TITLE :

TITLE : " KASARINLAN - SIKALON ARC GENRE : Action , Superpower, History , Drama ,Romance , Fantasy Artist : Alab ng Apoy Type : Manga And Novel  
. Take note : Isa itong fantasy na may halong history ng pilipinas , Alternate world
" Kalayaan, Pagkakaisa,Kapayapaan, Ang Tatlong Sagisag na kailangan ng Bansa laban sa mga pang aabuso ng mga dayuhan, Pero paano kung ang mga Sumisimbolo at Naghahatid ng bawat katangian ng mga ito ay Magkakasalungat ng Paraan at Paniniwala sa Paano tutulungan ang bansang kanilang dapat pangalagaan ? "
PLOT - Sa higit na 500 years na pananakop ng Makapangyarihan bansa ng espanya sa pilipinas at ituring itong isa sa mga kolonyal nito , Dahil sa napakarami Pagkabigo at pagkatalo ng mga bayani at mga rebolusyunaryong pilipino ay unti unting nawalan ng matatapang na taong may paninindigan na bawiin ang lupang sinilangan sa kamay ng mananakop , Dahil sa kawalan ng liwanag ng pag asa ay tuluyang sumuko ang mga pilipino at tinangap na lamang ang pamumuno ng mga kastila sa kanilang bayan, Sa Lumipas na ilang daang taon ay naging malupit ang pamumuno ng mga kastila sa mga mamamayan ng bansa , nahati sa dalawa ang estado ng buhay ng mga pilipino sa pilipinas , Isa na rito ay ang mga Honorary Spaniard o " Hilaw " sa Katawagan ng mga Kastila , Sila ang mga taong tinalikuran ang pagiging pilipino upang maging Adopted Child of Spain upang makuha ang ilang prebilehiyo sa bansa . At ang mga Low Class Citizen o " Indyo " Sa katawagan ng mga Kastila , sila ang mga pilipinong nagmula sa mahihirap na pamilya na tinangalan ng napakaraming pribelehiyo at karapatan sa sariling bansa , Dahil sa mababang estado ng buhay sa lipunan ay madalas na inaalipusta at inaabuso ang mga ito at walang kakayahan na ipagtangol ang sarili sa kahit anong hukuman at korte sa bansa .  

IFUGAO

             

 

Alabngapoy Creator