Isang kagimbal-gimbal na sakuna ang bumulantang sa pitong bilyong taong naninirahan sa daigdig. Pira-pirasong sumabog ang planetang Mars noong September 14 taong 2019, ito nama'y nag dulot ng malaking gulo sa bawat bansa sa buong mundo.
Maraming bansa ang nawalan ng pag-asa, mga nanatiling lumalaban, at may ilan ding sumubok umalis sa daigdig gamit ang sasakyang pangkalawakan. Una itong sinubukan ng bansang USA, ngunit, bukod sa nagdulot lamang ito ng tensyon sa pagitan ng mga taong makakasama at hindi, napagtanto rin nila na wala itong patutunguhan dahil walang kahit anong planetang maaring panatilihan o tirahan ng maraming bilang ng tao.
Ang mga bansang Hapon, Hilagang Korea, Tsina, Pransya, at Rusya ay bumuo naman ng alyansa at tinawag bilang "JANCHIFRU" upang subukang pigilan o mapaunti ang pinsalang maidudulot ng pabagsak ng malaking tipak ng planetang Mars. Inaasahan ang tuluyang pag bagsak nito sa daigdig sa loob lamang ng lima o pitong araw, kaya't sa loob ng limang araw ay sunod-sunod at walang tigil na sinubukang sirain ng mga bansa ang asteroid sa pamamagitan ng kahit anong nukleyar na armas.
Sa kasamaang palad ay hindi ito nasira, ngunit nakatulong ito upang bumagal at mabawasan ang laki nito. Sa kabilang banda, ang pagbagsak nito'y patuloy parin sa daigdig at natanggap na ng sangkatauhan ang kanilang katapusan.
Lahat ng tao ay tuluyan nang nawalan ng pag-asa, kaya't may mga nagpatiwakal na lamang, ang iba naman ay tahimik pinagmasdan nalang ang paparating na katapusan, may mga nanalangin sa Diyos para sa kanilang kaligtasan, may mga taong sinusulit ang kanilang natitirang oras kasama ang pamilya, at may mga taong sinulit ang kanilang nalalabing oras sa pamamagitan ng paglabag sa mga batas gaya ng pangra-rape at pagpatay sa mga tao. Septyembre 21, 2019 sa oras na 12:17 ng tanghali ang asteroid na tinawag ng mga Hapones na "Tendan" ay tuluyang bumagsak sa Indian Ocean.
Nayanig ang buong mundo ng walang tigil na lindol, nakabibinging pagsabog, at katakot-takot na sigawan na animo'y sa impyerno mo lamang maririnig sa loob ng anim na araw. Lumipas ang dalawang lingo, nagsimulang kumalma ang kapaligiran, ito'y nagdulot ng nakalulumong pinsala dahil sa impact ng pagbagsak ng asteroid. Ito'y maihahalintulad sa isang bombang sumabog na naging dahilan ng pagkatabon at pagkabura sa mapa ng maraming bansa sa Asya kabilang na dito ang mga bansang Indonesia, Sri Lanka, Pilipinas, Thailand at marami pang iba.
Limampung taon ang lumipas matapos ang tinagurian pinakamalaking sakuna sa kasaysayan ng sangkatauhan, nag-iwan ito ng malaking bilog na marka sa daigdig, patuloy na lumaban ang lahat ng tao at mga bansa upang manatiling buhay at makaahon sa paghihirap na dulot ng trahedya. Ang ilang bansa gaya ng Amerika, Rusya, at Hapon ay matagumpay at tuluyan nang nakabangon sa sakuna, ang kanilang ekonomiya ay nagsimula nang mamulaklak.
Ngunit sa loob din ng limampung taon na iyon, sa gitna ng iniwang marka ng Tendan ay unti-unti ring umuusbog at bumabangon ang tila isang demonyong nilalang na walang sino man ang nakakaalam. At isang tunog ang gumulat sa sangkatauhan, mistulang hudyat ng panibagong pagsubok "BROGHHH!", ang tunog na iyon ay hindi tumigil mula umaga hanggang gabi.
Nagsimulang simulip ang haring araw, binuksan ng mga tao ang kanilang mga bintana, at sa kanilang pagdungaw ay natanaw nila ang nilalang na unang beses pa lamang nilang nasaksihan. Mga kulay abo at may taas na sampung talampakan, ang kanilang mga bisig ay kaya nilang paghiwalayin sa dalawa upang mabanat ang kanilang balat at mag pormang wingsuit para sa mas mabilis nilang paglangoy sa malawak na karagatan, pare-parehas na paumbok ang hugis ng kanilang likuran, may malalaking bunganga na may mapupurol na mga ngipin, at may malaking kamay at matulis na mga kuko.
Ang mga nilalang na ito'y sumugod sa sangkatauhan upang kolektahin ang katawan ng libo-libong mga tao, dadakutin o puputulin nito ang katawan ng tao at isusubo sa kanilang malaking bunganga, diretsyo papunta sa kanilang kubang likod, at mabilis silang babalik sa pinanggalingang lungga. Simula noon, ang mga nilalang na ito ay tinawag bilang "Tenshi" (Angel) at ang katakot-takot na pangyayaring ito'y paulit-ulit at walang tigil na nangyari na para bang parusa ng kalangitan sa tuwing lilipas ang limang buwan.
Ngunit habang lumilipas ang mga taon, ang sangkatauhan ay nakatuklas ng armas upang lumaban sa mga nilalang na ito. Gamit ang pinagsamang kabaliwan at talino ng tao, nagawa nilang makalikha ng bagong pag-asa ng sangkatauhan gamit ang pinagsamang cell ng mga Tenshi at katawan ng tao at tinawag itong Daitenshi (Archangel). Ngunit ang malaking katanungan, ito nga ba ay pag-asa o isa lang ding uri ng halimaw na nilikha nang tao?