CHAPTER SIX 

" Siklaon " 

 

Sa Pagpapatuloy 

  Gaya ng inaasahan kinuha ng mga rebelde ang sasakyan ng mga mag gugulay at iniwan sa daan ang mga sakay nito maliban sa isang tao . Isinama at binihag ng mga ito si Erik sa utos na rin ng pinuno ng mga ito na si Alfredo .

  Walang ideya si Erik kung bakit sya ginawang bihag ng mga rebelde pero hindi na ito mahalaga ngayon sa isipan ng binata dahil mas iniisip nya ang dahilan kung bakit ang gaya ni Alfredo ay kasama ng mga halang na bitukang tao .

Sila ay mga kriminal sa mata ng mga tao at sinusupil ng gobyerno dahil sa ginagawa nitong mga pang gugulo sa syudad at pag atake sa mga tao dito .

  Lumipas ang ilang minuto sa byahe pagkatapos bagtasin ang kagubatan sa gilid ng bundok , maka ilanh ulit din silang napatigil sa mga checkpoint ng mga rebelde na nasa loob ng gubat .

  Napakadilim ng lugar at tanging ang ilaw lang ng sasakyan nila ang tanging gumagabay sa kanila patungo sa destinasyon nila .

  Hangang sa nakarating na sila sa kuta ng mga rebelde kalahating oras lang mula sa kalye na pinag iwanan nila sa mga mag gugulay .

  Pagbaba nila ay sinalubong sila ng ibang rebelde na nag aabang sa pagdating nila. Maririnig ang mga sigawan nito at masasayang tuno na tila nagdidiwang. Tila ba isang napakalaking tagumpay ang naiuwi ng mga ito para sa kanilang grupo .

  Bumaba sila Alfredo sa truck kasama ang ibang rebelde at pina palagay sa bodega ang mga nakuhang gulay .

  " Teka bossing anong gagawin natin doon sa binatang binihag natin ? " Tanong ng isang lalaki .

  " Ako ng bahala sa kanya basta asikasuhin nyo ang mga laman ng bodega at ilista ang mga nakuha natin " Sagot nito .

  Naglakad si Alfredo palapit kay Erik at hinawakan sa ulo , Kinamusta nya ito at sinabihan na wag matakot sa kanila .

  Hindi nagsasalita si Erik at tila nagmamasid sa paligid . Ang lugar na yun ay maliit lang na kampo na may Limang bahay na nakadikit sa puno. Makikita doon ang ilang siga na nagsisilbing ilaw ng kampo . Masukal ang gubat na iyon at bagay na bagay pagtaguan ng mga rebelde upang mahirapan pasukin ng mga otoridad .

  Pinapasunod sya ni Alfredo sa paglalakad palapit sa isang puno. Wala sya ideya kung bakit pero wala naman syang pagpipilian kundi sumunod sa sinasabi nito. Alam nya na marahas ang mga rebelde sa mga taong sumusuway sa kanilang utos at hindi sya nakakasigurado sa totoong ugali ng taong kasama .

  Ilang hakbang pa palapit sa higanting puno ay muli syang kinausap ni Alfredo at humingi ng pasensya tungkol sa pinakitang karahasan ng mga kasamahan nya .

  Maliban sa may itsura si Alfredo at maamo ang mukha lalo na pag ngumigiti ay mahinahon ang tono ng boses nito tuwing nakikipag usap kaya naman madali syang magustuhan ng mga tao sa paligid nya .

  " Minsan kahit pagsabihan ko sila eh talagang sumusobra sila ng kaunti pero hindi mo sila masisisi dahil sa oras na maging malambot kami sa isang operasyon eh buhay namin ang manganganib . " Sambit nito.

  " Minsan kasi lumalaban ang mga tao saamin at may pagkakataon na may napapahamak sa mga tauhan ko ." Dagdag nito .

  Hindi parin nagsasalita si Erik kahit na panay ang pagkukwento ni Alfredo sa kanya ng kung ano ano tungkol sa kanilang mga operasyon at pangangailangan .

  Nakayuko lang si Erik at hindi kayang titigan si Alfredo na tila nadidismaya dito . Napansin ito ng binata at napakamot sa ulo kaya naman sinubukan nyang lumapit at hawakan ang ulo ni Erik para aluin .

  " Alam ko nagagalit ka at nagugulat sa mga nangyayari pero wag kang matakot dahil magiging ayos lang ang lahat " Sambit nito habang naka ngiti.

  Sa pagkakataon na yun ay biglang sinampal ni Erik ang kamay nito palayo sa kanyang ulo at galit na sinigawan ito .

  " Ayos ? Anong magiging maayos? Hindi ko alam kung paano mo nagagawang sabihin yan ." Sigaw ni Erik .

  Nagbago ang mood nito at galit na galit kay Alfredo na hinihingan ng paliwanag sa mga ginagawa nya. Ang boung akala ni Erik ay isang mabuting tao si Alfredo at pamagkakatiwalaan pero tila nagkamali sya sa bagay na iyon at ngayon ay puno ng pagkadismaya at galit sa binata .

  " Akala ko isa kang mabuting tao , Buong akala ko pa naman nakatagpo ako ng isang kaibigan sa syudad . " Sambit nito.

  Lubos na nagtiwala ang binata dito lalo na dahil tinulungan sya nito sa pagtitinda at magaang ang loob nya kay Alfredo dahil marami itong sinabi tungkol sa syudad na gustong gusto ni Erik na marinig at malaman .

  " Huminahon ka Erik,.pakingan mo muna ako. " 

  Hindi nya ito binigyan ng pagkakataon magpaliwanag at galit na sinisigawan ang binata.

Dito ay tinanong nya kung ginamit nya lang ba ito para malaman ang lokasyon at oras ng pag alis ng kanilang sasakyan ,

  Dahil nga sa lubos nagtiwala si Erik sa bagong kaibigan ay nagawa nyang masabi kay Alfredo ang impormasyon habang nagkukwentuhan sila sa syudad dahil na rin sa pagpupumilit nito .

  Napabuntong hininga na lang si Alfredo at hindi itinangi ang nasabi ni Erik at inamin din na ang pagtulong nya sa may syudad kung saan nagbenta sila ng carrot ay isa lang palabas para makakuha ng impormasyon .

  Tila ba nanlumo si Erik sa mga narinig na katotohanan. Hindi sya makapaniwala na nalinlang sya at dahil sa kanyang pagkakamali ay nadamay ang mga kasama nya ,

  Napaluhod na lang sya sa lupa at galit na galit sa sarili sa kanyang kamangmangan ,Walang ibang nasa isip nya kundi ang mga kalagayan ngayon nila Kardo na iniwan nila sa gitna ng daan .

Kapareho nya ay tiyak wala silang maiuuwi sa kanilang mga pamilya at isa yung masamang bagay para sa tulad nilang mahihirap na umaasa lang sa pagbebenta ng gulay sa ibang lugar .

  Tumayo bigla si Erik at hinawakan ang damit ni Alfredo kasabay ng pagpupumilit na ibalik ang kanilang mga paninda.

  " Ibalik mo ang mga gulay namin , Hindi kami pwedeng umuwi ng walang kinikitang pera ! " Sigaw nito .

  Sandaling nanahimik ang lugar ng hindi sya bigyan ng sagot ni Alfredo at nakatitig lang habang pinakikingan ang mga sinasabi nito.

  " Pinag paguran ng aming mga pamilya ang pagtatanim ng mga gulay na yan. Alam mo ba kung gaano nagpakahirap sila mama at papa para sa mga carrot na iyon ? " 

  " Nakasalalay sa mga iyon ang kakainin namin sa susunod na mga buwan at ang mga kapatid ko .... Kapag wala akong nai uwi sa kanila masisira ang mga pangarap ng mga kapatid ko " Mangiyak ngiyak nya itong sinambit .

Nanginginig ang mga kamay ni Erik habang hawak ang damit ni Alfredo . Gusto nya itong saktan dahil sa galit na nararamdaman pero hindi nya ito magawa siguro dahil malinaw sa isip nya na isa syang bihag sa mga oras na iyon o baka dahil hindi nya kayang manakit ng taong itinuring nyang mabuting kaibigan .

  " Bakit ? bakit mo ito ginagawa ? " Sambit nito .

  Napabitaw sya at unti unting napapaupo habang naiisip ang mga pwedeng mangyari sa kanyang pamilya at ilang sandali pa ay bigla syang lumuhod sa harapan ni Alfredo. Nagbago ang galit na reaksyon nya kanina at ngayon ay labis na nagmamakaawa para sa kanyang mga Carrot .

  Alam ni Alfredo na seryoso ang problema ni Erik tungkol sa kanilang kahirapan sa probinsya. Nakakaramdam sya ng awa dito at napapaiwas ng tingin sa binata .

Kahit na sanay na sa gawain bilang mga bandido ay hindi ganun ka bato ang kanyang puso para hindi maintindihan ang kagaya ni Erik pero gayumpaman hindi nya ito kayang pagbigyan .

  Napahakbang patalikod si Alfredo at muling humingi ng tawad kay Erik. Mababakas sa mukha ng binata ang pagkadismaya sa sarili habang sinasambit iyon sa kawawang bata .

  " Pasensya na Erik pero hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo " Sambit nito.

  Napabuntong hininga ito at tumalikod kay Erik . Isa-isa nyang isinalaysay dito ang mga kailangan ng kanilang grupo para mabuhay sa labas ng bayan .

  Nasambit nya na nauunawaan nya ang binata pero bilang pinuno ng grupo ay kailangan nyang unahin ang kapakanan ng mga kasama nya at solusyunan ang problema ng lugar nila dahil sa mga nakalipas na araw ay nauubusan na sila ng suplay ng pagkain .

  Kahit na nakakapasok ng syudad si Alfredo at ang iba ay hindi sila pwedeng maglabas ng maraming bagay sa syudad papasok ng kagubatan dahil sa mga kastila na nag babantay sa bawat kilos nila .

  Isang maling desisyon at aksyon ay maaaring mahuli ang isa sa kanila at pahirapan upang ituro ang ibang rebelde na naninirahan at nagmamatyag bilang ispiya sa bayan .

  " Alam kong matalino ka kaya sana intindihin mo kung bakit hindi kita pwedeng pagbigyan. " Sambit nito . 

  Hindi ito magawang tangapin ni Erik dahil para sa kanya ay isang krimen ang ginagawa nilang pagnanakaw .

  " Gusto mong unawain ko ang masamang gawain nyo ? Kayo ang dahilan ng kaguluhan at trahedya sa mga tao kaya kahit kailan hindi ko kayo mauunawaan . " Matapang na sambit ni Erik . 

  Hindi nagawang sagutin ni Alfredo ang mga sinabi ni Erik at napangiti na lang dahil aminado sya sa krimen na kanilang ginagawa , Sandaling nanahimik ang lugar na ang tanging maririnig mo lang ay mga kuliglig sa paligid.

  Umeko ang nakakabinging katahimikan sa paligid ng mga sandaling yun hangang sa pagdaan ng isang malakas na hangin at dahil doon ay napatakip ng mukha si Erik gamit ang braso para salagin ito .

  Sa tagpong yun ay may tila naramdaman syang presensya mula sa paligid na nagpapakilabot sa kanyang katawan . Hindi nya malaman kung dahil ba ito sa malamig na hangin sa isang madalim na lugar o may iba pang dahilan kung bakit kinilabutan ang katawan nya.

  Napakapit sya at napayankap sa sariling mga braso dahil sa nagtatayuang mga balahibo.

Sa katahimikan ng lugar ay biglang nagsalita si Alfredo.

  " Inaamin ko na minsan ay nagagawa namin na maging marahas pero yun ay hindi namin talaga kagustuhan kundi dahil kinakailangan naming gawin para mabuhay " Sambit nito .

  " Ginagawa namin ang lahat ng ito para magawa ang isang dakilang misyon ng Siklaon " Dagdag nito .

»   Ang binabangit nyang Siklaon ay ang pangalan ng grupo nila na kanyang tinipon sa labas ng bayan. Isang grupo ng mga pilipino na minsan nakaranas ng pangmamalupit sa kamay ng mga kastila .

  " Hindi kami basta mga sangano kundi mga sundalong pilipinong may misyon palayain ang aming bayan sa mga demonyong kastila na namumuno sa urdaneta ." Sambit nito.  

Ipinaliwanag nya kay Erik na ang bawat isa sa kanila doon ay hindi mga kriminal kundi mga biktima ng mga mapang abusong Kastila na inaangkin ang kanilang mga lupain. Tumakas ang iba sa kanila dahil sa hindi na nila matiis ang buhay sa bayan na iyon .  

" Ang bayan na iyon ay napupuno ng mga Mapag abusong Kastila na nagpapahirap sa mga gaya nating mga pilipino. Tinangalan nila kami ng karapatan sa mga bagay bagay , inaabuso araw araw na tila mga alipin nila na pwedeng gamitin at itapon na lamang. "   

Isa isang sinariwa sa isipan ni Alfredo ang mga pang aabuso na natangap nya at tiniis ng mahabang panahon sa mapalalagi sa bayan. Sa isang lugar na wala silang ibang pagpipilian kundi sumunod at humingi ng awa .

Walang kakayahan na ipagtangol ang sarili sa kahit anong korte at madalas binabaliktad ang katotohanan upang makatangap ng parusa ang mga pilipino dahil sa paglaban sa mga kastila .   ~

Marahil mali sa maraming tao ang ginagawa nila at alam nila na pwede silang kamuhian ng maraming tao pero wala silang magagawa kundi maging rebelde at sumama sa Siklaon sa labas ng bayan upang iwasan at taguan ang mga kastila.  

Pero dahil sa malayo sila sa bayan ay mahirap ang supply ng pagkain at tubig para sa kanila. Dahil doon kailangan nilang mangharang ng mga dumadaan at pagnakawan ito. ~  

" Matitikman nila ang lupit ng Siklaon , ang lakas ng mga taga pangasinan " Galit na Sambit nito.  

Sa hindi maipaliwanag na bagay ay may mga nakikita si Erik na itim na Awra na lumalabas sa Katawan ni Alfredo . Hindi malinaw sa isipan nito kung totoo ba ang nakikita nya o namamalik mata lang sya .  

Sa sandaling iyon ay hindi na napigilan ni Alfredo ang sarili dahil sa nararamdamang galit sa mga kastila at nagsasambit ng mga pagbabanta sa bawat kastila sa bayan nila .  

" Uubosin ko ang mga ganid na opisyal nila at pagbabayarin ang bawat isa sa kanila. Ibabalik ko ng doble ang bawat pang aabuso na pinaranas nila sa mga pilipino sa lumipas na mga taon . Isinusumpa kong mababawi ko ang urdaneta at ang boung pangasinan sa kamay ng gobernador heneral "   

Humampas muli ang isang malakas na hangin sa kanilang kinatatayuan at tinatangay ang dahon ng mga puno sa kanilang paligid kasabay ang unti unting pagharap nito sa binata .  

Natulala si Erik ng makita ang nakakatakot na ngiti ni Alfredo

At ang mga nanlilisik na mata nito habang inaalok ang mga kamay nito sa kanya .  

" Samahan mo akong bawiin ang bayan at wasakin ang mga kastila " Sambit nito habang inaabot ang isang bandana na may tatak ng siklaon .  

Napapalunok na lang si Erik at hindi parin makapaniwala sa mga nakikita at naririnig mula sa lalaking si Alfredo na inaakala nya noon na isang mahinahon at mabuting tao na ngayon ay tila nagiging demonyo ang anyo na walang ibang sinasambit kundi ang pag ganti at pagpatay sa mga tao.

  " Nasisiraan ka na " Tugon ni Erik.  

Maging si Erik ay nagulat sa kanyang nasambit at napahakbang paatras dahil sa takot sa lalaking si Alfredo. Sa patuloy nyang pag atras ay matatapilok sya sa isang bato at mapapabagsak sa lupa . Napagtanto ni Alfredo na masyado nyang tinatakot si Erik sa ginagawa nya kaya naman pinilit nyang huminahon at sadaling magbuntong hininga upang magbalik sa dating pagkakalmado ng itsura.  

" Pasensya ka na sa ikinilos ko, hindi ko lang naiwasan na madala sa emosyon ko. Wag kang matakot " Sambit nito habang nakangiti .  

Lumapit si Alfredo sa kanya at hinawakan sa ulo para aluin gaya ng ginagawa nya. Dito ay muli syang humingi ng tawad at nagpapaliwanag kay Erik .  

" Alam ko hindi ito makatarungan para sayo pero pangako babayaran namin ang mga gulay nyo sa oras na mabawi namin ang bayan namin " Sambit nito.  

Hindi nagawang makapag salita ni Erik sa oras na iyon hindi dahil sa alok na bayad sa gulay kundi dahil wala syang pwedeng sabihin dito o baka dahil tuluyan na syang nasindak sa kaibigan ng makita ang tunay na saloobin nito .  

Nauunawaan nya ang mga gustong mangyari ni Alfredo at ang Siklaon na kalayaan para sa kanilang bayan pero sa isip nya ay isang krimen ang mga ginagawa ng grupo. Gustuhin nya man pigilan ito ay naisip nya wala syang karapatan para sabihan sila sa mga tamang gawain dahil ang mga taong iyo ay nakaranas ng pang aabuso at gusto lang lumaya mula doon.  

" Pero paano nyo malalabanan ang mga kastila ? Ang sabi nila libo libo ang bilang nila at iilan lang kayo " Tanong ni Erik .

  " May usap usapan din na may mga tinataglay silang pambihirang mahika at hindi normal na kakayahan. Kung sakaling totoo iyon eh ano naman ang magiging laban nyo ? " Dagdag nito. 

  Tinugunan ito ni Alfredo ng ngiti at hinila bigla ang braso ni Erik dahilan para mapatayo ito sa kinauupuan, Napahakbang bahagya si Erik pasulong dahil sa pagkakahila nito.

Nagpatuloy sa pag hakbang pasulong si Alfredo hangang makarating sya sa tabi ng Dambuhalang puno .

  Ang puno na iyon ay may taas na higit 60 feet at may taba na halos sampung metro, ito ang pinaka malaking puno sa kagubatan at ang na iiba ang uri sa mga puno na nasa paligid nya .  

Sa mga sandaling iyon ay huminto si Alfredo sa harap ng puno at hinawakan ang katawan nito .

" Syempre alam ko ang bagay na iyon at ang tungkol sa kapangyarihan ng leader ng mga kastila . Pero wag kang matakot dahil may panlaban ako sa kanila . " Naka ngiting Sambit nito .  

Humarap sya kay Erik at ngumiti dito, boung siglang ipinagmamalaking ipinakilala ni Alfredo ang puno bilang si Siklaon na isang tagapagligtas ng boung bayan ng urdaneta ,

  " Ipinakikilala ko ang tagapagbantay ng lupain na ito. Ito si Siklaon at sya ang tutulong saatin para mabawi ang bayan laban sa mga dayuhan." Seryosong sambit nito .

  Hindi makapaniwala si Erik sa narinig at naguguluhan sa mga nasambit ni Alfredo nang ipakilala nya ang puno bilang Siklaon. Hindi nya makuha ang gustong iparating nito at iniisip kong magagawa ba nito na magbiro sa seryosong tagpo na iyon para ipakilala ang isang dambuhalang puno bilang tagapagligtas nila .

  Naglalaro sa Isip nya kung nasa tamang pag iisip pa ba si Alfredo sa mga bagay na ginagawa nya o tuluyang nasiraan ng bait dahil sa balak nyang humarap sa mga kastila sa tulong ng isang matandang puno na nasa gitna ng kagubatan .

  " Huh ?! " Isang maikling tugon ni Erik.

  ~End of Chapter ~ 

   
Alabngapoy Creator