"Dalawang lalaki ang na rescue dito sa Uchiko, isang 11 years old at isang 17 years old. Sunod na destinasyon, Kumakogen!" sigaw ng piloto sa hawak nitong radyo.
Matagumpay na nakaalis ang helicopter na sinasakyan ni Taro mula sa Uchiko, patuloy naman ang rescue misyon at paglibot ng helicopter sa iba pang parte ng Ehime prefecture. Kung naging matagumpay ang pagtakas ni Taro, naging matagumpay din ang mga Tenshi. Mabilis nilang nasakop ang siyam na prefecture sa Japan, at ito ay ang Kogishima, Miyazaki, Kumamoto, Nagasaki, Saga, Fukuoka, Oita, Ehime, at Kochi sa loob lamang ng isa't kalahating araw.
Sa kabilang banda, sa gitna ng Lake Biwa kung saan nakatayo ang Japan Palace. Nagtitipon-tipon ang mga miyembro ng Royal Government of Japan na pinangungunahan ni Prime Minister Masashi Hirano.
(Ang Royal Government of Japan ay ang makabagong gobyerno kung saan binubuo ito ng Prime Minister, Cabinets, at mga Royals. Ang mga Royals ay mga mayayaman na pamilya o indibidwal na siyang nagpapatakbo ng Royal Government of Japan at Tengoku Organization gamit ang kanilang kayamanan upang maprotektahan sila mula sa panganib ng mga Tenshi.)
"ANG TATANGA NIYO!" galit na sigaw ng Prime Minister sa mga tauhan nito.
"Mga hunghang! Bakit ninyo hinayaang masakop ng mga Tenshi ang malaking parte ng Western Japan? Anong nangyare sa pwersa ng Daitenshi natin? Ipaliwanag niyo sa akin!" emosyonal na sigaw nito.
"Prime Minister, sa loob po ng 180 years simula noong lumabas ang mga Tenshi ngayon lang po gumawa ng surpresang pag-atake ang mga Tenshi, kaya't ang buong pwersang Daitenshi natin ay 'di nakapag handa upang dipensahan ang Western part ng ating bansa. Agad naman pong umaksyon ang mga malapit na headquarters ngunit 'di ito naging sapat dahil madaming Daitenshi ang namatay bago pa masimulan ang pagdepensa." paliwanag ng defense secretary ng Japan.
"Tengoku Representative! Nasaan na si Rigaku, hindi ba't siya dapat ang humahandle sa lahat ng kaguluhang ito?!" tanong ng Prime Minister.
"Mr. P-prime Minister, pabalik na po siya g-galing Australia... I-inaasahan po ang pagdating niya mamaya pong uhm... tanghali, Mr. Prime Minister!" nauutal na sagot ni Tengoku Representative Tadaki Kubo.
(Ang Tengoku Organization ay nabuo sa ilalim ng bansang Japan at China. Ang organisasyon na ito ay ang siyang nakaimbento at nagpapatakbo ng mga Daitenshi sa buong mundo.)
"Australia?!" nagulantang na sigaw ng Prime Minister.
"O-opo Prime Minister, b-bale nagpunta po siya doon... d-dahil naganap din po ang ganitong kaguluhan doon sa Australia." tugon ni Tadaki.
"Anong klaseng rason 'yan, nasa gitna ng kaguluhan ang sarili niyang bansa pero mas uunahin niya ang basurang bansang 'yon? Ano nalang ang sasabihin sa atin ng mga Royals, hindi ba niya naisip iyon?!" sambit ng Prime Minister
"P-paumanhin po sa kapabayaan ng aming president, Prime Minister!" ani ni Tadaki habang nakayuko.
"Mga wala kayong kwenta! Lumayas kayo sa harap ko, ngayon na!" sigaw nito habang galit na nakaturo sa pinto.
Napaisip ng malalim ang galit na galit na Prime Minister at sinubukang pakalmahin ang kanyang sarili habang nakapalumbaba sa mesa.
"Bakit sa termino ko pa nangyari 'to... sa nangyayari ngayon pinapahiya ko lang ang dangal ng pamilya ko sa mga Royals. Hindi ako papayag na masira ang pamilya ko at matanggal bilang isang miyembro ng Royal." ani nito habang nag iisip ng malalim
"Secretary Arima, siguraduhin mong hindi ito malalaman ng mga Royals. Patayin lahat ng magtatangkang isiwalat ang mga impormasyon at mga kaganapan sa Japan, naintihan mo ba?" mahigpit na bilin nito habang nanlilisik ang mga mata.
Malugod namang tumango si Secretary Yuubi Arima.
Kasunod nito ay muli namang sinimulan ang pagtitipon ng mga miyembro ng gobyerno upang muling talakayin at gumawa ng solusyon at batas para sa naganap na krisis. Sa mga oras ding iyon ay nakarating na ng Japan ang presidente ng Tengoku Organization.
"Pre-president!" malakas na sigaw ni Tadaki habang umiiyak sa hallway ng Japan Palace.
Si Tadaki Kubo ay isang feminine na lalaki at lumaki bilang miyembro ng mga Royals. Ngunit sa dahil sa kagustuhan ng kaniyang ina siya'y naglingkod para sa kanyang bayan sa pamamagitan ng pagiging parte ng Tengoku Organization.
"Oi oi... ba't ka naman umiiyak, Tadaki? Ganyan na ba ka grabe ang pagkamiss mo sa'kin?" ani ni Rigaku.
Si Rigaku Iekami ay lumaki bilang isang simpleng mamayan ng Japan. Ngunit dahil sa angking galing at talino nito'y napansin siya ng dating presidente ng Tengoku Organization, dahilan upang mabilis na umangat ang antas ng kanyang pamumuhay mula sa pagiging mahirap na bata patungo sa pagiging scholar at paglipas ng panahon ay hinirang bilang bagong tagapamuno ng organisasyon. Masasabing perpekto ang lahat sa kanya mula sa panlabas at panloob na anyo, ang tanging kamalian lamang sa kanya ay ang pagiging pilyong lalaki.
"Hindi dahil do'n, gunggong! Alam mo bang galit na galit si Prime Minister, pinagsisigawan niya lang naman ako sa harap ng maraming tao." sambit ni Tadaki habang humahagulgol.
"Haha mukang malala nga naging problema n'yo ah. Buti 'di ka nilamon nang buhay ni Masashi." ani nito.
"Prime Minister kase yon, 'wag mo kalimutang gumalang kung gusto mo pang tumagal bilang president ng Tengoku. At sandali lang, ano ba talagang rason mo at nagtagal ka ng tatlong buwan sa Australia, President?" tanong ni Tadaki.
"HAHAHA!" malakas na tawa ni Rigaku.
"Tinikman ko lang naman ang mga reward nilang putahe para sa'kin." bulong nito kay Tadaki sabay kindat.
"Tch... sabi na nga ba, bwiset na playboy to!" inis na sabi nito sa kanyang sarili habang nakatitig ng masama kay Rigaku.
Narating nila Rigaku ang isang malaking pinto, ang silid kung saan nagaganap ang pagtitipon.
"Ngayon..." sambit nito sabay ayos sa kaniyang suot na polo.
Binuksan naman ni Tadaki ang malaking pinto.
"Sorry, na late ako nang pagdating..." sambit nito sabay ngiti.
Sa kabilang banda, ang helicopter na sumagip kay Taro ay nalalapit nang lumapag sa Hiroshima.