Mahabang pila ng mga tao ang bumungad sa isang Athletic Park sa Hiroshima. Ang dating stadium ay napuno ng mga taong sapilitang pinasama sa “suicide parade”. Ito ay isang kaganapan kung saan tinuturukan nang serum o cell ng Tenshi ang bahaging spinal cord ng isang tao. Sa pamamaraang ito ay nagkakaroon ng tiyansa ang isang indibidwal na makapagtransform bilang isang Daitenshi o kalahating Tenshi.
Ngunit gaya ng nasabi, magkakaroon lamang ng tiyansa kaya't walang kasiguraduhan ang pagiging matagumpay ng transfusion. Tanging 20% lamang ang tiyansang maging matagumpay ito at 80% naman ang tiyansa ng kamatayan.
"Hay nako... Sobrang depressing nang mood dito" bugtong hininga ni Taro.
"Kung naging Royals lang sana ako... 'di ko mararanasan 'to. Buhay pa sana si papa at hindi nahihirapan si mama magtrabaho sa Gifu." sambit ni Taro sa isipan.
"Bwiset... bwiset... bwiset!" dugtong nito.
Malalim na nag-iisip si Taro kaya't ito'y napatulala nalamang sa pila. Lumapit sa kanya ang isang sundalo at binatukan ang nakatulalang binata.
"Number 691! Bilisan mong kumilos at bumalik ka na sa pila." sigaw ng sundalo sa binata.
Sumunod naman si Taro, ngunit bakas pa rin sa muka nito ang pagkalungkot.
"Oi oi, buddy!" sambit ng isang lalaking nasa likuran ni Taro.
"Ayos ka lang ba? Mukang matutulala ka nanaman diyan." ani pa nito.
"Pasensya na, may iniisip lang ako." tugon ni Taro.
"Natatakot ka bang mamatay?" tanong ng lalaki.
"Uhmmm... Parang ganon na nga." sagot ni Taro.
"Sa bagay, binata ka pa lang eh. Panigurado 'di mo pa nararanasang makipag sex man lang." biro ng lalaki sa binata.
"Hahaha 'di ko pa nga nararanasang makipag sex, pero hindi 'yon ang iniisip ko. Nanghihinayang lang ako sa buhay ko." ani ni Taro.
"Naku naku... Alam mo ba, naggawa ako ng research tungkol dito sa suicide parade. At kung pagbabasehan iyon, malaki ang nagiging epekto ng mental health at mental strength para makaligtas at mapataas ang survival rate mo." ani ng lalaki.
"Kaya naman ang maipapayo ko lamang sayo, lakasan mo ang loob mo at isipin mong makakaligtas ka sa transfusion." payo nito kay Taro.
"Oh? Pano mo naman nasabe yan? Journalist ka ba?" pabirong tanong ni Taro.
"Exactly." tugon nito.
"Eh-"
"Yoo... nagbibiro lang ako. At sa totoo lang hindi siya mukang journalist, mas muka siyang adik. Ang payat niya kasi at ang wirdo ng haircut niya. Ito siguro yung sinasabi nilang don't judge a book by it's cover." sambit ni Taro sa kaniyang isip.
Patuloy namang nakipag usap kay Taro ang lalaking 'di niya kakilala habang patuloy din ang pagusad ng pila.
"Walang pag-asa 'tong mga tao dito... nasa unang stage pa lang tayo ng suicide parade pero yung mga muka nila halos 'di na maipinta." ani ng lalaki.
"Oi... kung ikaw 'di nakakaramdam ng takot manahimik ka nalang." sagot ni Taro na unti-unti nang naiirita.
"Haha pasensya na. Pero siryoso, mas nakakabahala kasi yung mga susunod na stage nitong suicide parade. Alam mo naman na dun na papasok yung side effects ng serum, balita ko yun daw ang pinaka nakakatakot na parte ng suicide parade." ani nito.
Nawalan ng gana si Taro na makipag usap sa lalaki kaya naman pinilit niyang huwag itong pansinin.
"At alam mo ba, may nakalap akong balita na may bagong general ngayon dito sa headquarters ng Hokaido." sambit ng lalaki.
Kinalabit ng lalaki ang balikat ni Taro
"Arghhh! Bwiset naman 'tong Number 692." sambit ni Taro sa kaniyang isip.
"Hoy! Hoy! Buddy naririnig mo ba ako?" ani ng lalaki habang patuloy na kinakalabit ang likod ng binata.
Dahan-dahan namang tumingin si Taro sa lalaki habang nakataas ang ang dalawang hinlalaking daliri at may naiiritang mukha.
"P-pwede bang manahimik ka na. Salamat sa mga payo mo pero hindi kasi ako mahilig makipag socialize, naintindihan mo ba?" sambit ni Taro.
"At gaya nang sabi mo, kailangan kong mag-isip ng positibo. kaya kung pwede lang manahimik ka muna kasi sinusubukan kong mag focus." dagdag pa nito.
Nanahimik naman ang lalaki dahil napagtanto niya ang kanyang kamalian.
Isang oras ang lumipas at ang tatlong grupo kung saan pangatlo si Taro ay pinapasok na sa stadium upang turukan.
"Hoy buddy." sambit nang lalaki
"Bakit?" tanong ni Taro.
"Huwag ka mamamatay ha. At pasensya na sa kaingayan ko kanina." ani nito.
Tumungo naman si Taro at ngumiti bilang pasasalamat sa lalaki. Pagkapasok sa loob ng stadium ay narinig nila ang hindi mabilang na sigawan.
"Number 689, 690, 691. Diretsyohin ninyo ang hallway hanggang sa room 167!" utos ng guwardiya.
"A-ano... Ba't madaming nagsisigawan? " tanong ng babaeng si Number 689.
Napalingon naman si Taro kay Number 689
"Yun ang sigaw ng mga naturukan na ng serum. Yung ibang mahihina, namamatay agad sa loob lang ng 30 seconds. At yung ibang nabubuhay, nalalamon nang cells ng Tenshi, dahilan para maging isang baliw na Tenshi lang sila." sambit ng isang guwardiyang nagbabantay sa pasukan.
"Ibig sabihin tatlo ang posibleng mangyari sa'kin." sambit ni Number 689.
"Tama ka d'yan, una ay ang mabuhay, pangalawa ay mamatay, at ang huli ay maging isang Tenshi." sagot ng lalaking guwardiya.
"Pero 'wag kang magalala, may mga Daitenshing nakaabang sa bawat room. Papatayin ka agad nila once na mawala ka sa tamang pag-iisip." dugtong nito.
"Kaya bilisan mo na ang paglakad mo, madaming pang susunod sa inyo." utos ng lalaking guwardiya.
Tahimik na naglalakad ang tatlo papunta sa room 167. Nangingibabaw ang sigawan ng maraming tao sa hallway. Lumipas ang ilang minuto ay narating na nila ang sinabing room.
Pagkabukas nila nang pinto ay bumungad sa kanila ang silid na puno ng dugo. Makikita ito sa pader, sahig, at higaan.
"D-diyos ko po!" sigaw ng babae na nasuka dahil sa kaniyang nakita.
"What the fuck! Sobrang lansa, parang hindi tao ang amoy." sambit ni Taro.
Sinubukan tumakbo ni Number 690 ngunit ang buong pasilidad ay napupuno ng mga Daitenshi, dahilan ng mabilis niyang pagkahuli.
Ang operasyon ay nagsimula na, ang tatlo ay pinaupo sa isang upuan. Ang upuan na ito'y walang sandalan ngunit mayroong bakal na arm support. Ang arm support na ito'y may mga tali upang pigilan ang paggalaw ng pasyente, ganoon din naman sa paahang bahagi ng upuan.
Pinipigilan ni Taro ang kanyang panginginig at pinipilit ang sariling mag focus. Ang babaeng si Number 689 ay walang tigil ang pag-iyak at pagmamakaawa, ang lalaki namang si Number 690 ay patuloy padin sa panlalaban at pagpilit na makawala sa upuan.
Sa kabila nito ay handa na ang lahat. Kinuha na ng tatlong doktor ang mga malalaking injections, sabay-sabay na lumapit ang tatlong doktor. Hinawakan ng mga doktor ang buhok ng tatlo upang simulan na ang pagtuturok.
Damang-dama ni Taro ang higpit ng pagsambunot ng doktor kaya't hindi niya napigilang umaray. Dahan-dahang inilapat ng mga doktor ang karayom sa batok. Nagtinginan sa mata ang tatlong doktor na tila ba'y nagsesenyasan. Lumipas ang ilang sandali, sabay-sabay at mabilis nilang itinusok ang karayom sa batok ng tatlong pasyente, matapos nito ay marahan silang umatras upang magtago sa likuran ng mga Daitenshi na nakatalaga sa kwartong iyon upang patayin ang pasyente sa oras na pumalya ang transfusion.
Nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa lalim ng karayom. Hindi na nagawang pigilan ni Taro ang kanyang panginginig at pagsigaw dahil sa sobrang kirot na kanyang nadama. Ang kirot na ito'y mabilis na kumalat mula sa batok papunta sa bawat bahagi ng katawan ni.
Nayanig at lumabo ang paningin ni Taro, unti-unting nawala ang kanyang pandinig, may mga dugong tumagas sa kanyang ilong, naramdaman niya ang pagbaliko ng kanyang kanang mata. Napalingon siya sa kanang bahagi, malabo ang kanyang paningin ngunit malinaw sa kanyang isip ang kanyang nakita.
Ang lalaking si number 690 ay sumusuka ng napakaraming dugo, hindi nito makontrol ang paggalaw ng kanyang ulo kaya naman kumalat ang mga dugo at tumalsik ang napakaraming dugo kay Taro. Lumingon naman siya sa kaliwang bahagi, nakita niya ang matindi panginginig ng babae na napapalundag pa sa kanyang upuan. Madiin na pinikit ni Taro ang kanyang mga mata.
Isang minuto ang lumipas, nanginginig padin si Taro dahil sa sakit ng buong katawan ngunit dahan-dahan nang bumalik ang kanyang pandinig. Sa pagmulat ng kanyang mata ay may kakaiba siyang naramdaman.
"Huh... Ang hi–hirap imulat ng kanang mata ko, anong–" sambit ni Taro.
Kanyang napagtanto kung ano ang nangyari. Ang kanyang kanang mata ay lumuwa mula sa kanyang mukha.
"AGHHH! AAAH! TULONG! TULUNGAN N'YO AKO. YUNG... YUNG MATA KO! AGH... AGHHH!" hindi napigilan ni Taro ang magwala at magsisigaw sa kanyang upuan.
Dahil sa pagkataranta ay napalingon siya sa inuupuan ng babae, nakita niyang tila buhay pa ito ngunit puno ng dugo ang katawan na maaring galing sa lalaking nasa kanang bahagi niya. Dahan-dahan naman niyang nilingon ang inuupuan ng lalaki.
Nanlaki at natulala ang kanyang kaliwang mata dahil sa kanyang nakita. Ang tanging nasabi lamang niya ay, "Pu–pu–punyeta..."
Si Number 690 ay wala nang buhay. Ang buong katawan niya ay naliligo sa dugo, ang ilang lamang-loob ay nasuka rin niya, ang kanyang bituka ay nakasabit pa sa kanyang bibig.
Nanlambot ang katawan ni Taro. Ilang saglit ang lumipas ay hinimatay ang binata, ganoon din si Number 689.
"Yuck... sobrang kalat naman nitong punyetang 'to." sambit ng isang doktor.
"Grabe... sa 26 na namatay dito sa room 167 siya lang ang sumuka nang lamang-loob." sambit ng doktor na nagtatanggal sa tali ni Number 689
"Mukhang pati utak niya nadurog." sambit ng doktor na nagtatanggal nang tali kay Taro.