CHAPTER SEVEN  

" SUGO NG DIWATA "

~Other info .

Matatagpuan ang lalawigan ng Pangasinan sa kanlurang gitnang bahagi ng pulo ng Luzon sa Pilipinas. Rehiyon ng ilocos ,Naghahanggan ang Pangasinan sa mga lalawigan ng La Union at Benguet sa hilaga, sa Nueva Vizcaya at Nueva Ecija sa silangan, at sa Zambales at Tarlac sa timog .

Ang mga mamamayan ng Pangasinan (Totoon Pangasinan) ay tinatawag na Pangasinan o sa Kinastilang"Pangasinense", o sa payak na "taga-Pangasinan". Panglimang pinakamataong lalawigan ang Pangasinan sa Pilipinas sa kasalukuyan panahon.

Ito sa Nahahati Sa Apat ng lungsod na Alaminos, Urdaneta , Dagupan , San Carlos at binubuo ng 44 na barangay sa boung probinsya. ~

Kina umagahan doon parin sa kampo ng Siklaon na matatagpuan sa gitna ng kagubatan at kasalukuyang nagiging bihag ang batang si Erik .

Maagang nagising ang mga tao sa lugar na iyon para sa kanilang pag sasanay na ginagawa sa labas ng mga kubol. Makikita mo dito ang mga kalalakihan na nakikipagbuno o hindi kaya nag eexercise. Paghahanda ito para sa pag atake na binabalak ng siklaon sa bayan tatlong araw mula ngayon.

Ang pag atake ay plinano ni Alfredo na isagawa kasabay ng gaganaping kasiyahan sa may bayan na inoorganisa ng mga kastila bilang malaking kasiyahan.

Habang sa loob naman ng isang kubol kung saan naroon sila Alfredo na sama samang kumakain ng Almusal sa mesa kasama ang ibang myembro ng Siklaon. Kabilang na rito ang bagong myembrong si Erik na sapilitang isinasama ni Alfredo bilang kasapi ng grupo .

Tahimik at Walang kibo ang binata siguro dahil bago lang ang lahat para sa kanya at wala alam sa mga pagpa plano o baka dahil hindi nya lang talaga alam ang sasabihin dahil hindi nya maintindihan ang mga salita ng mga ito .

Pangasinan ang ginagamit na salita ng mga ito sa pakikipag usap sa isat isa kaya hindi makasabay si Erik upang magbigay ng opinyon at suwesyon .

Sa loob ng kwartong iyon ay pinag uusapan nila ang mga hakbang at plano na magaganap tatlong araw mula ngayon .

Ipinakilala rin ni Alfredo ang mga kasama nito sa kwarto bilang mga opisyal ng grupo na inaasahan nila sa bawat gawain maliban lang sa isang babaeng nakahiwalay sa kanila .

Tahimik lang itong hindi nakikisali sa usapan at naghihikab sa kinauupuang silya na tila hindi interesado sa pinag uusapan ng grupo nya .

Napatingin ito kay Erik dahilan para magkasalubong ang kanilang mga mata dahil doon ay nahuli ng babae ang pagtitig sa kanya nito kaya naman dali daling inilihis ng binata ang paningin sa ibang parte ng bahay na tila nahihiya dito .

~Erik Pov ~

Hindi ko malaman kung paano ako napunta sa ganito sitwasyon, Isa lang akong normal na bata pero ngayon kabilang na sa isang grupo ng mga rebelde kumakalaban sa mga kastila.

Nasisiraan na ako ng bait .. pero may pagpipilian ba ako ?

hindi ko alam kung pwede akong tumangi sa alok nya at kung ano ang kaya nilang gawin saakin kung sabihin kong ayokong maging katulad nila .

Hindi parin nagbabago ang pakikitungo saakin ni Alfredo mabait sya at maalalahanin sa kalagayan ko dahil nga sa sugat sa ulo ko, Patuloy nya akong binibigyan ng pagkain at inaasikaso na tila isang bisita sa kanilang kampo .

Tinanong ko sa kanya kung bakit nya ako sinama sa kanya dito sa kampo .

Alam nya na wala akong kayang gawin o magagawa para maitulong sa sinasabi nyang pag papalaya ng urdaneta . Wala syang naging sagot kundi dahil natutuwa sya saakin dahil isa raw akong mabuting tao at mangmang .

Tinawanan nya ako nang masabi nya iyon pero nasabi nya rin na talagang bumilib sya sa akin dahil nagawa kong komontra sa mga kastila ng boung tapang.

" Nakita ko sa mga mata mo ang tapang at handa kang lumaban para sa alam mong tama , Hindi ko maipaliwanag pero pinalakas mo ang loob ko na ituloy ang aming adhikain laban sa mga kastila ."

Lumabas sa mga bibig nya mismo ang mga katagang . " Minsan masarap din maging mangmang at walang alam sa mga bagay bagay. " Sambit nito .

Ang gusto nya tukuyin ang matapang kong pakikipag usap sa mga kastila na kahit minsan ay hindi nagawa ni Alfedo habang nasa Syudad .

Naikwento nya na kung lalaban ka sa mga kastila o makipag away sa mga anak nila ay kailangan mong ihanda ang sarili mo sa mga parusa at pag titiis na makulong ng ilang araw sa presinto .

Kahit hindi mo sila sinaktan ay madali sa kanila ang gumawa ng kwento at agad yun paniniwalaan ng mga kastilang pulis .

Ang totoo nagawa ko ang mga bagay na yun dahil hindi ko alam ang mga patakaran at sistema ng syudad at alam ko na may karapatan akong magreklamo pero kung maaga ko lang din nalaman ang pwede kong sapitin sa kamay ng mga kastila ay baka nanahimik na lang din ako .

Isang kalokohan ang batas sa syudad ganyan ang paglalarawan ni Alfredo sa pamamalakad ng mga opisyal sa urdaneta .

Humihingi sya ng pagbabago na makakamit lang kung ang mga pilipino mismo ang mamumuno sa sarili nilang bayan .
Napaka daling sabihin nun pero natitiyak ako hindi ganun ka simple ang bagay na gusto nya kahit gaano pa kaganda iyon sa pandinig. Normal na mamamayan lang ako na sumasabay sa agos ng buhay kaya dapat hindi ko na iniisip ang ganito gayong wala naman akong kayang gawin.
Nabangit ko ulit sa kanya ang katotohanan na wala akong maitutulong sa laban gayong isa lang akong bata at walang alam sa pakikipag laban .

Ilan beses ko man sabihin sa kanya yun ay tila wala syang Paki elam sa bagay na iyon, Ngumingiti lang sya saakin at nasabi ang mga katagang

" Wag kang matakot , Magiging ayos lang ang lahat dahil magtatagumpay tayo sa tulong ni Siklaon "

Sa pagkakataon na iyon ay natanong ko kung seryoso ba ito sa sinabi kagabi na ang higanteng puno na nasa labas ang gagamitin nya para talunin ang mga kastila sa darating na laban.

Agad nya naman itong sinagot at kagaya kagabi ay pinipilit nya na isang tagapagbantay ang puno na iyon .

Biglang napangiti si Alfredo at alam nya na hindi ako naniniwala sa kanyang sinasabi at para makumbinsi ako ay inaya nya akong lumabas ng bahay na kinalalagyan namin.

Daladala ang isang tasang kape ay naunang lumabas sa pinto si Alfredo at tinatawag ako para lumabas .

Tumayo ako para sumunod na rin sa kanya at kasabay nito ay napansin ko ang babaeng sumusunod saakin palabas din ng kwarto .

Sya yung kasama namin sa kwartong iyon pero hindi nakikipag usap sa mga kasama nya sa Siklaon habang gumagawa ng plano.

Sa pagtayo nya sa upuan nya nakita ko ang kanyang buong ayos. Naka puting bistida lang sya at walang saplot ang mga paa , may kahabaan din ang itim na buhok nya na aabot na sa bewang at ang mas ikinagulat ko ay ang tila tatak sa mukha at boung katawan nya na inaakala kong palatandaan ng grupong Siklaon pero kung mapapansin ko sya lang ang may ganung marka sa grupo.

Ewan , Baka siguro nagmula sya sa isang katutubong pangasinan o hindi kaya tradisyon ng kanilang pamilya kaya meron sya nito pero hindi ko na rin sya tinangkang kausapin pa gayong wala naman syang kibong tinititigan lang ako kaya lumabas na lang ako ng kwartong iyon para sumunod kay Alfredo.

Sa paglabas naming dalawa ay agad na pinalapit kami pababa ng bahay na iyon , itinuro ni Alfredo ang mga puno sa paligid at winika na .

" Nakikita mo ba yan ? Ang mga yan ay mga Buhay na alagad ng diwata Ada Siklaon na nangangalaga sa bayan namin. " Sambit ni Alfredo .

Lalo akong nagtaka sa gustong sabihin ni Alfredo saakin kaya patuloy akong nakinig na lang sa mga sasabihin nya pa nung mga oras na iyon. " Medyo komplikado pero siguro mas maiintindihan mo kung sisimulan ko pag kukwento ng isang alamat " Nakangiting Sambit nito .

Sa mga oras na iyon ay ikinukwento nya ang isang tila alamat ng mga diwata na naririnig ko lang dati sa mga matatanda sa aming lugar .

Noong unang panahon kung saan nilisan ng mga dyos ang lupa at naninirahan sa mas magandang lugar ay gumawa sya ng mga unang mga nilalang sa mundo ,

Ito ay ang mga Pangunahing Diwata na binigyan ng dyos ng mga lupain na titirahan nila at babantayan .

Ang mga ito ay espesyal dahil tinataglay nila ang ilang katangian at kapangyarihan na maihahalintulad sa dyos, hinayaan ng dakilang maylalang na magtaglay sila ng mga kapangyarihan katulad ng sa kanya upang mas mapaganda pa ng mga diwatang ito ang mundong iiwanan nila .

Sa mga unang nilalang sa mundo ay may natatanging Diwata na kina tutuwaan ang dyos dahil sa aking sigla nito at husay sa ilang bagay na hindi nya madalas makita sa ibang diwata, Ibang iba ang ugali nito at mahilig na magsaya na tila bata.

Sya ang pinaka huling Diwata na ginawa ng dyos milyong taon pagkatapos ng paglisan nila sa daigdig bilang tahanan.

Hindi nagtagal ay humiling ang diwatang ito na magkaroon ng lupain sa mundong nilisan ng mga dyos kagaya ng ibang diwata upang may lugar syang matitirahan at mapag lalaruan .

Dito ay pinasabog ng dyos ang mga bulkan sa ilalim ng dagat para paangatin mula sa pinakailalim nito ang isang lupain na may kakaibang korte , Ang lupain na ito ay ang ibinigay ng dyos sa Diwatang ito bilang isang regalo sa kanilang tinuturing na bunsong anak .

Ang lupain na ito ay sagana sa mga mineral ,matatabang lupa,malulusog na hayop at mga ibat ibang uri ng lamang dagat na pwede nyang pakinabangan , sobrang pinagpala ang lupain na ito ng likas na yaman galing sa dyos na bunga ng pagmamahal nya sa diwatang ito.

Tinukoy ni Alfredo na ang lupain na nabangit nya sa kwento ay ang bansang pilipinas milyong taon ng nakakalipas bago pa magkaroon ng tao sa lupa.

Ang mga diwata ay nabubuhay ng bilyong taon at iba sa kasanayan nila ay nagagawa nilang magpahinga ng napakahabang panahon sa oras na mapagod at mainip sa milyong tao na gising sa mundo.

Maraming beses na silang natulog at nagigising sa napakaraming taon na pananatili nila sa mundo hangang sa mapansin ng mga ito na nagbabago ang kanilang lupain at nasisira dahil sa mga kalamidad at iba pang bagay ng hindi nila nalalaman dahil sa pagkakatulog .

Kaya upang may mangalaga sa lupain ng mga diwata habang natutulog ito ay gumawa ang mga ito ng mga nilalang na kagaya nila na may tungkulin pangalagaan ang bawat lugar sa boung lupain na pagmamay ari nila .

Sa madaling salita gumawa ang makapangyarihang diwatang nagmamay ari sa pilipinas ng mga tagapagbantay ng lupain at ayon kay Alfredo ang isa sa Diwatang tagapag bantay na ginawa ng pangunahing diwata ay si Ada Siklaon , Ang nangangalaga sa probinsya ng Pangasinan .

Dito ay muli ko syang tinanong kung bakit isang puno ang diwata na si Ada Siklaon na sinasabi nya.

Sa pagkakataon na iyon ay tumawa sya at pabirong sinasabing patapusin sya sa pag kukwento .

" Ang puno na iyon ay regalo lang ng diwata sa bayan ng urdaneta upang mabantayan ito at may magtatangol sa mga pilipino sa oras ng pangangailangan ." Sambit nya .

Sa pagpapatuloy ng kwento nya ay muli nyang binangit na mayroong mga kapangyarihang taglay ang mga diwata na pinagkaloob din ng lumalang sa kanila upang mapangalagaan ang lupain na pinabantay sa kanila .

Ang mga Diwata ay gising ng higit ilang libong taon mas maikli kesa sa kayang itagal ng mga pangunahing diwata kaya upang may magbantay sa lupain na pinapabantayan sa kanila ng pangunahing diwata habang sila ay natutulog ay humanap sila ng mga taong pwedeng maging kapalit nila bilang tagapagbatay ng lupain.

" Sa madaling salita kailangan din nila humanap ng tagapagbantay sa oras na magpahinga sila ng higit isang libong taon. " Sambit ni Alfredo.

Ang mga taong iyon ay tinatawag na " Sugo ng mga Diwata " sila ang mga pinili upang bantayan ang lupain na pagmama ari ng Pangunahing diwata .

Nagaganap ang pag pili sa mga Sugo tuwing nakakaramdam ng panganib ang mga diwata para sa kanilang lupain .

Humarap sya saakin at muling ngumiti habang sinasabi na . " Ako ang isa sa kanila , Ako si " Tayog" ang isa sa Sugo ng diwata ng probinsya ng Pangasinan na si Ada Siklaon at ang misyon ko ay pangalagaan ang bayan ng urdaneta na ngayon ay hawak ng mga kastila "

Nagulat ako at hindi makapaniwala sa narinig .

Wala akong nasabi sa pagkakataon na iyon siguro dahil hindi pa ako tuluyang kumbinsido sa mga nasabi ni Alfredo saakin na tila ba isang kwentong pantasya na mababasa mo sa mga libro .

Wala akong nagawa kundi titigan sya pati nga ang kasama kong babae ay nag hihikab lang at tila walang paki elam sa pinag uusapan namin .

Nabalot ng katahimikan ang lugar at tila naghihintay ng reaksyon ko at sasabihin si Alfredo tungkol sa nasabi nya .

Dahil sa pananahimik ko ay nalaman ni Alfredo na patuloy na hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nyang kwento kaya nag isip sya ng paraan para makumbisi ako .

" Hindi sapat ang mga salita para paniwalain ka kung ganun , ipapakita ko na lang sayo " Sambit nito.

Sa pagkakataon na iyon ay humakbang palayo saamin si Alfredo , may binibigkas syang mga salita na hindi malinaw saakin pandinig pero isang bagay ang ikinagulat ko ng lubusan dahil sa bawat hakbang nya sa lupa ay tila may berdeng awra ang lumalabas sa katawan nya,malinaw ko itong nakikita dahil sa liwanag ng araw.

  Hindi ako maaaring magkamali sa aking nasasaksihang kamangha manghang bagay .

Nararamdaman ko ang isang Presensya mula rito na tila may mahinang kuryenteng kumakalat sa katawan ko .

Hindi ko alam kong dahil ba iyon sa natatakot ako sa nakikita ko o isa yung natural na bagay na nararamdaman ng tao .

Pumapaligid ang berdeng liwanag sa kanya at unti unting bumabalot sa kanyang katawan na tila gumagapang na halaman .

Natakpan ang kabuoan ng kanyang katawan mula ulo hangang paa at unti unting napapalitan ang anyo bilang liwanag na hugis tao .

Tila tinataboy ng hangin ang liwanag na ito na kasabay na naglalaho nang unti unti sa katawan ni Alfredo at habang nangyayari iyon ay isang pagbabago ang aking nasaksihan sa katawan ng aking kaibigan. teka ..

Alfredo ?

~End of PoV

Sa Pagkawala ng liwanag na bumalot sa binatang si Alfredo ay napalitan ang kanyang anyo at kasuotan .

Nawala ang mga dating itsura ni Alfredo na tila ibang tao ang pumalit dito , matipuno at may maikling berdeng buhok na may brown sa dulo ng bawat hibla,

Nakasuot sya ng isang Dark Brown Suit na may berdeng cristal sa dibdib na tila isang superhero sa isang palabas . Humarap ito sa kanila at ngumiti

" Anong masasabi mo sa porma ko ? Astig na ba akong tignan ? " Sambit nito .

Hindi makapaniwala si Erik sa nakita at nasaksihan sa pag babagong anyo ng kaibigan sa mismong harapan nya .

Halos mapanga nga lang sya at hindi makapagsalita habang tinititigan ang bawat parte ng katawan nito .

" Teka , Ikaw ba yan Alfredo ? " Tanong nito .

" Isa lang ang costume na ito sa binigay saakin ni Ada Siklaon ,may ipapakita pa ako sayo na mas ikakamangha mo " Sambit nito habang nakangiti.

Naglabas sya ng isang punyal na gawa sa kahoy at may berdeng kristal sa dulo nito .

Dali dali syang pumunta sa isang puno malapit sa kanila at isinaksak nito ang hawak nitong patalim.

Nabalot ang katawan nito ng berdeng awra at kasabay nang pagsaksak nito sa puno ay naglabasan ang daan daang baging na nagsulputan sa katawan ng puno na kaharap ng binata .

Sa sandaling iyon ay hinila sya papasok sa katawan ng puno na tila ba nakipagsanib dito.

Kitang kita nila Erik ang unti unting pagbabago ng anyo ng katawan ng puno na tila ba nag huhugis na halimaw .

Naglaho ang mga dahon nito na nilalamon ng mga sanga na sya namang sumasanib sa katawan ng halimaw, Napapahakbang na lang paatras si Erik habang tinitingala ang unti unting lumalaking katawan ni Alfredo .

Napatid si Erik kakaatras dahil sa pagkabigla na rin sa dambuhalang Puno na nasa harapan nya at nasindak sa nakakatakot na mukha nito .

" A-a-anong nangyari kay Alfredo " Sambit ni Erik .

Naging Halimaw na puno si Alfredo na may Taas na 30 feet , May mga malalaking mga braso ito gaya ng isang tao na nagsisilbing mga sanga nito .

" Ha-ha-halimaw , Na-na-naging Halimaw sya " Natataranta si Erik habang tinuturo si Alfredo .

" N-na-nakita mo ba ? Naging puno sya " Tanong nya sa babaeng kasama nila habang itinuturo ang halimaw.

Hindi sya sinagot ng babae na nakapamewang lang na nakatingala sa higanteng halimaw sa harapan nila pero hindi gaya ni Erik na gulat na gulat ay tila wala itong reaksyon na parang normal lang na makakita ito ng ganung bagay .

" Kung ganun yan pala ang kapangyarihan ng Sugo ng Diwata ng Pangasinan " Sambit ng Babae .

Humampas ang malakas na hangin sa kanila doon ay lumugay ang matingkad na itim na buhok nito kasabay ang pag kalat ng mga berdeng dahon na tinatangay sa paligid nila , tumingin ito sa kanya at biglang ngumiti sa binata .

Sa pagkakataon na yun ay may biglang naalalang bagay ang binata na pinagtaka nya sa sarili. Hindi alam ni Erik kung bakit parang pamilyar ang mga eksena sa kanya lalo na ang pangiti na iyon ng dalaga.

Nabaling ang buong atensyon nya sa dalagang ito at hindi maalis ang mga paningin para alalahanin mabuti ang mga malabong alaalang sumasagi sa isipan nya .

Nag inat ito ng katawan kasabay ang pag hikab at biglang humingi ng pabor sa kanya .

Humiling ito na ipakita sa kanya ang kapangyarihan ng binata na taglay .

" Nararamdaman ko ang presensya ng isa sa mga diwata na nasa loob mo, gusto kong ipakita mo saakin ito " Seryosong sambit nito .

Hindi makaimik si Erik sa pagkabigla at pagtataka sa hininging pabor ng babaeng kasama nila.

Hindi nya malaman kung bakit ito sinabi ng dalaga sa gaya nya na tila ba sinasabi nito na si Erik ay isa rin sa tinutukoy ni Alfredo sa Alamat na pinili ng mga Diwata upang maging Sugo.

Bumuntong hininga ang babae at tila nadismaya sa kanya habang sinasabi ang kamangmangan ng binata sa pagiging Sugo pero muli nyang nasambit nito kay Erik at nilinaw na kagaya ng kaibigang si Alfredo ay nagtataglay din sya ng karapatan na magamit ang kapangyarihan ng diwata.

" Huh ?! Ako ? Isang sugo ng diwata? " Tanong ni Erik .

Mababakas ang pagtataka sa mukha ng binata kaya naman napagtanto ng babae na wala pa talaga itong ka alam alam sa mga bagay tungkol sa mga sugo kaya ganun na lamang ang pinapakita nitong reaksyon sa tuwing babangitin ang tungkol sa mga diwata.

Biglang tumalikod ang babae at tila nawalan ng ganang makipag usap kay Erik habang sinasabi dito na hindi kaya ng binata na makipag isa sa kapangyarihan ng diwata hangat hindi nya ito kinikilala bilang diwata nya na pag lilingkuran ng boung katapatan.

Nanatiling nakaupo si Erik sa lupa habang pinagmamasdan lang ang paglalakad paalis ng weirdong babae . Habang nagaganap ito bumabalik sa dating anyo si Alfredo at dali daling lumapit sa kaibigan .

Dahil sa pagka abala ni Erik sa pakikipag usap sa babae ay hindi nya na napansin ang paglalaho ng higanteng halimaw sa harap nya kanina.

Narinig na lang nya na tinatawag sya ng kaibigan habang lumalapit sa kanya . Sa kanyang pag lapit ay inabot nya ang kamay nya kay Erik para tulungan tumayo ang kaibigan.

Tinangap ito ni Erik para makatayo sa kinauupuan nya at nagpasalamat dito kahit na tila lumilipad parin ang isip nya dahil sa sinabi ng babae sa kanya.

" Oh bakit ? ah alam ko na siguro dahil sobrang nagulat ka sa pinakita ko kaya tulala ka na lang dyan. " Sambit ni Alfredo .

" Haha sige ok lang , pwede mo akong purihin at sambahin na rin ang dakilang si Tayog " Pagmamayabang nito .

" Pinakita ? " Tanong ni Erik .

  Bigla silang nagkatitigan at sandaling nanahimik na tila hinihintay ang mga susunod na reaksyon ng bawat isa . Dito ay napangiti lang gaya ng dati si Alfredo at muling sinambit ang pagiging Sugo ng Diwata nya.

Ilang saglit pa napasigaw si Erik sa kanya at biglang naalala ang pagpapalit anyo ni Alfredo sa isang higanteng halimaw . " Ahhh !!!! oo pala , i-ik-ikaw , paano ka naging higanteng halimaw na puno ? Tugon nito .

" Hehe , Bakit parang ang weird ng pagkagulat mo ? " Pabirong tanong nito .

" Alam mo inaasahan ko na labis kang magugulat at hahanga saakin pero parang hindi ka interesado sa nakita mo , nakakadimaya tuloy" Dagdag na nito .

Agad na nagpaliwanag si Erik sa kaibigan para hindi ito magtampo at nasabing tunay na nagulat sya at namangha sa pinakita sa kanya nito .

Agad nito nasabi ang werdong kinilos ng babaeng kasa-kasama nila kaya naman nabaling ang atensyon nya dito at nawala ang pagkagulat sa kapangyarihan ni Alfredo .

Sa gitna ng natatarantang pagpapaliwanag ni Erik sa kanya ay bigla nanahimik si Alfredo, Napakamot na lamang sya ng ulo at tila nagtataka sa nasabi ni Erik sa kanya .

Agad nyang pinatigil sa pagsasalita ito at naitanong sa binata na " Sandali Erik, Sinong babae ang tinutukoy mo ? " Tanong ni Alfredo .

  " Huh ?! Ano bang sino, kanina pa natin sya kasama " Sagot nito.

Hindi sinagot ni Alfredo ang mga nasambit nito habang patuloy na nagtataka na tila hindi nya kailanman kilala ang babae na kasama nilang lumabas ng bahay .

Agad na inilarawan ni Erik ang itsura ng babae upang maalala ng kaibigan ang pagkakakilanlan nito na ipinipilit ni Erik na myembro ng Siklaon .

Biglang hinawakan ni Alfredo ang mga balikat ni Erik upang patigilin ito sa pagsasalita at seryosong sinabi na .

" Pasensya na Erik pero wala akong natatandaang kasamahan na may ganung itsura at isa pa Dalawa lang tayong magkasama mula pa kanina " Sambit ni Alfredo.

Gulat na gulat si Erik at nanlaki ang mga mata na hindi makapaniwala sa mga nasabi ni Alfredo .

Hindi nya malaman kung nagbibiro ba ang kaibigan o talagang seryuso ito na hindi nya alam na may kasama silang babae .

Alam nya sa sarili na nagawa nyang makita at makipag usap sa babae na iyon pero nagdududa sya kung totoong tao iyon dahil napagtanto nya sa sarili na tila ba mula pa kanina ay sya lang ang pumapansin dito kaya naman pumapasok ngayon sa isip nya na baka ang babaeng nakausap ay isang kaluluwa na ligaw sa kagubatan na iyon .

" Huh ?! " Ang tanging naitugon ng Binata .



~End of Chapters
Alabngapoy Creator