CHAPTER FIVE
" Alipin ng Digmaan "
Lumipas ang ilang oras pagkatapos na makabalik lahat ng mag gugulay sa truck ay muling umandar ito para umalis sa bayan ng urdaneta at magtungo sa susunod na bayan.
Naka pwesto parin si Erik sa tabi ng drayber seat ng truck dahil narin sa kagustuhan ni Kardo upang maging mas maayos ang kalagayan nito .
Nagpapahinga ito at nakasandal sa malambot na upuan ng sasakyan. Naubos nya ang kalahating basket na dinala nya sa syudad kaya naman masaya ulit nyang binibilang ang perang kinita .
" Marami pa akong dapat kitain "
~Eric PoV
Limang basket na lang ang meron ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung sasapat pa ang pera na kikitain ko sa oras na mabenta ko lahat ito para mabayaran man lang ang inutang na punla at pwesto sa lupa para sa gulay namin .
" Wala kaming pangastos sa susunod na buwan , paano na ito ? ."
Napabuntong hininga ako at napasilip sa labas ng truck habang umaandar ito.
Napagmasdan ko ang palubog na araw sa malayo dahil nasa alas sais na rin ng hapon nun, lalo akong nanghihinayang dahil matatapos nanaman ang araw at dalawang araw na lang ay uuwi na kami sa lugar namin sa probinsya .
Sa mga sandali na iyon ay bigla akong inabutan ng tinapay ni kuya Kardo para kainin at tinanong kung ano ang dahilan ng pag buntong hininga ko , Nakita nya akong nalulumbay at pinapalakas ang loob ko tungkol sa kikitain namin sa susunod na bayan .
Hindi ko alam kung bakit alam nya ang mga iniisip ko tungkol sa mga gulay na tinda ko pero ang mas nakakapagtaka ay napapansin ko na parang nag iba ang trato saakin ni kuya Kardo at tila ba inaalalayan nya na ako lagi .
Hindi ko na nabangit yung nangyari saakin sa bayan dahil tiyak pagagalitan nya ako. Medyo lumayo ako sa lugar na dapat lang naming ikotan at wala akong kasamang mag gugulay sa lugar na iyon na pwedeng hingan ng tulong sa mga oras na iyon .
Medyo kumikirot ang tagiliran ko pero kailangan kong magkunwari na ayos lang dahil tiyak magtatanong sya kung anong nangyari saakin at patay ako pag nalaman nya na nakipag usap ako sa mga kastilang pulis .
Palaging sinasabi ni kuya Kardo na iwasan ang ano mang uri ng pakikipag usap na labas sa trabaho namin at pakikipagtalo sa ibang tao lalo na sa mga kastila dahil maaapektuhan ang trabaho namin kaya naman kailan man hindi nakipagtalo si kuya Kardo sa mga paniningil ng bayad ng mga kastila .
Pero teka , Pwede ko kayang sabihin sa kanya ang tungkol kay Alfredo ? Hm...
Sa hindi maipaliwanag na bagay ay naguguluhan ako at hindi maalis sa isipan ang mga nasabi nya saakin .
Nagbalik sa alaala ko ang mga nasambit nya saakin habang naglalakad kami pauwi dala parin ang basket ng carrot. Bakas sa kanya ang kalungkutan at alam ko na umiiwas sya ng tingin saakin dahil sa kahihiyan .
" Totoo na nagagawa namin sa syudad ang ilang bagay at nasisiyahan dito pero hindi maaalis ang katotohanan na kami ay mga mahihirap na pilipino na sunod sunuran sa mga kastila dito sa bayang ito " Sambit ni Alfredo.
"Mababa ang tingin nila sa gaya ko at maraming karapatan ang inalis nila saamin. Hindi yun makatarungan pero hindi na mahalaga iyon basta nabubuhay kami ng payapa at ligtas ." Dagdag nito .
Dahil dito ay bigla akong napabulong habang iniisip ang mga nangyari " Indyo ? "
Narinig iyon ni Kuya Kardo pero hindi nya naintindihan kaya naman pinapaulit nya ito saakin .
Dito ko na natanong kung ano ang ibigsabihin ng salitang indyo at bakit ganun ang tawag ng mga kastila sa mga pilipino sa syudad .
Sa totoo lang ang akala ko noon ay simpleng palayaw lang ito o isang katawagan base sa kanilang lengwahe gaya ng tawag ng mga pilipino sa mga hapon ng japan at kano ng amerika.
" Ah... Ang totoo hindi ko rin talaga alam o baka hindi ko na rin gustong malaman pa. Wala rin akong paki elam sa bagay na iyon pero ang salitang indyo ay mula sa mga kastila na madalas nila sambitin sa mga alipin at mga utusan nila noon unang panahon " Sambit nito saakin .
Nagulat ako sa nalaman ko kay kuya kardo na ang salitang indyo ay para lang sa mga utusan at sa mga mabababang tao sa lipunan . Hindi ko alam kung bakit naitawag yun ng mga estudyante kanina dahil kung tutuusin disente ang kasuotan ni Alfredo kaya hindi sya matatawag na Alipin .
" Hindi yun dahil sa iyong kasuotan o panlabas na anyo kaya tayo tinatawag na indyo bata . Kahit ano pang trabaho mo o kahit saang pamilya ka pa nagmula ay para sa mga kastila eh mga alipin tayo at mababang uri na pwede nilang utusan." Sagot ni Kuya Kardo saakin .
Sa pagkakataon na iyon muli akong nagtanong sa kanya tungkol sa pag kakaiba ng mga kastila at pilipino. Hindi nya itong derektang masagot dahil wala rin syang alam sa sistema sa syudad dahil lumaki sa probinsya si kuya kardo at nagagawi lang minsan sa syudad .
Ilan lang ang bilang ng mga Kastila saaming lugar at wala namang problema maliban sa pagkuha nila ng gulay minsan ng walang bayad. Hindi interesadong manirahan ang mga kastila sa lugar namin dahil napakahirap ng pamumuhay doon kaya pumupunta lang sila doon kapag maniningil ng buwis.
Hindi ko alam ang katayuan ng mga pilipino sa gitna ng pamumuno ng mga kastila . Ang alam ko lang ay sakop ito ng espanya at magkasamang namumuhay ang mga kastila at mga pilipino sa bansa .
" Tama ka naman doon sa sinabi mo, Kasamaang palad ay hindi pantay ang tingin ng mga kastila sa mga pilipino. Natalo tayo sa digmaan noong unang panahon kaya ang iniisip nila ay pagmamay ari nila tayo " Sambit ni kuya Kardo .
" Pagmamay ari ? Anong ibig nyong sabihin ? " Tanong ko .
" Magmula sa mga bata o kahit sa hindi pa isinisilang na pilipino sa susunod na henerasyon ay para sa kanila ay pagmamayari ng espanya bilang mga indyo nila . " Dagdag nito .
Dito ay nasabi saakin ni kuya Kardo ang diskriminasyon na natatangap ng mga pilipino at mga ilang bagay na hindi nila malayang gawin dahil sa hindi nila pwedeng maangatan o malamangan ang mga kastila sa kahit anong bagay .
Hindi ko talaga alam kong ano ang sinasabi ni kuya kardo , kasalanan ko rin naman siguro dahil hindi ako nakatutok sa pag aaral noong tinuturo sa eskwelahan ang tungkol sa mga kastila ,
Pero hindi lang naman ako dahil lahat kami sa probinsya ay tila hindi interesado sa bagay na yun dahil sa tingin ko walang saysay yun para pagkaabalahan alamin ng isang taga probinsya at tindero ng gulay na gaya ko .
Sa pagkakataon na iyon ay muli kong naalala ang nasambit ni Alfredo saakin .
" Ipapahamak ka ng iyong kamangmangan sa mga bagay bagay. "
Nasabi nya yun dahil sa naikilos ko kanina laban sa mga kabataang kastila na nang-insulto saamin . Para bang para sa kanila ay mga mababang uri kami na pwede nilang apihin at tapakan ang pagkatao .
Sa pagpapatuloy ng pag uusap namin ay nagkwento si kuya Kardo saakin tungkol sa lumang sistema ng digmaan noong unang panahon.
Noong unang panahon mas agresibo at marahas pa ang mga pagtatalo sa mga teritoryo ng bawat bansa kung saan gustong palawigin pa ng mga bansa ang mga nasasakop nito. Sa kasamaang palad sa oras na matalo ang bansang kinabibilangan mo sa kalaban nito sa digmaan ay may karapatan ang mga ito na angkinin ang lahat ng pag mamay ari ng bansa mo .
Mga lupain, produkto, mga gusali, ginto at kayamanan ng bansa kasama na rito ang mga mamamayan nito .
Noong unang panahon kinukuha lahat ng mga tao sa natalong bansa at inuuwi iyon sa bansa nila para gawing alipin nila. Hindi yun makatarungan at minsan hindi na makatao ang ginagawa sa kanila pero ganun ang sistema ng digmaan noon .
Wala kang ibang pagpipilian kundi sumunod dahil pwede ka nilang parusahan at saktan kahit sa anong paraan , pahirapan hangang mamatay ka.
Walang magtatangol sayong batas o tutulong na tao dahil kasabay ng pagkatalo ng bansa mo sa digmaan ay naglaho na karapatan mo bilang mamamayan at isa ka na lang alipin na pwede nilang utusan at gamitin .
Kung iisipin ko sa mga sinabi ni kuya Kardo ay tila ba dahil sa natalo ang pilipinas sa espanya noon ay pagmamay ari na nila ang bansa kasama ang mga pilipinong mamamayan nito .
" Huh ? " Nasagot ko sa kanya.
" Pero wag kang mag alala bata dahil marami ng nagbago sa paglipas ng panahon. Maunlad na ang bansa natin at may mga karapatang pantao na isinusulong sa maraming bansa sa mundo, ang kaso lang hindi naalis sa isipan ng mga kastila na mas mataas ang lahi nila kesa sa ating mga pilipino . " Sambit ni Kuya Kardo .
Nakakapagtakang isipin na dahil lang sa natalo kami sa digmaan noong unang panahon ay hangang ngayon ay pinagdudusahan namin ito. Parang kalokohan isipin na sa makabagong panahon ay nagpapatuloy ang lumang sistema.
" Teka bata bakit mo pala naitanong yan ? Sa totoo lang wala naman problema sa mag gugulay na gaya natin ang sistemang iyon dahil malaya tayong nakakagalaw sa mga bayan " Tanong ni Kuya Kardo .
Marahil nagtataka si kuya kardo sa naitanong ko sa kanya dahil bilang mag gugulay ay walang saysay ang mga bagay na iyon para malaman pa .
Para sa kanya hangat wala kaming nilalabag na alituntunin ay magpapatuloy ang buhay namin .
" Kung gusto mo ng payapang buhay ay wag ka na lang maki elam sa bagay na yun at sumunod na lang sa mga kastila. Maliwanag ? "
Sambit ni Kardo .
Dahil sa mga narinig ko ay hindi ko maiwasan na malumbay at mapaisip kong ano ang iniisip ngayon ng mga pilipino tungkol sa bagay na iyon .
Sandaling tumahimik ang lugar at natigil ang pag uusap namin ni kuya Kardo, napatingin ako sa labas at tinatanaw ang dinadaanan naming talahiban,
Sa sandaling yun ay may bigla akong napabulong sa sarili ko.
" Isang bansang talunan at mga taong alipin ng digmaan" Sambit ko .
Sa mga sandaling iyon ay biglang napapreno si kuya Kardo sa minamanehong truck . Biglaan yun kaya halos mauntog ako sa harapan. Masakit pa ang aking sugat sa ulo kaya talagang nagrereklamo ako sa kanya ng todo .
Pero nagulat ako ng mabaling ang tingin ko kay kuya kardo. Galit ito at tila iritable habang hinahampas ang manubela ng truck . Agad kong tinignan ang harapan at nakita ko ang nakaharang na mga motor na bigla na lang humarang saamin .
Laking gulat ko ng aking mamasdan maigi ang mga taong nakasakay dito. Lahat sila ay may dala dalang mahahabang baril at mga itak sa gilid ng bewang nila .
Hindi ako maaaring magkamali . Ang mga ito ay mga rebelde at nandito sila para pagnakawan ang truck namin.
Nabalot ng takot at hiyawan ang likuran ng truck. Alam ng bawat isa saamin ang marahas na hakbang ng mga rebelde sa oras na umaatake sila .
Mga halang ang bituka at berdugo sila na walang paki elam sa mga bibiktimahin kahit mapabata man o babae pa ay sinasaktan nila .
Hindi ko alam kung ilan ang bilang nila pero unting unti kaming napaligiran ng mga rebelde na naglalabasan sa talahiban sa gilid ng daanan .
Mga armado ang bawat isa sa kanila at agresibo ang mga kilos .
Hinahampas nila ang truck at pinapababa ang mga sakay nito, Delikado kami kapag hindi kami sumunod. Marami ng insidente na ang naganap kung saan napatay ang ilan sa mag gugulay dahil lang sa pag atake ng mga rebelde habang ito ay nagdedeliver .
Naririnig ko ang pagmamakaawa ng mga kasama ko habang hinihila sila at hinahampas para padapain sa kalye. Nakatutok ang mga baril nila saamin at nagbanta na papatayin sa oras na kumilos sa kinahihigaan namin.
Walang nagawa ang mga kasama ko kundi sumunod at kahit ang malaking katawan na si kuya Kardo ay nagawa nilang padapain sa lapag .
Hindi ko alam ang gagawin ko, Nanginginig ang tuhod ko sa kaba , napakaraming tumatakbo sa isip ko ngayon . Ano bang nangyayari ?
Nakikita ko kung paano nila hampasin at sipain ang mga kasama ko habang nagtatawanan ang mga ito na tila ba mga alagang hayop lang kami na pinapatabi. Ang iba naman sa kanila ay sinusuri ang itaas ng truck para tignan ang mga gulay na dala namin.
" Wow ! Mukhang tiba tiba tayo ngayon sa nahunting natin, nakajacpot tayo bossing "
Kukunin nila ang mga gulay naming dala dala at sa oras na magtagumpay sila ay mawawala ang lahat ng paninda ko.
Nanlaki ang mata ko ng napagtanto ko ang mga bagay na mawawala saakin dahil sa pag atake nila .
Mawawala ang lahat ng pinagpaguran ng pamilya ko sa pagtatanim ng mga gulay ,pumasok agad sa isip ko ang kagutoman na pwede namin maranasan .
Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ng mama at papa ko sa oras na umuwi ako na walang dala . Kaawa-awa .
Kung wala akong maiuuwing pera saamin ay wala kaming ipang gagastos sa mga susunod na araw, mababaon sa utang si mama .
Sa patuloy na pag aalala ko sa mga bagay bagay ay biglang sumagi sa isipan ko ang mga nakakabatang kapatid ko. Nasa grade school palang silang dalawa at itinatawid lang namin ang mga gastusin para maipagpatuloy lang nila ang kanilang pag aaral .
Sa oras na matigil sila sa pag aaral ay tiyak matutulad sila sa akin . Mawawalan ng saysay lahat ng pangarap na pinagsusumikapan naming lahat .
Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon ay biglang kumilos mag isa ang katawan ko upang bumangon sa pagkakadapa sa lapag . Hindi ko alam kung nasa katinuan pa ako pero nagawa kong suwayin ang utos nila at kumilos sa kinahihigaan ko .
" Itigil nyo yan !! Hindi nyo pwedeng kunin ang mga carrot ko !!! " Sigaw ko sa kanila .
Kinakabahan ako at takot na takot , nanginginig ang mga kamay ko pero nagawa ko silang sigawan . Siguro dahil desperado na ako dahil hindi ko alam kong anong mangyayari saamin pag wala akong naiuwing pera sa amin.
Sa pagkakataon na yun ay biglang lumapit ang isang lalaki saakin. Maskulado ito at talagang nakakatakot ang itsura. Nakangisi ito at halatang nainis sa ginawa kong pagsigaw.
Wala akong magawa kundi masindak sa lalaking iyon . Alam ko na sasaktan nya ako pero hindi ko magawang maikilos ang katawan ko para tumakbo. Teka, kung iisipin ay wala rin saysay ang pagtakbo sa sitwasyon ito.
" Bwisit ka, sinabi ko bang tumayo ka ?! " Sigaw nito kasabay ng pagsipa sa tyan .
Halos bumaliktad ang sikmura ko sa ginawa nyang pagsipa sa tyan ko at bumagsak na lang sa lupa. Namimilipit ako sa sakit at napaluhod na lamang habang nakadikit ang ulo sa kalye .
Naririnig ko si kuya Kardo na nagagalit dahil sa ginawa saakin ng mga rebelde pero maging sya ay nakatikim sa kanila ng suntok at sipa para patahimikin.
Mga walang awa sila , Hindi ko sila mapapatawad. Napakasama nila para pagnakawan ang mga kapwa nila pilipino . Ano ba klaseng mga tao sila?
Sana ay mahuli sila ng mga kastila at parusahan ng bitay .
~End of PoV
Sa kainitan ng eksena habang ginugulpi ang drayber na si Kardo ay muling pinag initan si Erik ng isa sa mga rebelde at sinabunutan .
" Hoy bata , Alam mo ba kung ano ang ginagawa namin sa mga matitigas ang ulo na batang gaya mo ? "Sambit nito habang sinasabununtan ang binata.
Galit at gigil na gigil ang itsura ni Erik habang namimilipit sa sakit.
Kitang kita sa mata nya ang kagustuhan nitong gumanti sa mga ito. Hingal na hingal sya at nabablangko na ang isip tila handa na ulit gumawa ng aksyon laban sa mga ito .
Hinawakan nya ang braso ng lalaki at galit na pinagbabantaan ito
" Balang araw mahuhuli rin kayo ng mga pulis at kung magkakaroon ako ng pag kakataon ay papatayin ko kayo. Magbabayad kayo sa pag kuha sa mga carrot ko " Sambit nito habang nanlilisik ang mga mata .
Nairita ang lalaki sa tapang na ipinapakita nito at walang pag aalinlangan na inihampas ang hawak na baril sa binata dahilan para mapahiga ulit ito .
" Pinapainit mo ang ulo ko,masyado kang matapang bata , kung patayin na kaya kita dito " Sambit nito habang itinututok ang baril sa ulo ni Erik .
Sa gitna ng tensyon ay biglang may bumaba sa motor. Dito ay pinapatigil nya ang mga marahas na ginagawa ng mga rebelde sa mga mag gugulay .
Agad naman na sumunod ang mga tauhan nya at binitiwan ang mga ito. Ang lalaking ito ay ang pinuno ng mga rebelde na namumuno sa grupo laban sa mga kastila .
" Wag kayong maging marahas sa kanila , mahigpit ko na bilin na hangat hindi sila lumalaban ay wag kayong mananakit ng mga tao " Sambit nito .
Hindi makapaniwala si Erik at tila nanigas sa kinaluluhuran nang mapansin na tila kilala nya ang boses nang nagsasalita . Hindi nya ito kailan man naisip pero alam nya sa sarili na hindi sya pwedeng magkamali sa kutob sa katauhan ng lalaki.
Dahan dahan na humarap si Erik sa tinatawag na bossing ng mga rebelde at nakita ang palapit sa kanyang lalaki .
Dito nya malalaman na ang pinuno ng mga kinasusuklaman nyang mga rebelde ay ang binatang tumulong sa kanya sa pag bebenta ng carrot sa bayan.
Unti unting nagdadaan sa isipan nya ang mga alaala nila na masayang nagkukwentuhan sa daan at ang mga maamong mukha ni Alfredo tuwing tumatawa. Hindi sya makapaniwala na isang rebelde ang mabuting taong itinuring nyang unang kaibigan sa syudad.
" Kamusta ka munting kaibigan ? " Nakangiting Sambit nito habang hawak ang mahabang baril na nakapatong sa kanyang balikat .
" A-alfredo ? " bulong ni Erik
~End of Chapter