CHAPTER TWELVE
" Ang pagiging bayani "
Habang nagaganap ang pag atake ng Siklaon sa bayan ay kasalukuyang nasa isang hardin si Erik kausap ang isang diwatang tagapangalaga .
Sa muli nilang pagkikita ay hindi makapaniwala si Erik sa itsura ng misteryosang babae na nasusulyapan nya lang sa panaginip .
Patuloy syang nabibighani sa ganda nito at namamangha sa nararamdaman nya sa kanyang dibdib dahil sa presensya ng diwata .
Gayumapan ay bigla syang nagtaka at naguluhan nang biglang sambitin ng kanyang diwata ang mga katagang .
" Ah . Eh ... Bakit ka nga pala nandito ? "
Hindi malinaw kay Erik ang pagtatanong na iyon ng diwata na tila hindi inaasahan nito na makita sya sa lugar na iyon .
" Alam nyo kasi maraming nangyari at mahabang istorya basta ang alam ko lang may ginawang kakaiba yung misteryosang babae saakin tapos sa isang iglap ay napunta na ako dito . "sambit ng binata.
" huh ? Misteryosang babae ? "
Agad na pinaliwanag ni Erik ang lahat kasama na ang tungkol sa kaguluhan sa bayan at ang plinano ni Alfredo. Nasambit nya rin na tinulungan sya ng misteryosang babae na isa ring diwata ng kalikasan para magkausap sila upang makuha nya ang kapangyarihang tutulong sa kanya para iligtas ang kaibigan nya .
" Paki usap , Kailangan kong iligtas si Alfredo, kailangan ko ng kapangyarihan nyo. " Pakikiusap ni Erik dito .
Humakbang palapit ang kanyang diwata at sinambit na
" Ah .. Alam mo nauunawaan ko naman ang iyong sinasabi at sitwasyon ng iyong kaibigan pero mukhang malabong matulungan kita . "
Nagulat si Erik sa narinig na pagtanggi ng diwata kanyang hiling at patuloy na naki usap dito sa kanyang hinihingi ng tulong .
Pinilit nya ang sinabi nito na sya ang sugo ng diwata kaya maaari nya matanggap ito alang alang sa mga pilipino . Wala syang ideya kung ang ginagawa nya ay kalapastanganan sa isang diwata ngunit sa mga oras na iyon ay desperado na syang makuha ang tulong ng diwata.
" Alam mo kasi may tatlong dahilan kaya ko nasabing hindi kita matutulungan sa problema mo. Una ay dahil wala ka pa sa tamang edad para matangap ang kapangyarihan ko , kaya nga nagtataka ako kung bakit nandito ka na agad gayung hindi pa kita tinatawag ."
Napahawak na lang ito sa ulo at patuloy na nag iisip ng pwedeng maging dahilan upang ipadala ang kanyang batang sugo ng isang misteryosang diwata na tila pinakiki-elaman ang mga alintuntunin at kondisyon nya bilang isang tagapangalaga ng probinsya.
" Pangalawa , Ang tungkulin ng isang Sugo ay pangalagaan ang lupain ng Ifugao pero wala akong nararamdamang panganib ngayon sa Ifugao . Hindi rin natin pwedeng paki elaman ang problema ng ibang lupain .
" Pangatlo , Hindi ko alam kung makakatulong ang ibibigay ko sayong kapangyarihan para iligtas ang kaibigan mo dahil wala ka sa lupain ng ifugao, Hindi ganun kalakas ang kapanyarihan ko para humarap sa ibang kalaban kaya pasensya na aking sugo . "
Agad na umapila si Erik sa kanyang diwata na muli syang pakinggan at intindihin ang kanyang sitwasyon pero wala itong naging tugon kundi ang pag iling ng ulo para ipakita ang hindi pang sang ayon sa hiling ng binata.
~Erik PoV .
Tila nanlumo ako at nadismaya sa narinig na yun mula sa aking diwata . Kahit na anong sabihin ko ay hindi sya pumapayag na ibigay ang kapangyarihan nya dahil ayaw nya na mamatay ako dahil lang sa kapakanan ng ibang lupain .
" Napaka iresponsable kong diwata kung ibibigay ko sayo ang kapangyarihan ko at hayaan kang mamatay sa laban . " Sambit nito .
Tinanong ko rito kung ano ang kailangan ko para ibigay nya ito. Desperado na akong makuha ito dahil kung hindi ko makukuha ito ay mamamatay si Alfredo sa laban at ang mga tao sa boung Urdaneta .
Muli nyang sinambit na wala akong pwedeng gawin kundi hintayin ang pagsapit ng aking ika labing walong kaarawan at mag hintay na manganib ang probinsya ng Ifugao.
Kahit na alam nito na nanganganib na ang mga tao sa ibang lugar ay mas pinahahalagahan nya ang mga tao sa probinsyang sakop ng kanyang pangangalaga .
Hindi ko maintindihan pero dapat ko bang ikagalit ang pagbabale wala ng aking diwata sa buhay ng kaibigan ko at ng mga tao gayung wala syang responsibilidad para sa kanila? At kung tutuusin maging ako rin bilang Sugo ng Ifugao .
" Mahirap pumili ng tagapagmana bilang hahaliling sugo ng diwata kaya kung mamamatay ka ay mag aantay ulit akong may isilang na karapatdapat sa angkan nyo . Mas komplikado kung sakaling mamatay ka at biglang magkaproblema sa Ifugao at wala pang pwedeng pumalit sayo bilang Sugong tagapangalaga."
" Anong gusto mong gawin ko sa sitwasyon na iyon? " .
Natahimik ang lugar habang naglalakad paiikot ang diwata sa aking paligid at nagpapaliwanag sa mga kondisyon ng kahilingan ko.
Napagtanto ko na may punto ang diwata kung bakit hindi nya pwedeng ibigay ang kapangyarihan nya para lang sa kapakanan ng ibang lupain.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pumunta ako doon para makuha ang kapangyarihan ng diwata upang matulungan si Alfredo pero hindi naging matagumpay iyon.
Anong saysay ng aking pagpupursige na matulungan ang ibang tao kung tatalikuran ko ang totoong misyon ko bilang isang Sugo ng Diwata ng Ifugao .
Napayuko ako dahil sa pagkadismaya at alam Kong naramdaman ng diwata ang aking kalungkutan sa mga oras na iyon kaya naman inalo nya ako gamit ang pag hawak sa ulo ko at binigkas na
"Tandaan mo isa kang sugo ng Diwata ng Ifugao at higit ano pa man ay kapakanan mo lang ang aking inaalala sa pasya kong tanggihan ang hinihiling mo."
Kalokohan nga siguro iyon. Kukunin ko ang kapangyarihan na nakalaan para sa kaligtasan ng mga tao sa Ifugao upang mamatay para sa kapakanan ng ibang probinsya .
Napayuko na lang ako at puno ng pagkadismaya sa sarili. Sa sandaling iyon ay naramdaman ng diwata ang kawalan ko ng pag asa at pagkadismaya sa sariling kakayahan na hindi man lang matulungan ang kaibigan sa gitna ng panganib.
Bigla syang humawak saakin habang ako ay nalulumbay at niyakap ng aking Diwata na puno ng pakikisimpatya sa aking kaawa awang kalagayan .
" Wag kang malumbay aking sugo. Hindi mo kasalanan ang mga nangyayari sa lugar na iyon, Isa kang Tigapangalaga ng Ifugao responsibilidad mo ang kapakanan ng ating lupain ."
Malinaw saakin ang gustong sabihin ng aking diwata na tila sinasabi nya na unahin kong isipin at isaalang alang ang kapakanan at kapakinabangan ng aming lupain.
Tama, marahil nga ganun na lang , Hindi ko naman kailangan isipin ang ibang tao , Hindi ko kasalanan kung may pag aaklas na nagaganap sa Urdaneta at ang totoo ay isa akong biktima rito .
Isa lang akong batang mag gugulay na ginawang bihag ng mga rebelde para maging kaanib nila , Hindi ko sila ka ano ano .
Isa pa ang tungkulin ko ay pangalagaan ng lupain namin at mga taong naninirahan dito.
Iyon ang misyon ko kaya ako nabubuhay .
Sinabi saakin ng diwata na maaari akong mamatay sa laban at alam ko sa sarili ko na malaki ang posibilidad na mangyari iyon.
Ayokong mamatay, Hindi ko gustong makipaglaban sa ibang tao. Tama , Siguro mas ok na ito .
~
Habang nakayakap saakin ang aking diwata at habang patuloy akong nag iisip ng mga pagdadahilan ay naitaas ko ang ulo ko.
Dito ay nakita ko sa harapan ko ang misteryosang babaeng may dahilan kung bakit ako naroon habang nakatayo ilang metro lang sa aming harapan .
Hindi ko alam kong anong ginagawa nya doon pero bigla itong ngumiti saakin . Tama , nakangiti ito pero hindi ito kaaya ayang ngiti gaya ng inaasahan ko sa isang maamong diwata.
Nakangiti ang babaeng ito na tila isang masamang tao na may masamang balak saakin .
Sa pag kurap ng aking mga mata ay naglaho ito sa harap ko na lalong nagpakaba saakin.
Dito ay tila may butas na lumitaw sa aking tinatapakan at sa kisap mata ay bigla kaming nahulog ng aking diwata sa mala balon na hukay.
Napapikit ako sa takot ng mga sandaling iyon at sa muli kong pagdilat ay napansin ko na lang na nahuhulog ako mula sa kalangitan .
Napakataas ng kinalalagyan namin na halos tanaw mo ang boung kalupaan magmula sa kabundukan,kagubatan at syudad sa ibaba .
Hindi malinaw saakin kung anong lugar ito at wala na rin sa isip ko kung totoo pa ba ang mga nakikita ko dahil sa sobrang takot ko at pag papanik .
Isang makapigil hiningang tagpo at talagang gigising sa katawang lupa mo na halos hihiling ka sa langit na buhayin ka at ialis sa sitwasyon na iyon .
Hindi malinaw saakin kung bakit ako naroon at kasalukuyang bumabagsak basta ang alam ko lang ay mamamatay ako sa oras na tumama ako sa lupa .
Sa mga oras na iyon ay may humawak saakin kamay na nagpatigil saaking pagka praning sa kamatayan.
Naalala ko na kasama ko ang aking diwata sa ere at katulad ko ay nahuhulog din ito. Hindi gaya ko ay seryoso ang mukha nya at tila nagtataka sa mga nagaganap .
" Hindi ako makapaniwala lumabas ako mula sa aking panaginip. Hindi ko alam kung sino ang may kagagawan nito pero hindi ito maganda " Sambit nya.
" Gumawa ka ng paraan mahal na diwata , mamamatay tayo pag nahulog tayo sa lupa ." Takot na sambit ni Erik .
" Ang totoo nyan ikaw lang ang mamamatay sa oras na sumalpak tayo sa lupa gayung ang tunay kong katawan ay nasa lupain ng ifugao . Ang katawan na ito ay bahagi lang ng kapangyarihan ko na inilagay ko sa katawan mo. " Sambit ng diwata .
Agad akong nagpanik at nagpapatulong sa aking diwata na tila bata . Inamin ko sakanya na ayaw kong mamatay at handa kong gawin ang lahat para makaligtas sa sitwasyong iyon .
Sa sandaling iyon ay napatahimik ang diwata at tumitig saakin, siguro naisip nya kung gaano kaduwag at kahilaw pa ang kanyang Sugo .
" Kung ganun pinahahalagahan mo ang buhay mo at kinatatakutan ang kamatayan pero nais mong makuha ang kapangyarihan ko para harapin ang isang labanan na pwede mong ikamatay ." Pagtatanong nito .
Marahil tama sya sa kanyang mga sinabi na labis kong iniingatan ang buhay ko kaya paano ako makikipaglaban?
Hindi ko kailan man naitanong sa sarili ko bago ko gustuhin na maangkin ang kapangyarihan ng diwata na .
" Handa mo bang isakripisyo ang buhay mo para sa iba? " Sambit ng Diwata saakin.
Hindi, Hindi ko gustong mamatay , walang tao ang gustong mamatay na lang basta. Kagaya ng iba ay may mga gusto pa akong marating, mahanap,makuha at mapagtagumpayan sa buhay ko .
Ayokong mamatay ng hindi ko nagagawang matupad ang pangarap ko sa mga kapatid ko.
Nakakainis. Alam ko sa sarili ko na nakakahiya ang ginagawa ko sa harap ng aking diwata .
Humihiling ako ng malaking pabor sa kanya at umaasta na tila matapang na bayani ng ibang tao pero ngayon ay parang batang nagmamakaawa na mabuhay .
Sa tagpong iyon ay nangibabaw ang takot saaking puso at wala akong nagawa kundi mapapikit habang iniisip ang pamilya kong nag hihintay saakin at umaasa. Hindi ko kayang mamatay at iwan sila na naghihirap sa buhay .
Sa hindi mapaliwanag na sandali ay biglang dumaan sa aking mga alaala ang mga sinabi ng misteryosang babae .
~Flash back
* " Tandaan mo ito tanging mga dakilang bagay lang ang ginagawa ng isang bayani at ang pag sasakripisyo ng buhay para sa hangarin gaya ng ginagawa ng iyong kaibigan ay isang pagtakas lamang. Hindi mo kailangan mamatay para magsabing isa kang bayani dahil higit pa doon may mas mahalaga kang dapat magampanan . Erik , Kailangan mo maging lakas ng bawat tao . "
*
Naliwanagan ako at tila nagkalakas ng loob sa mga paalala saakin ng misteryosang diwata.
Duwag ako at Nebyoso pero alam ko ang mga nais ko at kung may pag kakataon na may magagawa ako ay gusto ko itong subukan , maging buhay ko man ang kapalit ay nais kong maging kapakipakinabang para sa isang dakilang bagay.
Walang iba kundi maging bayani ng bansa .
Sa pagkakataon na iyon ay kumapit ako sa mga braso ng diwata at humarap dito habang patuloy kaming bumabagsak mula sa ere.
" Tama, Siguro nga natatakot ako harapin ang mga pwedeng mangyari saakin sa oras na harapin ko sila pero alam ko sa sarili ko na nais kong mailigtas sila. Nais kong maging bayani para sa mga tao "
Nagulat ang diwata sa ginawa ko at narinig sa mga labi ko.
" Isa kang Sugo ng Ifugao at hindi mo tungkulin ang problemahin ang ibang lupain " Sambit ng Diwata.
" Alam ko ang responaibilidad na iyon pero gayumpaman isa pa rin akong Pilipino na may tungkulin na pangalagaan ang bansang ito . Hindi mismo ang lupain ang tungkulin pangalagaan ng isang Tagapangalaga kundi ang mga pilipinong nakatira sa lupain ng pangunahing Diwata ." Matapang na sambit ko dito .
" Paki usap , Ibigay nyo saakin ang inyong kapangyarihan "
Natahimik ang Diwata sa mga narinig saakin at tila nag iisip ng idadahilan saakin.
Halata sa kanyang mukha na nahihirapan syang magdesisyon dahil batid nya ang magiging kapalit nitong problema at ang bigat ng responsibilidad ng magiging desisyon nya .
" Bilib ako sayo dahil nagagawa mong hingin ang kapangyarihan ko ng tila iniisip mo na pwede ko sayong ibigay ito nang basta basta sa gitna ng mga nasabi kong kapalit mara.. " Sambit nito pero bago pa ito matapos ay agad ko na itong pinutol.
" Alam kong ibibigay nyo saakin ito " Matapang na sambit ko para pigilan ito magsalita .
" Paano mo naman nasabi iyon? Bigyan mo ako ng magandang rason para pan.. " Sambit nito pero agad ko ulit itong pinigil .
" Dahil ako ang Sugo ng diwata ng Ifugao , Ako ang pinagkatiwalaan nyong magkamit ng inyong kapangyarihan at higit na kanino man ay kayo ang dapat at lubos na nagtitiwala sa akin . " Matapang kong sambit.
Hindi na muling nagsalita ang diwata at tila hindi makapaniwala saaking mga kinilos nung mga oras na iyon. Walang kurap na nakatingin saakin ang diwata at pinagmamasdan ang nag aalab kong mga mata na puno ng determinasyon at pagnanais na makamit ang kanyang kapangyarihan.
Hindi ko alam kong tama pa ba ang aking ginagawa o kinikilos sa harap ng isang ginagalang na nilalang pero gayumpaman handa na akong gawin ang lahat at harapin ang mga kondisyon na kapalit nito.
Sa gitna ng pananahimik ng diwata ay bigla itong pumikit at napangiti saakin habang sinasambit na
" Hindi ko inaasahan na mahuhuli mo ako, tunay nga karapatdapat ka sa aking kapangyarihan " Sambit ng diwata
" Kung ganun ..? " Pagtatanong ko.
Hinawakan nya ang ulo ko at idinikit ang noo nya saakin. Halos magkabanga na ang aming mga mukha sa kanyang ginawa habang pinakikiramdaman ang aking presensya.
Sa pagkakataon na iyon ay muli kong naramdaman ang napakagaan na presensya ng diwatang dumadaloy sa katawan ko.
Gaya ng misteryosang babae ay nagagawa nilang maramdaman ang presensya ng kapwa diwata o sugo gamit ang pag dikit ng aming mga ulo upang malaman ang saloobin at nararamdaman ang isipirito ng kalikasan sa katawan ko .
" Tatanuningin kita muli aking sugo. Handa ka bang mamatay para sa iba ? " Seryosong tanong nito saakin .
Sa muling pagtatanong saakin ng Diwata ay muli akong napaisip sa mga bagay na aking kinatakutan.
Mga kagustuhan at pangarap na gusto pang makamtam na mababalewala kung mamamatay ako.
Mga kasama at pamilya na aking mabibigo at maiiwanan kung sakaling matalo ako sa laban pero sa kabila nun, buo na ang loob ko .
Nakapag desisyon na akong maging bayani...
Maging lakas ng bawat tao ....
" Ayokong mamatay , Hindi ako mamamatay sa laban !! " Matapang ma Sambit ko sa diwata .
Napangiti ito saakin at unti unting naglalabas ng Asul na awra sa kanyang katawan . Pumalibot ito sa katawan ko na tila manipis na usok at unti unting pumapasok saakin .
Napakagaan ng pakiramdam ko na tila nakalutang sa tubig . Wala akong ibang magawa kundi mapapikit na lang habang dinadama ang napakasarap na enerhiyang dumadaloy saaking katawan. Ito na ba ang kapangyarihan ng diwata? Pagtatanong ko sa aking sarili.
Unti unting naglalaho ang diwata na tila sumasanib saakin katawan , pero bago pa ito tuluyan mawala ay nag iwan ito ng mga salita .
" Erik Lumagbas sa mga oras na ito ay ginagawad ko sayo ang kapangyarihan ko bilang hahalili sa aking tungkulin na pangalagaan ang lupain ng Ifugao , Sa mga oras na ito ay ganap ka ng Tagapangalaga . "
" Ang Sugo ng diwatang Ada Sid- Alwa ng Lupain ng Ifugao "
Umeeko sa tenga ko ang napakalambing na boses ng aking diwata habang tuluyang nababalot ang katawan ko ng nakakasilaw na liwanag dahil sa enerhiya .
" Humayo ka at magligtas ng mga tao munti kong sugo "
~End of Chapter.