CHAPTER TWENTY
" Ang Pagsisimula ng Alamat "
Sa isang syudad sa luzon , Isang normal na araw sa kasalukuyang panahon at habang abala ang mga tao sa mga kanya kanya nilang mga gawain at hanap buhay para sa araw na iyon .
Walang nakaka pansin na may krimen na nagaganap sa loob ng isang establishimento .
Ang gusali na ito ay isang maliit na bangko na kung saan nagawang patumbahin ng mga kriminal ang mga gwardyang nagbabantay dito at kasalukuyang pinagnanakawan ang loob ng bangko .
Nakatakip ang mga Salamin na nagsisilbing pader nito kaya hindi nakikita ng mga nagdadaang tao at motorista mula sa labas ang mga nangyayari sa loob nito.
Walang awa na sinasaktan ng tatlo armadong kalalakihan ang mga naroon upang pakilosin ng mabilis sa pag kolekta ng pera .
Walang nagtatangkang pumalag sa mga naroon maging ang mga tauhan ng bangko at nanatili lang na nakadapa sa lapag .
Takot na takot ang mga ito at nagmamakaawa para sa mga buhay nila . Sa sandaling yun ay inabot ng isang lalaki ang mga bag ng pera na nanggaling sa vault ng bangko .
Dali dali naman hinamblot ito ng isa sa mga magnanakaw at pinabuhat sa mga kasamahan nya .
Sa pagkakataon na iyon ay sinipa nya ang lalaking tauhan ng bangko dahilan para mapatumba ito sa lapag at walang habas na binaril kahit na hindi naman ito nanlalaban sa kanila .
Dito ay nagsimula ng magpanik ang mga tao at napuno ng hiyawan ang lugar .
Sound proof ang lugar kaya hindi rin maririnig ng mga tao sa labas ang kaguluhan na nagaganap sa loob nito.
Nairita ang mga magnanakaw sa pag iingay ng mga taong nasa loob at biglang pinaputukan sa ulo ang isang babae na humihiyaw upang maging halimbawa nila sa mga ito kung itutuloy ang pag iingay .
Sa pagkakataon na iyon ay walang nagawa ang mga takot na takot na mga tao kundi takpan ang mga bibig ng mga kasamahan nilang ngumangawa dahil sa takot .
Dahil sa matagumpay na pangongolekta ng mga bag ng pera ay nagdesisyon ang mga ito na umalis na para tumakas sa lugar pero habang tumatakbo ang mga ito palabas ay hindi sinasadyang matalisod nang paa ng babaeng teller ng bangko ang paa ng isa sa mga magnanakaw .
Naasar ito sa nangyaring pagkapatid na inaalala nyang sinadya nito at tinutukan ng baril ang dalaga . Takot na takot na nagmakaawa ang dalagang ito para sa buhay nya habang pinapaliwanag ang kamaliang nagawa pero hindi yun pinakingan ng lalaking iyon at binaril ito .
Humandusay ito sa lapag at unti unting kumalat ang dugo .
Sa mga oras din yun ay may kung anong bagay ang bumagsak sa itaas ng gusali na mula sa ere .
Mula rito ay naglalakad si Erik na nasa anyo ng kanyang diwata papunta sa dulo ng gusaling iyon.
Lumugay ang puting buhok nya dahil sa kalakasan ng hangin sa taas at dito ay napapabuntong hininga habang pinag mamasdan ang gusali ng bangko kung saan kasalukuyang nagaganap ang krimen sa loob nito.
Wala syang takot na tumalon mula sa itaas ng 4th floor na gusali na iyon pabagsak sa kalye . Saktong paglabas ng tatlong magnanakaw sa pinto ng bangko ay ang pag bagsak ni Ifugao sa harap nila .
Nagulat ang mga ito sa biglaang pag sulpot ng isang babae sa harap nila taglay ang asul na enerhiya na nakabalot sa katawan nito .
"Teka, ikaw ba yung tinatawag nilang Bayani na si Ifugao?"
" Napaka aga pa, sinisira nyo na ang araw ko, kayo ang mga kanser sa lipunan na ito na dapat mawala.." Sambit nito habang nakayuko.
Wala silang nagawa kundi mapahinto sa pagtakas at mataranta .
Sa sandaling ito yun ay agad syang tinutukan ng baril at pinagbantaan na tutuluyan kung makiki elam sa pagtalas nila .
Hindi yun kinibo ni Ifugao at walang takot na tumayo sa kinaluluhuran .
Sa mga sandaling iyon ay hindi na nagdalawang isip pa ang isa sa mga magnanakaw ng hindi sila pakinggan nito at walang habas na binaril si Ifugao sa kanyang ulo .
Napaatras at napailing ito dahil narin sa pwersa ng pagtama ng bala sa kanyang noo pero gayumpaman ay nanatili itong nakatayo at walang imik .
Nagtaka ang tatlo sa hindi pagbagsak sa lupa ng babae sa ginawa nilang pagbaril . Ilang saglit pa at muling humarap sa kanila si Ifugao at walang kibong itinaas ang noo habang nakatitig sa kanila .
Napansin ng mga ito na walang sugat sa ulo na natamo ang babae na labis nilang ikinabahala .
Dahil sa pagkataranta ay muli nila itong pinaputukan pero imbis na iwasan ay sinalo ng kamay ni Ifugao ang pangalawang bala .
" Imposible , anong klaseng demonyo ka " Sigaw nito .
Sa pagkakataon na iyon ay nagtulong ang tatlo na paputukan si Ifugao ng mga baril na hawak hanggang sa maubusan sila ng bala .
Napapaatras man nang paglakad si Ifugao sa bawat pagtama ng bala sa kanyang katawan ay nananatili parin itong nakatayo .
Hindi sila tumigil sa pabaril sa dalaga hanggang tuluyan na silang maubusan ng bala sa mga baril na gamit .
Laking takot nila ng napansin nila na hindi tumatalab ang mga bala na kanilang pinutok at hindi man lang ito nagkaroon ng sugar o galos sa katawan .
Sa pagkakataon na iyon ay napangiti si Ifugao sa harap nila na labis naman kinasindak ng tatlo.
Binitiwan ng tatlo ang mga baril na hawak at binunot ang mga dalang patalim sa likuran. Sa pagkakataon na iyon ay bumwelo si Ifugao at akmang paatake .
Kahit na kinakabahan ang mga ito sa pambihirang nilalang na humaharang sa kanilang daraanan ay wala silang pagpipilian kundi lumaban dito upang hindi mahuli ng awtoridad.
" Wala kayong karapatang kumitil ng buhay at kumuha ng pagmamay ari ng ibang tao . "
Isang malakidlat na bilis ang ginawa nito nang suntukin nya ang isa sa mga ito dahilan para agad na tumalsik ito at mawalan ng malay .
Dahil sa ginawa nya ay nagkalat ang pera sa daan dahil narin sa pagkakatilapon ng bag na dala ng lalaking humandusay .
Nabigla ang dalawang kasama nito sa nangyari sa kanilang kasamahan at dahil sa pagkataranta ay naitawan nila ang mga hawak na patalim sabay karipas ng takbo .
" Babatsi pa kayo ah, akala nyo ba patatakasin ko kayo?"
Nagmadali silang pumasok sa isang pulang sasakyan na gagamitin sana nila sa pagtakas .
Nagawa ng driver nito na paandarin ito at mapasa kay ang iba nyang kasama, nang makapagmaneho ay sinubukan nilang sagasaan si Ifugao na kasaluyang nasa harap nila .
Sa sandaling iyon itinaas ni Ifugao ang hawak na pamaypay at hinawi pababa . Dito ay nagliwanag ito at unti unting humahaba at komorteng sibat na may hugis bilog na karit sa dulo .
Walang takot ang mga mata ng dalaga kahit na nakikita nya ang pagharurot ng kotseng babanga sa kanyang harapan .
Sa mga sandaling iyon itinukod nya ang sibat upang maging pwersa sa pagtalon .
"oppss.."
Sa kanyang pag tambling ay nagawa nyang maiwasan ang kotse na patama sa kanya . Nagulat man at nagtaka ang nagmamaneho ay hindi nya na inaksayang balikan pa si Ifugao at dumeretsong pinaandar ang sasakyan upang makatakas .
Hindi makikitaan ng pagkabahala si Ifugao kahit na nakikita nyang humaharurot patakas ang mga ito.
Agad nyang itinapat ang sibat nya sa kalye at biglang nagliwanag ito. Dito ay unting unti nagbago ang anyo nito papunta sa isang pulang baril na espada .
Ito rin ang kaparehas na espada na ginamit nya noon sa laban nila sa Urdaneta . Habang nakatutok ang mga ito sa tumatakbong kotse ay kinalabit nya ang gatilyo nito at naglabas ng nagliliwanag na enerhiyang nagsilbing mga bala nito .
Sa pag putok ng baril nito ay dumeretso ang bala nito sa mga gulong ng kotse na syang bumutas sa mga ito . Dito ay nawala ng balanse ang sasakyan at bumanga sa poste .
Ligtas ang mga sakay nito pero nawalan ng malay ang drayber dahil narin sa impact ng pagsalpok .
Dito ay mahilo hilong lumalabas ng sasakyan ang isa nilang kasamahan at kahit na sugatan dahil sa pagbangga ng sinasakyan ay nagawa parin nitong tumakbo para lang makatakas sa lugar at hindi mahuli .
Habang natumatakbo ito ay sya namang bwelo ng pagbato ni Ifugao . Dito ay muling umilaw ang espadang hawak nya at unti unting nagbago papunta sa dalawang stick ng arnis .
Sa pagkakataon na iyon ay ibinato ni Ifugao ang isa sa mga stick ng Arnis na dumeretso sa tumatakbong lalaki at sa halos tatlumpung metrong layo ng magnanakaw sa kanyang kinatatayuan ay nagawa nyang masapol ito sa ulo nito.
Dito ay gumulong sa kalye ang lalaki at nawalan ng malay .
" yeah, bulls eye!"
Laking tuwa ni Ifugao sa kanyang nagawa at pinupuri ang sariling kahusayan sa pagbato .
" Hindi ko alam na pwede rin palang ipang hagis ang Arnis sa pakikipaglaban " Sambit nya habang nakapamewang .
Ilang minuto pa sa parehong syudad parin ay nagkakagulo sa harap ng isang istasyon ng pulis ang mga tao . Natataranta ang mga nakaunipormeng pulis habang dumaraan sa harap nila si Ifugao papasok ng gusali ng istayon .
Dito ay hila hila ng dalaga ang mga magnanakaw habang nakatali ang mga ito ng itim na latigo .
Walang takot na tumuloy si Ifugao sa presinto kahit na napapaligiran sya ng mga kastilang pulis .
Dito ay dumeretso sya sa lamesa at kinausap ang nagbabantay doon .
" Delivery po Sir " Sambit nito habang nakangiti.
Hindi makapagsalita ang mga naroon dahil sa pagkabigla sa pagdating ng dalaga sa kanilang istasyon para magdala ng mga nahuling kriminal .
Dito ay nakita nya ang wanted poster nya sa pader at napakamot na lang sa ulo .
Dahil sa ginawa nyang pagpigil noon sa Gobernador heneral ng Pangasinan ay itinuring syang kriminal ng gobyerno at ipinag utos ang mabilisang pag huli sa kanya .
Pero kahit na nasa wanted list ito ay walang nagtangkang humuli sa mga pulis na naroon sa gusaling iyon . Hindi natinag si Ifugao sa mga nakaraang pang huhuli sa kanya ng kapulisan dahil narin sa hindi sya tinatablan ng mga bala ng baril at ano pang uri ng pag atake.
" Sandali Sir , hindi ako nandito para mangulo at lalong hindi para mag pahuli , gusto ko lang maka tulong sa mga tao sa lungsod nyo . "
Hindi malaman ng hepe ng istasyon kung ano ang gagawin nyang desisyon gayung nasa harap nya ngayon ang isang kriminal na pinadadakip ng gobyerno .
" Ayoko ng gulo , dinala ko lang ang mga ito sa istasyon nyo tapos aalis na ako "
Dahan dahan na humakbang paaalis si Ifugao sa istasyon at
nakangiting kumakaway sa hepe .
" Alam mo kahit ipadakip kita sa mga tauhan ko ay wala naman kaming laban sa gaya mo kaya mabuti pa umalis ka na lang . "
Natuwa si Ifugao sa narinig at nagpasalamat dito .
Dito ay muli nyang sinambit na hindi sya kalaban ng mga tao at wala syang ibang nais kundi ang kapayapaan at kaligtasan ng lahat .
" Wag kayong mag alala dahil hangat nasa tamang katwiran ang batas ay kasama ko kayong pangangalagaan , maging Pilipino man o Kastila . Sambit nito habang naka ok sign sa hepe.
Pagtapos nito ay nagmadali na syang tumakbo palabas ng gusali at gaya ng inaasahan ay walang sino man ang pumigil sa kanya na maka alis . Dito ay boung lakas syang tumalon at nakatungtong sa bubong ng isang bahay para doon tumakbo paalis ng lugar .
Agad na kumilos ang mga pulis na nasa loob para ikulong ang tatlo at hinayaan na lang ang mga naganap .
Lumipas ang ilang oras pa ay tumigil si Ifugao sa itaas ng isang gusali . Nasa rooftop ito ng 4th floor at pinagmamasdan ang paligid mula roon .
~Eric Pov .
Sa gitna ng aking patatahimik sa lugar na iyon ay may taong biglang lumitaw at nagsalita sa gilid nya . Lumitaw ang diwata sa tabi ko ng walang ano mang kaluskos na tila isang multong sumulpot na lang .
" Ano ang iniisip mo ? "
Agad na tanong nito saakin dahil nakikita nya na tila na nalulumbay ako at nag iisip ng malalim habang pinagmamasdan ang kapaligiran .
Dito ay nasabi ko na muli akong nabigong makapagligtas, ito yung nahuli akong makarating sa lugar dahilan para hindi ko magawang isalba ang buhay ng mga tao sa loob ng bangko sa naganap na pagnanakaw .
Masama ang loob ko sa sarili ko dahil kahit may kakayahan akong mapigilan ito ay hindi ko nagawa . Nakakahiya na tawaging bayani ang sarili kung hindi ko naman ito nagagampanan ng maayos .
Sa pagkakataon na iyon tila hindi nakikisimpatya ang diwata sa mga sinasabi ko at imbis na damayan ako ay hinampas nya ako ng patpat na hawak nya sa aking ulo.
"
Teka naman para saan naman yun . " pag angil ko.
" Wala lang , gusto ko lang patigilin ka sa mga pag iinarte mo " Sagot nito.
" Isa kang bayani at hindi isang diyos wala kang kakayahan na baguhin ang lahat ayun sa gusto mo dahil ang tanging magagawa mo lang ay iwasan mauwi sa trahedya ang isang alanganin sitwasyon . "
Dito ay muli nyang sinabi na wala akong kasalanan sa kamatayan ng tao gayung hindi naman ako ang may dahilan ng kanilang pagkamatay .
Napakadaling sabihin pero parang ang hirap tanggapin sa kalooban ko dahil sa tuwing iniisip ko na hindi na muling makakatawa at makakapagsaya ang mga taong iyon kagaya nang dati ay nanlulumo ako at lalong nakokonsensya .
" Kung ganun bakit hindi ka na lang din mamatay para damayan sila " Sambit saakin ng diwata .
Napangiti ako sa narinig ko sa kanya dahil nakaka biro pa sya sa gitna ng pagka Seryoso ko tungkol sa bagay na iyon.
" Hindi yata magandang biro yan "
" ohh.... Sandali... May maganda akong ideya, bakit kaya hindi nalang kita hampasin ng hawak ko sa bawat mamamatay na tao sa bansang ito dahil sa mga krimen ? "
" Kung iniisip mong kasalanan ng bawat bayani ng bansang ito ang hindi pagtatagumpay na makapagligtas ng tao ay dapat lang tumanggap ka ng parusa . "
Hindi ko maintindihan kung nagbibiro ang diwata sa mga nasabi nya pero bago pa ako makapagdahilan ay bigla na nya akong hinampas sa ulo.
Hindi ko yun napaghandaan kaya talagang ininda ko yun . Maykakaibang mahika na taglay ang diwatang kasama ko dahil sa hindi malamang kadahilanan ay hindi ako pinangangalagaan ng enerhiya ng kalikasan tuwing sasaktan nya ako kaya ganun na lamang ang nararamdaman ko.
Mas masakit pa ang hampas nya nang sampung beses kesa sa mga balang tumatama sa akin.
Nagsimula akong mamaktol pero muli nya akong hinampas at dahil daw iyon sa pagkamatay ng mga tao sa mga sandali na iyon .
Hindi ko alam kung nagbibiro sya pero sinasabi nyang may namatay na tao sa mga oras na iyon dahil sa isang krimen at dahil nabigo akong iligtas ang tao na iyon ay kailangan kong maparusahan .
" tama na po paki usap , magkakabukol na ako nyan "
" Bago ka maging bayani dapat malaman mo at tanggapin ang realidad ng mundong ito , Walang perpekto sa mundong ito maging ang mga diwata ay walang kakayahan na baguhin ang lahat sa nais nila, hindi mo kayang iligtas ang lahat ng tao sa bansang ito "
Napayuko ako sa mga oras na iyon dahil alam ko naman ang bagay na iyon at siguro nasa pagtanggap ko na ito bilang tao dahil masyado akong nag aasam ng maraming tagumpay na makapagligtas .
Tila ba ang taas ng inaasahan ko sa kakayahan ko . Mali , siguro gusto ko lang talagang maging karapatdat sa paningin ng ibang tao bilang tagapag ligtas .
Kayabangan man masasabi pero gusto kong maging perpektong bayani na aasahan ng mga tao .
" Pwes , kung ganun nga yun ay ako na ang magsasabi sayong mabibigo ka kaya mabuti pa itigil mo na ang kakaisip sa mga walang kwentang bagay at sumunod na lang sa bawat sasabihin ng diwata mo , maliwanag? "
Muli nya akong hinampas ng Patpat at wala na akong nagawa kundi sumang ayon sa kanyang sinasabi .
" Ah .. Eh .. Pero naisip ko lang bigla na hindi naman kayo talaga ang diwata ko na dapat sinusunod "
"
Hindi problema yun dahil may ilang daang taon pang matutulog ang diwata ng Ifugao at hindi nya na malalaman kung anong ginawa mo sa ngayon ako muna ang paglilingkuran mo . "
" Sandali , Iba yun sa pinag usapan natin "
Habang nagrereklamo ako ay muli nya akong hinampas para patigilin sa pag sasalita. Napalakad ako paatras sa ginawa nya at nagtangkang muling magreklamo para ipilit na hindi ko pwedeng ipagpalit si Ada sid alwa sa ibang diwata pero imbis na makinig ay muli nya akong hinampas .
Sa muli nyang pag hampas ng patpat ay nagawa kong makaiwas .
" Aba , ayaw mong tumangap ng parusa . "
Hindi tumigil ang diwata sa paghampas saakin kaya naman wala akong nagawa kundi umiwas at nagsimulang tumakbo palayo sa kanya .
" Sa tingin mo talaga matatakasan mo ang diwatang gaya ko ? Tuturuan kita ng leksyon kung paano rumespeto . " sambit nito habang muling nakangiti na tila may balak na masama .
Nagsimula akong habulin ng diwata sa boung lugar na iyon at sa totoo lang hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa kong pagtakbo sa kanya dahil tama naman ang mga sinasabi ko pero hindi yun pinakikingan nito at ang masama pa mukhang nag eenjoy sya sa ginagawa nyang pag habol saakin na tila naglalaro.
Habang tumatakbo at tumatalon ako sa itaas ng mga gusali ay napalingon ako sa ibaba at nakita ang mga tao nasa isang parke .
Mga taong magkakasamang nagsasaya at nag tatawanan, mga mag ina , magkapatid , magkakaibigan at magkasintahan .
Napagtanto ko sa mga oras na iyon ang mga dahilan kung bakit nais kong makapagligtas. Nais kong iiwas sila sa trahedya at madilim na kapalaran ng mga tao kagaya ng nangyari sa aking kaibigan na si Alfredo .
Hindi man ako maging perpektong bayani ay gagampanan ko ang tungkulin ko upang protektahan ang katahimikan at kaligtasan ng mga taong gaya nila .
Mangyayari lang iyon kung mapagkakaisa ko ang bawat tao sa bansang ito maging mga pilipino na nagiging mga rebelde para sa mga kastila o mga kastilang umaapak sa mga pilipino .
" Ipinapangako ko , Magtatagumpay akong pagkaisahin ang lahat at mabuo ang bagong bansa ng pilipinas . "
End of Chapter
And 1st Ark