagong enerhiya na magagamit sa pananatili ng kanyang halimaw na anyo .

Muli syang umatake derekta kay Slasher at hindi inalintana ang mga talim ng espadang tumutusok sa kanyang katawan kahit na halos mapinsalaan na sya ng lubos.

Nabigla ang heneral sa ginawa nitong pagsalo sa mga talim ng espada at ngayon dumederetso papunta sa dereksyon nya .

Tumalon si Slasher sa mismong harapan nito para sabayan ito sa pag atake at kunin ang pagkakataon na makalapit din dito.

Dahil nga mabagal ang kilos ni Tayog dahil sa malaki at matigas na katawan nito ay hindi nya kayang sabayan ang pagkilos ng heneral kaya naman nagawang syang masaksak ang noo ni Slasher gamit ang isang espada sa mga kamay nito .

" Mamatay ka indyo !! " Sigaw nito habang nasaksak nito ang noo ni Tayog .

Umeko sa boung paligid ang napakalakas na paghiyaw ni tayog dulot ng sakit ng pagsaksak sa kanyang noo.

Gayumpaman kahit na naramdaman nya ang sakit dulot ng pag atake ng kalaban ay hindi nya sinayang ang pagkakataon na iyon para madakma si Slasher .

Nagulat ang heneral ng madakma sya ni tayog gamit ang mga naglalakihang kamay nito at nanatiling buhay sa gitna ng pagkakasaksak sa ulo. Umasa ang heneral na mapipinsalaan si Tayog kung gagawin nya ito ngunit hindi ito umayon sa kanyang kalkulasyon at ngayon nanganganib na mapisat ng kalaban nya.

Hindi na binitiwan naman ni Tayog  ang heneral at dinudurog sa mga dambuhalang kamay .

Dahil nga sa inaasahan ng heneral na mamamatay si Tayog matapos ang ginawa nya ay wala syang  ibang nakahandang paraan para makatakas sa pag atake.

Sa Patuloy nyang pagsubok na magpumiglas upang makatakas ay makikita nya ang mga punyal na patuloy na lumilipad at tumutusok sa likuran ni tayog . " Alam ko na, ginagamit nya ang life energy ng mga kasama nya para manatiling buhay . Kaasar ,hindi ko ito inaasahan " Sa isip ni Slasher .

Kitang kita nya ang nanlilisik na mga mata ni Tayog at sa hindi nya inaasahan pag kakataon ay makakaramdam sya ng takot sa kamatayan .

" Desperado na sya , Tinangap nya ang atake ko para lang mahuli ako " Sa isip ni Slasher .

Iniangat ni Tayog ang mga braso nya at buong lakas na inihampas sa lapag si Slasher.

Halos madurog ang sahig at mabaon sya sa tipak ng mga bato kasabay ang napakalakas na pagyanig ng lupa na dumagundong sa buong lugar.

Naramdaman ni Slasher ang Sakit sa kabila ng kanyang protektadong katawan dahil sa enerhiya at ngayon ay halos hindi pa makakilos sa kinahihigaan.

Muling bumwelo si Tayog at Bigay todong sumuntok muli kay Slasher habang ito ay nakahandusay. Hindi na ito magawang iwasan pa ni Slasher at tinatangap ang suntok na ginagawa ni Tayog .

Pinilit na kumilos ni Slasher upang makabangon sa kinahihigaan pero muli syang nakatanggap ng dagok mula kay Tayog .

" Mamatay ka naaaa!!" 

Dahil sa hindi sya binibigyan ng pag kakataon ng kalaban nya na makabangon ay nagtangka itong mag ipon ng enerhiya na ngayon ay gumagapang sa kanyang braso pero bago nya pa ito maitira ay muli syang nakatanggap ng napakalakas na dagok gamit ang dalawang kamay ni Tayog.

Sa pagkakataon na iyon ay hindi nya na nagawa pang maulit ang pag iipon ng enerhiya at tinatanggap na lang ang bawat pag atake sa kanya.

Paulit ulit na sinusuntok ni Tayog ito hanggang sa madurog ang armor nito. Mahahalata sa bawat pag atake ni Tayog ang pang gigigil nya na walang ibang gusto kundi kitilin ang heneral .

Kasabay naman ng bawat atake nya ay ang pag tama sa kanya ng mga punyal na energy core upang makakuha ng panibagong lakas at madugtungan pa ang kanyang buhay.

" Mamatay ka ! mamatay ka !! mamatay ka !!!! " Paulit ulit na sigaw nito habang sinusuntok si Slasher .

Hindi magawang makabawi ni Slasher at tuluyan ng nabaon sa higit 3 metrong tipak sa kalye na may lalim na dalawang pulgada dulot ng sunod sunod na dagok ng dambuhalang katawan ni Tayog .

Pagtapos nang huling atake na iyon ay biglang tumalon si Tayog nang napakataas sa ere upang bumwelo. Binabalak nito bagsakan ang nakahandusay na katawan ni Slasher upang tapusin ang laban .



" Para ito sa aking pamilya at sa siklaon !!! " Sigaw nito habang bumabagsak sa ere .

Pero kasabay ng pagbagsak nya pababa sa lupa ay may biglang may umalingaw-ngaw na pag hiyaw.

Isang pag sigaw na tila nagpapanik ito at kasabay nun ay ang pagbulusok ng isang kotse papunta sa dereksyon ni Tayog .

Dito ay lumilipad ang sasakyan kasa-kasama ni Erik. Napansin ni Tayog na tatama ito sa kanya at tinangkang pigilan gamit ang kamao pero bigla syang napatigil na suntokin na lang ito nang makita nya si Erik mula dito na nakaipit sa katawan ng sasakyan.

Sumisigaw ito habang nakaipit parin sa kotse.

"Erik? "

Dahil sa pag aalinlangan ay tumama sa kanya ang sasakyan at pareho silang tumalsik palayo bago pa sya bumagsak sa kinahihigaan ni Slasher .

Bumulusok at sumadsad sila sa lupa hanggang sa huminto ito sa pagdaosdos sa kalye.



Tumahimik sandali ang paligid at walang gumagalaw sa tatlo na kasalukuyang nakahiga sa kalye na tila pare parehong nawalan ng buhay .

Dahil doon ay unting unti napanatag ang tao sa loob ng gusali dahil narin sa nakikita nilang katahimikan.

Hindi nila alam kung anong nangyari sa tatlo at kung buhay pa sila kasunod ng mga nangyari kaya naman naisipan nila na sumilip sa labas ng tinataguan na gusali.

Sa mga sandaling iyon ay biglang bumangon si Erik habang hawak hawak ang ulo at sumisigaw sa pagrereklamo sa ginawa sa kanya ng misteryosang babae.ang ibato ang kotse na kinalalagyan nya.

" Pambihira , ang babaeng iyon yata ang papatay saakin. "

Nagpapag sya ng sarili at pinipilit na pakalmahin ang sarili upang magampanan ang kanyang sadya. Pinagtakahan nya ang mga naganap habang pinagmamasdan ang paligid nya at doon nakita nya sila Tayog habang nkahiga at walang pag kilos .

Inaakala nya tapos na ang laban dahil sa paghandusay ng dalawa at ngayon ay tinatanong sa sarili kong anong gagawin sa mga oras na iyon dahil wala syang ideya kung na gawa nya na ang misyon nya ng maayos.

Muli syang nagpapag ng sarili at umikot ikot habang pinupuri ang desenyo ng kasuotan ng diwata nya na kanyang suot . Sa sandaling iyon ay hindi nya napapansin ang pagtayo ng dambuhalang si Tayog sa kanyang likod na galit na galit ang itsura .

Kalmado syang nag iinat sa kinatatayuan para maibsan ang sakit ng katawan sa pag aakalang tapos na ang problema . Ngunit bigla na lang syang napahinto sa ginagawa nang sandaling makaramdam ng malakas na presensya na mula sa kanyang likuran .

Alam nya sa sarili na nanggaling ang mabigat na presensyang na iyon kay Tayog at napagtanto nya na hindi yun magandang bagay para sa kanyang sitwasyon .

Paglingon nya sa likod ay sumalubong ang kamao ni Tayog at muli syang tinamaan ng isang suntok na nagpatalsik sa kanya hanggang sa loob ng gusali ng munisipyo kung saan naroon ang mga tao.

Nagtakbuhan ang mga tao papasok sa mga kwarto ng gusali kung saan sila nagtatago kanina nang makita ang muling pag atake ni Tayog.

Muling silang nagpanik at parang mga daga na nagsumiksik sa mga kwarto upang iwasan lang ang panganib.

Sumadsad si Erik sa sahig ng entrance nito kung saan maraming kastila ang nagtatago. Hindi rin malaman ng mga naroon kung kalaban ba nila o kakampi ang babaeng nakahandusay kaya kahit ito ay kinatakutan nilang lapitan.

Dahan dahang tumatayo si Erik at iniinda parin ang sakit ng katawan na dulot ng pag suntok sa kanya. Sa pagkakataon na iyon nakita nya ang mga tao sa loob na takot na takot na tinitignan sya .

Ang ilan sa higit isang daang taong naroon ay nakahandusay at nasawi nang madamay sa labanan.

Dahil na rin sa nangyayari ay hindi na alam ng mga ito kung sino ang kaaway at ka kampi sa paligid nila .

Maging ang mga kapulisan ay kinatakutan nila dahil sa Napansin nila na tila walang paki elam ang heneral na matamaan sila ng mga talim ng espadang pinakakawalan nito sa laban.

" Wag kayong matakot , ililigtas ko kayo " Sambit nito .

Hindi malaman ng mga taong ito kung pagtitiwalaan nila ang nasabi ng kaharap nilang Sugo gayung isa itong pilipino at sila ay mga kastilang nais maubos ng mga rebelde sa pag aaklas na nangyayari.

" Teka , isa ka bang sundalo ng gobyerno ng espanya? " Pagtatanong ng isang sibilyan.

" Hindi , Isa akong pilipinong bayani " Nakangiting sambit nito.

" bayani ? "

" Kung ganun bakit kami maniniwala na ililigtas mo kami, kayong mga indyo ang may dahilan ng kaguluhan na ito, Mga halang ang kaluluwa at mga demonyo " Galit na sambit ng isa .

  " Tama ! Mga kampon kayo ng demonyo !! parusahan sana kayo ng dyos ." Sigaw ng isa sa mga kastila .

  Nataranta agad si Erik sa pangbubulyaw ng mga ito at agad na pinapakalma ang mga tao sa loob ng gusali.

Napansin nya na maiinit ang ulo ng mga ito lalo na ang isang pulis sa harap nya. Ito rin ang parehong pulis na nanakit sa kanya sa bayan noong hindi nya ito mabigyan ng pera .

" Pare pareho lang kayong lahat, Pagkatapos namin kayo bigyan ng makakain at silungan gamit ang mga pera namin ay ang lakas ng loob nyo mag aklas sa gobyerno at gumawa ng karumal dumal na krimen kagaya nito . "

 

" Mga walang utang na loob , ayaw nyo sumunod sa batas dahil lang sainyo kayabangan at kasakiman kaya mas ginusto nyong maging rebelde na lang at isisi ang kahirapan sa gobyerno . "

Patuloy na nagrereklamo ang mga tao sa loob at kwinekwesyon ang tulong na binibigay ni Erik sa mga ito .

" Hinding hindi kami hihingi ng tulong sa isang salot na indyo "

Sa pagkakataon na iyon ay bigla syang dinakma sa kwelyo ni Erik at iniangat ito.

Marahil dahil sa bugso ng damdamin na rin nito nang marinig ang mga pang iinsulto sa mga taga Siklaon .

Nagulat ang mga naroon sa ginawa nito at nagpanik dahil sa pagiging agresibo ni Erik .

Makikita ang nag aapoy na mga titig nito dahil sa galit ni Erik sa pang iinsulto nito na nasambit pero nangingibabaw sa isip nya na kailangan nya magpasensya sa mga ito alang alang sa kanyang misyon .

" Bitawan mo ako, hoy! lapastangang indyo "

" Wag mo kaming tawaging indyo !! " Sigaw nito.

Nakaramdam ng takot ang pulis na ito at kinilabutan sa matalim na tingin ni Erik sa kanya na tila isang tigreng handa syang sampangin . Dito ay napatahimik na lang ang pulis dahil sa takot at hindi na muling kumibo pa .

Alam ni Erik na walang maitutulong sa sitwasyon nya kung pati sya ay mag papa apekto sa galit sa mga kastila kaya naman sinubukan nyang pakalmahin ang sarili.

Biglang binitawan ni Erik ang kausap na pulis at bumagsak sa lapag . Sa sandaling iyon ay nanatiling nakayuko ito habang sinasambit ang .

" Hindi ko kayo maintindihan , nagagawa nyong maliitin at yumurak nang pagkatao ng iba dahil lang sa naiiba sya sa inyong pinagmulang lahi ." 

" Sinisisi nyo ang mga pilipino sa mga nangyayari ngayon pero hindi nyo magawang itanong sa sarili nyo kung bakit nila ito ginagawa. "

" Makikitid ba ang mga ulo nyo !! " Biglang sigaw nito na nagpatigil sa pag sasalita ng mga kastila.

  Itinuro nya si Tayog habang palapit ito sa kanilang kinaroroonan at sinabi ang tungkol sa mga adhikain ng Siklaon at kagustuhan nitong palayain ang bayan nila sa mga kastilang gaya nila.

Isa isa nyang nasambit ang mga pang aabuso at kawalan ng hustisya ng batas para sa mga katulad nyang pilipino na nagaganap sa bayan na nasabi ng kaibigan sa kanya .

Ninais nyang maliwanagan ang mga ito at maisip na magsisisi sa hindi makatarungan na pagtrato ng mga ito sa mga pilipino sa bayan.

" Kayong mga kastila ang may kasalanan kung bakit ninanais ng mga pilipino na maging rebelde at kalabanin ang gobyerno. Hindi ko maintindihan , anong problema kung mga pilipino kami?

Ano naman kung mga kastila kayo?

Sabihin nyo ! Ano ang pinagkaiba natin gayung nakatira lang tayo sa iisang bansa bilang mamamayan nito ? "

" Ano naman kung natalo ang bansa namin sa digmaan noong unang panahon ?

Ano ngayon kung may pagkayumangi ang mga balat namin kesa sainyo ?

Ano ngayon kung magkaiba tayo ng mga lengwaheng ginagamit ?

Anong problema kong mahihirap kami ?

Para saakin hindi rason iyon para tapakan nyo ang aming mga pagkatao at ituring na mga alipin na lamang "

" Mga tao din kami kagaya nyo na nahihirapan, nasasaktan , natatakot at humihinga .

Anong kasalanan namin para ituring kaming mga alipin sa sarili naming bayan ."

Umeeko ang boses nito na punong puno ng paghihinagpis sa boung gusali habang walang kahit isa ang kayang tumingin sa kanya ng deretso.



" Hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili nyo? Ang lalaking iyon ay gustong iparanas sainyo lahat ng ipinaranas nyo sa kanila magmula sa kahihiyan ng mga taong walang magawa para iangat ang kanilang mga dangal hanggang sa pag aalis sa inyo ng karapatan na mabuhay dito sa mundo .

Lahat iyon ay kinatatakutan nyo ngayon na maranasan sa mga sandaling ito ."

Pero ang lalaking iyon , ang lahat ng pilipino sa bayan na ito ay araw araw na nagtitiis sa nararanasan na iyon.

Ang mabuhay ng walang dignidad at dangal bilang pilipino , nabubuhay sa takot na mapag initan ng mga kastila . Minsan ba inisip nyo kung gaano kahirap mabuhay sa sariling bayan na miserable at ka awaawa ? "

" Kaya sabihin nyo ngayon kung sino ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito !! " Galit na sigaw nito.

 

Natahimik ang lugar mga sandaling iyon. Walang naging tugon ang mga taong naroon dahil alam nila sa mga sarili na naglabis ang karamihan sa kanila sa hindi magandang pakikitungo sa mga pilipino, ilang dekada ng sistema ito kaya nagpasalin salin na sa mga henerasyon ang kaugalian na alipinin ang mga pilipino kaya ang bawat isa sa kanila ay may pananagutan sa nangyayari .

Napagtanto nila na ang mga nagawa nila noon ay nagreresulta na sa isang trahedya at ngayon sinisingil na ng panahon .

Habang nagpapaliwanag si Erik sa mga kastila sa mga sandaling iyon ay tumapak na sa biranda si Tayog at papasok sa gusaling kinalalagyan nila.

" Wag mo nang pag aksayahan pa ng oras ang mga basurang yan , ang mga taong yan ay hindi makikinig sa mga tulad natin dahil iniisip nila na mas mataas sila saatin. Hindi nila tayo itinuturing na tao kundi kagamitan ." Sambit ni Tayog .

Unting unti naglalakad palapit si Tayog papunta kay Erik habang naglalabas ng matinding awrang malabuhawi na nagpapatangay sa mga bagay bagay palayo.

" Mabuti pa umalis ka na lang at lisanin ang lugar na ito hangat may pag kakataon pa dahil wala ng saysay ang pakiki pag usap sa mga taong malapit ng mamatay " Dagdag nito .

Humarap si Erik sa kanya at muling kumontra sa sinasabi ni Tayog. " Siguro nga sila ang may kasalanan ng nangyayari ngayon pero hindi ako pabor na kailangan nilang mamatay para sa sinasabi mong patas na kabayaran " Seryusong sambit nito .

" Wag mong sabihin na talagang ibubuwis mo ang buhay mo para sa mga kastila ? "

" Tungkulin ng isang bayani na protektahan ang mga tao. " Sagot ni Erik .

" Nakakalimutan mo na ba na isa kang pilipino at ang mga taong yan ay umaapi at umaabuso sa mga kababayan mo ? "Galit na sambit ni Tayog.

" Pilipino man sila o kastila ay hindi na yun ang mahalaga, nasa bansa ko sila at parte ng aking responsibilidad. " Sabat ni Erik.

Dahil sa narinig dito ay lalong nagalit si Tayog sa binata dahil parin sa pag salungat sa kanyang Adhikain. " Tumigil ka !! Ang ginagawa mo ay isang pagtalikod sa iyong lahi, sinasabi mong isa kang bayani ng bansa pero hindi mo kayang magpataw ng hustisya para sa mga nasawi mong kababayan, ."

 

Napayuko si Erik at bahagyang nalungkot sa mga nangyari, kahit na ihinto ni Tayog ang laban ay hindi mababago ang katotohanan na maraming nagdusa at nawala dahil sa kawalan ng hustisya sa bansa.

" Alam ko at kinalulungkot ko ang mga nangyari sa kanila pero hindi na maibabalik ng paghihiganti mo ang mga buhay nila. Hindi na sila mabubuhay kahit na ubusin mo ang mga kastila sa bayan na ito " Sagot ni Erik .



" Ano ang gusto mong mangyari ? sa oras na hindi ko ito gawin ay mananatili ang bulok na sistema ng gobyerno sa bayan namin at magpapatuloy ang pang aabuso ng mga taong yan sa mga kababayan ko . " Tanong ni Tayog sa binata. 

" Hindi na iyon mangyayari !! " Sigaw ni Erik .

Sumigaw sya dito upang patahimikin ito sa pagsasalita.

Sa pagkakataon na iyon ay sandaling nanahimik ang boung lugar. Tumayo ito na may lakas ng loob at humarap sya sa mga kastila na nasa loob ng gusali habang tinalikuran si Alfredo.

Dito ay sinambit nya ang lahat ng gusto nyang mangyari at plano sa hinaharap. " Hindi na iyon mangyayari kung bubuoin natin muli ang pilipinas , isang bagong bansa na may patas na pagtingin sa bawat mamamayan nito maging pilipino man o kastila , hindi natin kailangan makipaglaban sa kanila kung pareho tayong makikinabang sa isang payapang bansa ."

" Walang tao ang gusto mabuhay bilang mga miserable at kung ipapaunawa natin iyon sa mga kastila ay magagawa nating maibangon ang bansa para sa mga pilipino ."

" Isang tahimik na lugar na walang gulo at patayan , Walang inaabuso at inaalipin , isang bagong pilipinas kung saan nagkakaisa ang bawat mamamayan . "

Muli syang humarap kay Tayog at itinaas ang mga kamay nya na tila inaalok syang sumama sa kanyang adhikain.

" Sa ngayon hindi ko alam kung paano gagawin pero kailangan ko ng tulong ng bawat isa saatin , paki usap Alfredo kalimutan mo ang lahat at magpatawad alang alang sa mga pilipino.

 

Para sa Siklaon."

" Maki isa ka sa muling pag buo sa bagong pilipinas . " Dagdag nito habang inaabot ang mga kamay nya .

Matapang nyang isinasambit ang mga ito at buo ang loob sa mga binabalak na pagkaisahin ang bawat mamamayan ng bansa na tila ba kaya nya itong gawin sa panahon na kasalukuyan .

Natahimik ang lugar sa mga sandaling iyon at walang naging tugon si Tayog sa nasambit ng kaibigan kundi ang pag buntong hininga at pagpikit .

Alam nya na walang ibang hangarin si Erik kundi ang matulungan bumangon ang mga pilipino na isa rin sa kanyang adhikain kaya walang rason para tanggihan nya ang alok nito.

" Alam mo hindi ko pinagsisisihan na isinama kita sa Siklaon . Isa kang mabuting tao at tunay na kaibigan kaya naman nagustuhan kita ."

" Sa maikling panahon na nagkakilala tayo ay tinuring kitang nakababatang kapatid ko kahit na hindi tayo magkadugo, ginusto kong magpatuloy iyon hanggang sa ngayon " Sambit nito habang bumuntong hininga at muling tumahimik .

" Hindi ko alam na magiging sakit ka ng ulo saakin. Pasensya ka na sa mga desisyon ko .

Erik , ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad sa mga nagawa ko. "

 

" Alfredo " Napangiti si Erik ng marinig ang pag hingi nito ng tawad at iniisip na nagbago na ang isip nito.



Inaakala nya na naabot ng kanyang mga paki usap at mga inilatag na pangako tungkol sa ibabangon na bansa ang kalooban ni Alfredo .

Laking tuwa nya nang maramdaman nyang nagtagumpay sya sa pagpapabago sa isip ni Tayog tungkol sa pag hihiganti at makiki isa sa kanya .

"Erik"  Pero bigla syang natulala ng sumalubong sa mukha nya ang kamao ni Tayog.

"Huh?"

 

Sa bilis ng pangyayari ay hindi nya na nagawa pang umilag at tuluyang tinamaan nito . Sa lakas ng pagkakasapak ay bumakat sya sa pader ng isang kwarto .

Nagsimula muling magpanik ang mga taong naroon sa ginawa ni Tayog na inaakala nilang kakampi nito.

Dahil parin sa taglay na enerhiya ay na gawang mabuhay ni Erik sa ginawang suntok sa kanya at agad na umalis si Erik sa pagkakaipit sa pader at biglang napaluhod sa lapag dahil na rin sa panlalambot ng tuhod.

Hindi parin makapag salita ang binata dahil nagulat sya sa naging pag atake ni tayog at naisip na hindi pa tuluyang tinanggap ni Tayog ang mga paki usap nya.

" Alfredo? " Bulong nito .

" Pero sa tingin ko isa itong kalokohan !! Isang kahihiyan ang mabuhay na kasama ng mga taong dahilan ng pagkamatay ng mga kasama ko. Isang ilusyon ang pag kakaisang sinasabi mo at walang ibang pwedeng maging kabayaran sa mga kasalanan nila kundi ang kanilang mga buhay " Galit nitong Sambit .

 

Nanlilisik ang mga mata ni Tayog sa galit habang nababalot ng itim na awra ang boung katawan. Muling kinilabutan si Erik sa nararamdamang negatibong presensya na nilalabas ni Tayog habang patuloy na sinasambit nito ang pag ubos sa mga kastila .

" Makatarungan man o hindi ay hindi na mahalaga iyon , walang puwang para sa pagpapatawad sa mga lubos na nagkasala , buhay ang kinuha nila saamin kaya buhay din ang magiging kapalit ." Galit na sambit nito.

" Marami na akong isinakripisyo para sa mga sandaling ito , abot kamay ko na ang tagumpay na hinahangad ng Siklaon at kung ang tanging paraan lang upang tuluyan ko na ito maabot ay ang talikuran ang isang kaibigan , Hindi na ako dapat mag isip pa. "

" Papatayin kita munti kong kaibigan " Sambit nito .

Muling pinaramdam ni Tayog kay Erik ang napaka bigat na presensya na taglay nya.

Isang itim na presensya na bumabalot ngayon sa boung katawan nya.

Hindi makapaniwala si Erik sa nangyayari ito sa pagitan nila ng kaibigan at tila desidido na itong paslangin sya sa mga oras na iyon.

Nakaramdam sya bigla ng pagkasindak sa narinig na pagbabanta sa buhay nya .

Napadabog na lang si Erik sa lapag at galit na galit sa sarili dahil sa pagkadismaya .

Hindi sya makapaniwala na sa pangalawang pag kakataon ay muli syang nabigo na mapatigil ang labanang nagaganap.

" Bakit kailangan na umabot ang lahat sa ganito ? Bakit ? "



" nabigo ulit ako." 



~End of Chapter.
Alabngapoy Creator