CHAPTER NINE

" Ang pagsisimula ng pag atake "

Kinabukasan Habang Abala ang lahat sa Syudad para sa araw ng kasiyahan . Magaganap ang kasiyahan sa napakalaking Plaza katabi ng kanilang munisipyo na personal na inorganisa mismo ng mayor ng lungsod .

Dito magaganap ang ilang programa gaya ng sayawan at kantahan na ilang araw pinaghandaan ng boung bayan . Makikita mo sa bayan ang mga kastila na namamasyal dito at tuwang tuwa sa mga dekorasyon at mga kasiyahan sa paligid .

Nagkalat ang mga foodstand sa paligid ng plaza na tinatangkilik ng mga tao .

Hindi ganun kayaman ang lungsod pero tila isang pyesta ang nagaganap na kaarawan ng mayor dahil sa bongang mga parada na pinag gastusan pa ng city hall para sa kanya . ~

Habang sa Kagubatan kung saan naghahanda narin ang grupong Siklaon para sa magaganap na laban .

Tinipon ni Alfredo ang lahat ng mga myembro ng Siklaon para kausapin sa magaganap na rebolusyon .

Higit sa tatlong daang tao ang bilang nila kasama na ang mga bata at matatanda sa lugar .

Sa simula ng kanilang pagtitipon ay nangangamba na ang iba at tinatanong kay Alfredo kung magagawa nilang magtagumpay sa laban gayung higit tatlong libo ang bilang ng pwersa ng pulisya sa bayan na iyon, dagdag pa ang mga makabagong kagamitan ng mga kastila kaya naman nag aalangan sila sa gagawing pag atake.

Muli nilang inalala ang nangyaring kabiguan ng dating grupong Siklaon na naubos pagkatapos gumawa ng malaking pag atake sa munisipyo sampung taon ng nakakalipas .

Gayunpaman, Kahit pinaghandaan nila ang araw na ito ay hindi nila maiwasan na makaramdam ng Takot sa kamatayan

Sa pagkakataon na yun ay pinakalma sila ni Alfredo nakangiting pinapalakas ang mga loob nito .

" Ang nakalipas na kabiguan ng Siklaon ay hindi na mauulit , Ang isa sa naging problema noon ay ang mahinang pananalig at pagtitiwala ng dating pinuno ng grupo sa kapangyarihan ng ating diwata." Sigaw nito.

Binigyan nya ang bawat isang naroon ng isang kahoy na Punyal na gawa sa kapangyarihan ni Alfredo .

Hindi malinaw sa iba kung bakit pati mga bata at matatandang myembro ay binigyan ng mga ito . Pagkatapos nito ay nagpasalamat muna sya sa mga naroon at nakibahagi sa adhikain ng grupo .

Patuloy nyang sinasariwa ang mga kalupitan ng mga kastila sa bawat pilipino sa bayan at nakikisimpatya sa kanilang naranasan at pagtitiis .

" Ang bayan na iyon ay napupuno ng mga masasamang tao na patuloy umaalipin sa mga pilipino. Tayong mga matatapang na sundalo ng diwatang si Ada Siklaon ang magpapalaya sa mga natitirang pilipinong nagtitiis sa pang aabuso ng mga kastila . "

Sinambit nya sa mga ito na dahil sa kapangyarihan ng diwata ay magagawa nilang manalo sa laban at para mas mapaniwala ang mga ito sa kapangyarihan ng diwata ay hinikayat nya ang isang kasamahan na magtungo sa isang puno na matatagpuan sa paligid nila .

Kahit na wala itong ideya sa ipapagawa ni Alfredo ay sumunod ito at lumapit sa isang puno . Dito ay inutusan sya ng binata na itarak ang hawak na kahoy na punyal sa katawan ng puno .

" Maniwala ka sa kapangyarihan ng diwata at tangapin sya bilang kakampi. Gamit yun ay bibiyayaan nya ang bawat isa saatin ng kapangyarihan na magagamit natin para malabanan ang mga kastila. " Sambit nito .

Hindi nagdalawang isip ang lalaki at sinunod ang mga salita ni Alfredo. Isinigaw ng lalaki ang katapatan nya sa Siklaon at isinaksak ang punyal. Unti unting nagliwanag ang punyal na tila nagpalambot sa katawan ng puno .

Ilang saglit pa ay naglabasan ang mga tila baging sa mismong katawan ng puno at kumapit sa braso ng lalaki. Isang iglap lang hinila ito papasok sa katawan ng puno at nawala .

Sandaling nagkagulo ang mga tao at nagtataka sa nangyari. Sa pagkakataon na iyon ay muling pinakalma ni Alfredo ang mga tao n a ngayon ay natatakot sa pagkawala ng kasamahan nila at itinuro ang punong tila kumain sa lalaking kasama nila .

Ilang sa dali pa ay bilang yumayanig ang lupa dahil sa pag angat ng mga ugat nito, patuloy ang pagkilos ng mga sanga at mga dahon nito na tila nagbabago ng anyo . Nagulat ang mga ito sa nasasaksihan at unti unting namamangha dahil sa pambihirang pangyayaring namamasdan nila sa mga oras na iyon .

Naging isang Halimaw ang ordinaryong puno na nasa harapan nila pagkatapos sumanib ang lalaki, may taas itong higit 30 feet at lapad na 2 metro .

Madalas nilang makita ang halimaw na iyon bilang pagpapalit anyo ng Sugo na si Tayog pero unang beses nilang masaksihan na pwede pala na magawa rin ng isang normal na tao na mag bago ng anyo.

" Sya ngayon ay nakipag kaisa na sa kalikasan sa tulong ng kapangyarihan ng diwata ! Lahat tayo ay may pagkakataon para makatangap nito. Ang bawat isa saatin ay pinili ng diwata upang maging tagapangalaga ng bayan ng Urdaneta .

" Ang boung grupo ng Siklaon ay mga Sugo ng Diwata ng Pangasinan !!"

Nakangiti ito kasabay ang pag angat ng dalawang mga kamay habang inaaya ang mga kasamahan nya na tangapin ang kalikasan bilang kaisa.

" Mga kasama !! Ito na ang oras ng pag aaklas , Ipakita natin sa mga kastila na iyon ang lakas ng mga taga Pangasinan !!! " Sigaw ni Alfredo

Sa mga salitang binitawan nya ay nabuhayan ang loob ang mga kasamahan nya sa Siklaon at matapang na humihiyaw .

Alam ng mga ito na sa oras na tangapin nila ang diwata at makipag isa ay makukuha nila ang kapangyarihan gaya ng kay Alfredo . Nagtakbuhan ang mga ito na humahanap ng puno para isaksak ang mga punyal na hawak nila.

Nabalot ng hiyawan ang paligid at kahit mga bata at matatandang myembro ay nakikisali sa paghahanap ng puno .

Habang nagaganap iyon ay unti unting tumatawa si Alfredo at pinupuri ang mga katapangan ng mga kasama .

" hahahaha, Magaling , mahusay mga kasama. Mga matatapang na sundalo hahaha . Ibigay nyo lang ang mga buhay nyo sa kalikasan "

Patuloy ang pagyanig ng lupa dahil sa mga pagpapalit anyo ng mga puno bilang mga halimaw . Ilang sandali pa ay matagumpay na matangap ng mga myembro ng Siklaon ang kapangyarihan ng diwata at napupuno ang kagubatan ng mga halimaw .

Habang nagaganap iyon ay walang ginagawa si Erik kundi makinig at manuod sa mga nangyayari sa paligid nya.

Sa pagkakataon na iyon habang naririnig nyang nagsasalita ang kaibigan ay napapahakbang sya paatras dahil sa nakikitang itim na enerhiya na muling lumalabas sa katawan ni Alfredo.

Unti unting humarap ito sa kanya at ngumiti na may blangkong mga mata . " Sumapit na ang araw kabigan " Sambit nito habang nakangiti.

~ Erik PoV.

Napalunok ako at pinagpapawisan hindi dahil sa pagkagulat sa pagbabagong anyo ng maraming tao papunta sa pagiging halimaw na puno kundi dahil muli ko nanaman nakikita ang itim na awra na lumalabas sa katawan ni Alfredo . Kinikilabutan ako sa presensya na nararamdaman ko. Ano ba ang bagay na iyon ?

Muli kong inalala ang mga nabangit ng misteryosang babae tungkol sa negatibong enerhiyang lumalabas sa tao tuwing kasalukuyan itong gumagawa ng hindi maganda at kinalulukdan ng kasamaan ang boung pagkatao.

Pero paano ko ba iyon masasabi? Malinaw sa aking nakikita na tumutulong si Alfredo sa mga pilipino. Isa syang bayaning sinasandalan ng mga taong inabuso ng mga kastila kaya paano nya nasabing lumalabag sa kasunduan si Alfredo?

Sa sandaling yun ay biglang nagsalita si Alfredo saakin na aking kinagulat . " Mag hintay ka dito hangang mabawi ko ang bayan "

Nabigla ako ng sabihin nya na hindi ako kasama sa magaganap na laban. Ang totoo nung una ay katulad ako ng mga tao sa grupo ng Siklaon na natatakot makipaglaban gayong isa lang akong normal na tao pero iba na ang sitwasyon nang masambit nya ang tungkol sa pakiki isa sa kalikasan.

" Sira , Hindi kita pwedeng bigyan ng punyal na ito at makipag isa sa kalikasan gaya ng mga kasama ko " Sambit nito.

Nagtanong ako dito kung bakit nya ito nasambit pero hindi ito tumugon at tumalikod saakin para pagmasdan ang mga kasama nya. Sandaling nanahimik ito at tila dinadama ang hangin na dumadaan saaming paligid.

Ilang sandali lang ay tila nagiba ang reaksyon sa mukha ni Alfredo. Hindi ko alam kung bakit pero nakita kong tumulo ang luha ni Alfredo mula sa kanyang mga mata .

Hindi ko maintindihan kung bakit may kalungkutan sa mukha nya habang dumadaloy ang luha sa kanyang mga pisngi ilang saglit pa ay pinipilit nyang ngumiti na tila nagpapakatatag na pinagmamasdan ang mga halimaw na puno .

" Dahil sa oras na makipag isa ka sa kalikasan ay hindi ka na pwedeng bumalik sa pagiging tao " Malungkot na sambit nito.

Wala akong nasabi sa mga oras na iyon at natulala na lang sa mga narinig .

Sa pagkakataon na iyon ay inamin nya na ang mga punong iyon ay mga pwedeng gawing sandata ng sugo ng Pangasinan pero kinakailangan ito na magkaroon ng energy source upang mabuhay at maging halimaw gaya ng nangyari ngayon sa iba. Walang ibang pagkukunan na enerhiya kundi ang life energy ng isang tao at ang pananalig ng mga ito sa diwatang si Ada Siklaon.

Pero muli nyang sinabi na hindi na muling makakabalik ang mga taong pumasok sa mga puno.

" Sa ngayon .. magmula kanila isabel ... lolo nanding ..

isaac..  

Ang mga bata sa ampunan ....

  lahat ng myembro ng siklaon ay ...

 

patay na ...... lahat sila " Pautal utal na sambit nito .

Parang nanghina ang mga braso ko sa narinig ko mula sa kanya at pati ang mga tuhod ko ay nanginginig dahil sa pagkabigla dahil tila ba hinayaan ni Alfredo na kainin ng puno ang mga buhay ng mga kasama nya. Mga taong naging pamilya nya sa mundo at kasa-kasama sa napakahabang panahon .

" Nilinlang mo sila " Sambit ko bigla sa kanya. Agad na itinangi ni Alfredo ang bintang ko at ipinipilit na ginawa nya iyon sa kagustuhan ng boung grupo na magtagumpay. Ang bagay na iyon ay tinawag nyang parte ng responsibilidad ng pagiging myembro ng Siklaon . " Pero hindi mo sinabi na habang buhay na silang magiging puno at mamamatay ! " Sigaw ko sa kanya.

" Dahil hindi na nila kailangan malaman pa yun. Ang mahalaga ngayon ay may kakayahan na kaming lumaban " Tugon ni Alfredo. 

Hindi ko mawari sa kanya pero tila naging desperado na sya sa kanyang ikinilos at hakbang ng gamitin bilang energy source ang mga kasamahan nya para lang may magamit bilang sandata laban sa mga kastila .

Ipinilit nya na kailangan nilang magsakripisyo para sa hangarin ng siklaon at sa una pa lang ay alam na iyon ng lahat . Muli nyang sinariwa ang mga sinapit ng mga kasamahan nya sa mga nakaraang pag aaklas na ginagawa ng siklaon .

" Marami ang bilang nila at may mga matataas na kalibre ng mga baril at sandata kaya kahit anong gawin namin ay wala kaming magawa upang manalo " Sambit nito. Dito ay ikinuwento nya ang nangyaring pag aaklas sa bayan ng Urdaneta sampung taon ng nakakalipas kung saan naging leader ang kanyang ama at ina ng mga rebeldeng grupo .

" Lahat ng pag hahanda ay ginawa namin at inakala ko na magagawa kong makatulong gamit ang kapangyarihan ko bilang sugo pero hindi ako pinayagan ni ama na gamitin ang kapangyarihan ko noon kaya natalo kami sa laban .... " Sambit nito. Dito ay napaluhod sya sa lupa habang sinariwa nya ang mga pagpatay sa mga kasamahan nya ng gobernador heneral.

Hindi nya nagawang makipagsabayan dito at inilampaso lang sa laban. Dahil dito ay Galit na galit na sinusuntok ni Alfredo ang lupa habang binabangit nya ang pagpatay ng gobernador heneral sa mga magulang nya noon sa mismong harapan nya .

" Hinding hindi ko sya mapapatawad . Wawasakin ko sya !! Isinusumpa kong magbabayad sya !!! " Sigaw ni Alfredo . Umeko ang pagsigaw nya sa boung kagubatan at biglang nabalot ng liwanag ang boung katawan.

Isang malakas na hangin ang pumaikot sa kanya na sinabayan ng berdeng awra . Unti unting gumapang ang tila mga baging sa katawan nya at sumasanib sa kanya .

Dito ay dahan dahan syang tumayo muli habang tinatangay ng hangin ang liwanag bumabalot sa katawan nya at muling nag anyo bilang Sugo ng pangasinan na si Tayog .

Hindi maipinta ang mukha nito dahil sa galit na nararamdaman sa loob at patuloy na isinusumpa ang mga kastila .  

" Maghintay ka dito hangang sa makabalik ako " Sambit nito habang naglalakad . " A-an-Anong balak mong gawin ? " Natatakot kong tanong .  

" Uubusin ko ang mga kastila sa bayan at wala akong ititira sa kanilang buhay " . Deretsong tugon nito.

Hindi ako makapagsalita o kahit umimik man lang sa kanya siguro dahil wala akong pwedeng sabihin sa kanya sa pagkakataon na iyon o baka dahil natatakot na ako sa nilalang na nasa harap ko, Naglaho ang mga maaamong ngiti sa mga mukha nya at nawala ang isang mahinahong Alfredo na kilala ko. Nababalotan sya ng negatibong enerhiya dahil sa galit nya at pagnanais na makapag higanti para sa kanyang mga magulang.

  ~End of Pov " Patawad Erik , Wala na akong ibang pagpipilian pa " Bulong nito sa sarili .

Unti unting naglalakad palayo si Tayog sa kinatatayuan ni Erik at papunta ngayon sa higanteng puno na tinawag noon ni Alfredo na Siklaon .

Dito ay isinaksak nya ang punyal na hawak at unti unting nabalot ng baging ang braso nya na lumalabas sa mismong katawan ng puno. Nagliliwanag ang katawan ni Tayog at sa isang iglap ay nilamon sya nito.

Yumanig ang lupa at nag angatan ang mga higanteng ugat nito sa ilalim dahilan para mapaupo si Erik sa kinatatayuan habang nasasaksihan ang pagbabago ng anyo ng higanteng puno sa harapan .

Isang Nakakagimbal na halimaw na puno ang nabuo sa gitna ng kagubatan , may taas itong halos 60 feet at lapad na higit pitong metro . Nagsimula itong umungol nang napakalakas na nagpakilos sa ibang mga halimaw para maglakad pasulong na tila ba inuutusan itong lumusob sa bayan.

Habang nagaganap naman ito ay walang ginagawa ang binatilyo kundi ang maupo at mapayuko na lang sa pagkadismaya sa itinuring nyang mabuting tao at nakakatandang kapatid . Napagtanto nya na tuluyan ng kinalugdan ng kasamaan ang kaibigan at ngayon ay magdadala ng isang trahedya sa mga tao sa syudad .  

" Bakit Alfredo ? Bakit ? "  



~End of Chapter
Alabngapoy Creator