CHAPTER ELEVEN
" ANG PAGBAWI NG BAYAN NG URDANETA"
Habang nakikipag isa si Erik sa kapangyarihan ng Diwata ay patuloy ang kaguluhan na nagaganap sa Syudad ng Urdaneta .
Ang dating tahimik at buhay na buhay na syudad ay tila naging lugar ng kasamaan at patayan .
Walang ibang maririnig dito kundi hiyawan ng mga taong takot na takot at mga putok ng baril ng mga pulis . Makikita sa kalye ang mga nakakalat na mga labi ng mga tao na pinatay ng mga halimaw na puno .
Nakakapangilabot ang eksena sa bawat daan habang umaagos ang dugo sa lupa galing sa mga nagkagutay gutay na katawan. Tila isang masaker ang nagaganap sa bayan na iyon at lahat ng iyon ay dahil sa pag aaklas ng Siklaon .
Sa munisipyo naman ay tuluyang napalibutan ng mga halimaw ang boung lugar at walang nagawa ang mga pulis at pwersa militar upang pigilan ang mga ito .
Hindi tumatalab ang mga baril ng mga ito sa katawan ng mga halimaw na puno at tila mga laruan lang ang kapulisan na hinahawi at dinudurog ng mga halimaw .
Winawasak ng mga ito ang mga kotse, bahay at estabilishimento sa paligid at naghahanap ng mga kastila .
Marami rin mga pilipino ang nadadamay kahit hindi sila derektang inaatake ng mga ito dahil narin sa biglaan pag tilapon ng mga bagay bagay o pag hampas ng mga halimaw nang walang humpay .
Takot na takot ang mga tao sa loob ng gusaling iyon, Gayumpaman ay hindi sila kayang pasukin ng mga halimaw sa loob ng munisipyo dahil sa laki ng mga katawan nila kaya nananatiling ligtas ang karamihan sa mga kastila kasama na ang mayor ng syudad na ngayon ay nagtatago sa ilalim ng kanyang desk .
Wala itong ibang ginawa kundi manalangin sa dyos habang takot na takot sa mga nangyayari sa kanyang bayan .
Sa isang banda hindi pa tuluyang nawawalan ng pag asa ang pwersa ng mga kastila dahil patuloy na nakikipaglaban ang grupo ng gobernador heneral sa mga halimaw na umaatake sa lugar .
Sa labas ilang metro lang musa sa gusali ay makikita ang matapang na pakikipaglaban ng mga kasundaluhan kasama ng heneral .
Tumatakbo ang heneral palusob sa isang halimaw na puno habang nakaamba ang dalawang mga braso .
Dito ay agad syang inatake ng halimaw at tinangkang dakmain gamit ang napakalaking mga kamay nito .
Sa pagkakataon na iyon ay Inihampas ni Slasher ang kaliwang kamay nya sa kalye at nag angatan ang mga talim ng espada na lumabas mismo sa sahig. Nagsipagtarak ito sa kamay ng halimaw at tuluyang hindi maikilos ang mga braso dahil sa pagkaka kabit sa lupa.
Hindi pinalagpas ni Slasher ang pagkakataon na iyon habang hindi maka alis ang halimaw sa ganung sitwasyon ay agad syang tumungtong sa mga braso nito at derektang umatake dito palapit sa ulo .
Habang tumatakbo ay nagliwanag ang kaliwang braso nya at gumapang ang enerhiya papunta sa mga kamao, Dito ay isinuntok nya ang kamay derekta sa noo ng halimaw .
" Mamatay ka halimaw !! " Sigaw nito .
Daan daang talim ng espada ang lumabas sa kamao nya nabumutas sa noo ng halimaw at tumagos hanggang likod nito pero ganunpaman tuloy ay pagkilos ng halimaw na tila hindi nakaramdam ng pinsala.
Muli itong kumilos at binalak syang dakmain gamit ang kabilang kamay nito.
Agad naman ito nakita ng heneral at tumalon palayo para umilag dito. Alam nya na hindi mamamatay ito ng ganun kadali kaya nag hahanap ito ng kahinaan nito.
" Marami na akong nakalaban na gumagamit ng mga elemental maniquin at alam ko na rin kung paano sila magagapi " Sambit nito .
" Lejanti strike !! " Sigaw nito.
Dito ay muli nyang sinuntok ang lapag at muling nag angatan ang mga talim ng espada. Sa pagkakataon na iyon ay nagdikit dikit ito na tila gumawa ng isang tore ng espada .
Isang poste na may taas na 20 feet at lapad na isang metro.
Dumeretso ito sa Dibdib ng Halimaw na bumutas dito .
Sa pagkakatagos ng tore ng mga espada ay may nailabas ito na nagmula mismo sa loob ng puno , nakatarak sa dulo ng kumpol kumpol na espada ang katawan ng isang tao .
Unti unting naglaho ang mga kumpol kumpol na espada na tila natutunaw na enerhiya at bumagsak sa lupa ang taong saksak-saksak nito .
Ang taong iyon ay isang myembro ng Siklaon na ginawang power source ng puno upang mabuhay ito.
Unti unting gumagalaw ang mga parte ng halimaw at nagtubuan ang mga sanga at mga dahon nito .
Kumalat ang mga ugat sa paahan nito at kumapit sa lupa.
Sa sandaling iyon ay nagbabalik sa pagiging normal na puno ang halimaw na kinalaban ni Slasher dahil narin sa pagkatanggal ng power source nito .
" Mukhang naiintindihan ko na pero matitibay ang mga balat ng halimaw kaya hindi nito kayang butasin ng mga mahihinang baril ng mga tauhan ko " Bulong nito habang tinitignan ang mga pulis na nakikipag bakbakan sa mga ito.
Sa gitna ng kanyang pag iisip ay umatake sa kanya ang isa pa ulit halimaw na puno sa kanyang gilid. Dito ay kinumpas nya ang kanang kamay nya at nabuo ang isang tila higanteng Shuriken na gawa sa pinagsama samang mga talim ng espada .
May lapad itong dalawang metro at tumitimbang ng higit 20 kilos .
Boung lakas nya itong ibinato sa katawan ng halimaw at walang palyang tumagos sa katawan nito. Kaya bago pa makalapit ang halimaw na puno sa kanya upang umatake ay unting unti nang nagbabago ng anyo ito at naging normal na puno.
Dahil sa kasalukuyang ginagamit ni Slasher ang kapangyarihan ng diwata ay mas malakas ang pisikal nyang lakas kesa sa normal ng higit limang beses. Isa ito sa mga abilidad na tinataglay ng mga Sugo na kagaya nya .
" Kailangan ko lang patayin ang mga tao sa loob nito. Tsk, ganun ka simple. Ang problema ko lang " Bulong nito at lumingon sa gusali ng munisipyo.
Mula sa kinatatayuan nya pinagmamasdan nya ang higanteng Halimaw na si Tayog na umaatake sa gusali ng munisipyo. Alam nya na sa laki ng katawan nun ay makapal ang mga balat nito at hindi basta mabubutas ng mga talim ng espada nya .
" Mukhang mahihirapan talaga ako sa higanteng dagang ito " Sambit nya habang nakangiti .
Habang sa munisipyo naman ay patuloy na hinahampas ni Tayog ang gusali upang wasakin ito .
" Lumabas kayo mga diablong kastila ! Hindi nyo matatakasan ang inyong kamatayan . " Sigaw ni Tayog na umeeko sa lugar.
Napagtanto nya na hindi magagawang mawasak ng dambuhalang katawan nya ang gusali dahil gawa ito sa bato kaya umiisip sya ng paraan para mapalabas ang mga tao dito.
" Iniisip nyo bang makakaligtas kayo dahil lang nasa loob kayo? mga hangal !! " Galit nitong sambit.
Nag litawan ang mga baging sa katawan ng halimaw at pumasok sa loob nito. Nagsipag pulupot ang bawat isa nito sa mga taong nasa loob. Dito ay isa isang hinila ng mga baging ang mga tao sa loob at inihahagis sa labas ng gusali .
Parang mga laruan ang mga tao na tumatalsik sa labas at tumatama sa mga kotse at iba pang bagay sa labas ng munisipyo.
At dahil sa layo at taas ng pinagbabagsakan ng mga tao ay walang kahit isa ang nabubuhay o nagagawang makatayo muli mula sa pagkakahagis ni Tayog sa kanila.
Habang nagaganap ito ay tumatawa si Alfredo at tila nag eenjoy na makita ang kalunos lunos na sinasapit ng mga taong gusto nyang paghigantihan. Para sa kanya ay katuparan ito ng kanyang mithiin makuha ang hustisya .
" Hahahaha , Sige lang , lakasan nyo pa ang mga sigaw nyo. Nais kong marinig ang mga pagdurusa nyo !!! " Sambit nito na tila nasisiraan na ng ulo.
Dito ay biglang may mga Shuriken na pumutol sa mga Baging at nagpakawala sa ilang mga taong hawak nito.
Paglingon ni Tayog sa dereksyon na iyon ay sumalubong ang isang shuriken na tumarak sa noo nya. Hindi ito ininda ng halimaw dahil narin sa kapal ng balat nito .
Nakita nya tumatakbo papunta sa dereksyon nya ang gobernador heneral ng probinsya. Sa muling pag kakataon ay magkukrus ulit sila ng landas ng heneral at dahil dito ay tila nababaliw sa galit si Tayog habang unti unting nakikita ang mga alaala ng nakaraan sa kanyang isipan noong pinatay ang mga magulang nya sa nakaraang pag aaklas .
" Ikaw yun. Ikaw ang pumatay sa kanila , pagbabayarin kita !! " Sigaw nito .
Lumusob ang mga halimaw na puno papunta sa heneral na tila humaharang sa pag atake nito kay Tayog .
" Hindi ako kayang talunin ng mga walang utak na kagaya nyo " Sigaw nito .
Tumadyak sa lupa si Slasher at nag angatan ang mga dikit dikit na espada na tila makapal na bakod na harang . Tumarak ang mga ito sa mga halimaw dahilan para hindi makakilos ang mga ito sa kinalalagyan.
Nilapag nya ang dalawang kamay nya sa lupa at .
"Lejanti Strike !! "
Lumabas sa lapag na kinatatayuan nito ang mga nagdikit dikit na espada na bumutas sa katawan ng mga Halimaw at nagpalabas sa mga tao sa loob ng halimaw.
Nagulat si Tayog sa nasaksihang pagtalo ni Slasher sa mga tauhan nya at nakita ang mga katawan ng mga kasamahan nya na pinalabas ng heneral sa halimaw upang bumalik ito sa pagiging puno .
Nakikita nya ang mga ito habang naka tarak ang mga kumpol ng espada sa mga katawan nito dito ay unti unting naalala ni Alfredo ang mga nangyari noon sa unang pag aaklas kung saan nakita nya rin ang pag paslang ng heneral sa mga magulang nya gamit ang parehong kakayahan.
Hindi nya na napigilan ang emosyon nya at tuluyang umatake sa heneral. Sinubukan nya itong durugin gamit ang higanteng mga kamay .
" Sumapit na ang oras para pag bayaran mo ang ginawa mo. Slasher !! " Sigaw nito .
Yumanig ang kalupaan sa pag dagok ni Tayog sa kinalalagyan ni Slasher. Sandaling natahimik ang lugar sa ginawa nya at habang hinihintay nya mawala ang makapal ng usok na naidulot ng paghampas nya ay napansin nya na may nakatayong tao sa ibabaw ng higanteng kamao .
Dito kasalukuyang nakatayo si Slasher na walang kagalos galos habang nakangiti sa kanya na tila iniinsulto ang binata. Nag-umpisa itong tumakbo sa mismong mga braso ni Tayog para umatake.
Alam ni Slasher na mabagal ang pagkilos nito dahil na rin sa sobrang laki at bigat ng katawan ng halimaw kaya naman hindi nito kayang makapareact agad kung aatake sya ng derekta.
" Kung ganun ikaw yung batang iyon " Sambit ni Slasher.
Naalala bigla ni Slasher ang batang pinatakas nya para sa muling pag ganti nito.
Ang totoo sinadya ni Slasher na hayaan syang mabuhay para sa mga rebelde nang malaman nya na anak ito ng pinuno ng Siklaon. Inudyukan nya rin ito na buhayin ang grupong Siklaon at balang araw ay gumanti sa kanya.
Ang ginawa na ito ng heneral ay isang paglalaro lang sa buhay ng mga rebelde upang sa hinaharap ay may pagkalibangan ulit si Slasher sa panghuhuli ng mga itinuturing nyang daga .
" Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yun at napakatagal na panahon akong naghintay para sa araw na ito " Sigaw ni Tayog .
Nag litawan ang mga baging sa katawan ng halimaw at lumusob kay Slasher para bihagin sana ito pero masyadong mabilis at maabilidad si Slasher na nagagawang ilagan at putulin ang bawat isa dito.
Bihasang sundalo si Slasher at lahat ng Sugo ng Espanya ay sinasanay para sa pakikipaglaban. Nakokontrol din nila ng maayos ang kapangyarihan nila ayun sa gusto nila dahil na rin sa kaalaman na meron ang espanya tungkol ng mga kapangyarihan ng mga sugo .
" Hahahaha, Hindi mo ako matatalo sa ganyang paraan " Pang aasar nito .
Tumalon ang heneral papunta sa katawan nito at muling gumawa ng kumpol na espada. Iba ang itsura nito kesa sa nauna dahil naging tila higanteng sibat ito na gawa sa mga talim at may haba na tatlong metro.
Boung pwersang itinarak nya ito sa katawan ng halimaw at mapabaon sa loob nito pero tila bale wala lang ito kay Tayog .
Nagpatuloy ang pagkilos ng Halimaw na mabilis na iniilagan lang ulit ng heneral .
Hindi rin nasasaktan si Tayog sa mga pinsala na pwedeng matanggap ng higanteng katawang ginagamit nya kahit na tumatarak na rito ang mga talim ng espada.
Naisip ng heneral na walang tanging paraan kundi hanapin ang power source ng halimaw kagaya ng ibang halimaw upang matalo ito.
Habang nasa ere ang heneral ay nahuli ng isang baging ang kanyang paa at winasiwas pahampas sa gusali ng munisipyo.
Dito ay nabutas ang pader ng opisina ng mayor at doon sumadsad sa loob si Slasher.
Gulat na gulat ang mga tao na naroon at natatakot sa biglaang pag kasira ng bintana. Nakita ng mga ito ang nakahandusay na katawan at agad na nag panik nang akalain nila na natalo ni Tayog ang kanilang heneral .
Nilapitan ito ng aligagang aligaga na mayor ng lungsod at kinakamusta ang kalagayan ng heneral. Nagulat na lang ito ng bigla itong gumalaw at galit na tumayo para muling lumabas .
" Mabuti na lang at buhay kayo. Akala namin natalo na kayo ng mga rebeldeng iyon " Sambit ng mayor .
Nairita ang Heneral sa narinig dito at tinutukan ito ng mga talim na espada na nagsilabasan sa mga kamao nito .
" Iniisip mo bang pagagapi ang heneral na gaya ko ng isang pipitsuging daga? !! " Galit na sigaw nito.
Halos matarantang humihingi ng tawad ito at mapaluhod sa lapag habang nag mamakaawa para sa buhay nya . Hindi na binigyan ng oras ni slasher na parusahan ito at nag iisip ng paraan para patayin ang dambuhalang halimaw.
Alam nya na kahit magpakawala sya ng maraming Sibat na gawa sa talim ay hindi nya kayang patumbahin ito. Masyadong malapad ang katawan ng halimaw para mahulaan nya kung saan nakalagay ang power source nito .
" Masyado syang malaki kaya kung paulit ulit kong bubutasin ang katawan nya para tyambahan ang power source gamit ang Lejanti spear eh tiyak mauubusan ako ng enerhiya bago ko pa iyon mahanap. " Bulong nito.
Naglakad sya palabas ng kwarto at dadaan sana sa butas kung saan sya nakapasok pero sa sandaling pagdungaw nya sa labas ay biglang sumalubong ang parating na atake ni Tayog .
Nagulat na lamang sya nang makita nyang pasalpok sa kwartong kinalalagyan nila ang higanteng kamao ng halimaw .
Sumabog ang boung kwarto at gumawa ng pagyanig sa boung gusali.
Sa pagtanggal ng kamao ni tayog ay napupuno ito ng mga dugo na nangaling sa mga tao sa opisina ng mayor ng syudad.
Sandaling nanahimik ang lugar at hindi lumabas mula doon ang heneral. Hindi alam ni Tayog kung nakaligtas ito sa ginawa nya o tuluyan nang natalo sa laban .
Dahil sa nainip ito sa katahimikan ng lugar sa mga sandaling iyon ay lumapit ito sa gusali para silipin ang loob ng kwarto mula sa labas .
Sa pagkakataon na iyon biglang sumulpot ang higanteng Lejanti strike.
Mas malaki ito ng limang beses sa dating pinapakawalan ng heneral at tumama sa kaliwang mata ng higanteng halimaw .
Napahakbang ito paatras at agad na inalis ang sibat na nakatarak sa mata nya . Hindi man nadarama ni Tayog ang sakit na dulot ng pag atake ni Slasher ay nagawa nitong bulagin ang paningin nya habang nasa katawan ng halimaw .
" Bwisit, Hindi maganda ito. Wala nang nakikita ang napinsalang mata ni Siklaon ." Bulong nya sa sarili.
Napagtanto nya na hindi nya kayang paghilumin ito at maibalik sa dati ang paningin nito kaya maging sya ay nakikita na ang posibleng kahinaan ng higanteng halimaw na pwede nyang ikatalo.
Nagpanik sya ng mga oras na iyon at nag iisip ng ibang paraan para agad na matapos ang laban .
Sa pagkakataon na iyon ay naisipan nyang umatras ng bahagya upang mapanglagaan ang natitirang paningin ng halimaw na iniisip nya susunod na aatakehin ng heneral.
Biglang tumalon palabas ng gusali si Slasher na may mga sugat sa katawan , Mas matibay ng ilang ulit ang katawan ng isang sugo kaya nagagawa nilang makaligtas sa kahit na gaano kalakas na atake. Ito ang dahilan kung bakit nanatiling buhay si Slasher kahit tinangap nya ang suntok ng higanteng halimaw .
" Anong problema batang indyo ? Akala ko ba maghihiganti ka, bakit tila umaatras ka na sa kinatatayuan mo ? " Pang aasar nito .
Nakangisi ito at inaaya na umatake si Tayog sa kanya na tila minamaliit ang kalaban nya.
" Tumahimik ka !! " Sigaw ni Tayog .
Muling umatake ito at sumuntok sa kinalalagyan ni Slasher. Yumanig ang paligid sa ginawa nyang pagdagok at gumawa ng makapal na usok. Hingal na hingal na sa loob ng katawan ng halimaw si Tayog at pinagpapawisan habang patuloy na nagagalit .
Nakakaramdam na sya ng pagod at panghihina dahil na rin sa enerhiyang kinukuha ng halimaw na puno para magamit nya ito na sinasabayan pa ngayon ng magulong isip dahil sa alanganing sitwasyon.
Alam nya sa sarili na hindi nya pwedeng patagalin ang laban dahil sa limitasyon ng abilidad nya pero gustuhin nya man tapusin ito nang mabilis at hindi ito nagiging madali .
Nagulat si Tayog ng hindi nya magawang maiangat ang napakalaking braso nya na tila nakadikit ito sa lupa. Dito ay napansin nya na napupuno ang kamay nito ng mga kumpol kumpol na espada na tila tore na nakatarak dito dahilan para ma istack ito na nakadikit sa lupa .
" Alam mo kung bakit nakakatuwa makipag laro sa mga indyo na kagaya ng grupo nyo ? " Sambit ni Slasher .
Naglalakad palabas sa usok si Slasher habang unti unting nababalot ng bakal ang boung katawan nya na tila isang armor suit. Ang bagay na ginagawa ni Slasher ay ang pag gamit nya sa boung lakas ng kapangyarihan ng diwata na hindi nya madalas gawin sa pang huhuli ng rebelde .
" Dahil mahihina ang mga utak nyo pagdating sa mga labanan at hindi nag iisip ng maayos ." Sambit nito .
" Para kayong mga daga indyo na lumalaban saaming mga leon ng espanya " Dagdag nito.
Lalong napikon si Tayog sa narinig na pangungutya ni Slasher sa grupo nya at ginamit ang kabilang kamay para muling umatake kay Slasher.
Alam ng heneral na pwede nyang gamitin ang galit ng binata sa kanya para maudyukan itong umatake ng hindi nag iisip at sa pag kakataon na iyon ay nagtatagumpay sya .
Umilaw ang armor ni Slasher dahil sa enerhiya nya habang unting unti itong gumagapang papunta sa kamay .
Gumawa ito ng napakalaking shuriken na may lapad na apat na metro na gawa sa mga dikit dikit na espada. Dahil sa ginamit nya ang isang daang porsyento ng kapangyarihan ng diwata nya ay mas malaya nya na gamitin ang mga abilidad nito sa pinaka limitasyon .
" Lejanti Slash !! "
Dito ay boung lakas nyang ibinato ang Higanteng Shuriken. Halos bumaon ang mga paa ni Slasher at nagpabiyak sa lupa sa ginawa nyang pag bwelo para lang ihagis ito. Dumeretso ito sa dereksyon ng higanteng braso ng halimaw .
Bago pa magawang maisuntok ni Tayog ang higanteng kamay sa kinalalagyan ni Slasher ay nagawang maputol ng heneral ang mga Braso ng halimaw gamit ang higanteng Shuriken na ibinato nya.
" Paanong ? "
Tumama ang naputol na Braso ng halimaw sa munisipyo dahil narin sa pwersa na papasalpok na suntok . Dito ay dumetretso ito sa parking lot kung saan tinamaan ang ibang mga tao na tumatakas palabas ng gusali.
Hindi makapaniwala si Tayog sa nangyaring pagkaputol ng braso ng halimaw na gamit nya .
Gustuhin nya man muling umatake ay hindi parin nya maikilos ang kabilang braso nya dahil sa mga nakatarak na tore ng espada .
Habang nawawalan na sya ng paraan para makagawa pa nang pag atake ay nakita nya ang mga nakangising mga mukha ni Slasher habang inaaya syang umatake muli .
" Yun lang ba ang kaya mo indyo ? " Pang aasar nito .
Nang gigigil sya dahil sa pagkadismaya at galit na galit na sumigaw ,
" Hindi ako pwedeng matalo !! hindi maaari !!! "
Dito ay lumusob ang lahat ng mga tauhan nya na nasa paligid at umatake sa heneral .
" Iniisip mo ba na matatalo ako ng mga laruan mong yan ?"
" Balewala ang mga basurang yan !!! " Sigaw ng heneral.
Umilaw ang mga mata ni Slasher at nagsimulang maglabas ng dilaw na awra ang katawan. Nagliliwanag ang enehiya nya na bumabalot sa Armor na suot, nagpatuloy itong naipon at gumagapang papunta sa mga paa nito .
Sa pag liwanag ng kanyang mga binti dahil sa enerhiya ay inamba nito ang kanang paa at biglang sumipa padabog sa lapag ng napakalakas .
" Lejanti Garden !!! " Sigaw nito kasabay ng pag padyak.
Sa sandaling yun ay napuno ng mga nag aangatang mga tore ng espada ang boung paligid nila na may taas na 10 feet hangang 20 feet na syang tumutusok at pumapatay sa mga halimaw na kasalukuyang tumatakbo palusob sa kanya .
Wala pang kalahating minuto ay tila isang Hardin ng mga Espada ang boung paligid dahil sa higit isang daang lejanti strike na pinalabas nya mula sa lupa.
May lawak na higit 100 metro pabilog ang hardin ng espada na halos umubos ang higit dalawang daang halimaw na alagad ni Tayog.
Patuloy na umaapaw sa dilaw na enerhiya si Slasher at naglalabas ng matinding presensya dahilan para lalong masindak si Tayog sa kanyang kalaban.
Hindi naisip ng binata kung hanggang saan ang kayang gawin ng kanyang kalaban at naging kampante sa kanyang mga plano dahil na rin sa daan daang mga alagad na meron sya at dambuhalang halimaw na kinokontrol.
Kaya naman hindi makapaniwala si Alfredo na naubos ang boung grupo ng Siklaon isang pag atake lang ng kanyang kalaban.
Tulalang nakanganga si Tayog na kasalukuyang nasa loob ng halimaw at hindi makapaniwala sa pinakitang lakas at kakayahan ni Slasher.
Hindi nya naisip na maaari syang matalo sa kabila ng kanyang tinataglay na lakas at magawang mapigilan ang pag aaklas ng boung Siklaon na kanyang isinagawa .
~ Tayog PoV
" Ito ba ang lakas ng mga Espada ng Espanya na nagpaluhod sa maraming bayani ng pilipinas?"
" Hindi sila mga tao , mga halimaw sila " Sambit nya sa Isipan habang pinagmamasdan ang hardin ng mga tore ng espada .
Hindi ko inaasahan na mangyayari ito saamin dahil kahit paano ko isipin ay walang pwedeng tumalo sa mga alagad ko kahit na may mga kagamitan pa sila at matataas na uri ng baril .
Sa isang iglap ay nasira ang lahat ng ninanais ko dahil lang sa iisang tao . Mali , hindi sya tao kundi isang halimaw .
Habang nawawalan ako ng loob dahil sa mga nangyari ay bigla kong napansin ang mga puno sa paligid ng hardin ng mga tore ng espada. Doon ko nakikita ang mga katawan ng mga kasama ko na nakalabas sa mga puno at wala ng mga buhay .
Sa mga sandaling iyon ay hindi ko maiwasan na maaalala ang mga sandali namin na magkakasama sa kampo.
Napupuno ako ng pagdadalamhati at pagkadismaya sa sarili dahil sa gitna ng ginawa kong pagsasakripisyo ay mauuwi ang lahat sa wala. Lahat ng aking tiniis ng mahabang panahon at ninanais para sa Urdaneta ay malabo ng masuklian ng tagumpay.
Ang Hangarin ko na palayain ang mga pilipino sa aking bayan na pinagbuwisan ng buhay ng mga magulang ko noon at ngayon ng boung Siklaon ay tuluyan ng nabigo.
Alam ko sa sarili ko na hindi ko na kayang lumaban pa sa heneral dahil na rin sa pinsala ng Halimaw na ginagamit ko .
Sa mga oras na iyon ay pumikit ako at bumuntong hininga na nag iisip ng malalim kung paano pa ito itutuloy .
Wala na rin silbi ang higanteng halimaw na gamit ko at ilang sandali lang ay aatake na muli sya saakin para tapusin ang laban namin . Nakakainis isipin pero totoong wala akong laban sa gobernador heneral .
Sa pagkakataon na iyon ay nagdesisyon akong lumabas sa loob ng halimaw .
Nagbukas ang isang parte ng katawan nito at doon ako iniluwal nito.
" Hindi ko na mapapakinabangan ang abilidad ko na maki pagsanib sa kalikasan , Kailangan ko ng gamitin ang natitirang enerhiya ko sa tamang paraan " Bulong nya sa sarili.
Gaya ng ibang halimaw ay unti unting nagiging normal na puno ang higanteng halimaw na ginamit ko. Alam ko na hindi ko na ulit pwedeng pasukan ito dahil sa kakulangan ng enerhiyang tinataglay ng katawan ko .
Perpekto sa isang Close combat ang abilidad ng kalaban ko na maglabas ng mga talim ng espada at kahit limang beses ang lakas ng pisikal na atake ko ay hindi parin ito uubra sa kalaban ko pero ganun pa man. Nakahanda na ako sa mangyayari.
Kahit ang sitwasyon ng laban ay pabor sa kalaban ko at walang paraan upang makaligtas ng buhay sa mga oras na ito ay hindi ko na ito dapat iniisip pang idahilan sa sarili .
~ End of PoV
" Wala na akong pwedeng pagpilian kundi lumaban hanggang kamatayan , mamamatay ako dala ang prinsipyo ng Siklaon " Bulong nito sa sarili habang matapang nakatingin sa kay General Slasher ,
Naglalabas ito ng berdeng awra sa katawan habang naglakad ito palapit sa heneral at walang ibang iniisip kundi lumaban hanggang kamatayan .
Habang naglalakad pasulong ay unti unti nyang inaalala ang mga kasamahan nya sa siklaon na pinag aalayan ngayon ng laban.
Tila isang pagpapakamatay ang binabalak nyang gawin upang tapusin ang sinimulang laban at tuluyang makasama ang boung siklaon sa kabilang buhay .
" Magsasama sama tayo hangang kamatayan !! "
~End of Chapter.