CHAPTER FOUR
" INDYO "
Sa pagdating nila sa probinsya ng Pangasinan kung saan ang kanilang destinasyon . Nagtungo agad ang truck nila sa bayan ng Urdaneta kung saan pinapayagan silang magbenta kahit na mula sila sa maliit na taniman.
Ang lugar na ito ay kontrolado ng gobyerno kaya maraming checkpoint ang nakakalat sa bawat lugar upang masigurado ang kaligtasan ng mga tao pero marami sa lugar dito ay off limit o pinagbabawal na puntahan lalo na ang kakahuyan dahil sa mga rebeldeng nagtatago dito .
~
Habang sa bayan, nagpatuloy ang pagbebenta ng mga kasamahan nila ng gulay sa mga tindahan at kahit na may sugat at hindi pa tuluyang nakakarecover si Erik ay pinipilit nyang maglako sa syudad para kumita.
Dito ay muli syang pinayagan ni Kardo pero pinabawasan ang mga dadalhing mga gulay upang hindi masyadong mapwersa ang katawan ng bata.
" Sandali kuya Kardo , Masyadong unti ito. Baka wala akong kitain nito " Reklamo ng binata .
" Kung ayaw mong mapahamak ulit eh makinig ka na lang at sumunod sa sinasabi ko " Sagot ni Kardo.
Buhat buhat sa likod nito ang basket ng gulay na nagmadaling umalis si Erik mula sa garahe na sinilungan nila. Masigla ang binata at determinadong kumita para mabawi ang mga nawalang pera nitong gabi.
Hindi rin kasi mapigilan si Erik sa mga gusto nya lalo na sa paglilibot sa isang syudad, Ang gaya nya ay hindi madalas makakita ng mga bagay sa syudad gaya ng mga palabas sa television, magagarang kotse at mga masisiglang mga tao .
Buhay na buhay para sa kanya ang isang syudad dahil sa maunlad na pamumuhay na meron dito .
Kasabay ng pagbebeta nya sa ilang tindahan ay sumisilip din sya sa ibang gusali para tumingin o hindi kaya makinuod kaya madalas ay sinisita sya at pinapaalis ng mga tindera ng mga shop.
Sa kanyang paglalakad ay nakakita sya ng isang shop ng cellphone at mga gadget, Hindi nya man alam kung para saan ang mga gadget na iyon ay tila manghang mangha syang parang bata .
Nakita nya rin ang mga gadget gaya ng psp at laptop na nilalaro ng mga tao sa loob. Pagkatapos nun ay nagtungo sya sa isang game center at tumambay sa gilid nito upang manuod kung saan salamin lang ang mga nagsisilbing harang. Hindi nya rin kasi pwedeng ipasok ang dala nyang gulay sa loob dahil sa laki nito .
Namamangha sya sa mga kabataan na marunong maglaro nito at medyo nakaramdam din ng pagkaingit sa mga estudyanteng masayang na naglalaro at natatawanan sa harapan nya .
" Mabuti pa ang mga taga syudad " Bulong nito sa sarili habang tila pinipilit ngumiti .
Dahil sa pagkalibang sa panunuod ay hindi na napansin ni Erik ang oras na itinatagal nya sa estabilisyimentong iyon ng mga laro o arcade center .
Bigla nyang naalala na may ibebenta pa pala syang gulay at kailangan nyang makaubos para mabawi ang perang nawala sa kanya . Bilang bata ay gusto rin ni erik ang paglilibang o paglalaro kaya minsan hindi nya maiwasan na maubos ang oras ng pagtitinda nya sa paglalakwatya lang nya sa syudad .
Sa pagkakataon na iyon ay masasalubong nya ang mga kastilang pulis na kasalukuyang dumaraan sa lugar. Iniiwasan ito ng mga tao at kahit matitigan ay hindi nila ito masulyapan na tila natatakot sa mga ito.
Napahinto sya sandali para sana titigan ang palabas sa television sa isang shop pero sa ilang sandali pa na pagtambay nya ay napansin nya ang mga parating na pulis .
Hindi maalis ang mga titig nya sa mga ito dahil bihira lang syang makasalubong ng mga kastilang pulis sa pagtitinda nya sa syudad, namamangha rin kasi sya sa mga desenteng kasuotan ng mga pulis sa syudad dahil magara ito at maganda ang porma.
Sa sandaling iyon ay napansin sya ng dalawang pulis at pinag iisipan na pagkakitaan. Nasa isip nila na ang mga gaya ni Erik ay madaling masindak at makuhaan ng pera kahit sa usapin lang ng pagsunod sa batas .
Agad nila itong pinuntahan at maangas na hinihingan ng ID ,
"Hoy indyo , Asan ang iyong ID ? May permit ka ba para mag benta dito ? " Sambit nito
Ang ID na hinihingi ng pulis ay ang National ID na ibinibigay sa mga mamamayan upang makita ang pagkakakilanlan ng bawat isa at kung saan nagmula ito. Ang pagsusuri ng mga pulis sa mga ID ay isa sa trabaho nila para maiwasan ang pag gagala at mahuli ang mga rebelde sa loob ng syudad.
Hindi makasagot si Erik gayung hindi sya kumukuha ng ID dahil sa mahal ang pagkuha nito at wala silang oras para sa ilang proseso. Tanging ang paglilista lang ng pangalan nila ang kinukuha ni Kardo para sa permit tuwing nasa Checkpoint .
Sa madaling salita ang alam ni Erik ay wala talaga syang mapapakitang permit o papeles sa mga pulis para masabing pwede silang magbenta, Wala rin syang pwedeng idahilan dahil wala rin nabangit sa kanya si Kardo tungkol sa pagdadala ng permit sa bayan .
Ang katotohanan ay wala talagang ganung bagay na hinahanap ang otoridad sa mga mag gugulay na gaya nya dahil hinahayaan ang mga ito na magpasok ng gulay sa isang syudad ng walang abala dahil sa kailangan ito sa pang araw araw na buhay ng bawat syudad .
Mautal utal si Erik at walang masabi sa mga ito habang tila patuloy na pinagtataasan sya ng boses ng mga pulis para takutin ,
Naglabas ang isang pulis ng posas at inaamba kay Erik kaya naman nataranta lalo ang binata at patuloy na nakiki usap sa mga ito. Sa pagkakataon na iyon ay napangiti ang mga pulis sa reaksyon ng binata dahil alam nila na magtatagumpay silang perahan ito .
Madaling matakot ang gaya ni Erik na walang alam sa kalakaran at dahil wala syang ideya sa paano tumatakbo ang batas sa isang syudad kaya hindi nya na naisip na komontra sa mga pulis at magtanong kung ano ang tamang proseso.
Ibinaba ng pulis ang posas na hawak nito at biglang inakbayan si Erik habang isinasama sa kung saan para makalayo sa lugar. Ilang sandali pa nang kanilang paglalakad ay binubulungan sya nito tungkol sa mga pekeng alituntunin at parusa na gawa gawa nito para mas takutin pa ang bata. Nasambit bigla ng mga ito na pinag babayad nila ng maliit na halaga ang mga mag gugulay bilang kapalit ng pagpayag nila na magbenta sa lugar ang katulad ng mga legal na tindero.
" Dahil sa wala kang permit eh kailangan mong magbayad saamin ng 300 para makapagbenta ka dito " Sambit nito .
Nagulat ang Binata sa hinihingi nitong halaga sa kanya pero sa kamalasan ay walang maibibigay si Erik sa mga ito dahil sa kalalabas nya lang ng truck ng mga oras na iyon. Maraming oras ang nawala sa kanya sa pag gagala kaya iilan pa lang ang bumibili sa kanya .
Inilabas ni Erik ang karampot na kita nya sa napagbentahan ng gulay at humihiling sa mga pulis na pagbigyan sya na magpatuloy na magbenta .
Gaya ng inaasahan nya ay hindi ito nagustuhan ng dalawang pulis at pinagbabataan ang binata na ikulong na lang at ilatigo ng paulit ulit . Sa takot ng binata sa parusa ay pinipilit nya na kunin ng mga ito ang barya na napagbentahan nya at inalok ng mga carrot kapalit ng pera .
" Bwisit ,Bobo ka ba indyo? Aanhin namin ang carrot mo. Ang Kailangan namin eh pera " Sigaw nito sa takot na takot na binata .
Pansin nila ang takot sa mukha ng binata at alam nila na nagsasabi ito ng totoo tungkol sa maliit na halagang benta nito.Alam nila na hindi nila pwedeng isama sa istasyon si Erik gayong wala naman silang maisasampang kaso dito at wala rin silang mapapala dito kung wala itong perang maibibigay.
Agad na nag init ang ulo ng pulis dahil sa pagkadismaya kaya nabalingan nya agad ang binatilyo.
" Walang kwentang indyo " Sambit nito kasabay ang pag sipa nito sa tagiliran ni Erik.
Dumaosdos sya sa lapag at nagkalat ang mga carrot na tinda nya na nakalagay sa basket sa likod. Nagawa ito ng pulis kahit nakita nilang may benda ito sa ulo at mga sugat sa braso .
Nagulat ang mga tao sa nasaksihan na pananakit nv mga pulis sa isang bata pero imbis na tulungan ang batang nakahiga sa kalye ay nagmadali itong nag alisan at tila pikit matang naglalakad sa daan.
Kainitan ng araw sa lugar kaya maraming tao ang patuloy na dumadaan sa kalyeng iyon pero gaya ng mga naunang eksena ay walang gustong maki elam.
Kahit harap harapan na nilang nakikita ang pang aabuso ay mas inaalala parin nilang maiwasan na mapasama sa gulo na ginagawa ng mga pulis .
Patuloy syang sinigawan at nilait ng pulis habang sinisipa sa ilang parte ng kanyang katawan. Habang nangyayari iyon ay hindi naman maunawaan ng binata kung ano ang gagawin at bakit iyon ginagawa ng pulis sa kanya .
" Mga wala na nga kayong alam eh hindi pa kayo mapakinabangan , mga basurang indyo " Galit nitong sambit .
Patuloy nyang sinisipa si Erik sa braso habang nakahiga ito sa lapag na tila ba hindi iniisip ang sitwasyon nito. Wala naman magawa si Erik kundi salagin lang ito at hindi magawang lumaban dahil natatakot din sya sa mga ito .
" Wala kayong utang na loob, Binabantayan na nga kayo laban sa mga rebelde ay wala pa kayong pakinabang saamin ." Sambit nito .
Malinaw sa kanyang isipan na pinagbubuhatan sya ng kamay ng pulis at galit ito sa kanya na tila ba napakalaki ng kasalanan nya. Nakikita nya sa bawat taong dumadaan na iniiwasan syang tignan na tila ba nagpapatay malisya sa mga nangyayari. Nakikiusap sya sa kanyang isipan at umaasang may kahit na sino ang magpatigil sa pulis na iyon.
" Hoy easy ka lang , tara na , nag sasayang lang tayo ng oras dito " Sambit ng kasamahan nito.
Hinihingal ang Pulis at pinagpawisan sa ginagawa nyang pananakit sa binata. Dahil sa pagka hapo ay tumigil sya sa pananakit at Inayos ang polo na suot para maging disente parin ang itsura nya sa iba .
" Tama , Mabuti pa uminom na lang tayo doon sa bar ng mga indyo. " Sambit nito .
Nilisan sya ng mga ito at tila walang nangyari habang patuloy naman na iniinda ni Erik ang natamo at napaupo na lamang sa kalye.
Kahit na tapos na ang nangyaring gulo ay walang gustong tumulong sa kanya kahit na may ilang tao na dumadaan sa harapan nya .
Hindi nya maunawaan kung gaano kalaki ang kasalanan nya para makatikim ng pananakit sa isang alagad ng batas pero naisip nya rin na ano ba ang magagawa ng gaya nya sa isang sitwasyon na gaya nun .
" Kasalanan ko rin naman, ok lang yan erik , wala akong pambayad sa ID kaya nangyari ito." Sambit nito sa sarili para palakasin ang loob .
Hindi na ito inintindi pa ni Erik at kahit nakadarama ng sakit ay kumilos sya para damputin ang mga paninda nyang nagkalat sa daan .
Sa patuloy nyang pag pulot sa mga ito ay biglang may lumapit sa kanya at dumampot ng isa sa mga carrot na nagkalat sa kalye.
Napansin ito ni Erik at tumayo agad sa kinauupuan para magpasalamat at kunin ang hawak ng lalaki.
" Sandali bata , Ayos ka lang ba? Mukhang grabe ang iyong lagay "
Pag aalala ng lalaki .
Ang lalaking ito ay isa ring pilipino, may maikli at matingkad na itim na buhok, nasa edad na 20 at may magandang pangangatawan.
Maporma ito sa sout nitong pulang sleeve at itim na pantalon na bumagay sa chinito at maamo nitong mukha .
Inalok nya ng tulong si Erik para buhatin ang dala dala nito pero tinangihan lang ito ng binata .
Ngumiti ito sa binata na nagpakilala bilang si Alfredo. Isang tindero sa isa sa mga shop sa bayan na sakto namang namamasyal ng mga oras na iyon.
" Bago ka lang ba dito ? " Tanong nito .
Ang totoo hindi ito ang unang pag kakataon ni Erik na magpunta sa bayan ng urdaneta pero iba sa sitwasyon kanina ay hindi nya pa nakakasalubong ang mga kastila na sya lang mag isa.
" Hindi ko alam kung bakit pero tila wala kang alam sa kalakaran ng mga kastila dito sa bayan at nakuha mong titigan sila at huminto kanina . " Sambit nito.
" Nagkataon lang siguro dahil nanunuod ako ng palabas sa television sa isang tindahan . " Sagot ng binata .
" Alam mo para hindi ka pag initan ng mga pulis dito ay wag mo silang titigan at hayaan na lang na dumaan sila na tila hindi sila nag eexist. Hindi biro ang kaya nilang gawin sa mga tulad natin gamit ang karapatan nila sa pagpapatupad ng batas . " Dagdag nito.
Hindi naunawaan ni Erik ang mga huling nasambit nito kung may gusto syang ipahiwatig o ano pa man dahil nakangiti ito at kalmado na tila nagbibiro lang .
Lumapit pa ito at tinulungan si Erik na dampotin ang mga carrot at ipunin sa basket nito .
~ Erik PoV
Lumipas pa ang ilang minuto ay nadampot na namin ang lahat ng mga paninda ko. Hindi ko alam kung bakit ako tinutulungan ni Alfredo pero malaking pasasalamat ko sa kanya dahil sa totoo lang masakit pa ang katawan ko .
Nagpakilala ako sa kanya bago magpasalamat at nagulat pa nga ito ng bangitin ko na taga lingawin ako sa probinsya ng ifugao. Nakangiti nyang sinabi na bumibilib sya sa gaya kong batang mag gugulay na matyagang naglalakbay para lang kumita ng pera .
Ilang sandali pa ay kinukuha nya saakin ang mga carrot ko.
Nagpumilit sya na buhatin ang basket ko at kahit na sinabi ko na kailangan ko pang magbenta at maglako ay nag alok parin sya ng mas malaking tulong na samahan ako sa pagbebenta.
Napagdudahan ko sya pero nasabi nya na kusa nya itong gagawin ng walang kapalit dahil kapwa pilipino nya ako .
" Normal lang na tulungan ang isang nangangailan, diba? " Sambit ni Alfredo habang nakangiti
Nabigla ako sa mga narinig ko sa kanya at parang may punto naman sya na kailangan mong tumulong sa mga nangangailangan .
Pero nakakagulat at payag syang samahan ako na magbenta sa daan ng carrot kahit saktong day off nya ng mga oras na iyon ay parang nakakapag duda. Hindi kaya kalabisan na iyon? ewan ko kung ano ang magiging reaksyon ko . Nakakaramdam ako ng pagkirot sa ulo ko dahil sa nangyari at tingin ko hindi naman masamang ideya ang humingi ng tulong .
Tama , Siguro mabait lang talaga syang tao na nakasanayan na tumulong sa ibang tao na nangangailangan. Hindi ko na dapat sinasayang ang pagkakataong ito dahil kailangan kong kumita ng pera .
Pumayag ako sa binibigay nyang tulong at hinayaan ko sya na magbuhat ng basket ko. Pinuri nya pa nga ako ng mapansin nyang mabigat ito dahil nagagawa kong mabuhat ng walang problema .
Ang totoo nasa 10 kilo lang yung dala ko ngayon at walang wala iyon sa higit 20 kilo pag puno ito,
Sanay na ang katawan ko sa pagbubuhat dahil nagiging tigabuhat din ako ng ibang gulay pag walang deliver ng carrot .
Sa paglalakad namin sa syudad ay hindi ko maiwasan na pagmasdan sya at mapakunot narin ng noo sa nakikitang pagtitiis ni Alfredo. Hirap na hirap sya at halatang nabibigatan sa pagbubuhat pero hindi parin nya binibitawan ang basket para lang matulungan ako.
Nakokonsensya ako at hindi mapalagay. Dapat ko ba syang hayaan sa ginagawa nya?
Habang nagbebenta ay napagkwentuhan namin ang tungkol sa syudad. Si Alfredo ay isang laking syudad. Siguro nga hindi ito kasing unlad ng maynila pero isa parin itong syudad .
Nagtanong sya tungkol sa trabaho ko at sa mga ginagawa ko bilang mag gugulay. Ewan ko pero pati ang mga dinadaanan namin at oras ng pag alis namin ay gusto nyang malaman dahil sa interesado syang malaman ang buhay bilang mag gugulay .
" Mahirap ang maging mag gugulay pero ang masaya doon ay nakakapunta kami sa ibat ibang lugar lalo na sa mga syudad na gaya nito " Sambit ko
" Syudad ? Ang weird pero bakit mo gusto sa syudad ? " Tanong nya.
" Ewan ko kung maiintindihan mo pero para sa mga lumaki sa bundok na gaya ko ay kamangha mangha ang syudad " Dagdag ko habang nakangiti sa kanya.
Masaya makipagkwentuhan kay Alfredo tungkol sa maraming bagay. Sa totoo lang unang beses ko itong makipagkwentuhan sa isang taga syudad at maswerte ako na napaka bait ni Alfredo. Nagpatuloy ang kwentuhan namin hangang sa hindi na namin napansin na malapit na maubos ang tinda naming carrot .
Marami syang nabangit na mga bagay na meron sa syudad gaya ng mga ibat ibang uri ng hayop na makikita sa zoo at mga masasarap na tinapay na tinatawag nilang cake kasama na ang mga makabagong teknolohiya .
Marami pa akong bagay na hindi maintindihan sa mga nabangit nya tungkol sa syudad pero siguro balang araw ay magagawa ko rin itong malaman ng lubos .
Sa totoo lang gusto kong maranasan ang mga bagay na nararanasan ni Alfredo sa pamumuhay sa syudad. Gusto kong maging katulad nya na namumuhay sa isang maunlad na bayan .
" Nakakaingit ka naman , Alam mo kung may pag kakataon eh gusto kong manirahan sa syudad gaya mo " Sambit ni Erik .
Nasambit ko iyong mga katagang iyon kay Alfredo at nabangit ang pangarap ko sa kanya , makasariling bagay pero nasambit ko sa kanya na .
" Sana taga syudad na lang ako kagaya mo ."
Kung bakit ko iyon nasabi ay dahil ayokong mamuhay lang sa probinsya na may isang kahig at isang tukang kalagayan ng buhay , Kailangan mo pang mag igib sa bundok para sa tubig at bumili ng kandila sa malayo para lang magka ilaw. Hindi gaya sa syudad na kumpleto at may mga paglilibangan ka dito gaya ng mga laro sa isang arcade center .
Sa gitna ng aking magiliw na pagsasalaysay sa mga pambihirang bagay sa syudad ay napansin ko ang pag babago sa reaksyon ng mukha ni Alfredo, hindi ko mawari pero tila may nasabi akong bagay na kinalungkot nya .
" May problema ba? May nasabi ba akong masama ? " Tanong ko rito .
Sa mga sandaling ito ay marahan nyang inihampas ang kamay nya sa ulo ko na tila pinatitigil ako. Mahina lang ito pero dahil nga sa may sugat ang ulo ko ay naramdaman ko ito at napahinto sa pagsasalita .
Agad syang ngumiti saakin at humingi ng pasensya .
" Patawad Erik , pero siguro maiintindihan mo rin ako balang araw . " Seryusong Sambit nito.
" Huh ? "
Hindi ko alam kung bakit sya humihingi ng pasensya saakin , Nakita ko ang pagkablangko ng kanyang mata na tila nadidismaya o may inaalala , sa sandaling iyon naalala ko bigla ang pag hingi ng tawad ni kuya Kardo saakin. Hindi ko maintindihan ng lubos ang iniisip ng matatanda tungkol sa pag hingi ng tawad pero siguro balang araw ay mauunawaan ko rin sila .
Hindi ko alam pero parang ang weird ng mga taong nakikilala at nakakasalamuha ko. Ilang sandali pa ay nagpatuloy na kami sa paglalakad at napadaan sa harap ng isang supermarket.
Sa sandaling iyon ay may mga batang estudyante ang lumabas sa establisyimentong iyon. Limang lalaking nasa edad na labing lima at nakasuot pa ng puting uniporme sa eskwelang pinapasukan.
Masayang nag tatawanan ang mga ito habang bitbit ang mga supot ng snack na binili sa loob. Magugulo ang mga ito at nagkukwentuhan sa daan .
Ilang sandali pa at makakasalubong na namin sila ay bigla akong nagulat sa ginawa ng isa sa kanila .
" Paki tapon nga indyo " Sambit ng estudyante .
Sa hindi inaasahang pag kakataon ay tinapunan ng isang estudyante ng iniinom nitong juice kay Alfredo . Tumama ito sa dibdib nito at kumalat sa damit nito.
Hindi ako makapaniwala at ang mas malala pa ay tila walang paki elam ang mga estudyante at nagpatuloy lang sa paglalakad na parang walang nangyari .
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasigawan ang mga ito. Hindi ko alam kung bakit parang walang balak umapela si Alfredo at nakatayo lang pero hindi ko yun kayang tiisin.
" Hoy , bakit nyo yun ginawa ? !! " Sigaw ko sa mga ito .
Napahinto ang mga ito at napatigil sa tawanan nilang magbabarkada. Napalingon sila saakin at tila nagtataka sa ikinilos kong pagpigil sa kanila .
" Bakit anong problema indyo " Tanong nito habang tila ipinapakita ang isang bracelet na suot nya sa kanang braso .
~ Ang Gintong bracelet na iyon ay isang katunayan na mula ka sa mayamang pamilya . ~
Hindi ko maunawaan kung bakit nya itinuturo ang bracelet na kanyang suot pero matapang kong sinabi na kailangan na humingi sila ng tawad kay Alfredo dahil sa ginawa nila dito .
Nagtaka ang mga ito sa narinig nila saakin at biglang nagtawanan, Hindi ko alam kong may nasabi akong mali para pagtawanan nila pero inulit ko sa kanila ang mga nais kong sabihin .
Sa muli kong pagpilit sa kanila na humingi ng tawad ay tila napikon ang isa sa kanila at nagbago ang tono nang pagsasalita na tila naninindak.
" Seryoso ka ba indyo sa sinasabi mo ? Gusto mo akong humingi ng tawad sa mga utusan na gaya nyo ? " Sambit nito .
Nagulat ako at nagtaka sa mga nasambit nya, hindi ko maisip kong bakit nya tinawag na utusan kaming dalawa ni Alfredo.
" Hindi ako katulong, Isa akong mag gugulay ." Sambit ko sa mga ito .
Pero sa nasambit kong yun ay lalo silang nagtawanan , hindi ko alam kung may mga dahilan ang tawanan nila o sadyang gusto lang nila akong pagkatuwaan.
" Bobo , ang indyo ay indyo kaya pare pareho lang kayo " Sambit nito .
Dahil sa narinig ko ay hindi ko maiwasan na sagutin sila, hindi ko gustong makipag away pero alam kong nasa panig kami ng tama at normal lang na ipaglaban ko iyon .
" Hindi ko alam kung ano ang problema mo tungkol saamin pero normal lang na humingi ng tawad sa oras na gumawa ka ng mali " Sagot ni Erik sa mga ito.
Gaya ng nauna nilang reaksyon ay hindi nila ikinatuwa ang pagiging matapang ko. Nagpatunog ng kamao ang estudyante at nagbabanta saamin para turuan kami ng leksyon para magtanda at kumilala ng dapat igalang .
Hindi ko gusto maki pag away at ang tangi ko lang gustong mangyari ay humingi sila ng tawad bilang pag respeto pero mukhang hindi iyon ganun kasimple para sa kanila .
Handa na silang umatake saamin pero bago pa sila makalapit ay humarang na si Alfredo saakin at lumuhod sa mga ito. Nakakagulat ang biglaan nyang pag luhod at pagmamakaawa sa mga estudyante .
Lalo akong naguluhan at hindi makapagsalita sa mga nangyayari, ang mga estudyanteng iyon ang nagkamali kaya bakit kailangan na tayo pa ang humingi ng tawad sa kanila ?
Hindi na ako pinagsalita ni Alfredo at nagpaliwanag sa mga ito na isa akong taga probinsya na walang alam sa kalakaran sa syudad. Hindi ko alam pero hinihingian nya ang mga ito ng pasensya para saakin na tila ba mali ang inasal kong pagtatagol sa kanya .
Ilang saglit pa ay naglalakad na paalis ang mga ito. Iritable ang mga mukha nila at nagbibitaw pa ng mga nakakainsultong salita bago tuluyang lumisan .
Pakiramdam ko napahiya kami para sa wala. Hindi yun makatarungan, hindi ko ito matatangap pero ayoko ng magsalita dahil narin sa paki usap ni Alfredo .
" Ipapahamak ka ng kamangmangan mo sa mga bagay bagay " Biglang sambit nito sabay naglakad paalis .
Tahimik at mahinahon na dinampot ni Alfredo ang lalagyan ng juice sa lapag at naglakad paalis na tila ba nag hahanap ito ng basurahan para itapon ang hawak. Sinundan ko ito at sinasabihan pero parang wala itong naririnig na dumederetso lang.
Hindi ko maintindihan kong bakit hindi nya prinotektahan ang sarili nya nang inaapi sya at ang masama ay nagawa nya pang humingi ng tawad sa mga ito. Nais kong malaman , Ano bang nangyayari sa syudad na ito ?
Sa kakulitan ko sa pagtatanong sa kanya ay bigla itong huminto sa paglalakad at may winika saakin. Mga katagang labis na nagpagulo sa aking isipan .
" Simple lang ang sagot Erik, Dahil tayo ay mga Indyo at sila ay mga kastila " Sambit nito habang hindi makatingin saakin ng deretso .
Bakas ang kahihiyan sa mukha ni Alfredo habang binabangit ang mga salitang iyon . Indyo ? Ano ba ang ibigsabihin nun at bakit ito ang tawag saamin ng mga kastila ?
" Huh ? "
Ang tanging naitugon ko na lang dito ay ang pagtataka sa mga nasambit nya .
~End of Chapter ~