~ Other info Ang Isa sa diskrisminasyon na natatangap ng mga pilipino sa bansa ay ang pagbabawal sa mga indyo o low class citizen na makapag aral ng kolehiyo at makakuha ng magaan na trabaho .
Ang mga pilipino o indyo( sa katawagan ng mga kastila ) na nakatapos ng highschool ay binibigyan lang ng trabaho na may tipong Blue collar o mga trabahong madalas kinakailangan ng physical at man power.
Hindi rin binibigyan ng posisyon ang isang pilipinong mang gagawa sa kahit anong trabaho at saang kompanya,Madalas walang benipisyo ang mga gaya nila at mababa ang sahod kesa sa normal na natatangap ng mga manggagawa, hindi nakakatangap ng karagdagang sahod sa overtime at holiday na ipinapasok sa trabaho.
Dahil priority ng gobyerno na mas makatangap ng trabaho ang mga kastilang naninirahan sa pilipinas ay maraming pilipino ang naging alipin o katulong na lang para lang may makain at matirahan sa araw araw sa loob ng napakatagal na panahon.
Tanging ang mga Hilaw lang o ang mga mayayamang pilipino na nagpaparehistro bilang Adopted Child of Spain { honorary spaniard } ang may karapatan na makatangap ng mga prebilehiyo sa ibang bagay gaya ng mga benipisyo at pag kuha ng trabahong may tipong White Collar .
Ang pagiging Honorary Spaniard ay hindi simpleng proseso at makuha dahil sa pulitika na nagaganap sa sistema para lang mapapayag ang mga kastila . Tanging ang mayayaman na pilipino lang ang nakakapag parehistro dito dahil narin sa malaking halaga na katumbas ng bawat proceso .
~
Sa pagpapatuloy
Habang nasa Kampo ng mga rebelde si Erik ay kasalukuyan namang nagtungo si Kardo at ang mga mag gugulay sa istasyon ng pulis upang mag ulat tungkol sa nangyari at dahil wala na rin silang mapupuntahan ay doon na rin sila nagpalipas ng magdamag.
Kinaumagahan ay patuloy silang nasa labas ng istasyon upang mang hingi ng tulong para maibalik ang nawala sa kanilang mga gamit at gulay pero tila hindi sila inaasikaso at patuloy silang tinataboy .
Naglakas loob ulit si Kardo na pumasok sa gusali at muling maki usap sa hepe ng istasyon .
" Bossing paki usap naman, kailangan namin mabawi ang mga nakuha nila . "Sambit ni Kardo.
" Hay nako , Kagabi pa namin sinasabi sainyo na ginagawa na namin ang trabaho namin na mahanap sila pero wala kaming nahanap na kahit isang rebelde, mabuti pa maghintay na lang kayo sa magiging update ng kaso ." Tugon nito .
" Pero bossing hindi kami pwedeng maghintay na lang dito may bata silang binihag , maawa naman kayo sa kanya " Dagdag ni Kardo sa Pulis.
Nairita ang pulis sa pagiging makulit ni Kardo na ipahanap ang mga rebeldeng kumuha sa truck ng mag gugulay at bumihag kay Erik . Nasigawan sya nito at pinapalayas sa istasyon na iyon.
" Ang kulit mo talaga , Sinabi na namin na hindi kami pwedeng magpadala ng tao sa gubat dahil puno yun ng mga rebelde , sa tingin mo madaling bagay ang hinihiling mo ? " Maangas na Sambit nito.
" Mabuti pa umuwi na kayo at manalangin na lang na sana buhay pa ang sinasabi nyong bata dahil hindi kami mag aabalang magpadala ng tao sa isang delikadong lugar para lang sa isang indyo " Dagdag nito.
Agad na lumapit ang mga tauhan ng pulis at pinalalabas si kardo sa gusaling iyon ng sapilitan .
Alam nya na mahirap paki usapan ang mga ito lalo na sa pagseserbisyo para sa mga pilipino pero wala syang pwedeng maasahan na pwedeng makatulong sa kanila kundi ang otoridad .
Bagsak ang mukha at problemadong naglalakad si Kardo palabas ng gusali . Patuloy syang nag iisip kung uuwi na ba sila ng probinsya o maghihintay para kay Erik .
Si kardo ang leader ng grupo kaya kargo nya ang bawat isa sa mga kasama nyang nandoon, alam nya na hindi pwedeng manatili ang iba sa mga ito sa Urdaneta dahil may pamilya itong nag aalala sa kanila sa probinsya pero kung uuwi sya ay hindi nya na maaasikaso ang kaso ni Erik .
Paglabas nya ng istasyon ay mapapansin nya ang mga pulis na abala sa pagtulong sa pag dedekorasyon ng lugar na iyon .
Naaalala nya rin na napupuno ng bandiritas at masigla ang boung bayan ng urdaneta na tila may piyesta na magaganap dito.
Ang pag hahanda na ito ay para sa magaganap na karaawan ng mayor ng bayan , Sa utos nito ay kinailangan nya ang tulong ng mga pulis para mag asikaso para sa pagpapaganda ng syudad . Ito rin ang dahilan kung bakit nababawasan ang bantay sa hanganan ng lungsod at pag seserbisyo ng kapulisan .
" Mas inuuna pa nila ang pagsasaya kesa sa buhay ng tao , Hindi na ito nakakatuwa " Bulong ni Kardo .
Habang sa minisipyo naman .
dumating ang mga magiging panauhing pandangal , Sila ay mga mayayamang Kastilang nagmula sa ibang bayan na inimbita para sa magaganap na kasiyahan.
Kapansinpansin ang pagkataranta ng isang nakaputing matanda na syang mayor ng lungsod nang salubungin ang dumating na bisita , Kahit na hindi sya isang sundalo ay napapasaludo ito habang nakikipag usap sa mga ito bilang pag galang sa posisyon sa militar ng kausap nya .
Napapaligiran ng mga pulis na nakasaludo ang boung daanan habang naglalakad sa pasilyo ang mayor kasama ang isang maskuladong lalaki. Ang taong ito ay brusko kung kumilos ,may maikli at itim na buhok , nasa edad na 40+ at taas noo na naglalakad sa daanan .
Magara ang suot nito na itim na line coat na may tatak ng pulang leon na may korona.
Ang tatak na yun ay simbolo ng mga Sundalo ng espanya na ibinibigay lang para sa mga may katungkulan sa army . Isa sa pinakamataas na ranggo sa militar ay ang mga heneral na nagpatakbo sa bawat probinsya bilang Gobernador.
Ang Gobernador Heneral ay mga kastilang nagmula sa espanya na nagpunta sa pilipinas upang pamunuan ang mga lugar sa bansa.
Dito na rin sila nanirahan magmula ng madistino sa lugar na binigay ng gobyerno ng espanya sa kanila . Ang lalaking ito ay si Heneral Magat kilala bilang " General Slasher" ,
Si Slasher ay kilala rin na Ika 75th member of Sword Of Spain na iginagawad sa mga general na nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan at di maipaliwanag na kakayahan.
Hindi gaya ng Pilipinas ay Ilang daang taon ng napakinabangan ng espanya ang kapangyarihan ng mga diwata para sa kapakanan ng bansa .
Nagkaroon ang Espanya ng higit 200 na Sugo na pinagkalooban ng mga diwata . Ibang iba sa sitwasyon ng pilipinas dahil sa kontrolado ng gobyerno ng espanya ang mga kilos ng mga Sugo bilang mga heneral na humahawak sa mga teretoryo at pagmamay ari ng espanya isa na rito ang mga bansang sakop nito gaya ng pilipinas .
Ang bansang Spain ay may pangunahing pangkat ng mga sugo , Ito ay mag mula sa ika 15th hangang 1st sword of spain na ipinapadala lang ng kaharian sa oras ng digmaan ,ang mga ito ang dahilan kung bakit maraming bansa ang takot sa espanya pagdating sa digmaan , binansagan din sila na mga sandata ng digmaan ng espanya .
Si general Slasher ay kilala bilang marahas at istriktong heneral sa kanyang nasasakupan . Naging berdugo rin sya ng mga rebelde sa lumipas na mga panahon mula ng maupo bilang gobernador na nagpatupad ng kautusan na patayin ang bawat makikitang rebelde sa bawat bayan sa probinsya ng Pangasinan.
Sa kasalukuyan ay tinangap nya ang imbitasyon ng mayor ng lungsod ng Urdaneta sa gaganapin kasiyahan sa bayan nito para sa nalalapit na nitong kaarawan .
Halata sa mukha ng heneral ang pagkaistrikto nito at lahat ng pulis na naroon ay talagang nasisindak at napapalunok sa takot sa tuwing tititig ito sa kanila na tila takot mapuna nito .
Pumasok ang mga ito sa opisina ng mayor para makapag usap, Dito ay inalok ng natatarantang mayor ang kanyang upuan sa opisina. Wala namang salita ay tinangap ito ng heneral at umupo dito .
" Ah .. eh .. Heneral slasher ba-bakit hindi nyo sinabi na magpupunta kayo ngayong araw eh hindi sana pinasundo ko kayo sa mga tao ko. " Sambit ng mayor ng lungsod.
" Nakakapaglakad ako at nakakagalaw pa kaya bakit ako magpapasundo ? Iniisip mo bang isa akong inutil ? " Sambit nito
" N-na-naku , Naku Hindi naman po sa ganun nag aalala lang ako na baka mapagod kayo sa pagmamaneho at nagulat rin ako dahil sa isang araw pa ang kasiyahan sa bayan kaya parang ang aga nang inyong pag punta sa aming syudad ? " Dagdag nito .
Tumitig ito ng masama sa mayor at nagtanong dito kung bakit kailangan nya ipaalam ang lahat ang mga gagawin nyang pagkilos. Nataranta naman sinagot ito ng mayor at dali daling humingi ng tawad sa mga nasabi.
" Alam mo isa sa paborito ko ay ang mga kasiyahang bayan , Kaya naman natutuwa ako at naimbitahan mo ako ." Sambit nito habang napasandal sa malambot na upuan ng mayor.
Laking tuwa ng mayor sa narinig dito at inaakala na ang pag imbita nya rito sa kaarawan nya ang hinihintay nito.
Dito ay nasabi ng heneral na tuwing may malaking kasiyahan ay may mga dagang gustong makipaghabulan sa kanya .
Hindi agad ito naintindihan ng mayor at patuloy na nagtataka sa nasambit ng heneral, Ang tinutukoy nito ay ang pagtatangka ng mga rebelde na makapang gulo sa mga malalaking kaganapan sa isang bayan sa probinsya .
Alam ng heneral na hindi palalagpasin ng mga rebelde ang pagkakataon na makapang gulo kaya naman palagi syang nagpupunta sa mga ganung okasyon hindi para makisaya sa mga programa kundi pumatay ng mga rebelde .
" Matagal tagal na rin mula nung makipaglaro ako sa mga daga dito sa bayan mo.
Nasasabik na ako sa magaganap na kaarawan mo " Nakangiting sambit nito habang naaalala ang ginawa nyang pang huhuli sa Urdaneta sampung taon ng nakakalipas.
Napalunok sa kaba ang mayor sa nakakatakot na mga ngiti ng heneral at nangangamba sa pwedeng gawin ng nito sa pinaghahandaan nyang kasiyahan.
Hindi lingit sa kaalaman ng mayor ang gawain ng heneral tuwing manghuhuli ng rebelde at natatakot syang may masira sa kanyang bayan sa binabalak na pagsasaya nito.
" Ah eh ... heneral alam nyo wala akong paki elam sa mga indyo at kung gaano karaming mamatay sa kanila pero kasi maraming mayayamang kastila at negosyante ang naroon baka madamay sila sa paglalaro nyo " Natatarantang Sambit nito.
Hindi pinansin ng heneral ang mga sinabi nito at pabalang na sinabi na wala syang paki elam sa mga tao na pwedeng madamay at hindi itinangi na madalas na may masaktan sa mga bisita tuwing nang huhuli sya ng mga rebelde.
" Ang mga mayayamang kastilang iyon ay mga pain na keso para mang huli ng mga pesteng daga sa iyong bayan " Sambit nito .
Habang sinasambit iyon ay Ipinatong ng heneral ang mga kamay nya sa mesa ng mayor. Dito ay unti unting nababalot ng bakal ang mga kamay nito at umakyat hangang mga braso nya na tila isang armor sa digmaan.
Isa isang naglalabasan ang mga talim ng espada sa kahoy na mesa na bumubutas dito. Para itong naging lamesang gawa sa mga talim. Ang pangyayaring iyon ay dahil sa mahika na taglay ng heneral bilang sugo ng diwata ng espanya .
Ang mga kamay nya ay may kakayahan na maglabas ng mga talim ng espada gaano man ito karami.
Sa kakayahan na taglay ng heneral ay palaging nagiging madugo ang mga sinasamahan nyang operasyon laban sa mga rebelde na kahit ang mga sariling tauhan nya ay madalas madamay .
Sa bawat operasyon nya laban sa mga rebelde ay wala ni isa ang nahuhuling buhay dahil kung hindi nasaksak ng mga patalim ay nahahati ang mga katawan ng mga ito sa maraming parte.
" Nasasabik na ako para sa isang Bloody Birthday Celebration sa bayan ng urdaneta " Nakangiting sambit nito at unti unting tumawa.
Napalunok na lang ang mayor at kinakabahan sa mangyayari, alam nya na hindi nya pwedeng kontrahin ang kagustuhan at plano ng gobernor heneral kahit alam nya na malaki ang mawawala sa kanya pag nadamay ang mga negosyanteng dadalo sa kasiyahan .
Habang nagaganap iyon ay may batang babae nakatayo sa likod ng pinto na kanina pa nakikinig sa pinag uusapan ng mga nasa loob nito.
Nasa edad na labing tatlo , ito ay may kulay gintong buhok at may magarang kasuotan na mahahalata mong nag mula sa mayamang pamilya . Ang babaeng iyon ay ang anak ng heneral Slasher na isinama nya sa bayan bilang isa sa mga bisita .
Hindi na ito pumasok sa loob ng kwarto pagkatapos na marinig ang mga nasambit ng ama at naglakad paalis ng lugar na tila dismayado.
" Hindi na sya nagbago " Bulong nito .
~
Kinabukasan sa kampo ng mga rebelde .
Patuloy ang paghahanda ng mga kalalakihan sa magaganap na pag atake nila sa munisipyo para bawiin ito sa mga kastila.
Malaki ang tiwala nila sa kapangyarihan na tinataglay ni Alfredo at hindi gaya ng mga kasamahan nyang nagsasanay ay naka upo lang ang binata habang nagbabasa ng komiks .
Dahil nga sa pagkakampante ng binata ay boung maghapon lang naglalaro at nagkikwentuhan sila Alfredo at Erik na tila hindi nangangamba sa mangyayari sa mga susunod na araw .
Habang nangyayari ito ay nag iikot ikot sa paligid si Erik at tila may hinahanap sa paligid.
~ Erik PoV
Nakakailang ikot na ako sa lugar na ito pero mukhang hindi na sya magpapakita saakin. Ang tinutukoy ko yung misteryosang babae na kausap ko kahapon pero teka talaga bang may hinahanap ako ? Ang ibig kong sabihin ay kahit ako nagdududa na kung totoo ba sya o isa lang ilusyon .
Patuloy akong naglakad at hinahanap ito at ilang minuto pa ay may napansin akong kakaiba dahil sa bawat hakbang ko ay naririnig ko na may ibang tunog nang paglalakad na tila may sumusunod sa likuran ko. Agad ko itong tinignan at humarap dito upang makasiguro sa kutob .
Sa pagkakataon na iyon ay nakita ko ang Misteryosang babae na napakalapit saakin na napahinto rin sa kanyang pagkilos.
Kanina nya na pala ako sinusundan at tinatapakan ang bawat hakbang ng paa na gagawin ko sa paglalakad sa lupa na tila naglalaro ito .
Sa mga oras na iyon ay sandaling nanahimik ang lugar at walang nagreact saamin nang magkasalubong ang mga mata naming dalawa, Dito ko napagtanto na imposible na hindi ko sya mapansin na lumapit at makapunta sa likuran ko.
Hindi ako sigurado kong totoo nga syang tao o maaaring isang multo sa gubat pero mas nailang ako dahil sa lapit nito saakin.
Nagpanik ako sa biglaang pag sulpot nya na tila white lady at napaatras sa paglalakad hangang sa madapa na lang sa lapag, Napaupo ako sa lupa habang natatarantang itinuturo sya .
" I-i-ik-ikaw nga , Sa-sa-sabi ko na totoo ka, Hindi ka ilusyon lang " Sambit ko .
" Sandali , Isa kang multo noh?!! " Sigaw ko rito .
Tumawa bigla ito dahil sa naging reaksyon ko at pinagtatawanan ang pagpapanik ko ng mga oras na makita ko sya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko o gagawin nung mga oras na iyon dahil ngayon lang ako napagtawanan ng isang babaeng multo na dapat kinatatakutan ko .
" Ang weirdo mo naman, nagtatakot ka sa bagay na kanina mo pa gustong makita , Hindi ba kanina mo pa ako hinahanap? " Sambit nito .
Nagulat ako nang sabihin nito na alam nyang hinahanap ko sya sa lugar at nasambit na kanina pa sya nasalikuran ko pero masyado akong abala para maramdaman ako .
Hindi maalis ang pagkabigla ko kahit na parang wala naman akong dapat ikatakot sa kanya dahil sa totoo lang maganda sya at malambing ang boses makipag usap para sa isang ligaw na multo na kinatatakutan , Tinanong ko agad sya kung isa talaga syang multo o ano at kaya nyang sumulpot bigla ng basta basta .
" Ligaw na kaluluwa ? Ewan, pero mas magandang sabihin na isa akong Ispirito ng kalikasan " Sambit nito.
Nasambit nya saakin na hindi sya isang ispirito na minsan nanirahan bilang tao dito sa lupa. Ang katawan nya ay mula lang sa enerhiya ng kalikasan kaya hindi ito nakikita ng mga tao.
Iyon din daw ang dahilan kaya walang nakakakita sa kanya sa Siklaon maliban saakin .
" Maliban saakin ? Teka kung totoo nga yun eh bakit pala kita nakikita ? " Tanong ng binata .
" Simple lang, Dahil isa kang Sugo ng mga diwata " Sambit nito.
" Nakikita mo ako hindi dahil sa mga mata mo kundi dahil sa nararamdaman mo ang presensya ko , iyon ang pinagkaiba natin sa mga tao dahil nakakakita tayo dahil sa espesyal na katangian nating maramdaman ang presensya ng bawat isa ."
Muli nyang binangit ang pagiging sugo ko ng diwata na hangang ngayon ay labis kong ipinagtataka.
Ang mga diwata ay mula sa enerhiya na galing sa kalikasan kaya sa oras na maki pag isa ang mga sugo sa kapangyarihan ng mga diwata ay nakukuha nila ang mga enerhiyang iyon at niyayakap sila .
Naglakad ang babae paikot saaking paligid habang ikinukwento ang kanyang sarili at pinagmulan. Binalikan nya ang kwento ni Alfredo kahapon para ipaalala saakin .
Isa syang Ispirito ng kalikasan na natulog ng napakahabang panahon at muling nagising sa panahon na ito . Pero pag gising nya ay marami nang nagbago na talagang kinagulat nya ,
Wala syang ideya sa kaganapan ng lupain na ito kaya naglibot sya at naglakbay ng malayo .Sa kanyang paglalakbay ay nalaman nya na natulog ang ibang diwata sa bawat lupain at nabalitaan na naghanap ang mga ito ng mga tao na magiging sugo para pumalit sa kanilang tungkulin .
" Kaya kong maramdaman ang presensya ng mga diwata sa loob ng taong pinagkatiwalaan nito na humawak ng kanilang kapangyarihan ."
Sa sandaling iyon ay bigla syang umupo sa mismong harapan ko at dahandahan hinawakan ang dibdib ko habang sinasabi na isa ako sa mga sugo na pinili ng diwata .
" Kasamaang palad kagaya ng sinabi ko ay hindi mo pa nagagawang maki pag isa sa kapangyarihan ng diwata at tangapin ito ." Dagdag nito.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o magiging reaksyon ko pero agad ko ritong natanong kung totoong isa akong sugo ay paano ako makikipag isa sa sinasabi nyang kapangyarihan ng diwata .
Tumayo sya sa harapan ko at winika na kailangan ko dumaan sa isang sitwasyon na magbibigay saakin nang pagkakataon na patunayan na handa kang gawin ang lahat para sa lupain mo at kilalanin ang diwata bilang diwatang tagapangalaga .
Hindi rin sya sigurado sa pamamaraan dahil ang lahat ng sinasabi nyang information ay nakuha nya lang sa mga Sugo na nag mula sa malalayong probinsya kung saan sya galing.
Sa gitna ng aming pag uusap ay bigla akong tinawag ni Alfredo mula sa isang kubol sa kampo. Sumisigaw sya at pinapapunta ako sa loob para saluhan syang kumain at muling maglaro .
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagpagpag ng damit para sana bumalik sa kubol .
" Teka kung isang Sugo lang ang pwedeng makakita sayo eh bakit parang hindi ka nakikita ni Alfredo ? " Tanong ko dito .
" Tama , Hindi nya nararamdaman ang presensya ko kaya hindi nya ako nakikita , ganun kasimple "
" hmm... pero bakit nga ba? " Tugon nito.
Napahawak sa baba ang babae at nag iisip ng malalim dahil maging sya ay hindi nya malaman kung bakit sa lahat ng sugo na nakasalamuha nya ay naiiba si Alfredo.
Naghahanap sya ng mga impormasyon sa mga bagay bagay para malaman ang sitwasyon ng lupain kaya sya nag lalakbay at ngayon ay nagtatagal sa kagubatan na ito dahil sa misteryo na bumabalot kay Alfredo .
" May kutob ako na may mali sa ginagawa ng sugo na pinili ng diwata ng Pangasinan . Lumalabag sya sa napagkasunduan ng kanyang diwata. " Sambit nito .
Sa mga Paglabag sa kasunduan ng iyong diwata ay nawawala ang pagyakap ng enehiya ng kalikasan na gumagabay sa sugo. Maaaring magamit ng Sugo ang kapangyarihan ng diwata kahit anong oras at paraan na gustuhin nito .
Kahit pa lumalabag na ito sa napagkasunduan at walang makakapigil dito hangat hindi nagigising ang diwata gaya na lang ng ginagawa ng mga sugo ng espanya.
" Iyon ang mali na nakikita kong naging desisyon ng mga diwata nang maghanap ng mga tao bilang sugo , hm.. pero hindi ko sila kayang gisingin para sabihin ang pagkakamaling iyon , ang hirap naman nito . " Sambit nito na tila nadidismaya .
Nagulat ako at naitanong sa kanya kung ano ang mga bagay na pwedeng nilalabag ni Alfredo sa napagkasunduan dahil nakikita ko na seryoso ito na pangalagaan ang bayan. Tama, para saakin mabuting tao si Alfredo na walang ibang gusto kundi pangalagaan ang mga tao sa bayan nya .
" Iyon ba ang tingin mo ? Masyado kang mabait bata kaya ka madaling maloko. " Sambit nya bigla saakin .
" Hindi ko magawang magtanong sa kanya ang mga plano nya dahil hindi ko sya nakakausap pero tiyak alam ko ang kasagutan kung bakit nilisan sya ng enerhiya ng kalikasan. "
Pumunta sya sa likuran ko at pinapatitigan si Alfredo mula sa kinatatayuan namin. Sa sandaling yun ay unti unti syang dumikit saakin at hinawakan ang mga balikat ko para bulungan ako.
" Sumasalungat na sya sa kanyang sinumpaang tungkulin sa diwatang si Ada Siklaon at balak gamitin ang kapangyarihan sa makasariling hangarin ." Bulong nito sa tainga ko.
" huh ? "
" Handa ka bang ialay ang buong buhay mo para sa mga kagustuhan ng mabuting kaibigan na humihingi sayo ng pabor na mamatay ka? "
Hindi ako makapaniwala habang binubulong ng babae ang mga bagay na iyon . Nasambit nya ang itim na enerhiya na bumabalot kay Alfredo tuwing nagagalit ay isang palatandaan ng kasamaan.
Isa yung negatibong enerhiyang nilalabas ng tao sa oras na kinalulugdan sila ng kasamaan at mga bagay na hindi kanais nais para sa mga ispirito.
Nakangiting lumalapit saakin si Alfredo at patuloy na inaaya akong pumasok sa loob . Hindi ko magawang kumilos dahil na rin sa pagkakahawak ng babae sa balikat ko .
Hindi ito nakikita ni Alfredo kaya nagtataka ito kung bakit tila nakatanga akong nakatitig lang sa kanya at hindi kumukibo sa pag aya nya .
Muling bumulong ang babae sa likuran ko at sa pagkakataon na iyon ay bigla akong kinilabutan at sa hindi maipaliwanag na bagay ay nagtaasan ang lahat ng balahibo ko katawan.
" Ang lalaking yan ay may balak na patayin ka at ang lahat ng tao sa paligid nya "
Hindi ko malaman kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga oras na iyon , Seryoso nyang sinabi ito saakin na may malamig na boses habang nasa harapan ko si Alfredo na inaalok ang kanyang kamay para sa sumama saakin .
" Anong problema ?Ayos ka lang ba? " Sambit ni Alfredo .
Tuluyan akong nalilito sa nangyayari , hindi ko alam kung nagbibiro ba sya para takutin ako o binabalaan nya ako na lumayo sa lalaking nasa harap ko.
Hindi ko kayang mag isip ,
Dapat ba akong magdesisyon ?
pero ano nga ba ang pag d-desisyunan ko gayong wala naman akong pagpipilian dahil kung tutuusin isa akong bihag at hawak ng lalaking ito ang buhay ko .
" Tara na , Bumalik na tayo sa loob , makipaglaro tayo sa mga bata sa ampunan . " Sambit ni Alfredo habang nakangiti saakin .
Nabatid ni Alfredo ang tila natatakot ako sa mga oras na iyon dahil sa reaksyon ng mukha ko sa kanyang paglapit at hindi pagtangap ng mga kamay nya ng subukan nyang alokin ako na sumama .
Nanahimik sya bigla at humakbang pa palapit sa kinatatayuan ko na halos magkaharap na kami at dahandahan na hinawakan ang ulo ko gaya ng nakasanayan nya tuwing pinapakalma ako at winika saakin na .
" Wag kang mag alala, Magiging ayos lang ang lahat " Sambit nito .
" Huh ?!" Maikling tugon ko .
Para saakin ay isang matalik na kaibigan si Alfredo. Hindi, tuwing kasama ko sya ay magaan ang pakiramdam ko siguro dahil napakabait nya saakin at lagi nya akong inaasikaso , Para syang nakakatandang kapatid saakin kaya naman nabubuo saakin isipan kung dapat ko bang pagkatiwalaan ang mga sinasabi ng misteryosang babaeng nasa likoran ko o ang lalaking nag aaruga at nagmamalasakit sa tulad ko ? ..