CHAPTER FOURTEEN
" Sugo ng diwata ng Ifugao "
Sa pagpalatuloy , Naiipit sa hindi magandang sitwasyon si Erik dahil sa kanya biglaang pag bagsak sa mismong battlefield at pumagitna sa dalawa na kasalukuyang nasa kasagsagan ng mainit na labanan .
Hindi nya malaman kung anong gagawin sa mga oras na iyon at nakakaramdam ng pagkasindak sa mga nakakatakot na tingin ng mga ito sa kanya na tila nababaling ang galit nila dito .
Tumayo na lang sya bigla at yumuko sa mga ito at humingi ng pasenya sa biglaang pag sulpot at pag gambala sa kanila. Pero habang nakayuko ay maiisip nya bigla sa sarili na hindi sya dapat humihingi ng tawad sa dalawa at dapat gawin ang misyon nya na kanyang ipinunta sa lugar na iyon.
" Sino ka namang payaso ka ?" Sambit ni Slasher .
" Isang Sugo ng mga diwata , Kung ganun tumawag ka pa pala ng ibang Daga para labanan ako. " Dagdag nito.
Dahil sa presensya at anyo ay agad na naghinala ang heneral sa katauhan nito bilang isa sa mga rebelde na lumalaban sa mga kastila.
" Huh? S-sa-sandali hindi mister " Natatarantang sambit ni Erik.
Dahil naman sa narinig na pagtanggi nito bilang kalaban ng mga Kastila ay agad na naghinala si Tayog sa kanyang sadya sa Lugar na iyon.
" Kung ganun kakampi ka ng mga kastila " Pasigaw na Sambit ni Tayog .
Agad nya rin naman na itinangi ito kay Tayog at nagpapanik na nagpapaliwanag na hindi sya nandoon para sa mga kastila at wala syang kaugnayan sa mga ito.
" Kung ganun anong ginagawa mo dito ? Hindi nababagay sa lugar na ito ang babaeng kagaya mo " Sambit ni Tayog.
Biglang natahimik si Erik sa narinig nya nang tawagin syang babae ni Tayog at biglang nanahimik . Wala syang ideya sa narinig kay Tayog pero hindi nya maiwasan maguluhan ng maisambit ang kalokohan na iyon sa isang seryosong sitwasyon.
Napakamot na lang sya sa ulo ng mga sandaling iyon at hindi nagtagal ay biglang nagtaka sa nararamdaman nyang pagbabago sa katawan kagaya na lamang ng mahawakan nya ang mga mahahabang buhok sa ulo na tinatangay ng hangin sa mga oras na iyon .
Hinawakan nya ng dalawang kamay ang ulo at dito nakita ang ibang kulay ng mga buhok.
Sa mga sandaling iyon ay nagsimula na syang magpanik sa tila pagbabago ng kanyang anyo nang hindi nya nalalaman.
Lumingon lingo ito at humanap sya ng salamin sa paligid para mapatunayan ang hinala tungkol sa kanyang pagbabago .
Aligaga syang tumakbo sa parking lot at dumeretso sa nakaparadang kotse.
Dito ay sumilip sya sa salamin ng bintana nito at napagmasdan ang sarili.
" Ang diwata, hindi, ako ito. Pe-pe-pe-pero... Impossible"
Napasigaw na lang sya at napahakbang paatras dahil sa pagkabigla .
Napagtanto nya sa sarili na kasama nyang nakuha ang anyo ng diwata pagkatapos nya tanggapin ang kapangyarihan nito.
" Hindi maaari !! Isa na akong babae !!! " Sigaw nito habang unti unting lumuluhod na tila nanlulumo sa nangyari .
Habang ngumangawa si Erik kaharap ng salamin ng kotse ay hindi malaman ng dalawa ang magiging reaction nila .
" Hoy baliw na babae, kung hindi ka kakampi ng isang ito at hindi padala ng gobyerno ay pwede ba lumayas ka dito. Nakakagulo ka sa amin . " Sigaw ni Slasher .
" Tama, Dahil hindi ko kargo ang mangyayari sayo kapag nadamay ka sa pagtapos ko sa isang ito " Sambit ni Tayog.
Muling nag iinit ang usapan nila at patuloy na naglalabas ng presensyang malabuhawi . Sa pagkakataon na iyon ay naglakad ang dalawa palapit sa isat isa para umatake sana pero hindi yun hinayaan ni Erik .
Alam ni Erik na hindi maganda kung magpa Patuloy ang labanan nila at kinakailangan nyang himukin ang mga ito na ihinto ang walang says ay na pag aaklas.
Biglang tumayo si Erik sa pagkakaluhod at nagmadaling humarang sa kanila para pigilan ang mga ito sa pakikipaglaban sa isat isa at dito ay natataranta syang nakiki usap na itigil ang labanan .
" Hindi nyo ba nakikita na winawasak nyo ang lugar na ito sa ginagawa nyong paglalaban? " Matapang na sambit nito.
" Ano bang sinasabi mo? Sino ka ba at ano ang totoong pakay mo dito. " Sambit ni Tayog .
" Ako ito Alfredo , Si erik , yung mag gugulay na kasama mo kanina, mahabang kwento pero isa akong sugo ng mga diwata gaya mo. "
Wala syang nagawa kundi mag pakilala kay Alfredo upang pakalmahin ito at umasa sya na makikinig ito sa ano mang sabihin nya kung sakaling makilala sya nito.
" Erik ? Isa kang babae erik? " Pagtataka nito .
" huh ? Hi-hindi , lalaki ako pero nasa anyong babae. " Pagpapaliwanag nito.
" Kung ganun isa kang transgender ? "
"huh? Ewan.. Basta bigla na lang akong naging babae" Tugon ni Erik dahil hindi nya maunawaan ang lengwaheng dayuhan.
"lalaki ka na nagpalit sa pagiging babae " Sambit ni Tayog.
Natahimik saglit si Erik sa pinunto na iyon ni Tayog at napaisip .
Hindi nya ito naiintindihan kaya upang maunawaan ni Tayog ang lahat ay dali dali syang nagpapaliwanag sa mga nangyari .
Mabilis nyang isinalaysay ang tungkol sa pagbabago ng katawan nya dahil sa pag tanggap nya sa kapangyarihan ng diwata . Kahit na kulang kulang ang paliwanag nito ay madali naman napagdugtong dugong ni Tayog ang mga ito at nkakuha ang sitwasyon ni Erik bilang sugo ng Ifugao.
" Magandang balita yan kung ganun tulungan mo akong tapusin ang mga kastila at tuluyang mapalaya ang bayan ." Sambit ni Tayog
Alam ni Erik ang gustong mangyari ng kaibigan sa kanyang pag himok muli na sumama sa kanya .
Gaya noon ay hindi nya ito kayang sabihan at matanggihan alang alang sa nagawa nitong mabuti sa kanya pero dahil sa mga ipinangako nya sa kanyang diwata ay may pag aalinlangan na sa kanyang loob na manahimik na lang at sumunod sa gusto ng kaibigan ..
Biglang napahinto sa pagsasalita si Erik at humakbang paatras palayo kay Tayog . Bakas sa malungkot na mukha nya ang hinanakit sa sinasabi ng kaibigan sa kanya tungkol sa pag patay sa mga tao.
Dito ay umiling sya bilang ipakita ang hindi pagsang ayon kasabay ang paghingi ng patawad sa kaibigan.
" Pasensya na Alfredo pero hindi ako nandito para tulungan ka, dahil nandito ako upang pigilan ang ginagawa mo . " Malungkot na sambit nito habang nakatingin kay tayog .
Nagulat si tayog na tila naguguluhan sa gustong gawin ni Erik sa tinataglay nyang kapangyarihan .
Ang alam ni Alfredo ay isang kapanalig si Erik at sumasang ayon sa adhikain ng siklaon bilang pilipino pero iba ang lumalabas sa bibig nito ngayon na salungat sa kagustuhan nya .
Muli nya itong tinanong kung bakit sya nagbago ng isip at agad na pinagbintangan ito na pumapanig sa mga kastila .
Ayaw ng binata na masamain ng kaibigan ang pag tanggi nya kaya agad naman pinabulaanan ni Erik ang binatang nito na pumapanig sya sa mga kastilang kalaban ng siklaon at pinilit na ang tanging dahilan nya para pigilan ang kaibigan ay dahil sa baluktot nitong mga paraan at maling ginagawa nitong pag aaklas sa bayan gamit ang pagpaslang sa mga kastila .
Hindi maiwasan ni Tayog na magalit sa mga naririnig kay Erik at pinilit dito na tama ang kanyang mga paninindigan na kailangan mamatay ang mga pamang abusong mga kastila na umalipin sa mga pilipino.
" Maraming taon ang tiniis ng mga mamamayan ng bayan na ito sa pang aabuso ng mga kastila . Ilang pilipino na ang nalubog sa utang dahil sa buwis na kinukuha nila .
Ilang anak na ang naulila at nagugutom na alipin sa ilalim ng kanilang mga bahay ,mga kabataan ang nasasadlak sa kahihiyan dahil sa kanilang pagyurak sa pagkatao ng mga ito .
Mga babaeng napag samantalahan at ilang buhay na ang nasira dahil sa mga taong nais mo ngayong protektahan ."
Galit nitong sambit.
Hindi na napigilan sumigaw ni Tayog para I paliwanag sa kaibigan nya na hindi nararapat na kaawaan ang mga kastilang namatay sa bayan. Hindi nya itinuturing itong krimen kundi isang paghahatol.
" Pero hindi na makatao ang ginagawa mo , hindi mo ba nakikita ang sarili mo ? " Sigaw ni Erik dito .
" Tama ka marahil hindi makatao ang ginagawa ko ngayon sa kanila pero ang ginagawa ko ngayon ay isa lang kabayaran sa mga kasalanan nila , Isang paghahatol at patas kabayaran " Sigaw na sagot nito .
Napalakad paatras si Erik dahil sa nakakatakot na reaksyon sa mukha ni Tayog habang tila wala na sa katinuan nito. Malinaw sa Isip nya na may punto ang kaibigan at maaaring dapat pumanig na lang sya dito bilang kapwa pilipino na nakikisimpatya sa mga kababayan nyang nagdusa, nagdurusa at magdurusa pa.
Gayumpaman, hindi nya kayang tanggapin na sa isang masamang paraan nya makukuha ang katarungan na bumawi sa daan daang buhay ng mga tao kaya naman nag lakas loob itong nag salita sa harap ng kaibigan.
" Hindi mo pwedeng sabihin yan Alfredo , wala kang karapatan para kunin ang mga buhay nila at singilin ang ito bilang pagpaparusa . " Sambit nito.
Alam ni Tayog na hindi na nakikita ni Erik ang tama sa kanyang pinag lalaban dahil sa pagiging bagito nito at mababa ang loob. Malayo ang pinag daanan nya sa binata kaya naman nauunawaan nito na hindi sya kayang maunawaan nito.
" Tumigil ka !! Karapatan ? Dahil ba isa lang akong hamak na pilipino? Sino ang magsasabi kung sino ang may karapatan na magparusa sa mga nagkasala at kumitil ng buhay ?
Ang batas?
Ang batas na ginawa ng mga kastila ?? " Dagdag nito.
Galit na galit na sinasambit nito ang hindi patas na tingin ng batas para sa mga pilipino at ang karapatan pangtao na dapat natatanggap nila ay isa lang ilusyon na kailan man ay hindi makakamit ng mga pilipino hanggat namumuno sa bansa ang mga kastila .
Napapailing na lang si Erik habang walang masabi at mabigkas na mga salita sa kanyang bibig.
Alam ni Erik na sarado na ang isip nito dahil sa nararamdamang galit at hindi na nito gustong makipag usap .
Wala syang ibang bukang bibig kundi ang pag ubos sa mga kastila at makapag higanti na lamang .
" Kaya umalis ka dyan , dahil kung makiki elam ka sa hangarin ng Siklaon ay ituturing kitang kalaban at kasamang dudurugin ," Galit na sambit nito habang naglalabas ng matinding awra .
Tinatangay ng hangin ang buhok ni Erik dulot ng pagpapakawala ng napakalakas na awra ni Tayog na ngayon ay palapit sa kanya .
Habang Naglalakad pasulong si Tayog ay biglang yumuko si Erik at nililingon ang ulo na palatandaan na hindi ito sumasang ayon sa nasambit ng kaibigan.
" Naiintindihan kita at ayokong labanan ka alang alang sa napagsamahan natin at sa boung Siklaon " Nakayukong Sambit ni Erik na nanghihinayang para sa nawalang katinuan ng kaibigan .
" Pero alam ko na kailangan kong pigilan ka at iligtas , Tayog " Dagdag nito.
Lumitaw ang isang pulang pamaypay na may puting panyong nakasabit sa dulo. Habang pabagsak ito ay agad na sinalo ito ni Erik at pumorma ng pag atake kay Tayog .
Hindi kagaya ng takot na takot at maamong mukha ni Erik kanina ay puno ito ng tapang at determinasyon.
" Pagsisisihan mo ang pagtalikod mo saakin " Sambit ni Tayog at nagsimulang lumusob.
Umatake si Tayog sa kanya at umamba ng suntok. Dito ay nagawang salagin ni Erik ang kamao nito.
Alam ni erik na may proteksyon sya bilang Sugo pero naramdaman nya lakas ang suntok na iyon at bahagyang mapaatras .
Malaki ang katawan ni Tayog at dahil sa bigat nito ay mabagal ang pagkilos nito kumpara kay Erik na balingkinitan at magaan sa bagong katawan nya.
Nagkaroon sya ng pag kakataon makalapit kay Tayog at boung lakas na sumuntok sa kahoy na tyan nito . Gayumpaman ay tila nadurog ang buto sa kamay nya sa ginawa nyang pagsuntok sa tila kahoy nitong katawan at iniinda ito .
" Ahh! Aray ko, pambihira ! Ang tigas ng katawan mo " Sambit nito habang naglalakad paatras.
Hinihipan hipan nya ang kamay at nagmamaktol sa kanyang kalaban. Hindi ganun kalakas ang katawan ni Erik kahit na napasakamay nya ang kapangyarihan ng diwata .
Hindi kasi lahat ng Sugo ay may parehong lakas at abilidad na palakasin ang pisikal na kakayahan nila.
" Hangal ! Hindi mo ako magagawang paminsalaan kung pisikal na lakas lang ang gagamitin mo !! "
Humaba ang braso ni Tayog na tila baging para hawiin si Erik upang gantihan ang binata.
Hindi naman na naiwasan ito ng binata hanggang sa tinamaan na nang pag atake. Sa lakas ng pag suntok nito ay tumalsik sya na tila magaan na bagay at sumalpok sa isang kotse sa gilid ng gusali .
" Kung seryoso kang pigilan ako ay gamitin mo ang abilidad mo para atakehin ako ." Sambit nito.
Muling bumangon si Erik at sinubukan sundin ang nasambit ni Tayog tungkol sa pambihirang abilidad na meron ang mga sugo.
Sinubukan nyang magkonsentreyt at itinaas ang mga braso para tumira ng fireball o ano pa mang enerhiya pero walang lumalabas sa kanyang mga kamay na kahit ano pwedeng magamit na panlaban .
" Bakit wala akong maramdaman na kahit ano sa katawang ito ? Ano ba ang kapangyarihan ng diwata? " Pagtatanong nito .
Habang nag iisip sya at nagtataka sa hindi paglalabas ng enerhiya ng kanyang katawan ay biglang sumalubong muli ang mga kamao ni Tayog at tumama sa kanya.
Dito ay muli syang humampas sa kotse at kasama nya ng tumalsik sa daan hanggang sa gumulong gulong na sila sa kalye .
Nagulat na lang si Erik ng makaramdam ng matinding pagkirot ng ulo at namimilipit sa sakit ng katawan.
Napapaisip sya kung bakit hindi na sya pinapangalagaan ng proteksyon ng diwata na taglay nya .
" Hindi maganda ito , napaka sakit nang nararamdaman ko sa mga braso ko, hindi ito kagaya ng nasambit ng diwata. " Bulong nito.
Naalala nya ang binulong ng Diwata nya tungkol sa dagdag na enerhiya na mangangalaga sa kanyang katawan sa mga pinsalang pwedeng matangap sa pagkakataon ng panganib .
Sinabi iyon ng diwata para huminahon ito dahil sa mahuhulog sya mula sa mataas na lugar .
Pinipilit nyang kumilos at bumangon sa kinatatayuan pero bigla syang hinawakan sa binti ng humabang braso ni Tayog at muling inihampas sa mga kotse sa parking lot .
Walang pagdadalawang isip itong umatake sa kaibigan para bigyan ito ng leksyon at matapos ng pag bato nya rito ay inuutusan nya itong umalis na lang sa lugar.
" Talagang bagito ka lang Erik, mabuti pa umalis ka na dito kung nais mo pang mabuhay."
Pinagbantaan nya ang kaibigan na papatayin kung muling tatayo at makiki elam sa laban na nagaganap .
Ilang sandali pa ay pinutol ni Slasher ang kanilang pag uusap ni Erik at pinapahinto ang pakikipag laro sa ibang tao.
" Oi, Oi pwede ba tigilan nyo na yang pag lalaro nyo."
Nasambit ng heneral na ayaw nito na nauudlot ang kanyang pakikipaglaro .
Inaya ulit ni Slasher na ipagpatuloy at tapusin na ang laban nila upang makapagpahinga na ito na tila patuloy na minamaliit si Tayog.
" Hindi mo na kailangan mag antay pa dahil ako na mismo ang mag aabala para makuha ang gusto mong pamamahinga, Habang buhay !! " Sigaw nito habang nag lalabas ng napakalakas na awra
" Sige indyo , Ipakita mo kung anong kaya ng daga na kagaya mo ! " Sagot nito habang nagpapakawala rin ng nag aalab na awra .
Walang pag aalinlangan na sumugod ang dalawa sa isat isa at nag mano mano sa gitna ng daan.
Nagsimula ulit sila magbakbakan at magkipagsabayan sa isat isa. Lalong tumindi ang kanilang pag papalitan ng atake na halos sumisira na sa paligid nila.
Habang nagaganap ang kanilang labanan ay kasalukuyang nakaipit si Erik sa nayuping bahagi ng kotse na pinaghampasan sa kanya.
Hindi sya makakilos dito dahil sa makapal na bakal ng kotse.
" Hindi ko alam kung bakit wala akong enerhiyang magamit sa katawan na ito . "
" Aray ko, natangal na ata ang backbone ko " pamimilipit nito.
Habang pinipilit umalis ni Erik sa pagkakaipit sa nayuping sasakyan ay biglang gumalabog ang kotseng ito . Dito ay napansin nya ang pagdating ng isang tao na tumakip sa liwanag ng araw sa labas.
Sumilip sa loob ang isang babae at walang emosyong ang mukha na kinakamusta ang lagay nya.
Ang babaeng ito ay ang misteryosang babaeng nakasama nya sa kampo ng Siklaon. Nagulat si Erik sa biglaan nitong pagsulpot ulit sa tila multo .
May hawak nitong patpat mula sa isang puno na nang galing pa sa kagubatan na pinangalingan nila .
" I-ik-ikaw ! T-Tama, Ikaw nga ". Pasigaw nitong sambit
Bigla nyang mahinang inihampas ang hawak nyang patpat sa ulo ni Erik para tumigil ito sa pag sasalita.
" Anong ginagawa mo ? Akala ko ba pipigilan mo sya? Bakit nakahiga ka lang dyan ? " Pagtatanong ng babae.
~ Erik PoV .
Eto nanaman ang misteryosang babaeng laging sumusulpot mula sa kawalan na tila multo at ngayon tinatanong nya ako na tila nagtataka saaking ginagawa.
Pero bakit nga ba ako nandito at ngayon ay naiipit sa yupi yuping kotse? Hindi ba para pigilan si alfredo? Tinatanong nya ako na tila hindi ko ginagawa ang pinunta ko dito pero sinubukan ko naman ah.
Tama, Sinubukan ko syang pigilan pero mukhang talagang desidido na sya sa kanyang balak at mga paninindigan na parusahan ang mga kastila kaya ano pa ang pwede kong gawin?
Ano pa ba ang magagawa ko para iligtas sya .
Hindi ko kayang kumbinsihin sya at magbigay ng dahilan para makinig sya dahil sa totoo lang ay may rason syang gawin iyon.
May dahilan sya upang magpakasama at magpatuloy sa maling ginagawa.
Sa gitna ng aking pagsasalita ay biglang umupo ang babaeng ito sa kotse at tumingala sa langit na tila nagpapahinga lang ito.
Papapansin mo sa kanya na kalmado sya at hindi alintana ang nangyayaring labanan sa paligid nya na tila balewala lang sa kanya ang sitwasyon namin.
" Alam mo minsan hindi mahalaga ang opinyon ng inililigtas lalo na kung hindi naman sya nanghihingi ng tulong para iligtas sya ng iba . " sambit nito.
" Ang kaibigan mo ay handa ng mamatay at mawala sa mundo kasama ng mga kasalanan na gagawin nya , Desidido na syang maging diablo para sa iisang layunin . "
" Ang gumanti ."
Napayuko ako habang inuunawa ang mga sinasabi nito saakin at alam ko humahanap lang ako ng pagdadahilan para tumigil na gayumpaman tila may bumabagabag saaking kalooban at may bumubulong sa Isip ko na dapat may gawin ako sa mga bagay na ito.
Nauunawaan ko ang kanyang gustong sabihin at napag tanto na hindi ko kailangan pakingan si Alfredo sa mga baluktot nitong mga paniniwala .
Naroon ako para pigilan syang maging diablo at iligtas sya na makagawa pa ng mas malaking kasalanan alang alang sa mga tao .
" Pero paano ko yun gagawin ? sinubukan ko syang pigilan pero wala akong laban sa kanya "
" Hindi ko maunawaan pero wala akong maramdamang kapangyarihan sa katawan na ito ." Sambit ni Erik .
Sa pagkakataon na iyon ay lumingon sya saakin at tinanong kung ano ang sinabi ng diwata saakin sa oras na makipaglaban ako sa kanila.
Dito ay pinaalala nya na kahit anong gawin ko ay hindi ako mananalo sa kanila sa isang laban ng mag isa dahil ang kapangyarihan ng diwata ay hindi tugma sa pakikipaglaban sa mga kaaway .
" Ang kapangyarihan mo ay hindi pwedeng gamitin sa pakikipaglaban para sa sariling layunin.
Madali kang mamamatay sa laban kung hindi ka hihingi ng tulong sa mga tao "
" Teka anong ibig mong sabihin? kung totoo nga yan eh bakit mo pinapakuha saakin ang kapangyarihan ng diwata para iligtas si Alfredo ? "
Nagdahilan ito na hindi sya ang may gustong mailigtas si Alfredo kundi ako at wala syang ibang ginawa kundi tulungan lang akong makamit ito sa aking diwata.
" Tumugon ako nang nanghihingi ka ng pagkakataon na magligtas ng mga tao . Ngayon meron ka ng pagkakataon at may magagawa ka na para magligtas ng buhay, nasaiyo na ito kung itutuloy mo pa ito o hindi ." pagrarason ng babae.
" Pero hindi ko sya ka..... " Pagdadahilan ko pero bigla nya itong pinutol nang hinampas nya ako sa ulo ng isang patpat na hawak nya.
" Maaaring nabigo ka sa unang pagkakataon, may posibilidad na maulit ito sa pangalawang pag kakataon at hindi magtagumpay sa ikatlong pagkakataon .
Ang kabiguan ay isa lang parte ng sitwasyon na nangangahulugan na may sinubukan kang makuha.
Mabigo ka man sa bagay na iyon ay hindi maaalis ang katotohanan na nais mo itong makuha . "
Wala syang awat sa pag sa salita at hindi nag aalinlangan na barahin ako, gayumpaman. seryuso man ang pinag uusapan namin pero mababakas sa mukha nya ang pagka Bagot habang humihikab lang sa harap ko na tila ang tamlay nito habang hinahampas ang patpat na hawak sa kotse.
" Ang ibig kong sabihin hindi dahilan ang pag kabigo para magbago ang isip mo sa mga bagay na gusto mo at napagdesisyunan mong makamit .Tama ba,
Batang sugo ? "
Naliwanagan ako at unti unting napagtanto ang gusto nyang sabihin saakin . Siguro nga nanghihina ang loob ko ngayon na sumubok muli dahil sa kabiguan ko.
Hindi ko kayang lumaban sa kanila at walang tyansang manalo pagdating sa pakikipaglaban pero alam ko sa sarili ko na gusto kong iligtas parin sila at hindi yun nagbabago hanggang sa ngayon .
Tama, Hindi ako pwedeng tumigil dahil lang sa kabiguan ko. Kailangan ko syang iligtas at may pagkakataon pa ako para gawin yun dahil hindi pa huli ang lahat.
Sa ngayon kailangan ko na lang ng tulong para magawa ito kaya naman naisip kong humingi ng tulong sa babaeng kaharap ko.
" Paki usap tulungan mo ako , Gusto kong sumubok ulit sa pangalawang pagkakataon."
" Gagawin ko ang lahat para iligtas sila. " Matapang na sambit ko dito .
Sandaling tumahimik ang lugar sa hindi nya pagtugon sa mga sinabi ko na parang hindi ito narinig at nanatiling nakatingin lang saakin habang naka upo sa harapan ko .
Dito ay unting unti sya ngumiti saakin . Tama, nawala ang nakasimangot nyang mukha at nakangiti habang kaharap ako pero hindi ito isang nakakahalinang ngiti ng isang babae na natutuwa kundi isang ngiti na tila may binabalak na masama .
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga nakikita ko dahil pakiramdam ko mali ang hinihingan ko ng tulong sa mga oras na ito .
" Walang problema , Tutulungan kita " Sambit nito habang naka evil smile .
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko at napapangiwi na lang sa harap nya .
Wala akong magagawa kundi humingi ng tulong sa kanya at magtiwala sa bawat sabihin nya dahil simula't sapol ay sya lang ang pwede kong asahan. Tama , kailangan ko magtiwala kahit na masama ang kutob ko sa binabalak nya .
Muli nyang hinampas ang ulo ko ng patpat na hawak at tumayo sa kinauupuan nya .
" Handa ka na ba batang Sugo ? "
~End of Chapter.