CHAPTER SEVENTEEN

" Ang Adhikain at Paniniwala "  

 

Sa pagpapatuloy , Pagkatapos magpakawala ng napakalakas na atake ni Erik laban kay Tayog na nagdulot ngayon ng pinsala sa kaibigan na halos bumura sa braso nito at magbigay ng malubhang pinsala .

Dahan dahang lumalapit si Erik sa nakaluhod na kaibigan habang ito ay nasa gitna ng mga Nagkalat na kahoy .

" Alfredo. " Sambit ni Erik habang nanginginig sa takot.

Erik's PoV .

Hindi ko inaasahan na aabot sa lahat ang ganito , kalunoslunos ang itsura ng kaibigan ko dahil sa ginawa ko kailan man hindi ko ninais na mapatay si Alfredo dahil ang tanging gusto ko lang naman ay magligtas ang bawat isa .

" Lumayo ka !!! " Galit nitong sigaw

Mababakas sa mukha nya ang galit nya sa akin at kahit humingi ako ng tawad sa kanya ay parang balewala na sa kanya .

Pinalalayo nya ako habang tila sinisisi sa mga nangyari pagkabigo nya at wala akong magawa kundi mapailing dahil kahit itanggi ko sa sarili ay hindi nito maaalis ang katotohanan na nabigo sya dahil saakin .

Nabalewala ang pagsasakripisyo ng Siklaon dahil sa mga pinaglalaban ko kahit pa pabalikbaliktarin ko ang mga salita ay hindi nito mabubura ang katotohanan na nauwi sa wala ang buhay ng mga kaibigan ko sa siklaon.

" Kung hindi mo ako pinipigilan ay hindi ito mangyayari, Kung hindi mo ako nilabanan ay nagawa ko na ang hangarin ng Siklaon ." Sambit nito.

" Pero mali ito , paki usap makinig ka naman saakin Alfredo " Sambit ni Erik.

Galit na galit syang patuloy akong sinisisi at itinuturing na traydor sa lahi ng mga pilipino . Naririnig ko ang nakapanlulumong tono ng boses nya habang binabangit ang mga pangalan ng mga kasamahan nya sa siklaon na inaalala nya .

Puno ng paghihinagpis at poot ang boses nya na dumudurog sa puso ko na tila ba may  mali akong ginawa sa mga pinaglalaban ko.

Hindi ko na kaya pa itong marinig mula sa kanya dahil nasasaktan ang kalooban ko sa tuwing naiisip ko ang mga taong minsan nakilala ko at nakasama ay biglaang namatay dahil lang sa pag aaklas na nangyari .

" Lahat sila ay nagsakripisyo para sa wala... Lahat sila ay nag alay ng kanilang buhay para sa laban na ito...pero.. heto ka at pinipigilan ito . "

" Ano bang nagawa naming masama sayo ? Bakit kailangan mong sirain ang kaisa isang pangarap namin ." Pag tatanong ni Tayog.



  " Hindi ko gusto na ... " Sambit ni Erik pero pinutol agad ito ni Tayog bago pa matapos ang kanyang sasabihin.

" Pero ginawa mo !! ikaw !! ikaw ang pumatay sa kanila !! " Sigaw nito kay Erik.

Nagulat na lamang ako ng marinig mula sa mga bibig ni Alfredo ang mga salitang iyon. Totoo na sinira ko ang pag aaklas ng Siklaon at kung tutuusin maikukumpara ako sa mga kastila na pumipigil sa kanila .

Unti unti kong tinaas ang ulo ko para sana humingi ulit ng tawad kay alfredo pero bigla kong nakita ang pagluha nito habang nanlilisik na nakatingin saakin . Dahil doon ay hindi ko na nabuksan ang mga bibig ko at mapailing na lamang .

Hindi ko kayang harapin pa sya, ano nga ba ang na gawa ko? Alam kong tama ang ginawa ko at nag tagumpay ako pero bakit parang hindi ito ang gusto kong makuha.

Alam ko sa sarili ko na mabuti ang hangarin ko na pigilan sya pero hindi iyon nagiging makatwiran para sa sitwasyon ni Alfredo .

Ano ba ang pwede kong gawin para muli itong maging maayos kagaya ng dati ?

  Sa tingin ko impusible na at kailangan kong maging matatag para maituwid ang kaibigan kong naliligaw ng landas .

 

~ End of PoV.

" Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo kaming talikuran at traydurin. Naging mabuti ang Siklaon sayo at tinuring kang kaisa namin pero sa kabila nun mas pinili mong protektahan ang mga kastila na umabuso saamin. "

" Tumigil ka na Alfredo !! " Sigaw ni Erik para patahimikin ito.

Sa pagkakataon na iyon ay hinawi nya ang braso nya at galit na kinukwesyon ang mga ginawa ni Alfredo, Dito ay sinambit nya ang lahat ng sakripisyo ng mga kasama nito ay nawalan ng saysay dahil sa mga aksyon ni tayog . " Hindi ang mga kastila ang pumatay sa mga kasama mo.

Hindi ako ang dahilan kung bakit nawala ang Siklaon kundi ikaw mismo. Alfredo ikaw ang pumatay sa kanila " Sambit ni Erik .

Nagulat si Tayog ng isisi sa kanya ng kaibigan ang pagkawala ng mga kasama nya dahil sa paghihiganting hinahangad nya at sa pagdedesisyon na gawing sakripisyo ang mga ito para sa kanyang planong pag aaklas .

" Tumigil ka! Ginawa ko ang mga bagay na iyon dahil sa hangarin ng Siklaon " Sigaw nito.

" Hindi Alfredo , Hindi mo yun ginawa para sa Siklaon , Ginawa mo yun para sa sarili mong kagustuhan na gumanti para sa mga magulang mo ." Sagot nito.

Galit na galit na hinampas ni Tayog ang lapag at pinasisinungalingan ang mga bintang ni erik na tila sinasabi nito na ginamit nya ang buhay ng mga kasama nya para lang sa sarili .

Alam ni tayog sa sarili na ginusto nyang palayain ang mga pilipino na inaabuso ng mga kastila at mabawi ang Urdaneta pero gayumpaman ay naging matatag ang binata na magpatuloy sa adhikain na iyon dahil sa nakikita nyang posibilidad na makapaghiganti sa gobernador heneral balang araw .

" Wala kang karapatan para sabihin yan , ginawa ko ito para sa kapakanan ng mga pilipino !! " Galit na dagdag nito.

" Hindi totoo yan Alfredo . Pagmasdan mo ang paligid mo at ang gusaling ninais mong wasakin..... Alfredo..   

..... Ang ilan doon ay mga pilipino " Malungkot na sambit nito habang itinuturo ang mga bangay na nakahandusay sa lapag.

Natulala si Afredo ng makita ang mga pilipinong nakahandusay sa kalye. Madaling makilala ito dahil sa mga kulay ng balat at kasuotan ng mga ito. Dito ay naalala ang ginawa nyang pagkuha sa mga tao sa loob ng gusali gamit ang mga baging at itapon palabas ng gusali.

Dito napagtanto nya na hindi sya nag isip kung may madadamay syang mga pilipino sa ginagawa nya siguro dahil desperado na syang maubos ang mga kastila na nagtatago sa gusali o sadyang wala sa isip nyang mag alangan kung may pilipinong madadamay .

Alam nya sa sarili na hindi nya sinubukan na alamin pa kung pilipino o kastila ang inaatake nya ng mga oras na iyon dahil sa sitwasyon nila at sa nakikitang abot kamay na tagumpay .

" Kung totoong ang hangarin ng Siklaon ang iyong dahilan para lumaban ay wala sana ang mga kaawa awang mga tao na yan na nakahandusay sa paligid natin at kung totoong may malasakit ka sa kanilang hinaharap ay sana hanggang ngayon ay buhay pa sila .

Alfredo hindi ang mga kastila ang pumatay sa mga pilipinong iyon ..... Hindi sila.... 

 

kundi ikaw " Sambit nito.

  Nanginginig na tinitignan ni Tayog ang kamay nya at unting unti napagtatanto ang mga nangyari na tila taliwas sa totoong adhikain ng Siklaon.

Hindi makapaniwala ito sa kanyang nagawa dahil sa nabulag sya ng nararamdamang galit at kasamaan.

Halos mabaliw syang inihahampas ang kamay sa lapag habang sumisigaw .

" Hindi ! hindi totoo yan !! sinungaling!!! alam ko na ginawa ko ito para magtagumpay ang siklaon ." Galit na sagot nito na tila nagdadahilan .

" Para ito sa Urdaneta. Tama, Alam ko na ginagawa ko ito para sa mga pilipino. Oo, Ito ay isang pagsasakripisyo . "

Sa pagkakataon na iyon ay muli nyang binanggit na ang mga pilipinong namatay ay isa lamang maliit na sakripisyo para sa dakilang layunin na mapalaya ang bayan gaya ng ginawa ng mga kasamahan nya sa Siklaon .

Habang naririnig ito sa tila nahihibang na kabigan ay agad na lumapit si Erik at naglakad papunta rito .

" Lahat sila ay mga bayaning naghahangad ng kalayaan para sa kanilang bayan , alam ko na gugustuhin nilang mapalaya ang bayan nila laban sa pang aabuso ng mga kastila at magsasakripisyo para sa hangarin na yun kagaya ng siklaon. Tama , kagaya ko . " pagdadahilan ni alfredo

  " Alfredo " Sabat ni Erik habang naglalakad .

  " Alam ko na nagtitiis sila sa hindi makatarungang na pagtrato ng mga kastila , inaabuso at pinahihirapan kaya gugustuhin nila na ma ..... " Sambit nito pero bago pa ito matapos sa pagsasalita ay pigilan na ito ni Erik.



Habang nagsasalita ito ay mababakas ang pagkadesperado sa mukha nya na magdahilan na lang para balukturin ang pagkakasala at depensahan ang sarili upang ipilit na hindi sya nagkamali sa mga hakbang na nagawa .

Dito ay lumapit si Erik sa harapan nya at bigla syang Sinampal .

Isang napakalakas na pagkakasampal ang nagpatahimik kay Tayog sa pagsasalita galing sa kaibigang si Erik na kanyang ikinagulat .

" Tama na Alfredo , Paki usap " Malungkot na sambit ni Erik.

" Siguro nga ang mga pilipinong yan ay nakaranas ng pang aabuso sa mga kastila pero gayumpaman ay hindi sila gaya mo na dinadaan sa dahas ang lahat .

Hindi lahat ng tao ay kayang ipagpalit ang buhay nila para sumama sa mga rebelde at lumaban. Pinili ng mga taong ito na mabuhay sa bayan at magtiis alang alang sa mga pamilya nila dito sa bayan." Sambit ni Erik.



  " Tama !! iyon ang dahilan kaya gusto ko silang palayain ! maaatim mo ba na hayaan sila nagtitiis at nag durusa sa kamay ng mga dayuhan ? " Galit na sabat ni Tayog .

" Pero anong silbi ng kalayaan na gusto mong makuha kung patay na ang mga pag aalayan ng mga hangarin na iyon.

Gusto mong palayain ang mga pilipino mo sa mga kastilang nag alis sa kanilang karapatan pero hindi mo naisip na dahil sa ginawa mong pagsasakripisyo sa buhay nila para sa hangarin na iyon ay tila tinatangalan mo rin sila ng karapatan sa mga buhay nila "

Napahinto si Tayog sa mga narinig at napagtanto ang mga kamalian sa pag dedesisyon para sa mga ito. Ang hindi nya pagsabi sa mga kasama nya ng mga plano nya tungkol sa pagsasakripisyo ng mga buhay ng mga myembro ng Siklaon para maging power source ng mga halimaw na puno ay katumbas ng pag didikta sa kanilang buhay na tila pagmamay ari nya ito at ang pag bale wala sa mga madadamay na pilipino na itinuturing nyang mga sakripisyo para sa ikatatagumpay ng plano ay mas masahol pa sa pagturing sa mga ito na kagamitan at kasangkapan .

Hindi sya naging makatarungan nang gamitin nya ang mga ito at dumikta sa mga buhay ng mga pilipino ito ay kagaya ng mga kastilang nag aalis sa mga ito ng karapatan sa mga bagay bagay sa buhay ng mga pilipino .

  " Hindi, hindi ganun yun .... hindi ko gustong mangyari iyon..... Ayokong mangyari ang mga bagay na iyon sa kanila . " Umiiyak na sambit nito habang unti unting nag sisisi sa nagawa.

Wala syang magawa kundi mapatulala habang nanlumo at tila nanghina ang katawan hanggang sa unti unting na syang bumabagsak sa lupa. Sa mga sandaling iyon ay sinalo ni Erik ang katawan nya at niyakap .

Sa pagkakataon na iyon ay mahigpit syang niyayakap ni Erik para damayan sya habang ito ay umiiyak.

Wala syang ibang nasabi dito at hinihimas na lamang ang likuran nito upang mapagaan ang loob nito siguro dahil alam nya na ang desperado nitong mga hakbang ay bunga lang ng galit para sa mga naranasang masasamang bagay sa buhay .

Naaawa sya sa miserableng kalagayan nito na sa gitna ng ilang taong pakikibaka at pagtitiis ay nauwi lang sa wala at trahedya ang lahat .

Gumugulo sa isip ni Erik na hindi kasalanan ni Alfredo na mapunta sa ganung ka miserableng sitwasyon ang buhay nito. Para sa kanya isang mabuting tao ang kaibigan na nagkaroon ng kaawa awang kapalaran na nauwi ngayon sa trahedya .

" Patawarin nyo ako mga kasama. Patawad .... Patawad ...Nagkamali ako " Umiiyak nitong mga sambit .



" Mapapatawad ka nila Alfredo, Magagawa nila iyon kung kaya mong patawarin ang mga nagkakasala sayo at ituwid ang mga nagawa mong pagkakamali " Sambit ni Erik.

Tuluyang Naglaho ang Itim na Awra na nilalabas ni Alfredo dahil sa kanyang pagsuko sa mga oras na iyon . Tinangap nya sa sarili ang pagkatalo at pinauubaya na sa kaibigan ang lahat ng mangyayari.

Sa gitna ng kanilang dalamhati at pagsisisi sa mga nangyari ay hindi nila naramdaman ang dahandahan paglapit ng isang tao sa kanilang kinalalagyan .

Hindi nila napansin ang pagbangon ni Heneral Slasher mula sa kinahihigaan nito at unti unting lumapit sa kanila hawak ang isang Espada.

" Hahahaha , Napakasarap pagmasdan ang mga daga na kapwa nagpapatayan , pero ano nga ba ang saysay ng mga buhay nila .

Kasamaan man maituturing ang pag gamit ng buhay ng iba para sa sariling kapakanan ay wala namang problema doon ang mahalaga ay nagtagumpay ka. " Sambit nito .

Gulpi sarado ang itsura nito at punit punit ang kasuotan dahil narin sa ginawang pag gulpi sa kanya ni Tayog sa laban nila. Sa sandaling iyon ay Naglabas ng napakalakas na awra ito na unti unting nagpapabalik sa kanyang Metal armor sa katawan .

Nagulat na lamang sila Tayog sa muling pagbangon nito na inakala nilang tuluyan ng namatay kanina at sa pagpapakawala nito ng matinding awra sa gitna ng kanyang kalagayan .

" Kailangan mong maging matalino sa mundong ito , Ang tanging nagtatagumpay lang sa huli ay ang mga taong handang gawin ang lahat para sa kanilang ninanais kahit na magsakripisyo pa sila ng ibang buhay ." Sambit nito.

Umilaw ang kanyang armor dahil sa mga enerhiyang nakapalibot dito na unti unting gumagapang sa braso papunta sa magkabilang mga kamay nito. Dito ay nabubuo ang dalawang dambuhalang sibat na gawa sa daan daang nag kukumpulang mga talim ng espada .

Agad na tumayo si Erik at hinawakan ang pulang espada upang humarang sa harap ni tayog at protektahan ito .

" Tapos na ang labang ito , Hindi na natin kailangan maglaban pa ." Sambit ni Erik .

"Tumigil ka indyo !! " Sigaw nito kay Erik .

Galit na galit itong sinasambit ang kanyang katayuan bilang mataas na tao at hindi nya matangap ang pagkatalo sa laban. Pinilit nito na kailangan maparusahan ang mga rebeldeng lumalaban sa gobyerno kabilang na si Erik .

Alam ng heneral ang kayang gawin ni Erik at dahil sa malapit na syang maubusan ng enerhiya ay naisip nyang maaaring matalo sya dito sa laban kung hindi makaka isip ng paraan .

Sa pagkakataon na yun ay nakita nya ang mga tao sa gusali kung saan naroon ang mga taong pinoprotektahan ni Erik kaya naman naisip nyang gawing mga pain ito laban sa Sugo .

" Ang sabi mo gusto mong maging bayani at iligtas ang mga tao kahit na sila ay mga kastila? Kung ganun patunayan natin yan ."

Itinutok nya ang isang dambuhalang Sibat sa dereksyon ng mga tao sa gusali. Binanggit nya ang mga binabalak nya sa binata na pag atake sa mga tao at hinahamon si Erik na pigilan sya patayin ang mga ito kasabay ang pag protekta sa kaibigan .

" Hindi , Hindi mo pwedeng gawin yan sa mga kababayan mo " Sambit ni Erik .

" Hahaha , ang mga taong yan ay isa lang pain na keso para palabasin ang mga dagang kagaya nyo at tungkulin ng mga pain ay mamatay para mahuli ang mga gaya nyong lumalaban sa pamumuno ng espanya !! " Natatawang sigaw ni Slasher.



" Hindi ako makapaniwala na magagawa mong pumatay ng mga inosenteng tao para lang magtagumpay , tahasan mong nilalabag ang batas na pinaglilingkuran mo . " sambit ni Erik.  

 

" Ano bang sinasabi mo? Pwede ko naman palabasin na ang mga taong yan ay pinatay ng mga rebelde. Tama, ganun ang malalaman ng mga tao at paniniwalaan dahil ako mismo ang batas . " Sambit ni Slasher na binabalak na iset up sila para maipasa ang krimen sa mga rebelde.

Gustohin man nya na pigilan ang binabalak ni Slasher na pag atake sa mga tao sa gusali ay nag aalinlangan syang umalis sa kinatatayuan dahil nakatutok din ang isa pang dambuhalang Sibat na balak din ihagis ni Slaher papunta naman sa dereksyon nila Tayog .

" Subukan natin kung ano ang mas matimbang sayo magiting na bayani. Ang buhay ng kasamahan mo o ang tungkulin mong maging tagapagligtas ng mga tao? hahahaha. " Sambit nito habang tumatawa na tila diablo.

Nahihirapan magdesisyon si Erik sa pagpapapili sa kanya ng heneral , Alam nya na hindi nya kayang iligtas ang mga ito ng sabay kahit na muli nyang gamitin ang mighty faith sa dereksyon ni Slasher .

" Ngayon munting bayani sabihin mo saakin kung kaninong buhay ang isasakripisyo mo para magtagumpay sa iyong layuning kilalanin bilang bayani ng mga tao , hahahahaha sino ang dapat mamatay at sino ang dapat mabuhay "

Napapahawak na lang ng mahigpit si Erik sa kanyang espada at napapailing habang napapapikit sa galit dahil sa sitwasyon nya .

Hindi makapagdesisyon ang binata sa gagawin nya sa mga sandaling iyon. Para sa kanya ay wala syang karapatan mamili sa sino ang ililigtas o kahit talikuran ang isa sa mga naroon upang may mailigtas na iba pero alam nya sa sarili na kailangan nyang magdesisyon dahil na wala syang maililigtas kung hindi sya kikilos sa kinatatayuan nya at gagawa ng aksyon .



" Anong gagawin ko ? Anong dapat piliin ko ? "

~End of Chapter.
Alabngapoy Creator