CHAPTER 10

" Ang Pagkikita ng diwata at Sugo "

Ilang minuto ang lumipas sa bayan ng urdaneta habang ginaganap ang kasiyahan sa plaza. Naging magarbo at maingay ang kasiyahan at puno ng nag iindakan na mga tao.

Buhay na buhay at tuwang tuwa ang mga tao habang sumasayaw ang mga nagpeperform sa stage na inihanda ng City Hall para sa araw na iyon.

Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay biglang may ilang tao ang nag tatakbohan sa lugar.

Hindi alam ng iba kung ano ang nangyayari sa mga ito pero nagpapanik ito na nagtutungo papunta sa kanilang kinaroroonan.

Mabilis na gumawa ito ng kaguluhan sa Lugar at kinaalarma ng mga gwardya silbil.

Agad na napalibutan ng kapulisan ang pwesto ng mayor sakaling magkaroon ng stamped sa lugar. Gumawa sila ng harang gamit ang mga shield bilang pag iingat sa kalagayan ng kanilang mayor.

Inaakala agad ng mga ito na dahil ito sa mga rebelde pero wala silang nakikitang umaatake sa paligid nila. Napatingin na lang ang mayor sa nagiging reaksyon ng Gobernor heneral na tila nag aabang ng pagsisimula ng gulo .

" Oras na nang pang huhuli ng mga daga " Sambit ng heneral .

Agad na pinuntahan sya ng mayor at pinapaki usapan na maghinay hinay dahil sa pwedeng madamay na mga negosyante sa bayan pero tulad ng dati ay wala syang interes na pagbigyan ang mayor.

Tumayo ang heneral sa pagkakaupo nya at hinawi ang matanda na nakaharang sa dadaanan nya , Dito ay pinatawag ang mga kapulisan at derektang ipinag utos na patayin ang mga rebeldeng makikita nilang umaatake .

" Wala kayong ititira sa mga rebeldeng iyon , gagawin nating madugo ang araw na ito para sa mga indyo " Sambit nito.

Nagsimulang magsikalat ang mga pulis at nilabas ang mga matataas na kalibre ng baril .

Inihanda nila ang mga mobile car sa palibot ng plaza.

Pero gayun na lamang ang pagtataka nila dahil kahit patuloy ang pagtakbo ng mga tao galing sa malayo ay wala naman silang nakikitang mga rebeldeng umaatake o gumagawa ng karahasan.

"Mayor! Masamang balita" 

Isang pulis ang humahangos at lumapit sa mayor upang magreport ng mga kaganapan sa lungsod kung saan umaatake ang mga higanteng halimaw na puno .

Ayun dito ay nananalasa ngayon ang hindi pangkaraniwan na nilalang na may katawan kagaya ng isang puno at lahat ng madaanan nito ay sinisira at winawasak ng mga ito.

Hindi naman ito pinaniwalaan ng mayor at nagagalit sa inaakalang mga kalokohan na report ng mga taohan nya.

" Mga tanga , umayos nga kayo sinisira nyo ang kaarawan ko. Anong mga higanteng puno na naglalakad sa daan pinagsasabi mo ? " Galit na sambit nito.

Ilang saglit pa ay biglang nakaramdam sila ng pagyanig ng lupa.Mga pagyanig na nagaganap kada tatlong segundo .

Kasabay ang malakas na tunog na tila mga yabag ng mga paa .

Dito ay napatingin sila mula sa dulo ng kalye mga isang kilometro mula sa kinatatayuan nilang plaza at nakita ang mga naglalakihang bagay na parating.

Laking Gulat nila ng makita sa malayo ang dambuhalang puno na gumagalaw at naglalakad palapit sa kanila dereksyon habang nagtatakbohan naman ang mga napakaraming halimaw na puno sa paligid nito .

Hindi agad nakapagreact ang mga tao doon at tila namamangha sa nakikita. Nagtutunugan ang mga alarm ng sasakyan dahil sa mga pagyanig ng lupa na patuloy na lumakas dulot parin ng mga paghakbang ng mga dambuhalang puno.

" Bwisit , Ano ang mga lintik na yan ? " Sambit ng mayor ng lungsod

" Mukhang pinaghandaan mabuti ng mga rebelde ang ireregalo sa kaarawan mo mister mayor " Sambit ng Heneral .

Agad na lumapit ang mayor kay heneral Slasher at nagmamakaawa na gumawa ng paraan tungkol sa mga rebelde .

" Tumahimik ka , Wala akong paki elam kung mamatay ang mga tao sa bayan mo pero wag kang matakot dahil huhulihin ko parin sila dahil tungkulin ko iyon . " Sambit nito habang hinahawi ang mayor na nakakapit sa kanya .

  ~  

Habang nagaganap ang pag atake sa bayan ay mag isa lang sa isang kubol sa kampo ng Siklaon si Erik dahil sa paglisan ng grupo upang isa gawa ang pag atake.

Pagkatapos ng pangyayari ay wala syang ginawa kundi maupo sa isang sofa kaharap ang isang maliit na lamesita at maghintay sa pagbabalik ni Alfredo kagaya ng nasabi nito.

Naliliwanagan ng elektrik lamp ang kwartong iyon na nakalagay sa lamesita sa harapan nya at walang ibang maririnig kundi ang mga kuliglig sa paligid. Magulo ang isip nya sa mga bagay bagay at hindi kayang magdesisyon sa susunod na gagawin kung mag aantay lang ba sya o lilisanin ang lugar na iyon .

May silbi ba ang pag hihintay sa pagbabalik ng kaibigan gayung tila hindi sya sang ayon sa gustong mangyari nitong pag ubos sa mga tao para lang mabawi ang bayan nila.

Hindi nya alam kung kaya nya pa bang harapin ang kaibigan sakaling magtagumpay ito gayung matuturing na itong isang diablong taga lipol ng mga tao.

Sa pagkakataon na iyon ay biglang sumulpot sa harap ni Erik ang misteryosang babae at umupo sa lamesita na kaharap ng binata.

~Eric PoV.

" Anong Problema ? Wala ka bang gagawin ?" Sambit nito.

Hindi ko alam kung ano ang ibigsabihin nang pagtatanong ng babaeng nasa harapan ko, hindi ko rin alam kung bakit sya nandito gayung ang misyon nya ay ang sundan si Alfredo .

Muli nya akong tinanong kung anong palagay ko sa ginagawa ni Alfredo na ngayon ay tuloy sa planong pag aaklas laban sa mga kastila .

Wala akong nasagot sa tanong kundi ang pag iling dito. Batid nya na hindi ko gusto ito pero alam nya rin na kinakampihan ko si Alfredo dahil sa pagiging malapit ko sa kanya na halos itinuturing kong nakakatandang kapatid.

" Gusto nyang ipaghiganti ang pagkamatay ng mga magulang nya at dahil desperado na sya maisakatuparan ito ay isinakripisyo nya ang boung myembro ng kanyang gru.." Sambit nya .

" Tama na !! " Sigaw ko bigla upang patahimikin ito .

Bigla ko syang pinatigil sa pagsasalita pero nagpatuloy ito sa pagdidiin sa mga masasamang planong naisakatuparan ni Alfredo na tila ba isang napakasamang tao nito na gumagamit ng tao para sa sariling hangarin .

" Isinakripisyo nya ang mga kasalukuyang pamilya nya upang makapaghiganti para sa mga alaala ng mga pumanaw na mga magulang pero para saan? Tila isang kalokohan hindi ba ? " Sambit nito .

Sa pagkakataon na iyon ay napatayo ako at muling nasigawan ang babae na tumigil sa pagsasalita laban kay alfredo. Pinapahinto ko sya at tila ipinagtatangol ang mga nagawa ng kaibigan ko.

Nagawa ko syang atakehin mula sa kinauupuan nya na tila hindi na nag iisip .

Hinawakan ko ang mga balikat nito at itinulak pahiga ng lamesitang kinauupuan nya habang pilit kong pinapaunawa na hindi isang berdugo si Alfredo gaya ng sinasabi nya.

" Tumigil ka !! Hindi masamang tao si Alfredo !!! "

Wala naman talagang alam ang katulad nyang ispirito sa nararamdaman ni Alfredo. Nawalan sya ng magulang sa harapan nya at tiniis ang kalungkutan na iyon. Sinisisi nya ng matagal na panahon ang sarili nya sa hindi pag gamit ng kapangyarihan ng diwata upang iligtas sila noong mga panahon na iyon.

Kung iisipin ay ginagawa nya lang ang nararapat. Tama, ito ang nararapat na mangyari upang maging patas ang lahat at makuha ang hustisya.

Naramdaman ko ang pagkalinga nya sa bawat myembro ng Siklaon na tila mga kapatid , ina at ama kaya alam ko na hindi ginusto ni Alfredo na ipahamak ang mga kasamahan nya at mamatay ang mga ito.

Nakakasuguro ako sa bagay na yun pero gayumpaman ay naging desperado na sya dahil wala na syang pag pipiliang paraan para magtagumpay sila laban sa mga kastila kundi gamitin ang kapangyarihan ni Tayog .

Ang Siklaon ay isang grupo na handang magsakripisyo ng buhay alang alang sa mga pilipino na inaabuso ng mga kastila sa lungsod kaya anong mali sa ginawa ni Alfredo?

Paano sya naging taksil sa pamilya nya sa Siklaon gayung alam ng bawat isa sa kanila kung saan nakalaan ang buhay nila.

" Hangang ngayon mataas parin ang tingin mo sa kanya at tila itinuturing syang bayani " Sabat ng misteryosang babae habang nagsasalita ako.

" Mamamatay sila para sa dakilang hangarin na palayain ang mga pilipino, Para saakin isa silang bayani ng bansa ." Pagmamatigas ko .

" Kaya ba ginamit nya ang mga buhay ng mga kasama nya para plano nyang pag masaker sa mga kastila ? Sa tingin mo gawain yun ng isang bayani ? " Muling Sabat nito.

Sa pagkakataon na yun ay tila natauhan ako sa isang bagay at biglang napabitaw sa pagkakatulak sa kanya.

Hindi ko mawari pero tila nawala ang galit at pag aamok ko nang biglang marinig ang mga sinabi nya.

Wala akong nagawa kundi mapahakbang paatras at mapaupo muli sa aking upuan habang naiisip ang mga bagay na iyon .

" Tanging mga dakilang bagay lang ang ginagawa ng mga bayani at sa tingin ko malayo ito sa ginagawa ng iyong kaibigan. "

Napagtanto ko na maaaring tama sya sa mga sinabi na ang tanging ginagawa lang ng mga bayani ay mga dakilang bagay at malaki ang pinagkaiba nun sa ginagawa ngayon ni Alfredo .

Siguro nga nagkamali ako na akalain kong isang mabuting tao si Alfredo, Naging mabuti sya saakin at pinahalagahan ko ng lubos ang mga pakalinga nya at pag alala na tila nakakantandang kapatid ko .

" Lumaki ako na walang ibang tao ang nagmalasakit at nag alala na tila nakakatandang kapatid gaya ng ginawa ni Alfredo saakin . Umaasa akong magpapatuloy yun . Mali, gusto kong magpatuloy yun kaya naman hindi ko magawang magalit sa kanya sa gitna ng ginagawa nyang mali ." Sambit ko dito .

" Kaya ba hahayaan mo na lang ang gagawin nya kahit na hindi ito tama ? " Sambit nya saakin .

Sinasagot nya ako na tila binabara ang mga sinasabi ko . Hindi ko makuha ang gusto nyang sabihin pero kahit naman ayoko ng mga ginagawa ni Alfredo ay wala akong magagawa.

Kahit kontrahin ko ito ay walang magbabago. Wala akong pwedeng gawin kundi umupo lang dito na tila inutil habang naghihintay ng resulta at yun ang katotohanan .

Umupo ang babae sa lamesita na kinahihigaan nito at sinambit saakin na " Hindi totoong wala kang magagawa , sa ating dalawa ay dapat mas alam mo na may magagawa ka . " Sambit nito .

Nagtaka ako sa nasambit nya at tumitig sa mga pulang mata nya .

Dito ay biglang kong naalala ang mga nasabi nya noon ang tungkol sa pagiging Sugo ko na hindi ko pa natatanggap hangang sa ngayon. Wala akong ideya sa anong makukuha kong kapangyarihan pero tila nagkaroon ako nang pag nanais na matanggap ito .

" Gusto mo bang pigilan sya gamit ang kapangyarihan mo bilang sugo?" 

Nagulat ako nang may sambitin sya saakin na tila nababasa nya ang isip ko, Nabangit nya na ang kapangyarihan ng mga Sugo ay natatangi. Hindi lang dahil kaya nitong pigilan ang mga kalaban kundi dahil kaya nitong magligtas ng buhay.

Maging liwanag ng pag asa, isang bayani para sa lahat .

Isang kapangyarihan na pwedeng magpabago sa sitwasyon . Isang kapangyarihan na tanging mga bayani ng bayan lang ang nagtataglay. Tama, Kapangyarihan na pwedeng magamit upang tumulong at magligtas ng mga tao.

Pero teka , Kung sakaling makuha ko ito saan ko ito gagamitin?

Masyado akong nasabik sa ideyang may kaya akong gawin pero kung sakali nga na makuha ko ito ano ang gagawin ko ?

Gagamitin ko ba ito para pigilan sya sa plano nya? Pero kapag ginawa ko yun ay ibigsabihin lalabanan ko si Alfredo at kung tutulungan ko naman sya ay haharapin ko ang mga kastila .

" Pero kung sakaling magtagumpay ako pigilan si Tayog ay mawawalan ng saysay ang sakripisyo ng Siklaon at magpapatuloy ang pang aabuso ng mga kastila sa mga pilipinong naroon sa bayan ." Bulong ko sa sarili.

" Parang walang silbi ang lahat. Hindi ko kayang makipaglaban at lalo na ang patayin ang sino man kaya paano ko mapipigilan ang isang labanan ? " Dagdag ko .

Sandaling nanahimik ang paligid at nagsimula muling magmukmok na tila nag uumpisa muli akong mawalan ng pag asa na may magawa sa sitwasyon na iyon.

Napaka hangal ko para mag isip na may magagawa ako sakaling mag karoon ako ng kapangyarihan gayung kahit minsan ay hindi ako naki pag away sa ibang bata dahil sa takot ko na masaktan kaya anong magagawa ko sa isang totoong laban? Sa oras na magpunta ako doon sa battlefield ay ano ang gagawin ko ?

" Hindi ko kayang pigilan si Tayog at kahit ang mga kastila. Wala akong kayang gawin " Nakapikit kong bulong habang dismayado sa sariling kahinaan.

Sandaling nanahimik ang lugar at tila nag aantay na lang kami na lumipas ang oras . Nararamdaman ng misteryosang babae ang panghihina ng aking kalooban at ang kawalan ng tiwala ko sa sarili ko kaya naman umiisip sya ng paraan para matulungan ako.

" Iyon ba ang talaga ang iniisip mo? " Biglang sambit ng misteryosang babae habang tumayo sa kina uupuang lamesita para lumapit sa harap ko.

Lumuhod sya saaking harapan habang nakaupo ako sa sofa at ilang sa dali pa ay inilapit ng babaeng yun ang mukha nya saakin hanggang magdikit ang mga noo namin .

Sa pagkakataon na iyon ay may bigla akong naramdamang presenya na tila kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng mga sandaling magdikit ang aming mga noo.

Hindi ako makapagsalita at biglang napahinto sa mga negatibong naiisip ko dahil nabaling ang buong atensyon ko sa misteryosang babaeng nasa harap ko.

Ilang sandali pa ay pumikit ito na tila pinakikiramdaman ang presensya ko bilang isang sugo habang sinasambit na .

" Ang Isang bayani ay nagliligtas ng buhay at hindi isang tagapaghatid ng kamatayan. Hindi dahil pipigilan mo sya ay kailangan mo na syang patayin. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan dumanak ng dugo upang makamit ang tagumpay. "

Isang napakagaan na presensya ang bumalot saakin na tila inaangat ang katawan ko. Unti unti kong nakikita ang puting awra na lumalabas sa kanyang katawan hanggang sa mapalibutan na kami nito na tila nakulong sa hawla ng liwanag. Napakasarap sa pakiramdam ng awrang ito .

Hindi ko na nakikita ang itsura ng kwartong kinalalagyan ko dahil sa puting awra na pumapaligid saaming dalawa. Ilang sandali pa ay nilamon kami ng liwanag at naglaho ang mga bagay sa paligid ko na tila napunta kami sa isang puting demensyon .

" Tandaan mo hindi lahat ng nilalabanan ay kalaban, pipigilan mo sila upang iligtas at hindi wasakin ." Sambit nito bigla saakin.

Dito ay tinanong ako ng babaeng ito kung gusto ko bang iligtas si Alfredo at ang Siklaon sa kasamaan na niyayakap nila. Sa sandaling iyon ay talagang wala akong ideya kung paano pero walang pag aalinlangan na tumugon ako dito.

" Ililigtas ko sila sa abot ng aking makakaya ." Sa pagkakataon na iyon ay hinawakan nya ang mga mata ko at pinapapikit .

" Tandaan mo ito tanging mga dakilang bagay lang ang ginagawa ng isang bayani at ang pag sasakripisyo ng buhay para sa hangarin gaya ng ginagawa ng iyong kaibigan ay isang pagtakas lamang . Hindi mo kailangan mamatay para magsabing isa kang bayani dahil higit pa doon may mas mahalaga kang dapat magampanan "

" Erik , Kailangan mo maging lakas ng bawat tao . "

Unti unting pumipikit ang mata ko at tila nakaramdam ng pagbabago sa paligid ko, dito ko naramdaman ang malamig na hangin dumadampi sa katawan ko . Nakakarinig ako ng ugong ng hangin at mga huni ng mga ibon .

Unting unti kong idinilat ang mga mata ko. Dito ko napagtanto na nakasalag ako sa hangin gamit ang mga braso at sa pagtanggal ko ng mga ito ay nagulat ako sa nasaksihan ko .

Dahil sa muling pagkakataon ay nasa isa akong kapatagan na napupuno ng mga bulaklak at halaman. Pinagmasdan ko ang napakapayapang paligid nito.

Ang maaliwalas na kalangitan ,puting puti na mga ulap, sariwang hangin na nalalanghap ko sa pagdaan nito saakin , malinaw na tubig na umaagos sa ilog at ang mga naglalarong mga hayop at ibon sa paligid ko .

Kamangha mangha ang makakita ng lugar na kagaya nito . Pero bigla akong napa isip ng mga sandaling iyon . Bakit nga ba ako naroon sa lugar na gaya nun ?

Hindi malinaw ang lahat saakin kung paano ako napunta doon at nagtataka sa pagkawala ng misteryosang babaeng kasama ko kanina .

Sa gitna ng aking pag iisip ng mga bagay bagay ay may misteryosang boses ang biglang nagsalita at nang galing yun sa aking likuran .

" Anong masasabi mo sa aking tahanan ? " Sambit nito.

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ang kanyang boses. Sumagi sa isip ko ang mga alaala tungkol sa putol putol na panaginip ko kung saan ko narinig ang boses na iyon.

Agad ko syang nilingon upang makita ang nag mamay ari ng boses at sa pagtalikod ko ng mga sandaling yun ay biglang humampas ang malakas na hangin na muling nagpa pikit sa aking mga mata .  

Pero ...  

Sa pag kakataon na iyon. Nang ibaba ko ang mga braso ko at sa muling pag dilat ng mga mata ay nasilayan ko sa harapan ko ang isang magandang babae na nakatayo sa gitna ng mga bulaklak.

Nakangiti ito sya saakin at nakatitig ang asul nyang mga mata na kasing bughaw ng kalangitan .

Isang dalaga na may puting buhok na may dilaw sa dulo ng bawat hibla nito, Nakasuot sya ng kakaibang damit na nahahawig sa isang traditional clothes ng tribo sa ifugao habang sa ulo nya naman ay may suot na headband na may dalawang balahibo sa gilid bilang desenyo. Tinatangay naman ng hangin ang tatlong tila ribbon sa likuran nya na may mga bituwin sa dulo .

Hindi ko malaman sa sarili ko kong bakit masayang masaya ang kalooban ko na tila napakagaan ng pakiramdam ko nang makita ko sya .

Para akong nasasabik sa kanya at nahahalina ng masilayan ko sa wakas ang kabuoan ng itsura ng babae na dati ay hinuhulaan ko lang sa magulong alaala ng putol putol na panaginip .

Ngumiti sya saakin ay winika na . " Kamusta ka aking sugo? "

Sa pagkakataon na iyon ay napagtanto ko na ang babaeng nasa weirdong panaginip ko at kaharap ko na ngayon ay isang diwatang tagapangalaga na tinutukoy nila sa kwento at ako ang pinili nya bilang hahalili sa kanyang tungkulin .

Bilang Sugo ng mga Diwata .

Sa mga oras na iyon ay hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya siguro dahil nahahalina ako sa ganda ng diwatang ito o baka dahil hindi ako makapaniwalang totoo ang diwata sa panaginip ko.

Pero sa gitna ng aming katahimikan habang kaharap ang isat isa ay biglang may naisambit ang diwata saakin na lubos kong ipinagtaka .

" Ah .. eh .. matanong ko lang aking Sugo , Bakit ka pala nandito ? " Nagtatakang tanong ng diwata habang nakapamewang ito.  



" Huh ?! " Maikling tugon ko .  

  ~End of Chapter .
Alabngapoy Creator