Ikatlong araw ng phase 2 sa Suicide Parade, lumubha ang mga side effects na nararamdaman ng mga pasyente. Dumalas ang pagdanas nila ng intense seizure, pagsusuka, pagsakit ng spinal cord, at marami pang iba.
Ang bilang ng mga namatay ay lalong tumaas, karamihan sa kanila ay pumanaw dahil sa pagkaubos ng dugo o 'di kaya'y heart attack. Ang iba naman ay aksidenteng namamatay habang nararanasan ang mga side effects, kadalasan ang mga ito ay ang nauuntog sa pader o minsan ay nakakagat ang kanilang dila.
Hindi sapat ang bilang ng mga doktor upang asikasuhin at gamutin ang lahat ng pasyente sa kulungan, nagpatuloy ang mga kaganapang iyon hanggang sa ikaapat na araw. Sa ikalimang araw, nabawasan ang mga iniindang sakit ng bawat pasyente, ito ay tila ba'y bagyong unti-unting humuhupa.
Pawisang katawan at nanunuyot ang lalamunan ni Taro, "Tubig... kailangan ko ng tubig." nanghihinang sambit nito.
Matapos ang limang araw ng pagkahiga sa kama ay muli niyang naranasang ilapat ang kanyang mga paa sa sahig. Siya'y pasuray-suray na lumakad papunta sa kinahihigaan ni Asami. Hinawakan at inuyog ni Taro ang balikat ni Asami upang itong magising.
"Asami-san, maayos na ba ang pakiramdam mo? Sa akin kasi medyo ayos na." wika nito habang inuuyog ang balikat ni Asami.
Patuloy niya itong inuyog, "Oi, Asami-san..." sambit nito.
Hindi nag tagal ay nagsimula nang mapagtanto ng isipan ni Taro kung ano ang nangyari. Mababakas ang puot, pagtataka, at kalungkutan sa tingin ng kanyang mata.
Bakas ang pagkalito sa nanginginig niyang mata, "Bakit?! Bakit ka namatay? Hindi ka pwedeng mamatay! Pano nalang ang mga anak mo, Asami-san!" sambit nito sa isipan.
"Teka lang, ano bang paki ko? Bakit ako nalulungkot sa pagkamatay ng babaeng 'to? Bakit ako naaawa sa mga anak ng babaeng 'to? 'Di ko maintindihan." tanong nito sa sarili.
Ang binata ay hindi makapag-isip ng tama, hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin. Siya'y naging manhid sa kadahilanang ito'y paulit-ulit na niyang nasaksihan.
Hindi parin tumigil ang binata sa pag-uyog sa bangkay ni Asami, "Oi, Asami-san, oras na para gumising." wika nito
Siya'y unti-unting nanghina at napaupo na lamang sa gilid ng higaan, "Asami-san..." anito.
Ang binata ay nagsimula maging isteriko, hindi niya malaman kung paano mailalabas ang naghalo-halong emosyon sa kanyang dibdib.
Sandaling nawala sa katinuan ang pag-iisip ni Taro dahil sa nangyari, "Nanaman, may namatay nanaman..." wika nito.
"HA-HA-HA! May bangkay nanaman sa harap ko..." dagdag pa niya.
Itiningala ni Taro ang kanyang ulo upang tumitig sa kisameng kulay grasa. Siya'y matagal na nag-isip-isip, ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagmumuni-muni ay may hindi inaasahang bisita. Ang selda ay biglang napuno ng makapal at maitim na usok, kumalat ito sa buong paligid at biglang lumubog si Taro sa karagatan ng usok.
Napakadilim ng tanawin at biglang nagsigawan ang napakaraming tao, unti-unting naalala ng binata ang sitwasyong ito. Sa kanyang harapan ay muling naglitawan ang napakaraming kamay sa usok, mga kamay na pilit siyang inaabot habang unti-unti siyang lumulubog. Muli, ang sigawan ay palakas nang palakas at sa tuwing itoy lumalakas ang kilabot na nararamdaman ni Taro ay pataas nang pataas.
Malinaw niyang nadinig ang sigaw ng mga tao. Ang una niyang nadinig ay ang sambit ng isang lalaki, "Ito ang dahilan kaya ayaw kong magtiwala sa mga bata.", sunod ay ang sigaw ng isang babae, "Isinusumpa kita!", ang sumunod ay galit na sigaw ng isang batang lalaki, "Baliw ka! Mabulok ka sa impyerno!" at ang sigawan ng hindi mabilang na tao ay nagpatuloy. Iisa lamang ang nais iparating ng mga ito sa nalilitong binatilyo, ang kanilang galit sa kanya ay mas malalim pa kaysa sa Karagatang Pasipiko.
Dahil sa pagkalito ay hindi napigilang magsalita ni Taro, "Anong pinagsasabi n'yo? Hindi ko kayo kilala! At kahit kailan hindi ako pumatay ng kahit sinong tao!" buong lakas na sigaw nito.
Isang matandang boses ang tumugon, "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Bata?" anito.
Biglang napaisip si Taro, "Sandali lang... ang boses na 'yon." sambit nito.
Nadinig niya ang isa sa mga boses na hindi niya kailanman malilimutan. Ang boses ng matandang iniligtas siya sa tiyak na kapahamakan.
Bumuhos nang parang ulan ang luha ni Taro matapos mapagtanto kung sino ang nagsalita sa likod ng makapal na usok, "Oi, ,oi, oi, oi! Botan! Tandang Botan! Asaan ka? Bakit ka nandito?!" tumatangis na sigaw nito.
"Ikaw, ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito. Ikaw ang dahilan kung bakit ako namatay." tugon ni Botan.
"At ikaw ang magiging dahilan kung bakit marami pang mamamatay." dagdag pa nito.
Nabigla si Taro sa kanyang nadinig, "Huh?! A-anong pinagsasabi mo tanda? Hindi kita pinatay! Wala akong pinatay!" anito.
"W-wala... hindi ako ang pumatay sa'yo..." unti-unting bumalik sa kanyang isipan ang kanyang pagpapabaya na nagresulta sa brutal na pagkamatay ni Botan.
Ang mga sigawan ay nagsimulang humina kasabay ng mabilis na paglalaho ng makapal at madilim na usok. Bumalik ang kanyang kamalayan sa realidad, siya'y nakahandusay sa tabi ng higaan ni Asami habang tulirong nag-iisip.
Siya'y nagwika sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip, "Ohhh... panaginip lang pala ang lahat ng iyon." sambit nito.
"HAHAHA! “Panaginip lang”?" anito.
"Bakit ang sakit parin hanggang ngayon?" tanong nito sa sarili.
Gulong-gulo ang isipan ni Taro at kanyang puso ay puno ng poot at hinanakit sa sarili. Inisip niyang tama ang lahat ng sinambit ni Botan sa kanyang ilusyon. Napagtanto niyang nililinlang lamang niya ang kanyang sarili gamit ang huwad na dahilan upang manatiling mabuhay.
"Isa akong talunan, isa akong ungas para manatiling buhay dahil lamang sa mga huling salita ni Botan." emosyonal na wika ni Taro.
Gamit ang kanyang kaliwang kamay ay walang tigil niyang pinagsusuntok ang kanyang kaliwang pisngi, "Talunan! Talunan! Talunan!" sigaw nito.
"Arggghhh! Ano ba talaga ang dahilan para manatili akong buhay?" hagulgol ng kaawa-awang binatilyo
Sa kabilang banda, sa katabing prefecture ng Kochi, ang Tokushima Prefecture.
Ang mga sundalo at daitenshi ay maiging binabantayan ang boarder line ng Tokushima at Kochi.
(Ang Kochi Prefecture ay isa sa mga matagumpay na nasakop ng mga Tenshi.)
"Hurrr!" hikab ng isang sundalo.
"Kailan ba nila tayo papalitan dito? Antok na antok na ako, bwiset." sambit nito sa kasamang tagapagbantay na sundalo.
"Matuto kang maghintay. Halos dalawang oras pa lamang tayo dito." tugon ng sundalo.
"Hay nako... Sino ba namang hindi aantukin sa ganitong uri ng lalaking, kaasar!" sambit nito sa isip.
Ilang sandali ang lumipas ay may napansing kakaiba ang dalawang sundalo. Nadidinig nila ang malalakas na dagundong at sunod-sunod na pag-atungal.
"Hoy, naririnig mo ba ang naririnig ko?" tanong ng reklamador na sundalo.
"Oo, walang duda, kumikilos na ang mga lintek na halimaw." tugon ng kanyang kasama.
"Bilis, kaylangan nating maireport agad ito sa HQ!" sigaw nito.
"Oo alam ko! 'Wag mo akong sigawan, bwiset ka!" naaasara na sambit ng sundalo.
Mabilis na kumilos ang dalawang sundalo. Ngunit ang kinatatakutan ay tuluyan nang naganap, isang dambuhalang Tenshi ang lumundag sa kanilang likuran. Mabilis nitong hinablot ang katawan ng isang sundalo gamit ang kanyang malaking kamay.
Ito'y malinaw na nasaksihan ng reklamador na sundalo. Tanaw ng kanyang mata ang kaawa-awang mukha ng sundalo, bakas sa mata nito ang takot at gulat sa kanaganapan.
Sumigaw ang sundalo ng malakas habang pilit na nagpupumiglas sa kamay ng Tenshi, "AHHHH! Tulungan mo ako! Ayaw ko pang-"
Sinubo ng Tenshi ang kalahati ng katawan ng sundalo, buong pwersa nitong kinagat at hinila ang katawan nito dahilan upang kumalat ang napakaraming dugo at lamang loob sa hangin. Bumagal ang takbo ng oras, nanlaki ang mga mata ng reklamador na sundalo habang nakatitig sa lumulutang na bituka at iba pang lamang loob ng kanyang kasamahan.
"Ow shit, shit shit! Patay ako nito!"
Mabilis itong tumakbo habang bitbit ang maliit na radyo, "HQ-6! HQ-6! Ito ang tagapagbantay sa Kochi-Tokushima boarder!" anito.
"Nag simula nang kumilos ang mga Tenshi!" sigaw nito habang mabilis na lumalayo sa mga nagaalborotong halimaw.
"I repeat, Tokushima Prefecture is under attack!" dugtong nito.
Sa kasamaang palad, ang kanyang mabilis na pagtakbo ay hindi sapat upang matagumpay na takasan ang mga gutom na Tenshi. Agad siyang naabutan ng dalawang Tenshi, ang isa ay mabilis na binunggo ang kanyang likuran dahilan upang madapa ito at magpagulong-gulong.
"Argh! Huff-huff... Tulong! Tulungan n'yo ako... AHHhhh!"
Dinakma ng sumunod na Tenshi ang kanyang kaliwang paa at paulit-ulit siyang binalibag sa kalupaan bago isubo. Nagalit ang unang Tenshi sa ginawang pang-aagaw sa kanyang pagkain kaya't mabilis itong nakipag-agawan at nakipag-away sa kapwa niya halimaw. Tumalsik ang putol na kanang kamay ng sundalo, tanging iyon lamang ang natira sa kanyang katawan.