CHAPTER EIGHTEEN



" Tungkulin Bilang Bayani "

Sa pagpapatuloy, Sa gitna ng mainit na sitwasyon na nagaganap sa pag aaklas ng Siklaon sa bayan ng urdaneta kung saan nauwi sa trahedya ang lahat ng plano ni Alfredo .

Dahil naman sa masasamang paraan ni Heneral Slasher upang manalo ay nagigipit ngayon si Erik sa isang sitwasyon kung saan kailangan nyang mamili sa kung sino ang mabubuhay at mamamatay .

Nakatutok sa makaibang dereksyon ang mga dambuhalang sibat na lumulutang sa itaas ni Slasher . Binabalak nya itong pakawalan nang sabay sa dereksyon nila Erik at sa mga tao sa gusali ng munisipyo.

" Nakiki usap ako mister tigilan na natin ang walang says ay na laban na ito at maki isa sa pagbabago, para sa kapakanan ng lahat." 

Muling nakiusap si Erik sa heneral para itigil ang kanyang balak gawin at nakipag kasundo dito ng pakikipag ayos sa mga rebelde at makipag isa sa bagong pilipinas . Nabangit nya dito ang mga plano nya sa pag buo sa bagong bansa pero imbis na makinig ay pinagtawanan nya lang ito kasabay ang pag insulto nito sa mga pilipino bilang mga mabababang tao sa lipunan o indyo.

" Isa sa dapat mong malaman bago ka maging bayani ay ang katotohanan na walang sino man saatin ang matuwid dito sa mundo. Nagdedesisyon ka at kumikilos dahil sa alam mong tama at salungat iyon sa aking paniniwala .

Ang tanging makakapagpatunay lang na tama ang isang paniniwala ay kung sino ang matitira sa mga ito na manatiling buhay ." Sambit nito.

Hindi makapaniwala si Erik sa mga nasasambit ng heneral na tila walang iniisip kundi ang manalo lang sa laban. Nagagawang balukturin nito ang mga paniniwala upang umayos ang lahat sa mga gusto nyang mangyari na tila kontrolado sa mga kamay ang mga tao at ang batas .

" Nababaliw ka na ."

Habang nagaganap ito ay pinipilit kumilos ni Tayog para tumayo. Alam nya ang sitwasyon ng kaibigan na kinakailangan syang protektahan nito laban kay slasher kaya upang hindi na makapabigat pa dito ay gusto nyang makatayo at tulungan ito.

Nanghihina na ang kanyang katawan at nanginginig dahil na rin sa mga pinsala pero pinagpatuloy nya ang pagbangon at dahan dahang humakbang palapit kay Erik .

Humawak ito sa balikat ni Erik at hinawi ito para patabihin sa dadaanan nya at pilit paalisin sa lugar .

Hindi naman inasahan ni Erik na makakatayo pa si Tayog na ngayon hinahawi sya para umalis sa harapan nito.

" Teka, anong ginagawa mo Alfredo? "

" Hindi mo kailangan alalahanin ang buhay ng isang kriminal na gaya ko . Erik , kung gusto mong maging bayani ay matuto kang tumimbang sa ano ang mas importante at mahalaga . " Sambit nito .

Dahil sa pang hihina ay nanlambot at napaluhod si Tayog sa kinatatayuan nito. Agad naman syang nilapitan at tutulungan sana ni Erik pero imbis na magpatulong ay sinigawan nya ito at itinataboy .

Sa pagkakataon na iyon ay pinapaalis nya ito para tulungan ang mga tao at hayaan sya na humarap kay Slasher.

Nais nyang iwan sya ni Erik para pagbayaran nya mag isa ang mga kasalanan nyang nagawa. Nakikita ni Erik na hindi na kakayanin ni Alfredo pa na lumaban at wala na itong nararamdamang enerhiya dito kaya naman duda ito na kaya pa ang sarili laban kay Slasher.

Napangiti si Tayog dahil naisip nya na dahil sa ginagawa nya ay tila ba mas pinipili nyang mamatay para lang mabuhay ang mga kastila na nasa gusali at salungat yun sa kanyang Adhikain sa simula pa lang.

Gayumpaman alam nya na hindi ito tungkol sa kanyang pinaglalaban kundi upang tulungan ang kaibigan nyang nais maging liwanag ng mga taong nangangailangan. Alam nyang hindi sya dakila ngunit naisip nya habang pinagmamasdan ang mga kamay na kung may huling bagay syang gagawin para sa bansa ay iyon ay ang tulungan ang kaibigan bilang Bayani ng bansa.

Sa mga sandaling iyon ay binanggit ni Tayog na kailangan nyang mamatay para sa mga pilipino dahil sa mga nagawa nyang kasalanan alam nya na maaaring madamay ang mga ibang mga pilipino sa bayan sa oras na hindi mamatay ang isang pinuno ng pag aaklas sa gobyerno dahil sa desperadong mga pamamaraan ng mga kastila upang pugsain nang tuluyan ang mga kasapi at naniniwala sa isang pangkat na lumalaban sa gobyerno ng mga ito.

" Hindi kita hahayaan na mamatay Alfredo , ayoko .. Paki usap ." Sambit ni Erik.

Muling pinilit ni Tayog na tumayo at tumalikod kay Erik. Dito ay sinasambit nya na kailangan nya gawin ito dahil sa kanilang paniniwala at pagiging bayani sa mga pilipino . Desidido na syang tangapin ang patas na kabayaran para sa mga kasalanan .

" Hindi mo kailangan mamatay, May ibang paraan pa " Sambit ni Erik habang unti unting pumapatak ang mga luha .

" Ayoko, hindi ko matatangap na mamatay ka at iwan ako "

 

  ~ Erik PoV.

  Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan umabot sa ganito ang lahat. Anong masama sa pananatiling buhay ? Hindi ko sya maunawaan kung bakit sa kabila ng aking pagpupumilit na iligtas sya mula sa kamatayan ay sya mismo ang humaharap dito upang tanggapin ito .

Hindi ko kaya itong sakit ng kalooban na nararamdaman ko sa mga oras na ito , Hindi ko lubos maisip kung makakaya kong mawalan ng importante kaibigan kagaya ni Alfredo .

Sa oras na humakbang ako palayo sa kinatatayuan ko ay hindi ko na muli syang makakasama , Hindi ko na muli sya makikita habang buhay .

" Paki usap , Alfredo ... "

 

Hindi ako tinutugon ni Alfredo habang nakatitig lang saakin . Naghihintay ako na may lumabas na mga salita mula sa kanyang bibig pero hindi sya nagbigay ng sagot . Isang makasariling sagot na gusto nya pang mabuhay .

Hindi ko alam kung naiisip ba ni Alfredo ang kanyang sitwasyon pero sa mga sandaling iyon ay nabubuo na sa isipan kong piliin si Alfredo na mabuhay.

Hindi dahil sa katumbas nitong halaga sa sino ang dapat mabuhay o mamatay yun dahil kundi sa makasarili kong pagnanais sa sarili na makasama pa ang kaisa isa kong kaibigan .

" Paki usap Alfredo sabihin mo saakin na gusto mo pang mabuhay" 



~ Isang salita lang ang kailangan ko para kumilos , Isang paghingi ng tulong na at kagustuhan ni Alfredo na mabuhay ay handa na akong bitawan ang misyon ko para sa ibang tao pero gayumpaman ay wala itong naging tugon kundi ang pag ngiti habang unti unting lumalapit saakin.

Nakayuko ito habang sinasabi na. " Gawin mo ang lahat para iligtas sila, gawin mo ang lahat para maging dakila... Maging isa kang tunay na BAYANI."

Gayumpaman ay hindi ko ito pinakinggan dahil na rin sa bugso ng damdamin ko. Nangingibabaw saakin ngayon ang pinag samahan namin at mas pinahahalagahan ang mga bagay na mawawalan saakin at kailangan ko.

" Ililigtas kita , kahit ilang beses pa ako mabigo ay paulit ulit akong susubok na iligtas ka .."

Habang sinasabi ko ang mga saloobin ko ay isa isang dumadaan sa isip ko ang mga alaala ng mga panahon na magkasama kaming naglalaro at nagtatawanan sa loob ng kampo. Isang larawan ng mga maikling sandali pero makahulugan para saakin na lalong nagpapabigat sa loob ko ng mga sandaling iyon .

" Hindi ako mapapagod at mawawalan ng loob na muling bumangon at sumubok. "



" Paki usap sabihin mo saakin na hindi pa ito ang huli , Alfredo "

 

" Payagan mo akong iligtas ka. " Maluha luhang sambit.

    ~End of PoV.

Hindi ito nasagot ni Alfredo dahil narin sa parehong kalungkutan nadarama sa mga sandaling iyon.

Kagaya ni Erik ninanais nya muli makipaglaro dito at kung maaari ay makasama ang kaibigan habang buhay pero alam nyang hindi na sya pwedeng umatras pa at kailangan na tuluyang tapusin ang pag aaklas na naganap .

Nararamdaman nito na nadadala ng bugso ng damdamin si Erik at natatakot syang gumawa ito nang padalos dalos na hakbang na taliwas sa misyon ng kaibigan kung makikitaan nya si Tayog ng kagustuhang mabuhay at pagkatakot sa kamatayan .

Ilang sandaling natahimik ang lugar habang magkarap ang dalawa .

Dito ay hinawakan ni Tayog ang pisngi ni Erik at pinunasan ang mga luha na dumadaloy mula sa mata.

" Hindi ko makakalimutan ang ating pinagsamahan, "

Bigla nyang idinikit ang noo nya sa ulo ni Erik na halos magdikit ang mga mukha nila doon ay muling nanahimik ang dalawa at pinakikiramdaman ang bawat isa .

Nagagawa nilang pakiramdaman ang kalooban ng bawat isa gamit ang presensya na bumabalot sa mga katawan nila kagaya ng mga diwata .

" Ayokong mawala ka. " Malungkot na sagot ni Erik.

" Hindi ako mawawala, habang nananatili ang siklab ng Inyong pusong Bayani ay mananatili ako sa puso at isipan mo." Agad na sambit nito.

" Hindi ko kaya maging Bayani mag isa, hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka, Paki usap. " Mangiyak ngiyak na sambit ni Erik sa kaibigan.

" Wag kang mag alala , Magiging maayos din ang lahat " Isang malumanay na sambit ni Tayog habang nakangiti.

Sa pagkakataon na iyon muling napaiyak si Erik dahil alam nya na hindi kailan man magiging maayos ang lahat kung mamamatay ang kanyang kaibigan pero tila wala na syang pwedeng gawin para mabago pa ang isip nito.

Tila sinasabi ng mga ngiti ng kaibigan na tanggapin na lang nya ang lahat ng mangyayari at magpatuloy sa buhay.

Binitiwan nya si Erik at humakbang paatras dito para dumistansya. Walang bakas sa kanyang mukha ang takot sa kamatayan at sa mga sandaling iyon ay humingi sya ng pabor at huling kahilingan sa kanyang kaibigan .

" Gusto kong ipangako mo saakin na ililigtas mo ang mga pilipino bilang bayani nila at gumawa ng isang bansa na may patas na pagtingin sa bawat isa . "

Hindi na nagawang makapagsalita ni Erik at tumugon na lang gamit ang pag tungo dito. Hindi nya gusto ang mga sinasabi ni Alfredo na tila nagpapaalam pero alam nya na wala na syang magagawa sa sitwasyong iyon kundi sumangayon .

Unti unti naman naglabas ng Asul na awra ang katawan ni Tayog at sumasanib kay Erik . Ang enerhiya na ito ay mula sa pananalig ni Tayog kay Erik ng tangapin nito ang pagiging bayani nito at naniniwala na kaya nitong magligtas ng maraming buhay .

Sa mga sandaling iyon ay binitiwan ni heneral Slasher ang dalawang Dambuhalang Sibat at parehong lumusob sa dalawang dereksyon .

" Patawad Erik at maraming Salamat sa lahat " Ngiti nito habang tumatalikod .

Sa mga sandaling iyon ay tumakbo palayo si Erik sa kinatatayuan nila para harangan ang isang pang sibat na tatama sa mga tao sa gusali. Dito ay buong pwersa syang tumalon para umabot sa dereksyon na dadaanan ng sibat.

Kumaskas ang mga paa nya sa lupa para huminto sa harapan mismo ng dambuhalang sibat at bumwelo ng pag atake. Hawak parin ang pulang espada nya ay muli syang napaligiran ng asul na awra .

Pumalibot ito na tila ipo ipo na halos nagpatangay sa mga bagay bagay palayo sa paligid nya.

Habang naiipon naman ang enerhiya sa talim nito ay isa isang dumadaan sa isip ni Erik ang mga larawan ng mga taong dapat nyang iligtas kasama dito ang mga gusto nya pang protektahan na mahal sa buhay .

" Naniniwala akong may karapatan ang bawat tao na pumili ng kanilang tadhana at walang kahit na sino man ang pwedeng magdikta nito at magtakda ng kanilang kamatayan dahil lang sa makasariling hangarin na magtagumpay . "

" Ako ang Sugo ng ifugao at gamit ang ipinagkatiwala na kapangyarihan ng diwatang Sid Alwa at ng mga taong nananalig sa akin bilang bayani ng bansa ,"

" Poprotektahan ko sila hanggang kamatayan !!! " Sigaw nito .

Boung pwersa nyang inihampas sa hangin ang Espada nya at muling nag labas ng mapamuksang kapangyarihan kagaya ng una nyang ginawa.

 

" MIGHTY FAITH SLASH !!! "

  Muli, isa isang nilulusaw ng liwanag ang ano mang madaanan nito kahit na ang Dambuhalang sibat na tumama rito na pinakawalan ng heneral hanggang sa dumeretso ito sa kinatatayuan ni slasher na nagpabura sa heneral .

  ' Imposible , Hindi ako magagapi ng isang hamak na indyo !!! " Sigaw nito habang nilulusaw ng liwanag .

Kasabay naman nang paghampas ni Erik sa Hangin ay ang pagtama ng isa pang sibat na nasa kabilang dereksyon papunta kay Tayog .

Tumama ito sa cristal na nasa dibdib na nagpadurog dito at tumagos ang mga Espada sa katawan nya na hindi na nagagawang protektahan ng kapangyarihan ng diwata .

Nanatili syang nakatayo at nagpakatatag habang nakatarak ang sibat na gawa sa mga espada sa kanyang katawan. Ilang saglit pa ay naglalaho na rin unti-unti ang mga espada na tila nadudurog na yelo dahil sa pagkamatay ni slaher .

Umaagos ang dugo nito habang nadudurog ang mga baluti na suot sa katawan at ilang sandali pa ay nagbalik sa dating anyo nito bilang normal na tao dahil narin sa pagkaubos ng enerhiyang tinataglay .

Unti unting napapaluhod si Alfredo mula sa kinatatayuan at nawalan ng lakas ang mga braso .

Sa pagkakataon na yun ay nagawa nya pang ilingon ang ulo nya sa dereksyon ni Erik at pabulong na nagpasalamat dito .

Habang gumawa naman nang napakalakas na pagsabog ang atake ni Erik na umabot ang pinsala hanggang sa mga gusali sa kabilang kalye.

Nabalot ng makapal na usok ang boung lugar pagkatapos ng pag atake na syang tumatakip sa napakalaking hukay na humati sa kalye, may lalim ito na anim na talampakan at lawak na tatlong metro .

Pagtapos ng kanyang pag papakawala ng matinding atake ay nakaramdam sya nang pagkahilo at tuluyang bumagsak ang katawan sa lupa dahil na rin sa pang hihina at pagkaubos ng enerhiyang tinataglay.

Dito ay nakahandusay sya sa lupa habang ibinubulong ang pangalan ng kaibigan na gustong makita.



" Alfredo"

Ilang segundo pa ay unting unti nagsasara ang kanyang mga mata at tuluyan nawalan ng malay .

Dahil sa nawalan sya ng malay ay bumalik ang kanyang anyo sa pagiging normal na tao at naglaho ang presensya ng diwata sa katawan nya .  



~


  Ang Pag aaklas ng Siklaon laban sa pamumuno ng mga kastila sa bayan ng Urdaneta sa probinsya ng Pangasinan na nauwi sa trahedya ay natapos na sa wakas.

Ang araw na iyon ay naging isang malungkot na araw para sa lahat at nagsilbing aral sa mga mamamayan .  

Sa pagtatapos nito ay naitala ang pagkamatay ng higit tatlong daang rebelde kasama na si Alfredo at humigit 200 Kastila at pilipinong nadamay sa pag atake sa buong bayan . May higit 300 pulis ang nasawi sa pakikipaglaban at tinatayang higit tatlong libong mga mamamayan ang nasugatan sa pag atake.

Kasama rin sa nasawi ang kastilang mayor ng bayan ng Urdaneta at pinaniniwalaan rin nasawi pati ang Gobernador heneral ng probinsya na si Heneral slasher na hindi na nakita ang katawan pag katapos ng pagsabog .

 

  Ilang araw pa ang lumipas naging isang malaking balita ang naganap na pag aaklas sa Urdaneta na tinutukan ng media lalo na ang pagkalat ng isang video na nakuhanan ng isang hindi nagpakilalang tao na kasama sa gusali ng mga panahon na iyon .

Naglalaman ito ng ilang parte ng paglalaban na tinutukan ng boung bansa .

Pinangalanan ng lalaking ito ang misteryosang Bayani bilang Ifugao na syang babago sa pilipinas at bubuo sa bagong bansa . Ito ang parte kung saan sinabi ni Ifugao sa mga kastila kung bakit nagkakaroon ng pag aaklas ang mga rebelde at hanggang sa pagtutuos nila ni alfredo kung saan nya nasambit ang mga nais nyang maganap at mangyari sa pag buo ng bagong pilipinas para sa mga pilipino at kastilang naninirahan sa bansa .

Kahit na pinapatigil ng mga kastila ang pagkalat ng balita at video ng tungkol doon ay tila hindi iyon naging epektibo dahil sa unlad at lawak ng internet sa makabagong panahon .

Ibat ibang tao ang nakapanuod dito , sari saring opinyon ang lumabas at gaya ng inaasahan ay maraming nagalit na mga opisyal ng gobyerno na ngayon ay pinapatugis ang misteryosang Sugo na si Ifugao pero sa kabila nun ay marami rin ang natuwa lalo na ang mga pilipinong umaasa ng pagbabago.

Hati naman ang palagay ng ibat ibang grupo lalo na ang ibang rebelde na nakakalat sa buong bansa tungkol sa pagkakaisa ng lahat.

 

~  




Ilang Araw pa lumipas habang patuloy na kumakalat ang video. Sa isang tagong kwarto sa isang basement ng lumang gusali. Isang lalaki ang kasalukuyang nanunuod ng video tungkol sa bayaning si Ifugao.

" Kalokohan , Paanong naging bagong pilipinas ito kung mananatiling kasama natin ang mga kastila . Hangal ! Sinisira nya ang mga plano ko ." Sambit ng isang lalaki habang naka upo na nanunuod ng Tv mag isa .

" Hindi makakamit ng bansa ang tunay na pagbabago kung hindi nito makakamtam ang kalayaan sa mga dahuyan " Dagdag nito habang nagdabog sa mesa .

  Nabalot sa Pulang usok ang kwarto na iyon na lumalabas sa katawan nito .

Ang lalaking ito ay may itim na at mga ilang pulang mga parte sa buhok , Nakasuot ito ng itim na sumblero na may tatak na K sa itaas bilang sagisag ng kanilang grupo.

May suot din itong kalahating maskara sa kanyang mukha na may tatlong bituwin bilang desenyo.

Maskulado ang pangangatawan nito sa fited suit nito na may tatak sa dibdib ng simbolo ng grupong kinabibilangan. Ang lalaking ito ay isang rebolusyunaryo na tinuturing na rebelde ng gobyerno na pinamumunuan ang " Kalasag ng Bayan " ,

Isang grupo ng mga pilipino sa maynila at karatig lugar na lumalaban sa pamumuno ng espanya sa kabisera ng bansa .

Sya ang sugo ng maynila na si Supremo na tinagurian ngayon na bagong bayani ng mga pilipino .

 

" Humanda ka , Ifugao "



~

 


Sa ibang dako ng maynila .

Habang naman sa opisina ng kapopromote lang na opisyal ng militar. Sa isang magarang kwarto na puno ng libro sa paligid at mamahaling mga gamit .

" Isang kahangalan , Hindi kailangan ng mga pilipino ng bayani magliligtas sa kanila kung susunod lang sila ng tama sa batas. "

" Siguro nga isa kang bayani sa iyong mabuting hanggarin pero ikaw ay isang banta sa gobyerno ng Espanya kaya nararapat ka lang na malitis at maparusahan ng batas . " Sambit nito habang nanunuod ng video ni Ifugao.

Ang lalaking ito ay may Itim at maikling buhok , Maliit ang pangangatawan at tangkad . Nakasuot ito ng isang magarang green military uniform na katunayan ng kanyang posisyon .

Sya ay ang bagong heneral ng sandatahang lakas ng pilipinas na si Romeo Catapang at katulad ni Erik ay isa rin syang Sugo . Sya ang Sugo ng diwata sa probinsya ng Batangas .



 

~

 


Lumipas ang mga Araw ay hindi na muling nakita pa ang kinikilalang bagong bayani ng pilipinas . Walang nakakaalam ng kanyang kinaroroonan dahil na rin sa biglaang pagkawala nito pagkatapos ng pang yayari.

  Marami ang umaasa sa kanyang pagbabalik dahil sa kanyang mga hangarin lalo na ang mga pilipinong itinuturing na syang bayani nila na nag hahangad na maligtas . Gayumpaman ay naka alerto na rin ang mga opisyal ng militar para sa pagdakip sa kanya bilang banta ito sa pamumuno ng mga kastila .



~    

End of Chapter
Alabngapoy Creator